Share

Chapter 4

Author: Aquarius Pen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAGPUPULSO ang kirot sa sentido ni Leon nang bumangon. Kulang dalawang oras ang itinulog niya. Nag-overtime siya kagabi at tinapos ang natitirang pending documents na kailangan nang makalusot sa accounting department sa darating na Lunes.

Lumabas ng kuwarto ang binata at nagtungo sa kitchen. Kumuha ng cartoon ng fresh milk, tinungga ang laman hanggang sa maubos at hinagis sa trash bin na nasa sulok ang empty box. Bumalik siya ng silid at nagtuloy sa loob ng bathroom.

Quick cold shower lang at nagising na ang kaniyang mga laman. Paglabas niya ay sakto lang na nag-notify ang digital clock sa ibabaw ng sidetable. Alas siyete na ng umaga. May isang oras pa siya para bumiyahe. Alas nueve ang schedule ng photo shoot ni Larabelle.

Kung hindi siya kinulit ni Margarett kagabi na samahan ito sa paborito nitong fine dining, maaga sana niyang matatapos ang trabaho at may sapat na oras pa siya para magpahinga. Pero hindi siya tinigilan ng kakambal at daig pa nito ang alarm clock kung kalampagin siya.

Nagbihis siya ng abuhing shirt, v-neck at dri fit. Kupas na maong pants at brown leather boots. Hinablot din niya sa loob ng walk-in cabinet ang maong na jacket at isinuot. Pumili ng flex-fit baseball cap.

Kinuha niya sa drawer ang digital key at nilapitan ang metal cabinet. Binuksan. Sa loob niyon ay nakatago ang high-end Blackmagic Ursa Pro, ang video-cam na ginagamit niya sa photoshoot ni Larabelle. Ang nag-iisang bagay na saksi sa lihim niya at sa matinding pagtitimpi na tinitiis niya tuwing nasa harap niya ang dalaga, hubo't hubad.

"Time for another challenge, buddy." Maingat niyang inilabas sa kinalalagyan ang camera at ang stand.

Palabas na siya ng kuwarto nang yumanig ang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket. Sinipat niya kung sino ang tumawag at sumilip ang bahagyang ngiti sa sulok ng labi.

Si Larabelle.

"Morning, Lara," bati ni Leon sa dalagang nasa kabilang linya.

"Kris, nasa venue ka na ba?"

"On the way pa lang, bakit?"

"Nasa talyer ang sasakyan ko, pwede ba akong sumabay sa iyo? Mag-aabang ako roon sa bus terminal."

"Hindi na, I'll drop by at your house. Hintayin mo lang ako diyan."

"Okay, thank you!"

"Gonna go, see you in a minute."

"Bye, ingat sa pagda-drive."

Pinasan niya ang video-cam at binitbit ang stand. Sakay ng elevator, bumaba siya ng 49th floor kung saan nakagarahe ang sasakyan niya.

"Sir, aalis na po ba kayo?" tanong ni Harry na nagmamadaling lumapit bago pa siya makapasok sa loob ng sasakyan.

"Yes, get everything in place before I return."

"Sige po."

"Wala akong meeting this morning, kung may urgent na hahabol, ikaw muna ang dumalo para sa akin. Also, Harry, check the social media. Remove my photos if you find any. Napansin kong may nakakuha ng stolen shots last board meeting."

"Na-check ko na kagabi, Sir, at pina-take down ko na ang ilan sa mga photos mo na in-upload ng information section natin. Pero ire-review ko ulit ngayon para masiguro na walang nakalusot."

"Yeah, do that. One more thing, kung tatawag si Margarett, transfer the call to me, alright?"

"Yes, Sir, noted po."

Sumakay na siya sa Raptor at nagdrive pababa ng gusali.

HABANG naghihintay kay Kris, binasa ni Larabelle ang iilang detalye ng offer na natanggap niya para sa tv commercial ng company promotion ng Zargonza Component.

Kasalukuyang nasa ilalim ng management ng kapatid ni Lex ang kompanya. Sinubukan niyang mag-research sa internet tungkol sa pamilyang Zargonza.

May nakita siya. May mga photos pero hindi kompleto. Alexander Zargonza ang tunay na pangalan ni Lex. Bunso ito sa tatlong magkakapatid. Mayroong kambal sa pamilya nito. Lalaki at babae. Dr. Leona Margarett Zargonza at Atty. Leon Kristopher Zargonza ang panganay na kambal. Isang corporate lawyer si Leon na kasalukuyang CEO ng kompanya. Si Señor Agustus Zargonza, ang patriarch at Chairman.

