TULALA si Ariah habang nakamasid sa lapida na may pangalan ng kaniyang Ate. Kakalibing lang nito kanina ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Kanina pa siya natakayo roon at parang wala nang balak pang umalis. Umuulan na nang malakas ngunit parang wala lang iyon sa kaniya, basang-basa na ang kaniyang damit. Nakaluhod lang siya roon habang pinapanood ang lapida ng kaniyang yumaong Ate. Ayaw niyang mawala sa paningin ang kapatid maski ang lapida na may nakaukit na pangalan ng kaniyang Ate. Kanina ay halos gustuhin na niyang sumama sa hantungan ng kapatid at umiiyak na tinatawag ang pangalan nito. Buti na lang naroon ang kaniyang mga kaibigan upang pigilan siya. Pilit niya kasing inaawat ang mga lalaki na siyang nagbababa ng kabaong ng kaniyang Ate sa malalim na hukay. "Ariah, halika na. Umuwi na tayo. Kailangan mo nang magpahinga." Kung hindi lang lumapit si Emily na matalik niyang kaibigan ay hindi siya mababalik sa katinuan. "I can't. A-ayaw kong mawala siya sa panginin
NAGMAMADALING iniligpit ni Ariah ang mga gamit sa trabaho at umalis sa opisina niya. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng pagguhit at pinta sa mga bata sa pinapasukan niyang Jollijam Arts Center sa Makati. Mahilig kasi siya sa Art at iyon din ang kinuha niyang kurso. Natapos niya ang Fine Art na kurso bago pa pumanaw ang kaniyang Ate. Kaya ngayon ay nagtuturo siya sa mga bata ng Arts. Madalas naman ay tumatanggap siya ng mga college students na nagpapaturo ng arts sa kaniya. May mga paintings din siyang nagawa na napasok sa Art Gallery na ginagawang exhibit kung saan pinupuntahan ng mga tao.Pinili niya lang na magturo dahil iyon ang mas gusto niya. Bukod pa doon ay malalaki rin naman ang kinikita niya, sapat na para sa gastusin sa bahay. Iyon na lang din ang ginagawa niyang hanapbuhay at napamahal na sa kaniya ang trabaho. Dahil mahilig rin siya sa mga bata ay hindi na niya naiwan ang trabaho sapagkat napamahal na rin siya sa mga munting anghel na mga estudyante niya.Mabilis siyang nakar
SABADO NA. Noong Martes dinala si Shawn sa hospital at kinabukasan ay pinauwi na rin ito kaagad dahil bumaba na ang lagnat nito. Naalala niyang dalawin ang puntod ng kapatid. Noong Martes sana siya dadalaw pagkatapos niyang magturo ngunit hindi natuloy dahil timing rin ang pagtawag ni Emily na nasa hospital si Shawn kaya hindi na natuloy ang pagdalaw niya rito. Birthday kasi ng Ate niya noong Martes kaya gusto niya sana itong dalawin. Pagdating niya sa puntod nito ay may nakita siyang isang bungkos ng bulaklak sa gilid ng lapida nito. "Wow. Mabuti naman na may dumalaw sayo, akala ko ako lang. Nilinis pa ng sinumang iyon ang paligid mo bago lisanin. At...may iniwan pang bulaklak para sayo. Ikaw ha, nakahimlay ka na dya't lahat may secret admirer ka pa rin. I wonder, sino kayang dumalaw at nagbigay sayo ng bungkos ng bulaklak. Ang sweet naman ng taong iyon." Umupo siya sa damuhan katabi ng lapida ng kapatid at nilagay ang dalang bungkos ng bulaklak sa tapat nito. "Belated happy birth
