NAGMAMADALING iniligpit ni Ariah ang mga gamit sa trabaho at umalis sa opisina niya. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng pagguhit at pinta sa mga bata sa pinapasukan niyang Jollijam Arts Center sa Makati. Mahilig kasi siya sa Art at iyon din ang kinuha niyang kurso. Natapos niya ang Fine Art na kurso bago pa pumanaw ang kaniyang Ate. Kaya ngayon ay nagtuturo siya sa mga bata ng Arts. Madalas naman ay tumatanggap siya ng mga college students na nagpapaturo ng arts sa kaniya. May mga paintings din siyang nagawa na napasok sa Art Gallery na ginagawang exhibit kung saan pinupuntahan ng mga tao.
Pinili niya lang na magturo dahil iyon ang mas gusto niya. Bukod pa doon ay malalaki rin naman ang kinikita niya, sapat na para sa gastusin sa bahay. Iyon na lang din ang ginagawa niyang hanapbuhay at napamahal na sa kaniya ang trabaho. Dahil mahilig rin siya sa mga bata ay hindi na niya naiwan ang trabaho sapagkat napamahal na rin siya sa mga munting anghel na mga estudyante niya. Mabilis siyang nakarating sa hospital na sinabi sa kaniya ni Emily. Nang maabutan roon sa higaan ang natutulog na batang si Shawn ay kaagad siyang lumapit rito. "Anong nangyari?" Tanong niya sa kaibigan. Doon niya lang nakita ang lalaking doctor sa tabi ni Emily. "He's fine now. Nagkaroon lang siya ng lagnat. Chineck ko na siya and pinainom na rin ng gamot. Ang kailangan mo na lang gawin ay painumin siya ng mga vitamins na nireseta ko every 6 hours. Wala ka namang iba pang alalahanin, just be with him and take good care of him." Kahit na nakadama siya ng kaginhawaan sa narinig mula sa doctor ay hindi pa rin naalis ang kaniyang pag-aalala para kay Shawn. He's everything to her at hindi niya kayang makita na may mangyaring masama rito. Kahit nga lamok ay hindi niya hinahayaang dumampi sa balat nito. Sobra siyang maingat sa bata dahil mahal niya ito. Tiningnan muna siya ng doktor na nag-asikaso kay Shawn bago ito tumalikod at umalis sa gawi nila. Lumapit naman sa kaniya si Emily habang pinagmamasdan niya ang mahimbing na tulog ni Shawn. "Gosh, I can't stand to see him lying on thad bed. Dapat sa malambot na kama niya siya natutulog hindi dyan sa makipot na higaan." "Sinabi mo pa. Pero saglit lang naman siya dito. He will be home again once na gumaling na siya. Sana bukas na bukas na rin makalabas na siya rito." Sinuklay niya ang makapal at blonde nitong buhok at pinagmasdan ang pogi nitong mukha. Napapangiti talaga siya pag nakikita niya ang mala-anghel nitong mukha. "Akalain mo naman, na sa edad na dalawa ay makikita na ang kapogian ng batang iyan. Kung sino man ang ama niyan, siguradong nagmana iyang si Shawn sa kaniya." Nawala ang ngiti niya nang banggitin ni Emily ang ama ni Shawn. Walang sinabi ang kaniyang Ate kung sino ang ama ni Shawn kaya hindi niya ito makilala. Nais niya sanang hanapin ito at sabihing mayroon itong anak sa kaniyang Ate. Pero siguro ayos na rin iyong hindi nito alam na may anak ito. Dahil na rin sa takot na baka kunin sa kaniya si Shawn ng kung sinumang ama nito ay hindi na niya tinangka pang hanapin o kilalanin ang taong iyon. Ang mahalaga ay nasa piling niya si Shawn at siya lang ang pamilya nito. Naaalala niya naman iyong panahon na nabubuhay pa ang kaniyang Ate. Ipinagbubuntis na nito si Shawn sa mga sandaling