May pictures sina Lex, Dr. Leona Margarett at Señor Agustus. Tanging si Atty. Leon ang walang litrato. Nagtaka siya bakit wala. Kahit sinubukan niyang i-search ang social media account ng abogado, wala rin itong photos, sa f******k man o i*******m. Locked ang profile nito at ang naroon na profile picture ay cropped photo. Babae yata, nakataob sa pagkahihiga. Kita ang likod at kanang balikat, pati ang leeg.

Naningkit ang mga mata niya sa kwintas na suot ng babae. Bakit pamilyar? Saan ba niya nakita iyon? Saglit siyang natigagal at kinapa ang kaniyang kwintas. Magkaparehas?

Hinubad niya ang suot na kwintas at itinabi sa kwintas na nasa litrato. Parehas talaga. May curb chain at purong ginto tapos ang pendant ay half moon na nakatihaya at sa gitna ay nakaupo ang blue diamond.

Bigay ni Kris ang kwintas niya noong 25th birthday niya. Tinawag ni Myrna na Moon in the Ocean. Limited edition daw ito. Kumunot ang noo niya. Same jewelry store siguro ang pinanggalingan kaya magkaparehas.

Isinuot niyang muli ang kwintas. Wala na siyang ibang makita sa account ni Atty. Leon Zargonza. Masyado itong private sa palagay niya. Itinigil niya ang pag-stalk at muling nag-check sa laman ng kaniyang hand carry, baka may nakalimutan siya.

Busina ng sasakyan ni Kris ang nagpapitlag sa kaniya. Maliksi niyang binitbit ang hand carry at lumabas ng bahay. Kinawayan niya ang lalaking bumaba ng sasakyan at pumasok sa sub-entrance ng gate para salubungin siya. Kinuha nito ang hand carry niya at isinakay sa compartment sa likod.

"Thank you ha, bigla na lang tumirik ang sasakyan ko kanina, buti na lang hindi pa ako umabot sa kanto," paliwanag niya.

"Okay lang, pina-tow mo ba patungo sa shop?" tanong nitong pinagbuksan siya ng pinto sa front seat.

"Oo, nasa kabilang barangay lang naman ang shop. Sumaglit lang ako roon para mag-deposit."

Tumango ito at isinara ang pinto matapos siyang makaupo nang komportable. Lumigid na rin ito pabalik ng driver's seat at sumakay. Habang nasa biyahe, kinapa-kapa niya ang kwintas, gusto niyang magtanong pero naisip niyang useless din. Ano naman ang mapapala niya? Sigurado namang walang koneksiyon kung bakit magkaparehas sila ng kwintas at ng babaeng naka-profile pic sa account ni Atty. Leon Zargonza.

"Nandoon na ba si Myrna sa venue?" tanong ng binata.

"Siguro, lagi siyang nauuna sa akin, eh. Nga pala, may offer ako mula sa Zargonza Component, Kris. May alam ka ba sa kompanyang iyon?"

Tumingin lang sa kaniya si Kris at bahagyang ngumiti. Kapag ganito, alam na niyang ayaw nitong sagutin ang tanong at hindi niya ito mapipilit.

"Pero may kondisyon daw ang may-ari, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko. Baka hindi ko magawa iyong demands ng kompanya."

Nanatiling walang imik ang lalaki at nakikinig lang sa kaniya. Nakarating sila sa venue na puro sentiments lang niya ang naging sentro ng biyahe. Siya lang naman ang nagsasalita pero gumaan pa rin ang pakiramdam niya dahil pinakikingggan siya ni Kris.

"Magbibihis lang ako," paalam niya sa binata at kay Myrna at nagmamadali patungo sa room na nakalaan para sa kaniya.

Nasa mountain resort sila. Pribado at sila lang yata ang naroon ngayong araw maliban sa care taker na sumalubong kanina para pagbuksan sila ng gate.

"Deretso ka na sa swimming pool pagkatapos mong magbihis!" Pahabol ni Myrna sa kaniya bago siya pumasok sa kuwarto.

Dali-dali siyang nagbihis. Kadalasan, wala siyang make-up sa kaniyang outdoor photo shoot. Primer, foundation at lipstick lang. Mas lumilitaw raw kasi ang ganda niya sabi ni Myrna. Nakita rin naman niya, iba ang registration niya sa camera, natural at hindi parang edited ang mukha niya dahil sa cosmetics.