NANG malaman ni Geralt ang nangyari kay Ariana, ang dati niyang nobya ay umalis kaagad siya sa US at bumalik sa Pilipinas. Ang US ang naging tirahan niya nang maghiwalay sila ng dating nobya. Dati ay madalas lang siyang pumupunta roon, lalo't kung tungkol lang sa business. May ilang kompanya na ipinamana sa kaniya ang kaniyang ama sa US, may tatlo naman sa Pilipinas. Dahil mas mahal niya sa Pilipinas ay doon niya mas gustong tumira. Doon niya rin nakilala ang dating nobya na si Ariana. Ang taong sobra niyang mimahal at pinangakuan ng kasal ngunit sa huli ay nagawa niya pa ring saktan dahilan upang hiwalayan siya nito. Hindi na niya nagawa pang humingi ng tawad rito. Nang umalis siya sa bansa ay hindi niya sinubukang tawagan ito upang kamustahin. Dahil sa sakit na kaniyang ginawa rito ay hindi niya kayang humarap pa sa babae. Kaya naisipan niyang umalis. Sa loob dalawang taon ay nanirahan siya sa US, inisubsob ang sarili sa trabaho upang may mapatunayan. At nang handa na siyang patuna
MATAPOS bisitahin ni Geralt ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naisipan niyang ipasyal ang pamangkin at bilhan ng mga laruan at gamit na pambata. Para man lang makabawi siya sa ilang taong hindi nakita ang pamangkin, isa pa ay nasasabik rin siyang makita at makasama ang bata. Kaya gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makasama si Genesis. Nasa loob siya ng bilihan ng mga items at laruan para sa bata sa mga sandaling iyon. Namimili ng mga gamit para kay Genesis, isinama niya rin ang kaniyang Ate na namimili rin ng mga gamit sa bata. Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng gamit nang may mamataan siyang babae, pamilyar ito sa kaniya na para bang nakita na niya somewhere. Namimili rin ito ng mga gamit para sa bata. Syempre, wala ito doon kung hindi. Tinitigan niya ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto niyang iyon ang babaeng nakabunggo kay Shaii sa restaurant nito. Nakasuot lang ito ng simpleng damit at pantalon ngunit nababakat pa rin ang hubog ng katawan nito. Kasalukuyan niyang
KASALUKUYAN na nagtuturo si Ariah sa mga estudyante niya. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala na siya sa pagtuturo at halos tinututukan niya talaga ng atensyon ang pagbibigay ng tasks ang mga bata. Ngayon ay walang pinagbago. Syempre naman, nagpupursige pa rin talaga siya sa pagtatrabaho kahit marami pa iyong gawain. "Ms. De Guzman, please come outside. May kailangan lang akong sabihin sayo." Napalingon siya sa principal na nakatayo sa pintuan ng kaniyang classroom. Kaagad naman siyang lumapit rito. Napalingon siya sa dalawang tao sa likod nito. "I would like you to meet Mrs. Levarda. She's here now to sign up her son for an art classes.. You will be his teacher." Tumango siya at ngumiting lumingon sa babae. Maganda ang babae, maputi at mukhang may lahi. Mukhang mayaman rin base sa pananamit nito. Shocked! Ang gwapo at ang cute rin ng anak nito nang lingunin niya. "Good morning, Ma'am. I'm Ariah De Guzman, an Art teacher of this school. Nice to meet you," she lend
"UNCLE G!" Napalingon siya kay Genesis nang tumili ito at tumakbo palapit sa lalaki. Mas lalo pa siyang nagtaka. Kung ganun kilala ng bata ang lalaki at hindi lang ito naligaw dahil nandito talaga siya para kay Genesis?Inalis na ng lalaki ang tingin sa kaniya na mukhang natauhan nang makitang palapit sa kaniya ang bata. Walang hirap na kinarga nito ang bata, parang hindi nakaramdam ng bigat. "There, there little one. How was your day at school?" Marahan lang at maingat ang pagkakasabi ng malalim nitong boses sa bata. "Great! I learned a lot from teacher pretty!" Masigla namang tugon ng bata habang sinisipsip ang lollipop na hawak."Why are you eating candy? Does your Mommy know about it?" Sumigid naman ang lungkot ng bata na nakatitig sa kaniya."Please don't tell Mommy, uncle G! I don't wanna be scold by her.." Tumaas ang labi nito na nakatingin sa bata. "So, your Mom doesn't know about you eating candy, huh? Who gave you that?" "Teacher pretty.. please don't get mad at her! I j