iyon. Walong buwan na ang tiyan nito kaya malaki na ang umbok niyon. Kahit na hirap sa pagbubuntis ay pinilit pa rin ng kaniyang Ate na magtrabaho para tustusan ang kaniyang pag-aaral. Isang buwan na lang ay gagraduate na siya sa kolehiyo at kailangan niya nang makabayad sa huling tuition f*e na medyo tumataas na. Bagaman wala pa siyang trabaho nun ay yung Ate niya ang gumawa ng paraan para lang makapagpabayad siya ng kolehiyo. Pinilit niya ito na huwag nang alalahanin ang gastusin niya sa eskwelahan at mas pagtuunan ang pagbubuntis nito ngunit nagmatigas ito. Desidedo itong patapusin siya sa Kolehiyo. Kahit noong huling buwan na ng pagbubuntis ng kaniyang Ate ay nagtrabaho pa rin ito. Hanggang sa dumating ang graduation niya. Masaya siyang umuwi sa apartment ng Ate niya kung saan rin siya nakatira. May naabutan siyang mga handa at cake. May nakasabit pa sa dingding na tarpaulin na may picture niya at may nakalagay na Congratulations sa kasunod ng buo niyang pangalan at kurso. Napalis ang kaniyang ngiti nang walang tao, wala ang Ate niya. Nang may tumawag ang kaniyang kaibigan at sinabi ang nangyari ay dali-dali siyang pumunta sa hospital. Ngunit huli na siya. Wala na itong malay nang abutan niya. Ang sabi ng doktor ay hindi daw nito kinaya ang panganganak, marami daw ang dugong nawala rito. Buong linggo niyang pinagluksaan ang pagkawala ng kapatid. Sobrang lugmok siya sa pagkawala ng ate niya. Una ay ang pagkawala ng mga magulang nang hindi nakaligtas sa nasusunog nilang dating tahanan, ngayon naman ay ang kaisa-isang tao na natitira na lang sa kaniya. Nabago lang ang lahat nang masilayan niya ang mukha ng munting anghel sa kaniyang harapan. Nang masilayan ito ay tila ba'y nawala ang lahat ng kaniyang hinanakit. Parang binuhay siyang muli ng munting anghel kahit natutulog ito. Bukod pa roon ay hindi niya ring nakalimutan na pangalanin itong Shawn na gustong ibigay ng kaniyang Ate rito kapag naipanganak niya. Tinupad niya ang gusto ng kapatid. "Anyways, napansin ko lang yung titig sayo nung doktor. May gusto yata siya sayo eh." Nawala ang mga iniisip niya sa nakaraan nang ibahin na nito ang usapan. Kumunot naman ang kaniyang noo na binalingan ito. "Hindi naman siguro. Ikaw kahit ano na lang ang napapansin mo." "Eh, sa ganun ang nakita ko. Halata naman kasi talaga sa titig niya sayo. Ang hirap kasi sayo, hindi mo pinapansin ang mga nasa paligid mo kaya hindi mo nakikita ang mga titig ng mga kalalakihan. Naku, kung alam mo lang kung gaano sila makatingin sa tuwing nakikita ka. Di mo lang napapansin kasi mas nakafocus ka kay Shawn." "Ganun naman kasi dapat diba? Kailangan kong bantayan si Shawn. Hindi ko kailangang ibaling ang atensyon sa ibang bagay kung nandyan naman si Shawn at nagbibigay ng kaligayahan sakin." Tumaas naman ang isang kilay nito sa kaniya. "At ano namang akala mo, magiging happy ka forever dahil lang sa kasama mo si Shawn palagi? Naku Ariah, hindi ganun iyon. Baka nga magsawa pa si Shawn paglaki niyan na kasa-kasama ka." Muling nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. "Anong gusto mong iparating, na magsasawa rin si Shawn sakin? Na hindi na niya ako gustong makasama, ganun?" Bulalas niya rito. "Hindi naman sa ganun. Pero pwede ring mangyari iyon. Ang ipunupunto ko lang ay hindi mo dapat inilalaan