Share

Chapter 7

Author: Aquarius Pen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

PAKIRAMDAM ni Larabelle ay inabandona siya ng kaniyang kaluluwa. Si Kris bigla na lang sumulpot sa harap niya at nag-urong ng sila sa kaniyang tabi. Naupo at hinawakan ang sandalan ng upuan niya.

Pilit niyang hindi pinansin ang lalaki pero lalo namang tumitindi ang malakas nitong dating. Nakatitig ito sa kaniya, nanonood habang kumakain siya. Pahirapan na pati ang paglunok niya sa malambot na laman ng sweet and sour meatballs.

"Pwede ba, tigilan mo nga iyang katititig mo sa akin? Ang awkward kasi," angal niyang sinamaan ng tingin ang binata. Uminom siya ng tubig, hindi na kasi siya makahinga nang maayos.

"Just ignore me, I'm having a good time watching you eat." Itinuon nito ang siko sa mesa. Ipinatong sa nakakuyom na kamay ang baba na may manipis na anino ng balbas.

"Hindi nga ako makalunok, ano ba?" mataray niyang sita rito. Kinilabutan siya nang sumilip ang dulo ng dila nito at pumasada sa ibaba nitong labi.

"Ang ganda mo."

Lahat yata ng dugo niya ay napunta sa kaniyang mukha. Para siyang sinilaban sa sobrang init ng mga pisngi niya. Ano bang paandar ng lalaking ito?

"'Wag mo nga akong tingnan sabi!" sikmat niya.

"But you are made for my eyes to see, Lara. Hopefully, for my heart to keep, once you realize. Sagutin mo na ako, seryoso ako sa iyo. Mahal kita."

"Mahiya ka nga! Nandito si Myrna, Diyos ko po!"

Si Myrna sa kabilang upuan ay tawa nang tawa. Parang nanonood ng comedy show.

"Myrna naman!" reklamo niya. Inaasahan niya kasing aawatin nito si Kris pero imbis na may gawin, parang tuwang-tuwa pa itong nanonood sa kanila.

"Ms. Manager, iwan mo muna kami ni Lara."

"Hindi pwede." Umiling si Myrna na halatang nang-aasar lang.

"Nanliligaw ako," giit ni Kris. "Bigyan mo kami ng space, doon ka na."

Suminghap na lamang siya. Naninikip nang husto ang dibdib niya dahil sa sobrang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong emosyon. Para siyang sasabog, para siyang maiihi, hindi niya maipaliwanag.

"Hays, sige na nga. Dito lang ako sa katabing table." Kunyari umirap si Myrna at tumayo. Lumipat ito sa pinakamalapit na mesa.

Hindi siya mapalagay sa kaniyang upuan. Bigla rin siyang nilayasan nang ganang kumain. Hindi na niya alam ang gagawin.

"Akin ka na lang, okay?" Hinuli ni Kris ang kamay niya nang bitawan niya ang hawak na kutsara.

"Kris..." natameme na siya.

"Marami akong setbacks pero aayusin ko lahat. Ibibigay ko sa iyo ang pagmamahal na mag-aalis ng takot at magbabalik ng tiwala mo sa sarili."

"Magmamahal ka na lang, sa babae pang lubog sa putik. Alam mo ang klase ng trabaho ko at kung paano ako nakakukuha ng malaking pera."

"Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi mayroong buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan."

Umawang ang bibig niya. Tula ba iyon? Sagad sa pambobola ang lalaking ito.

"Pwede bang pag-isipan ko muna?"

"Ayaw ko. Gusto ko ngayon na."

"Ayaw mong pag-isipan ko muna? Nagmamadali ka ba?"

Tumango ito. "Gusto ko ngayon na."

"Eh, kung bastedin kaya kita ha? Masyado ka namang apurado. Hindi ganyan ang panliligaw. Dapat mag-effort ka." Pilit niyang binabawi ang kamay pero ayaw nitong pakawalan.

"Pwede namang sagutin mo ako ngayon tapos continue ko ang panliligaw effort na sinasabi mo. Improvising technique, panliligaw 3.0 ang tawag do'n."

"Ang point mo sagutin muna kita tapos to be continued ang panliligaw mo, hay ewan ko sa iyo, Kris, bahala ka nga!"