MATAPOS sunduin ni Geralt si Genesis ay isinama niya ito sa safehouse ng kaniyang kaibigan na si Kleo. Nadatnan niya ang iba pa nilang kaibigan na may kaniya-kaniyang ginagawa. Naglalakad sila papasok habang hawak niya ang maliit na kamay ni Genesis. "Yow! Mr. Levarda! Long time no see!" Kaagad siyang nilapitan ng tatlo, si Conrad, Freid at Eike. Sila ang kabilang sa mga kaibigan niya. Naabutan niya si Kleo na nililinis ang baril niya. Mukhang seryoso sa ginagawa at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Nakatagilid ito ngunit kitang-kita niya ang seryoso nitong mukha habang abala sa ginagawa sa kaniyang baril. "Uncle Conny!" Natawa na lang si Geralt nang kaagad kumawala si Genesis sa kaniya at tumakbo palapit kay Conrad. "Conny" ang tawag ni Genesis sa lalaki dahil masyado daw mahaba ang "Conrad" para sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit iyon naisipan ng pamangkin niya. Ang talino rin ng batang ito. Ang daming alam. "There, there. Ang laki mo na." Komento naman ni Conrad mat
"T-teacher, you're... pinching me too much.." Nang marinig niya ang reklamo ni Genesis ay doon niya lang napagtanto ang ginagawa niya. Kanina pa kasi siya nanggigigil sa bata at sa umbok nitong pisngi. Ang cute-cute niya kasi. Ayan, sobrang pinanggigilan niya at pinagkukurot ang pisngi nito. Hindi niya mapigilan. Kaagad naman niyang binitawan ang pisngi. Lumapit naman agad si Genesis at nakangusong tumabi kay Jeanna. Si Jeanna ay nagtataka ma'y walang nagawa kundi ang mapangiti. Medyo kumunot pa ang kaniyang noo habang taimtim na tinitigan si Ariah. Hindi naman ganito si Ariah noong una niyang makita ito. Saka sa pagkakaalam niya hindi rin ganun kumilos si Ariah tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya nakakapanibago lang ang kinikilos niya ngayon. "Ariah, Napansin ko lang. Parang may nagbago sayo?" Hindi nito mapigilang magtanong na ikinakunot ng kilay ni Ariah."Ako? Ano namang nagbago sakin?" Balik nitong tanong. Nagkibit-balikat lang si Jeanna na taimtim pa ring nakatitig sa kaniya.
"Sabing tumayo ka na. Ano ba? Nakakahiya ka na, ang daming taong nakatingin." Naiinis niyang saad at pilit na kinakalas ang kamay sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi nagpatinag si Geralt at mas lalong humigpit ang hawak sa kamay niya. "No, I said I don't care about the others." Pagmamatigas nito. "Please, baby. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako napapatawad. Promise, I'll be good. Hindi na ako maglilihin sayo. Just please, come back to me. I really need you, baby." Patuloy nitong pagsusumamo sa harap niya habang nakaluhod. Natuon ang tingin niya sa harap, naroon si Shaii na nakatingin sa kanila. Umiiling pa dahil sa pinaggagawa ni Geralt. Naririnig na rin nila ang pagbubulungan ng mga tao sa loob ng restaurant."Okay lang na mapahiya ako sa harap ng tao. Ipangangalandakan ko pa nga sa kanila kung gaano ako kasincere sayo. I love you, Ariah. I really do. And I will do everything I can to please you. I won't stop just so you could forgive me." Pakikiusap nito, mas hinigpitan p