ang buong atensyon mo kay Shawn. Pagtuunan mo rin ng tingin yung ibang bagay, yung ibang tao. Ariah, ang bata ay hindi nananatiling bata. Lumalaki yan tulad ng paglaki natin. Sa susunod pang mga taon, mamamalayan mo na lang na binata na si Shawn at lagpas na sa kalendaryo ang edad mo. Syempre, hindi naman papayag si Shawn na sa paglaki niya ay palagi ka niyang kasama. Masyado mo na siyang binibaby pag ganun. Isa pa, papayag ka bang hindi magkaroon ng sariling pamilya bukod kay Shawn?" Napailing naman siya sa huli nitong tanong. "Iyon naman pala eh. Kaya dapat ngayon pa lang ay humanap ka na ng tao na maaaring nakalaan na sa iyo." Pinagmasdan niya muna ang maamong mukha ni Shawn at bumuntong hininga. "No, saka ko na iyan iisipin. Tingnan mo, two years old pa lang si Shawn. Masyado pa siyang bata para pabayaan. Kailangan pa niya ng pag-aaruga ko. I think, ibibigay ko muna sa kaniya ngayon ang buong atensyon." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan. "Bahala ka. Pero, I think kailangan mo rin ng kaagapay sa pag-aalaga dyan kay Shawn. Hindi naman pwedeng sakin mo na lang palaging pinapabantay sakin ang bata. Well, wala namang kaso sakin yun. Kaso marami rin kasi akong ginagawa kaya hindi ko rin siya maaalagaan ng maayos." Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Tama nga naman ang kaibigan, tulad niya ay may trabaho rin ito. May mga inaasikaso rin ito na importante kaya hindi talaga nitong maaalagaan ng maayos si Shawn. "Maghanap kaya ako ng yaya niya?" Agad niyang tanong, iyon lang ang naisip niyang paraan. "Pwede rin naman. Pero, baka mahirapan ka. Babayaran mo pa ng doble ang magiging yaya ni Shawn kapag kukuha ka. Eh, diba nga kahit na malaki ang kinikita mo sa trabaho ay madalas nakukulangan pa dahil sa mga kailangan ni Shawn? Isabay pa yung madalas niyang pagkakasakit, syempre bibili ka pa ng mga gamot at vitamins niya diba?" Oo nga naman, may punto rin ito. Wala na atang mali sa mga sinabi ng kaibigan niya. "Eh, anong gagawin ko?" "Ano pa nga ba? Eh, di sakin mo pa rin ipabantay si Shawn. Hindi ko naman sinabing ngayon ka na humanap ng boyfriend. Suggestions ko pa lang naman sa iyong yung mga sinabi ko kanina. Basta, pag-iisipan mo pa rin ang sinabi ko. Para lang din naman kay Shawn itong sinasabi ko sa iyo." Hindi na siya nagsalita pa at muling sinulyapan si Shawn.SABADO NA. Noong Martes dinala si Shawn sa hospital at kinabukasan ay pinauwi na rin ito kaagad dahil bumaba na ang lagnat nito. Naalala niyang dalawin ang puntod ng kapatid. Noong Martes sana siya dadalaw pagkatapos niyang magturo ngunit hindi natuloy dahil timing rin ang pagtawag ni Emily na nasa hospital si Shawn kaya hindi na natuloy ang pagdalaw niya rito. Birthday kasi ng Ate niya noong Martes kaya gusto niya sana itong dalawin. Pagdating niya sa puntod nito ay may nakita siyang isang bungkos ng bulaklak sa gilid ng lapida nito. "Wow. Mabuti naman na may dumalaw sayo, akala ko ako lang. Nilinis pa ng sinumang iyon ang paligid mo bago lisanin. At...may iniwan pang bulaklak para sayo. Ikaw ha, nakahimlay ka na dya't lahat may secret admirer ka pa rin. I wonder, sino kayang dumalaw at nagbigay sayo ng bungkos ng bulaklak. Ang sweet naman ng taong iyon." Umupo siya sa damuhan katabi ng lapida ng kapatid at nilagay ang dalang bungkos ng bulaklak sa tapat nito. "Belated happy birth