Lumabas siya suot ang pulang tanga pair ng panty at bra sa ilalim ng manipis na beach dress. Si Kris ay naghahanda sa camera at naghahanap ng magandang angle.

"Ready na ako, Kris!" Hinubad niya ang beach dress at hinulog sa pavement.

Inalis ng lalaki ang mga matang nakatuon sa lens navigator ng camera at tumingin ito sa kaniya. Matagal siya nitong hinagod nang malagkit na titig.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Umiling ito at nahagip niya ang paggalaw ng mga panga nito at ang pagtalon ng adam's apple bago nito muling binalingan ang camera. Itinuro nito sa kaniya ang kanang sulok ng parihabang swimming pool. Nagtungo siya roon. Frog pose ang ginawa niya, habang inilulusong ang kanang kamay sa tubig at nakatingin sa camera.

Sunud-sunod na shots ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Nakagawa siya ng sampung iba't ibang sexy pose bago sumenyas si Kris na mag-break muna.

"Bakit hindi ka muna magbabad diyan sa pool? Titingnan ko lang ang results ng photos mo at ililipat ko sa hard drive."

Tumango siya at ngumiti. Kanina pa siya natutuksong tumalon sa pool. Parang ang sarap ng tubig lalo at matapang na ang sikat ng araw.

BITBIT ang video-cam, tinungo ni Leon ang VIP suite ng resort. Pag-aari ng kaibigan niya ang lugar na iyon. Kahapon pa lang ay pinag-day off na ang ibang empleyado at tanging ang babaeng manager ang naiwan.

Pumasok siya sa silid at ibinaba sa kama ang video-camera. Kumuha siya ng malamig na mineral water sa loob ng mini-ref at binuksan. Inubos ang laman. Sa tuwing nasa pictorial si Larabelle hindi lang sakit sa puson ang napapala niya, para siyang mauubusan ng tubig sa katawan dahil sa sobrang init nang pakiramdam niya.

"Sir? Si Myrna po ito." Boses ng babae mula sa labas.

"Come in, Myrna!"

Bumukas ang pinto at pumasok ang manager. Executive assistant niya si Myrna bago ito nalipat sa trabaho nito kay Larabelle.

"Tapos na po ba ang pictorial?" tanong nito.

"There's still shots that I wanted to see but she looks excited to swim. Hinayaan ko munang magbabad doon sa pool at makapag-relax."

Tumango si Myrna. "Tungkol nga pala sa offer para sa tv commercial, baka hindi niya tanggapin kapag nalaman niya ang kondisyon."

"Well, it's your job to convince her and get her to sign the contract no matter what." Hinubad ni Leon ang suot na jacket at isinampay sa sandalan ng couch. "Inform the manager we will be staying here overnight, and Myrna, I need a bottle of champagne and a bunch of red tulips. Send it to Larabelle's room after dinner."

"Pero, Sir, two weeks pa lang mula noong-"

"Sundin mo na lang ang utos, Myrna."

"I'm sorry, Sir, nasanay lang akong once in every three months mo lang siya ikakama." Pumihit ang babae patungong pintuan pero lumingon ito bago pa nabuksan ang pinto. "Sir, bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya ang totoo na ikaw lang naman ang nag-iisang kliyente niya mula pa noon?" Nag-iwan nang magiliw na ngiti ang babae saka lumabas ng kuwarto.

Kaugnay na kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 5

    LIMANG photo shots na may iba't ibang pangahas na pose ang tumapos sa pictorial ni Larabelle nang araw na iyon. Inabot sila ng alas kuwatro ng hapon dahil panay ang break ni Kris. "Overnight tayo rito, kaya mag-enjoy ka muna sa pool habang hinahanda pa ang dinner," abiso ni Myrna sa kaniya. "Okay, ikaw ba hindi maliligo? Samahan mo ako, ang sarap ng tubig," yaya niya sa manager at lumusong agad sa tubig. "Mamaya na ako pagkatapos ng hapunan. Late night swim. Anyway, napag-isipan mo na ba ang tungkol sa tv commercial?" tanong ng babae na na nagkasyang manood lang muna sa kaniyang nakatampisaw siya sa tubig."Hindi pa. Saka na lang siguro pagkatapos nating kausapin ang may-ari at malaman ko kung ano ang term of conditions ng kontrata.""Okay, ikaw ang bahala. Doon muna ako sa room, tatawagin kita kapag ready na ang dinner natin." Nagpaalam si Myrna at iniwan siya roon.Sinulyapan niya si Kris na nagliligpit ng video-cam at ng stand. Hindi na nito suot ang jacket at halos mabilang ni