Pinigil niya nang bongga ang mapangiti pero nabigo siya at nauwi pa iyon sa tawa. Imbis mainis kasi siya sa lalaki, natatawa na lang siya sa pinagsasabi nito. Ang baduy nito manligaw.

"So, akin ka na?"

Kumislap ang matalim na kulay ng abo at light brown sa mga mata nito. Iyong tinatawag na hazel. Kaparehas ng haze, mahamog. Ganitong kulay ang dominante sa mga mata ni Kris, isa sa pinakamagandang mga matang nakita niya.

"Ilang babae na kaming nabiktima ng ganitong style mo?"

Maangas itong ngumisi. "Unfortunately, ikaw pa lang."

Umirap siya. "Bolero, hindi mo ako mauuto. Mukha mong iyan walang naging girlfriend before?"

"Mayroon, noong college ako. More on hook-up lang, hindi seryoso." Tinusok nito ng tinidor ang maliit na tipak ng meatball at isinubo sa kaniya.

Kung may bayad siguro ang kilig, baka kanina pa nabutas ang pitaka niya. Ibinuka niya ang bibig pero hindi ang meatball kundi ang halik nito ang dumampi sa labi niya. Dila nito ang pumasok sa bibig niya at hindi siya makapalag dahil nasa batok niya ang kaliwa nitong kamay.

Mapusok, malalim at may panggigigil ang halik nito. Sa madaling salita, masarap.

"Kris," sambit niyang nalasing nang ilang segundo. Pero tiyak niyang hindi dahil sa aroma ng Tequila na iniinom nito.

"Silyo," kumindat ito, ang mabigat na hininga ay tumatama sa mukha niya. "May silyo ka na. Bawal na mag-back out. Umaga, tanghali, gabi, ako na ang magiging kliyente mo, maliwanag ba?"

Lutang siyang tumango dahil sa kawalan nang masabi.

KAGAT ang ibabang labi, masuyong hinaplos ni Leon sa likod ng palad ang namumulang pisngi ni Larabelle. Nakahinto ang sasakyan nila kasabay ng pagpapalit ng ilaw trapiko sa highway at sinulit niya iyon para matitigan ang dalaga. Hindi na nawala ang tingkad sa maganda nitong mukha mula pa roon sa fine dining.

Bumaba ang titig niya sa lips nito. Virgin ito nang unang may nangyari sa kanila at ilang beses na rin naman niyang naangkin ang dalaga. Pero kanina ang unang pagkakataong hinalikan niya ito habang gising na gising. Nahahalikan lang niya ito sa mga nakaraan nilang sex contact kapag tulog ito. May posibilidad kasing malaman nito sa paraan ng halik niya na iisang lalaki lang ang kliyente nito.

"Green na." Itinuro nito ang traffic light.

Hinawakan niya ang kamay ang nito at nilapag sa kaniyang hita. Ibinalik niya sa daan ang paningin at umusad ang sasakyan. Papunta sila ngayon ng hospital. Sasamahan niya itong matulog doon.

"Kris, okay lang ba sa pamilya mo na ako ang magiging girlfriend mo?"

"Wala kang dapat alalahanin sa kanila. Tatanggapin ka nila dahil ikaw ang pinili ko at mahal kita."

"Pero ang klase ng career ko, baka-"

"Ako ang makakasama mo, Lara, hindi sila. Wala kang ginawa para ikasira ng buhay ng iba. If they thought you are not enough to satisfy their standard, let them be, that's their problem anymore. Focus lang tayo sa isa't isa."

"Okay, tatandaan ko iyang sinabi mo." Ngumiti ito nang matamis at humilig sa balikat niya.

Nakatatakot ang saya na nadarama niya ngayon. Para siyang madudurog sa ligaya. Pakiramdam niya ay dahan-dahang natutunaw ang puso niya at nagmu-multiply sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan dahil damang-dama niya ang nakabibinging pintig.

Gising pa si Larry pagdating nila. Kausap nito si Margarett at mukhang palagay na ang loob ng binata sa kakambal niya. Mabuti naman. Malaking tulong sa paggaling ang tiwala ng pasyente sa doctor nito.

"Ate, Kuya Kris!" masayang hiyaw ni Larry. "Doc, ate ko po at si Kuya Kris," at may pagmamalaking ipinakilala sila nito.