NANG malaman ni Geralt ang nangyari kay Ariana, ang dati niyang nobya ay umalis kaagad siya sa US at bumalik sa Pilipinas. Ang US ang naging tirahan niya nang maghiwalay sila ng dating nobya. Dati ay madalas lang siyang pumupunta roon, lalo't kung tungkol lang sa business. May ilang kompanya na ipinamana sa kaniya ang kaniyang ama sa US, may tatlo naman sa Pilipinas. Dahil mas mahal niya sa Pilipinas ay doon niya mas gustong tumira. Doon niya rin nakilala ang dating nobya na si Ariana. Ang taong sobra niyang mimahal at pinangakuan ng kasal ngunit sa huli ay nagawa niya pa ring saktan dahilan upang hiwalayan siya nito. Hindi na niya nagawa pang humingi ng tawad rito. Nang umalis siya sa bansa ay hindi niya sinubukang tawagan ito upang kamustahin. Dahil sa sakit na kaniyang ginawa rito ay hindi niya kayang humarap pa sa babae. Kaya naisipan niyang umalis. Sa loob dalawang taon ay nanirahan siya sa US, inisubsob ang sarili sa trabaho upang may mapatunayan. At nang handa na siyang patuna
MATAPOS bisitahin ni Geralt ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naisipan niyang ipasyal ang pamangkin at bilhan ng mga laruan at gamit na pambata. Para man lang makabawi siya sa ilang taong hindi nakita ang pamangkin, isa pa ay nasasabik rin siyang makita at makasama ang bata. Kaya gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makasama si Genesis. Nasa loob siya ng bilihan ng mga items at laruan para sa bata sa mga sandaling iyon. Namimili ng mga gamit para kay Genesis, isinama niya rin ang kaniyang Ate na namimili rin ng mga gamit sa bata. Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng gamit nang may mamataan siyang babae, pamilyar ito sa kaniya na para bang nakita na niya somewhere. Namimili rin ito ng mga gamit para sa bata. Syempre, wala ito doon kung hindi. Tinitigan niya ito nang mabuti hanggang sa mapagtanto niyang iyon ang babaeng nakabunggo kay Shaii sa restaurant nito. Nakasuot lang ito ng simpleng damit at pantalon ngunit nababakat pa rin ang hubog ng katawan nito. Kasalukuyan niyang
KASALUKUYAN na nagtuturo si Ariah sa mga estudyante niya. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala na siya sa pagtuturo at halos tinututukan niya talaga ng atensyon ang pagbibigay ng tasks ang mga bata. Ngayon ay walang pinagbago. Syempre naman, nagpupursige pa rin talaga siya sa pagtatrabaho kahit marami pa iyong gawain. "Ms. De Guzman, please come outside. May kailangan lang akong sabihin sayo." Napalingon siya sa principal na nakatayo sa pintuan ng kaniyang classroom. Kaagad naman siyang lumapit rito. Napalingon siya sa dalawang tao sa likod nito. "I would like you to meet Mrs. Levarda. She's here now to sign up her son for an art classes.. You will be his teacher." Tumango siya at ngumiting lumingon sa babae. Maganda ang babae, maputi at mukhang may lahi. Mukhang mayaman rin base sa pananamit nito. Shocked! Ang gwapo at ang cute rin ng anak nito nang lingunin niya. "Good morning, Ma'am. I'm Ariah De Guzman, an Art teacher of this school. Nice to meet you," she lend