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 6

    NAKARATING ng penthouse si Leon na walang nakuhang sagot mula kay Larabelle. Pero wala rin namang rejection. Naging tahimik lang ang dalaga sa natitirang oras nila sa biyahe, halos ayaw na nitong tumingin sa kaniya. Alam niyang hindi nito inaasahan ang pagtatapat niya nang nararamdaman kanina. Dapat siguro nagpigil siya at hinabaan pa ang pasensya. Pero hanggang kailan ba dapat? Nauubusan na siya ng oras. Siguradong matinding galit ang haharapin niya mula sa dalaga kapag nalaman nito na siya lang ang naging client nito mula pa noong nagsimula itong pasukin ang industriya ng porn magz."Good morning, Sir Leon!" bati sa kaniya ni Harry. Nag-abang ito sa labas ng executive elevator. "Good morning, Harry. It's okay I got this." Tumanggi siya nang tangkain nitong kunin sa kaniya ang video-cam. Kahit iyon, by reflexes ay ayaw niyang mahawakan ng iba. Ang video-cam na iyon ay exclusive lang para sa kaniya at kay Larabelle. Ang nagtatago sa lahat ng maseselan na larawan ng dalaga."May dum

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 7

    PAKIRAMDAM ni Larabelle ay inabandona siya ng kaniyang kaluluwa. Si Kris bigla na lang sumulpot sa harap niya at nag-urong ng sila sa kaniyang tabi. Naupo at hinawakan ang sandalan ng upuan niya. Pilit niyang hindi pinansin ang lalaki pero lalo namang tumitindi ang malakas nitong dating. Nakatitig ito sa kaniya, nanonood habang kumakain siya. Pahirapan na pati ang paglunok niya sa malambot na laman ng sweet and sour meatballs. "Pwede ba, tigilan mo nga iyang katititig mo sa akin? Ang awkward kasi," angal niyang sinamaan ng tingin ang binata. Uminom siya ng tubig, hindi na kasi siya makahinga nang maayos."Just ignore me, I'm having a good time watching you eat." Itinuon nito ang siko sa mesa. Ipinatong sa nakakuyom na kamay ang baba na may manipis na anino ng balbas."Hindi nga ako makalunok, ano ba?" mataray niyang sita rito. Kinilabutan siya nang sumilip ang dulo ng dila nito at pumasada sa ibaba nitong labi. "Ang ganda mo." Lahat yata ng dugo niya ay napunta sa kaniyang mukha.

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 8

    MATATAG na pinigilan ni Larabelle ang pagbuhos ng mga luha. Hindi pwedeng makita ng mga kapatid niyang pinanghihinaan siya ng loob. Siya ang sandalan ng mga ito sa pamilya nila. Sa mga ganitong pagsubok dapat magiging matibay siya alang-alang sa mga ito."Okay ka lang ba? Ano bang ginawa mo?" malumanay niyang tanong kay Louven. Itinawid niya ang kamay sa siwang ng rehas sa pagitan nila at marahang hinaplos ang panga ng binata.Parang niyuyupi ang puso niya habang pinagmamasdan ang mga pasa nito sa mukha. Hindi man lang muna ito ginamot bago ipinasok sa seldang iyon. Hindi pa naman napatunayan na ito ang may kasalanan sa nangyaring gulo."Itanong mo kay Larissa, Ate, kung ano'ng nangyari. Kanina pa niya pinagtatanggol ang sira-ulong Coin De Vera na iyon," naghihimagsik na sagot ni Louven at pinukol nang matalim na tingin si Larissa sa likuran niya."Coin De Vera?""Anak siya ni Cong. De Vera ng Sta. Catalina, 5th district," singit ni Kris na nakaalalay sa kaniyang tabi. "Congressman?"