Tulala lang si Ariah na nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hating-gabi na, madilim ang paligid pati sa kwarto niya. Kanina pa siya gising at hindi makatulog dahil iniisip niya ang mga nangyari. Sinulyapan niya si Emily na mahimbing na natutulog sa tabi. Nag-insist kasi itong magstay para samahan siya. Natatakot na baka daw umiyak na naman siya. Huminga na lang ng malalim si Ariah bago muling humarap at tumitig sa kisame. Ni hindi niya maipikit ang mata para piliting matulog. Kahit naman na hindi pilitin niya ay wala pa ring mangyayari, hindi pa rin siya makakatulog. Ang pagmumukha ni Geralt ang nakikita niya at ang mga nangyari. Napalingon siya sa gilid niyang bedside table nang umilaw at nagring ang phone niya na nakapatong roon, nagpapahiwatig na may tumatawag. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama, nilingon pa niya si Emily. Mahimbing pa rin naman itong natutulog. Kinuha niya ang phone upang tingnan ang ID caller. Nakilala niya kaagad kung sino ang tumatawag. S
inabukasan ay magdamag na nagkulong si Ariah sa kwarto niya. Hindi talaga siya lumabas. Sobra pa rin siyang nasaktan sa nalaman. Hanggang ngayon ay napapaluha pa rin siya kapag naaalala niya ang mga narinig kahapon. Tinawanan niya rin si Emily kagabi. Nang marinig ang pag-iyak niya sa phone ay kaagad itong pumunta sa apartment niya. Sinabi niya ang lahat nang nalaman niya, lahat ng narinig. Kahit si Emily ay hindi makapaniwala. "Uminom ka muna ng mainit na tubig. Kagabi ka pa iyak ng iyak, hindi ka na maawat." Wika ni Emily bago iniabot sa kaniya ang tasa ng mainit na tubig. Ngunit hindi niya iyon pinansin o tinanggap. Napabuntong hininga na lang si Emily bago inilayo ang tasa at nilagay sa bedside table. Pansin ang pamumula ng mata at ilong niya sa kakaiyak. Si Emily naman ay walang magawa. Naaawa na nga habang nakatingin sa kaniya na miserableng tingnan ang mukha na puno ng luha. "Tahan na. Awat ka na muna sa pag-iyak, Ariah." Lumapit ito at tumabi sa kaniya sa dulo ng kama.Hi
Nagmamadaling umuwi si Ariah sa apartment. Hindi siya mapakali. Sa narinig niya tungkol sa mga katotohanan ay paano siya mapapakali? Ang isang tao na sobra na niyang pinagkatiwalaan ay may mga tinatago palang sekreto at ni isa sa mga yun ay hindi niya matanggap. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang tumakbo at binuksan ang apartment niya. Ramdam pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay habang ina-unlock ang pintuan gamit ang susi. Ngunit pinipigilan niya ang sarili na maging kalmado. Nang mabuksan ang pinto ay kaagad naman siyang tumakbo patungo sa kwarto niya. Pagkaraan ay bigla siyang napatigil. Nanginginig ang buo niyang katawan at labi dahil sa mga sari-saring emosyon na nararamdaman niya habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dressing table na may maliit na drawer kung saan niya nilagay ang mga luma niyang gamit at ng ate niya. Nang makalapit ay umupo siya sa silya roon. Nanginginig na binuksan niya ang drawer. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili na huwag umiy
Kasalukuyan nang nagliligpit si Ariah ng mga gamit classroom. Kakatapos lang ng pagtuturo niya sa mga bata at nagsiuwian na sila isa-isa kasama ang mga magulang na sundo nila. Siya na lang ang natitira sa classroom ngayon at naghahanda na sa pag-alis niya. Nang matapos ay lumabas na siya at kinandado na ang pintuan. Ilang araw na rin na absent si Genesis dahil hindi pa rin sila umuuwi galing sa family vacation nila. Namiss niya tuloy ang bata. Lalo na yung pangungulit nito sa kaniya at pagtawag ng Teacher Pretty. Kailan kaya sila babalik? Nasasabik na siyang makita ulit si Genesis at makasama ito. Ewan niya ba, basta hinahanap-hanap niya na ang presensya ng bata. Lalo na kapag naiisip niya ang maamo at cute nitong mukha. Nakakagigil. This past few days, may bigla na lang din nagbago sa kaniya. Palagi na lang niyang hinahanap si Genesis, tanong pa siya ng tanong kay Geralt kung kailan babalik sila Genesis kasi gusto niya talaga itong makita. Walang nagawa si Geralt kundi tawagan s