"UNCLE G!" Napalingon siya kay Genesis nang tumili ito at tumakbo palapit sa lalaki. Mas lalo pa siyang nagtaka. Kung ganun kilala ng bata ang lalaki at hindi lang ito naligaw dahil nandito talaga siya para kay Genesis?Inalis na ng lalaki ang tingin sa kaniya na mukhang natauhan nang makitang palapit sa kaniya ang bata. Walang hirap na kinarga nito ang bata, parang hindi nakaramdam ng bigat. "There, there little one. How was your day at school?" Marahan lang at maingat ang pagkakasabi ng malalim nitong boses sa bata. "Great! I learned a lot from teacher pretty!" Masigla namang tugon ng bata habang sinisipsip ang lollipop na hawak."Why are you eating candy? Does your Mommy know about it?" Sumigid naman ang lungkot ng bata na nakatitig sa kaniya."Please don't tell Mommy, uncle G! I don't wanna be scold by her.." Tumaas ang labi nito na nakatingin sa bata. "So, your Mom doesn't know about you eating candy, huh? Who gave you that?" "Teacher pretty.. please don't get mad at her! I j
MATAPOS sunduin ni Geralt si Genesis ay isinama niya ito sa safehouse ng kaniyang kaibigan na si Kleo. Nadatnan niya ang iba pa nilang kaibigan na may kaniya-kaniyang ginagawa. Naglalakad sila papasok habang hawak niya ang maliit na kamay ni Genesis. "Yow! Mr. Levarda! Long time no see!" Kaagad siyang nilapitan ng tatlo, si Conrad, Freid at Eike. Sila ang kabilang sa mga kaibigan niya. Naabutan niya si Kleo na nililinis ang baril niya. Mukhang seryoso sa ginagawa at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Nakatagilid ito ngunit kitang-kita niya ang seryoso nitong mukha habang abala sa ginagawa sa kaniyang baril. "Uncle Conny!" Natawa na lang si Geralt nang kaagad kumawala si Genesis sa kaniya at tumakbo palapit kay Conrad. "Conny" ang tawag ni Genesis sa lalaki dahil masyado daw mahaba ang "Conrad" para sa kaniya. Ewan niya ba kung bakit iyon naisipan ng pamangkin niya. Ang talino rin ng batang ito. Ang daming alam. "There, there. Ang laki mo na." Komento naman ni Conrad mat
PINAPAKAIN na ni Conrad si Genesis habang nakaupo sa kandungan niya. Kanina habang naglalaro ang bata ay nadapa ito na ipinag-alala nila at ikinabahala. Nakaramdam sila ng ginhawa nang hindi umiyak ang bata at pinagpagan pa ang sarili na nadumihan. Lihim pa silang apat na umiling at ngumisi. Hindi naman siya ganun nung bata pa siya, pati rin yung bunso nilang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay hindi rin ganun ang asawa ng kaniyang ate nung nagkwento ito sa kanila patungkol nung bata pa siya. Umiiyak din daw iyon pag nadadapa. Hindi niya lang alam kung saan nagmana ang batang iyon. "There you go, you're done.. Masiba ka rin sa pagkain, ano?" Komento ni Conrad nang makitang ubos na nga ang pagkain sa platito ng bata. Bawal sanang kumain ng matatamis ang bata dahil siguradong pagagalitan na naman ito ni Jeanna. Ngunit wala siyang magawa dahil nagutom na si Genesis at iyon lang din ang pagkain na meron sa ref. Nagpaalam si Kleo kanina na tutungo sa kaniyang silid na hinayaan lang ni
