Dalawang araw na ang lumipas nang mangyari ang kidnapping. Dalawang araw na rin ang lumipas na nagkakaroon na ng bangungot si Ariah dahil sa nangyari. Ni hindi na siya makatulog ng maayos dahil palagi na lang siyang nagigising sa gitna ng gabi. Lalo na kapag napapanaginipan niya ang nakakatakot na lalaki. Palagi niya itong nakikita, yung malamig na mga matang nakatitig sa kaniya at ang mga nakakakilabot na ngisi sa mga labi nito. Sa tuwing naaalala niya iyon ay bumabalik ang araw na nakatali siya at walang nagawa kung saan ay tinatakot siya ng bawat salitang binibitawan nito. Nakakakilabot. Minsan napapatulala na lang siya, nagmumukha na siyang baliw. Minsan nga ay mukhang nagha-hallucinate na siya. Kahit ano-ano na lang ang nakikita niya. Iniisip na baka nasundan siya at minamanman. Minsan nga ay may nakikita siyang korteng anino sa labas ng apartment kaya lubos siyang nag-aalala. "Huyy. Ariah." Nabalik siya sariling huwisyo nang marinig ang boses ni Emily. Kaagad niya itong nil
Matapos ang pagtuturo ni Ariah ay dumiretso na siya sa mansyon nila Geralt. Iniwan niya lang dun si Shawn dahil may mga katulong naman na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Saka may mga guards rin na nakabantay para sa seguridad ng bahay. Kaya panatag siya na walang mangyayari sa kanila. Nakasakay na siya ngayon sa sasakyan na may isang guard na driver niya. Nag-iinsist kasi si Geralt na magkaroon siya ng bantay sa tuwing aalis siya at uuwi para siguradong walang mangyayari masama sa kaniya. Hindi na siya umangal pa dahil ayaw ring mapahamak siya. Pagdating niya sa mansyon ay lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok sa loob ng mansyon. Nasasabik na siyang makita ulit si Shawn. Syempre, priority niya ang pamangkin niya. May ngiti sa labi na pumasok siya sa loob. Pagpasok niya ay nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Shawn na karga ng isang babae. Si Venice. Umiiyak ang bata sa mga bisig nito, tila ba gustong makawala. Yung katulong na nagbabantay kay Shawn ay pilit na inaagaw ang ba
Kasalukuyan nang nagliligpit si Ariah ng mga gamit classroom. Kakatapos lang ng pagtuturo niya sa mga bata at nagsiuwian na sila isa-isa kasama ang mga magulang na sundo nila. Siya na lang ang natitira sa classroom ngayon at naghahanda na sa pag-alis niya. Nang matapos ay lumabas na siya at kinandado na ang pintuan. Ilang araw na rin na absent si Genesis dahil hindi pa rin sila umuuwi galing sa family vacation nila. Namiss niya tuloy ang bata. Lalo na yung pangungulit nito sa kaniya at pagtawag ng Teacher Pretty. Kailan kaya sila babalik? Nasasabik na siyang makita ulit si Genesis at makasama ito. Ewan niya ba, basta hinahanap-hanap niya na ang presensya ng bata. Lalo na kapag naiisip niya ang maamo at cute nitong mukha. Nakakagigil. This past few days, may bigla na lang din nagbago sa kaniya. Palagi na lang niyang hinahanap si Genesis, tanong pa siya ng tanong kay Geralt kung kailan babalik sila Genesis kasi gusto niya talaga itong makita. Walang nagawa si Geralt kundi tawagan s
Nagmamadaling umuwi si Ariah sa apartment. Hindi siya mapakali. Sa narinig niya tungkol sa mga katotohanan ay paano siya mapapakali? Ang isang tao na sobra na niyang pinagkatiwalaan ay may mga tinatago palang sekreto at ni isa sa mga yun ay hindi niya matanggap. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang tumakbo at binuksan ang apartment niya. Ramdam pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay habang ina-unlock ang pintuan gamit ang susi. Ngunit pinipigilan niya ang sarili na maging kalmado. Nang mabuksan ang pinto ay kaagad naman siyang tumakbo patungo sa kwarto niya. Pagkaraan ay bigla siyang napatigil. Nanginginig ang buo niyang katawan at labi dahil sa mga sari-saring emosyon na nararamdaman niya habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dressing table na may maliit na drawer kung saan niya nilagay ang mga luma niyang gamit at ng ate niya. Nang makalapit ay umupo siya sa silya roon. Nanginginig na binuksan niya ang drawer. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili na huwag umiy