Matapos ang pagtuturo ni Ariah ay dumiretso na siya sa mansyon nila Geralt. Iniwan niya lang dun si Shawn dahil may mga katulong naman na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Saka may mga guards rin na nakabantay para sa seguridad ng bahay. Kaya panatag siya na walang mangyayari sa kanila. Nakasakay na siya ngayon sa sasakyan na may isang guard na driver niya. Nag-iinsist kasi si Geralt na magkaroon siya ng bantay sa tuwing aalis siya at uuwi para siguradong walang mangyayari masama sa kaniya. Hindi na siya umangal pa dahil ayaw ring mapahamak siya. Pagdating niya sa mansyon ay lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok sa loob ng mansyon. Nasasabik na siyang makita ulit si Shawn. Syempre, priority niya ang pamangkin niya. May ngiti sa labi na pumasok siya sa loob. Pagpasok niya ay nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Shawn na karga ng isang babae. Si Venice. Umiiyak ang bata sa mga bisig nito, tila ba gustong makawala. Yung katulong na nagbabantay kay Shawn ay pilit na inaagaw ang ba
Matapos ang pagtuturo ni Ariah ay dumiretso na siya sa mansyon nila Geralt. Iniwan niya lang dun si Shawn dahil may mga katulong naman na pwedeng mag-alaga sa kaniya. Saka may mga guards rin na nakabantay para sa seguridad ng bahay. Kaya panatag siya na walang mangyayari sa kanila. Nakasakay na siya ngayon sa sasakyan na may isang guard na driver niya. Nag-iinsist kasi si Geralt na magkaroon siya ng bantay sa tuwing aalis siya at uuwi para siguradong walang mangyayari masama sa kaniya. Hindi na siya umangal pa dahil ayaw ring mapahamak siya. Pagdating niya sa mansyon ay lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok sa loob ng mansyon. Nasasabik na siyang makita ulit si Shawn. Syempre, priority niya ang pamangkin niya. May ngiti sa labi na pumasok siya sa loob.Pagpasok niya ay nawala ang kaniyang ngiti nang makita si Shawn na karga ng isang babae. Si Venice. Umiiyak ang bata sa mga bisig nito, tila ba gustong makawala. Yung katulong na nagbabantay kay Shawn ay pilit na inaagaw ang bata
"Uuwi na ako. Siguradong hinihintay na naman ako ni Shawn." Tumayo na si Ariah sa hospital bed. Gustong-gusto niya na talagang umuwi ngayon. Bukod pa doon ay ayaw niya ring manatili sa hospital ng ilang oras, maaalibadbaran lang siya roon. Isa pa ay hindi niya rin gusto ang amoy sa loob, amoy medisina. Ngunit kahit ganun ay hindi niya pa rin mapigilan na humanga sa paligid. Ang laki kasi ng building, ibang-iba sa normal at simpleng hospital na pinupuntahan niya sa tuwing dinadala niya si Shawn para ipacheck-up. Ang sabi ni Geralt ay pagmamay-ari raw ito ng isa niyang kaibigan. At dinala daw siya dito for private. Baka may iba daw kasing grupo ng sindikato na makakilala sa kaniya kapag sa ibang hospital siya dadalhin. "Are you sure? You might suddenly panic again and faint. You can stay here for a while. I'll take care of Shawn so you wouldn't worry anymore." May pag-aalala sa boses nito. Umiling lang si Ariah. "Hindi na, ano ka ba? Okay na ako. Ikaw naman, masyado kang OA dyan. Si