"ANO na naman bang gusto mong mangyari, Emily? Bakit mo ako papupuntahin dun sa restaurant na yun?" Nasa loob na siya ng taxi nang tumawag si Emily sa kaniya. Kakatawag pa lang ay may iniutos na naman sa kaniya. Puntahan daw yung sikat na restaurant na kinainan nila nung nakaraang araw. "Naiwan ko kasi yung wallet ko dun. Nandun pa naman ang iba na mahahalaga kong ID's." Tinaasan niya ito ng kilay kahit hindi naman nito nakikita. "Eh, bakit ako pa ang papupuntahin mo dun? Bakit hindi na lang ikaw? Saka bakit mo kasi naiwan?" "Yun na nga. Eh, hindi ko makuha kasi nasa trabaho pa ako. Hindi ako pwedeng magleave ngayon, marami kaming client. Nakalimutan ko rin eh, di ko naalala." Abala siya sa paghalungkat sa bag niya at hinahanap ang wallet sa loob. Nakaipit ang phone niya sa pagitan ng balikat at tenga habang naghahalungkat sa bag at kinakausap si Emily sa kabilang linya. "Bakit hindi mo na lang ipadala dyan sa opisina mo? Pwede mo namang tawagan." Saad niya na patuloy pa
Tatlong baso na ng alak ang nainom ni Geralt pero hindi pa rin siya natatablan ng kalasingan. Heto't gising pa rin ang diwa niya pero nasa malayong panig ng mundo ang isip niya. Ilang ulit na siyang bumuga ng hangin pero hindi pa rin napapanatag o nakakalma ang sarili niya. Nasa safehouse siya ngayon ni Kleo, doon naman talaga ang takbuhan niya sa tuwing wala siyang ginagawa o kung may problema siya. Kasama niya rin ngayon yung tatlong kaibigan. Si Kleo ay wala na naman. Hindi niya alam kung saan iyon nagpunta, wala rin siyang balak na alamin pa sa ngayon dahil may sarili siyang problema. "Hey, yow Geralt. Ano naman iyang hitsura mo? Para kang natalo ng milyon-milyong loto." Hindi niya pinansin si Freid at inisang lagok ang laman ng baso. Hindi alintana ang mapait na lasa na dumaloy sa kaniyang lalamunan. "Shut up, Freid. Wala ako sa oras para makipagbiruan. Malaki ang problema ko ngayon." Naiirita ang boses niyang saad rito. Bumuga ng marahas na hangin si Freid bago umupo sa tabi
"Here's your order." Wika ni Keith matapos ilapag sa table nila ni Emily ang inorder nilang food. "Salamat." Sabi niya at nginitian niya ito. Nagpasya kasi si Emily na kumain sa labas at naisip niya na dun sa restaurant ni Keith sila pumunta dahil masasarapan si Emily sa luto nila dun. Well, kahit naman si Ariah ay nasasarapan sa luto nila Keith, di niya iyon maitatanggi. Halos palagi ba namang may panibagong dish at may karaniwang lasa. Hindi tulad sa ibang restaurant na pabalik-balik ang pagkain na inihahain kaya madalas nagsasawa na ang ibang customer. "Enjoy your meal. Lalo ka na Ariah dahil tumatamlay ka na." Umirap si Ariah sa komento ni Keith. "Grabe naman yung tumatamlay. Kumakain pa rin naman ako." Depensa niya na ikinataas ng kilay nito. "Kahit na. Look at yourself, pumapayat ka na. Hindi bagay sayo." Naging seryoso na ang tono nito. Napanguso si Ariah dun."Pwede bang tumahimik ka na lang? Nandito kami para kumain hindi para magcomment ka sa pangangatawan ko." Inis niy
Ilang araw nang pumupunta si Geralt sa apartment ni Ariah, minsan pa nga ay inaabangan niya ito sa school ngunit si Ariah talaga ang umiiwas sa kaniya. Kaya nga nababadtrip na si Ariah sa kaniya. Pero ni kahit isang beses ay hindi sumuko si Geralt. Kahit tinataboy na siya, iniiwasan at hindi pinapansin ay hindi siya tumigil. Pinupuntahan at inaabangan niya pa rin si Ariah. Halata na nga sa malalim nitong eyebagas na wala siyang tulog ng ilang araw. Napapabuntong hininga na nga lang si Ariah at napapailing. "Parang sira naman si Geralt. Ayaw talagang tumigil sa kakahabol sayo. Pabalik-balik na lang siya dyan sa labas. Tingnan mo naman, ilang oras na siya dyan sa labas ng sasakyan niya at nakatayo lang. Hindi ba nangangalay ang mga paa niya kakatayo?" Wika ni Emily na nakasilip sa bintana ng apartment. Sinulyapan siya ni Ariah saglit bago itinuon ang tingin sa mga tinutupi niyang damit. "Hayaan mo siya dyan. Mangalay siya kakahintay." Sarkastikong saad ni Ariah na seryoso lang ang m