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 9

    COAL black button down long sleeves, acid wash pants at cross belt leather boots na kulay brown. Nakaangat sa ulo nito ang dark shades at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakawala sa malinis nitong brush-up. Gintong stud earring sa kanang tainga na parang maliit na bituin kung kumislap.Kanina pa pinagmamasdan ni Larabelle si Kris at hinding-hindi siya nagsasawa. Parang bago lahat nang nakikita niya sa lalaki. Nasa presinto sila at kausap nito ang desk officer para sa areglo ng kaso ni Louven. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito pero bigla na lang nagbigay ng statement ang kabilang panig at inurong ang demanda. Sumulyap sa kaniya si Kris at sa tuwina ay hindi handa ang puso niya sa killer smile nito na bibihira lang niya makita gaya ngayon. Parang isda na nakawala sa tubig ang tibok ng puso niya. Kumakawag-kawag sa loob ng kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang boyfriend na niya si Kris. Noong una niyang nakilala ang lalaki, hindi niya matagalan

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 10

    NATUWA si Larabelle sa narinig na feedback ng attending physician ni Larry. Maganda raw ang resulta ng dalawang linggong observation ng bagong medication. Kapag nagtuluy-tuloy baka payagan nang makauwi ng bahay ang kapatid niya at i-a-upgrade ito to out-patient status. "Oh, ano'ng problema?" tanong ni Myrna na nagtataka. Bigla kasi siyang huminto sa paglalakad, tutop ang kaniyang dibdib.Sinamahan siya ng manager dito sa hospital matapos niyang pirmahan ang 3 year contract bilang company endorser ng Zargonza Component. Legal counsel lang ng kompanya ang present kanina sa contract signing at hindi niya ini-expect na may taga-media na dumalo sa kaganapan."Ewan ko ba, ilang araw na akong ganito. Bigla na lang akong kinakabahan kahit wala naman akong iniisip na pangit.""Sa kaiinom mo iyan ng kape. Bawasan mo kasi, baka sumubra na ang caffeine sa katawan mo." "Hindi naman ako laging nagkakape," sagot niyang tumuloy na sa paghakbang patungo sa sasakyan ni Myrna. "Eh, 'di dahil sa katas

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 11

    PAKIRAMDAM ni Larabelle ay nauubos ang hangin sa paligid. Hindi siya makahinga sa sobrang sikip ng kaniyang dibdib at paghigpit ng puso niya. Tumikhim siya at tumayo, tumakbo patungong kusina. "Larabelle!" habol na sigaw ni Zaila. Hindi na niya pinansin pa iyon. Dinakma niya ang kuwadradong dining table kung saan naroon ang babasaging pitsel na may tubig. Pero nagkatapon-tapon sa mesa ang tubig dahil nanginginig ang kamay niya habang nagsasalin sa baso. "Lara?" Napahumindig siya. Alertong pumihit. Bumungad sa kaniya ang bulto ni Kris na sumagad sa may pintuan. Nabulunan siya sa ininom na tubig. Ang basong hawak ay nabitawan at sumabog iyon sa kaniyang paanan. Ang bubog ay nagkalat sa sahig. Si Kris! Hindi...si Atty. Leon Zargonza, Leon Kristofher Zargonza, bakit ngayon lang niya na-realize ang second name? "Lara, are you okay?" Akmang lalapit ang lalaki kaya kumaripas siya sa kabilang panig ng mesa."Huwag kang lalapit! Huwag!" matinis niyang sigaw na halos ikapunit ng kaniyang

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 12

    NARAMDAMAN ni Larabelle ang malamig na patak ng likido sa kaniyang mga mata. Guminhawa kahit papaano ang hapdi. Dumilat siya pero nasilaw sa liwanag. Muli siyang pumikit. Ang bibigat ng mga talukap niya. Parang may nakadagan na mga bolang bakal. "Larabelle, sweetheart?" Boses ni Kris, hindi... ni Atty. Leon Zargonza pala. Pero iisa lang din naman ang katauhang iyon. "I put some drops in your eyes to soothe the swelling. Tell me if it's working." Drops! Pilit siyang dumilat at tulirong bumaling sa gawi kung saan nagmula ang tinig ng lalaki. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan. "Nasaan ako?" napapaos niyang tanong. Disoriented siya kung ano'ng kuwarto iyon. Base sa kulay at lawak, hindi iyon silid sa bahay nila. "Narito ka sa hospital. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ang sikmura mo? Dito, hindi ba masakit?" Kung saan-saan na kumakapa ang kamay nito. Halos masalat na nito pati ang hindi dapat. Kumislot siya. Gusto nang hambalusin

Pinakabagong kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 47

    LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 46

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 45

    MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 44

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 43

    MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 42

    TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 41

    "COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 40

    KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 39

    HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila

DMCA.com Protection Status