inabukasan ay magdamag na nagkulong si Ariah sa kwarto niya. Hindi talaga siya lumabas. Sobra pa rin siyang nasaktan sa nalaman. Hanggang ngayon ay napapaluha pa rin siya kapag naaalala niya ang mga narinig kahapon. Tinawanan niya rin si Emily kagabi. Nang marinig ang pag-iyak niya sa phone ay kaagad itong pumunta sa apartment niya. Sinabi niya ang lahat nang nalaman niya, lahat ng narinig. Kahit si Emily ay hindi makapaniwala. "Uminom ka muna ng mainit na tubig. Kagabi ka pa iyak ng iyak, hindi ka na maawat." Wika ni Emily bago iniabot sa kaniya ang tasa ng mainit na tubig. Ngunit hindi niya iyon pinansin o tinanggap. Napabuntong hininga na lang si Emily bago inilayo ang tasa at nilagay sa bedside table. Pansin ang pamumula ng mata at ilong niya sa kakaiyak. Si Emily naman ay walang magawa. Naaawa na nga habang nakatingin sa kaniya na miserableng tingnan ang mukha na puno ng luha. "Tahan na. Awat ka na muna sa pag-iyak, Ariah." Lumapit ito at tumabi sa kaniya sa dulo ng kama.Hi
Tulala lang si Ariah na nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hating-gabi na, madilim ang paligid pati sa kwarto niya. Kanina pa siya gising at hindi makatulog dahil iniisip niya ang mga nangyari. Sinulyapan niya si Emily na mahimbing na natutulog sa tabi. Nag-insist kasi itong magstay para samahan siya. Natatakot na baka daw umiyak na naman siya. Huminga na lang ng malalim si Ariah bago muling humarap at tumitig sa kisame. Ni hindi niya maipikit ang mata para piliting matulog. Kahit naman na hindi pilitin niya ay wala pa ring mangyayari, hindi pa rin siya makakatulog. Ang pagmumukha ni Geralt ang nakikita niya at ang mga nangyari. Napalingon siya sa gilid niyang bedside table nang umilaw at nagring ang phone niya na nakapatong roon, nagpapahiwatig na may tumatawag. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama, nilingon pa niya si Emily. Mahimbing pa rin naman itong natutulog. Kinuha niya ang phone upang tingnan ang ID caller. Nakilala niya kaagad kung sino ang tumatawag.
"Sabing tumayo ka na. Ano ba? Nakakahiya ka na, ang daming taong nakatingin." Naiinis niyang saad at pilit na kinakalas ang kamay sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi nagpatinag si Geralt at mas lalong humigpit ang hawak sa kamay niya. "No, I said I don't care about the others." Pagmamatigas nito. "Please, baby. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako napapatawad. Promise, I'll be good. Hindi na ako maglilihin sayo. Just please, come back to me. I really need you, baby." Patuloy nitong pagsusumamo sa harap niya habang nakaluhod. Natuon ang tingin niya sa harap, naroon si Shaii na nakatingin sa kanila. Umiiling pa dahil sa pinaggagawa ni Geralt. Naririnig na rin nila ang pagbubulungan ng mga tao sa loob ng restaurant."Okay lang na mapahiya ako sa harap ng tao. Ipangangalandakan ko pa nga sa kanila kung gaano ako kasincere sayo. I love you, Ariah. I really do. And I will do everything I can to please you. I won't stop just so you could forgive me." Pakikiusap nito, mas hinigpitan p
"T-teacher, you're... pinching me too much.." Nang marinig niya ang reklamo ni Genesis ay doon niya lang napagtanto ang ginagawa niya. Kanina pa kasi siya nanggigigil sa bata at sa umbok nitong pisngi. Ang cute-cute niya kasi. Ayan, sobrang pinanggigilan niya at pinagkukurot ang pisngi nito. Hindi niya mapigilan. Kaagad naman niyang binitawan ang pisngi. Lumapit naman agad si Genesis at nakangusong tumabi kay Jeanna. Si Jeanna ay nagtataka ma'y walang nagawa kundi ang mapangiti. Medyo kumunot pa ang kaniyang noo habang taimtim na tinitigan si Ariah. Hindi naman ganito si Ariah noong una niyang makita ito. Saka sa pagkakaalam niya hindi rin ganun kumilos si Ariah tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya nakakapanibago lang ang kinikilos niya ngayon. "Ariah, Napansin ko lang. Parang may nagbago sayo?" Hindi nito mapigilang magtanong na ikinakunot ng kilay ni Ariah."Ako? Ano namang nagbago sakin?" Balik nitong tanong. Nagkibit-balikat lang si Jeanna na taimtim pa ring nakatitig sa kaniya.
Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito
"But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it
Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'
Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na