"T-teacher, you're... pinching me too much.." Nang marinig niya ang reklamo ni Genesis ay doon niya lang napagtanto ang ginagawa niya. Kanina pa kasi siya nanggigigil sa bata at sa umbok nitong pisngi. Ang cute-cute niya kasi. Ayan, sobrang pinanggigilan niya at pinagkukurot ang pisngi nito. Hindi niya mapigilan. Kaagad naman niyang binitawan ang pisngi. Lumapit naman agad si Genesis at nakangusong tumabi kay Jeanna. Si Jeanna ay nagtataka ma'y walang nagawa kundi ang mapangiti. Medyo kumunot pa ang kaniyang noo habang taimtim na tinitigan si Ariah. Hindi naman ganito si Ariah noong una niyang makita ito. Saka sa pagkakaalam niya hindi rin ganun kumilos si Ariah tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya nakakapanibago lang ang kinikilos niya ngayon. "Ariah, Napansin ko lang. Parang may nagbago sayo?" Hindi nito mapigilang magtanong na ikinakunot ng kilay ni Ariah."Ako? Ano namang nagbago sakin?" Balik nitong tanong. Nagkibit-balikat lang si Jeanna na taimtim pa ring nakatitig sa kaniya.
"Sabing tumayo ka na. Ano ba? Nakakahiya ka na, ang daming taong nakatingin." Naiinis niyang saad at pilit na kinakalas ang kamay sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi nagpatinag si Geralt at mas lalong humigpit ang hawak sa kamay niya. "No, I said I don't care about the others." Pagmamatigas nito. "Please, baby. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako napapatawad. Promise, I'll be good. Hindi na ako maglilihin sayo. Just please, come back to me. I really need you, baby." Patuloy nitong pagsusumamo sa harap niya habang nakaluhod. Natuon ang tingin niya sa harap, naroon si Shaii na nakatingin sa kanila. Umiiling pa dahil sa pinaggagawa ni Geralt. Naririnig na rin nila ang pagbubulungan ng mga tao sa loob ng restaurant."Okay lang na mapahiya ako sa harap ng tao. Ipangangalandakan ko pa nga sa kanila kung gaano ako kasincere sayo. I love you, Ariah. I really do. And I will do everything I can to please you. I won't stop just so you could forgive me." Pakikiusap nito, mas hinigpitan p
Tulala lang si Ariah na nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hating-gabi na, madilim ang paligid pati sa kwarto niya. Kanina pa siya gising at hindi makatulog dahil iniisip niya ang mga nangyari. Sinulyapan niya si Emily na mahimbing na natutulog sa tabi. Nag-insist kasi itong magstay para samahan siya. Natatakot na baka daw umiyak na naman siya. Huminga na lang ng malalim si Ariah bago muling humarap at tumitig sa kisame. Ni hindi niya maipikit ang mata para piliting matulog. Kahit naman na hindi pilitin niya ay wala pa ring mangyayari, hindi pa rin siya makakatulog. Ang pagmumukha ni Geralt ang nakikita niya at ang mga nangyari. Napalingon siya sa gilid niyang bedside table nang umilaw at nagring ang phone niya na nakapatong roon, nagpapahiwatig na may tumatawag. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama, nilingon pa niya si Emily. Mahimbing pa rin naman itong natutulog. Kinuha niya ang phone upang tingnan ang ID caller. Nakilala niya kaagad kung sino ang tumatawag.
inabukasan ay magdamag na nagkulong si Ariah sa kwarto niya. Hindi talaga siya lumabas. Sobra pa rin siyang nasaktan sa nalaman. Hanggang ngayon ay napapaluha pa rin siya kapag naaalala niya ang mga narinig kahapon. Tinawanan niya rin si Emily kagabi. Nang marinig ang pag-iyak niya sa phone ay kaagad itong pumunta sa apartment niya. Sinabi niya ang lahat nang nalaman niya, lahat ng narinig. Kahit si Emily ay hindi makapaniwala. "Uminom ka muna ng mainit na tubig. Kagabi ka pa iyak ng iyak, hindi ka na maawat." Wika ni Emily bago iniabot sa kaniya ang tasa ng mainit na tubig. Ngunit hindi niya iyon pinansin o tinanggap. Napabuntong hininga na lang si Emily bago inilayo ang tasa at nilagay sa bedside table. Pansin ang pamumula ng mata at ilong niya sa kakaiyak. Si Emily naman ay walang magawa. Naaawa na nga habang nakatingin sa kaniya na miserableng tingnan ang mukha na puno ng luha. "Tahan na. Awat ka na muna sa pag-iyak, Ariah." Lumapit ito at tumabi sa kaniya sa dulo ng kama.Hi
Nagmamadaling umuwi si Ariah sa apartment. Hindi siya mapakali. Sa narinig niya tungkol sa mga katotohanan ay paano siya mapapakali? Ang isang tao na sobra na niyang pinagkatiwalaan ay may mga tinatago palang sekreto at ni isa sa mga yun ay hindi niya matanggap. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang tumakbo at binuksan ang apartment niya. Ramdam pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay habang ina-unlock ang pintuan gamit ang susi. Ngunit pinipigilan niya ang sarili na maging kalmado. Nang mabuksan ang pinto ay kaagad naman siyang tumakbo patungo sa kwarto niya. Pagkaraan ay bigla siyang napatigil. Nanginginig ang buo niyang katawan at labi dahil sa mga sari-saring emosyon na nararamdaman niya habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dressing table na may maliit na drawer kung saan niya nilagay ang mga luma niyang gamit at ng ate niya. Nang makalapit ay umupo siya sa silya roon. Nanginginig na binuksan niya ang drawer. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili na huwag umiy
Kasalukuyan nang nagliligpit si Ariah ng mga gamit classroom. Kakatapos lang ng pagtuturo niya sa mga bata at nagsiuwian na sila isa-isa kasama ang mga magulang na sundo nila. Siya na lang ang natitira sa classroom ngayon at naghahanda na sa pag-alis niya. Nang matapos ay lumabas na siya at kinandado na ang pintuan. Ilang araw na rin na absent si Genesis dahil hindi pa rin sila umuuwi galing sa family vacation nila. Namiss niya tuloy ang bata. Lalo na yung pangungulit nito sa kaniya at pagtawag ng Teacher Pretty. Kailan kaya sila babalik? Nasasabik na siyang makita ulit si Genesis at makasama ito. Ewan niya ba, basta hinahanap-hanap niya na ang presensya ng bata. Lalo na kapag naiisip niya ang maamo at cute nitong mukha. Nakakagigil. This past few days, may bigla na lang din nagbago sa kaniya. Palagi na lang niyang hinahanap si Genesis, tanong pa siya ng tanong kay Geralt kung kailan babalik sila Genesis kasi gusto niya talaga itong makita. Walang nagawa si Geralt kundi tawagan s