Agad niyang kinindatan si Margarett, warning na huwag itong magpahalata na magkapatid sila. Nakuha naman agad nito.

"Oh, really? Hi, it's nice to meet you!" Naglahad ng palad ang kapatid niya kay Larabelle.

"Magandang gabi po, Doc," bati ng dalaga at maagap na nakipagkamay kay Margarett.

"Magandang gabi rin. Nag-check lang ako, may bagong medication kaming binigay kay Larry. Hindi kasing tapang ng usual meds niya," paliwanag nitong sumulyap sa kaniya."

"Ate, siya si Dr. Margarett, ang bago kong doctor," pakli ni Larry.

"Aalis na ako, Larry, babalikan kita bukas ng umaga." Nag-iwan ng nanunudyong sulyap sa kaniya si Margarett habang tinutungo nito ang pintuan.

"Lara, can I get minute outside? May tatawagan lang ako." Hinaplos niya ang likod ng dalaga.

"Sige," tango nitong may tipid na ngiti.

Lumabas siya ng suite at hinabol si Margarett. Hindi pa ito nakalayo. Sinadya rin yata nitong hintayin siya.

"She is your girlfriend, right?" Tumikwas ang isang kilay nito at humalukipkip.

"Just today, yes. She finally agreed to be my girlfriend. Magsaya ka at sa iyo ko siya unang pinakilala."

"Yeah, right." Umirap ito. "I can't believe it, you are falling hard, Leon. And what is that cue earlier all about? Bakit parang ayaw mong malaman nila na kapatid mo ako?"

"They know me as Kristofher, far from my identity being Leon Zargonza, they don't even have an idea of my profile in the company. Hindi pa nila pwedeng malaman kaya sekreto muna natin. Aasahan kita." Hinaplos niya ang tuktok ng ulo ni Margarett.

"Stop treating me like a puppy!" atungal nitong pinalo ang kamay niya. "Maghahanap na rin ako ng boyfriend, akala mo ikaw lang?"

"Are we in some kind of a race? Baka atakehin si Dad kung sabay tayong umalis sa poder niya. Ako na muna, next year ka na, okay?"

Sumimangot ito. "Plano nyo yata akong gawing old maid, eh."

"Hindi bagay sa iyo." Natatawang tinalikuran niya ang kapatid at dinukot ang cellphone niya. Tinawagan si Hercules.

"Sir?"

"Book a full course meal of lunch tomorrow for everyone in the office, Harry."

"Ano po ang okasyon, Sir?"

"My single life is finally over. I've got to celebrate and I think I'll treat everyone to a nice meal for a change. Ikaw na ang bahala."

"Sige po, Sir. Congratulations on your upcoming wedding!"

Natawa siya. Masyadong advance ang secretary niya.

"Pwede na rin, thank you."

Papasok siya ng pintuan nang bumulaga sa kaniya si Larabelle na palabas naman. Natataranta at umiiyak.

"Lara, what's wrong?" Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Kris, si Louven nasa kulungan! Nasa kulungan ang kapatid ko! Tumawag si Larissa ngayon lang. Kailangan ko silang puntahan!" histerikal nitong balita sa kaniya.

"Let's go." Inakay niya ang dalaga patungong elevator.

Sa precint 11 naka-detain si Louven. Almost thirty minutes din ang biyahe minus the traffic. Pagkahinto ng sasakyan sa bakanteng lane sa parking area ay hinablot niya ang itim na baseball cap at isinuot bago sila bumaba ni Larabelle.

"Akong bahala kay Louven, ilalabas ko siya. Tahan na." Inakbayan niya ang dalaga at inaalo habang tahimik itong umiiyak. Nanginginig ang mga kamay nito na nakakapit sa kaniyang braso.

Bawal na ang bisita sa ganoong oras ng gabi. Alas nueve na rin kasi. Pinaghintay niya muna sa waiting area sa loob ng presinto si Larabelle at kinausap niya ang desk officer.

"Bukas na lang po, Sir-"

"Atty. Leon Zargonza, Officer." Ipinakita niya ang lisensya niya sa pagka-abogado. "I know how you played games and rules, Officer. I can do the same for you inside the court. Mamili ka, negotiation dito o haharap tayong dalawa sa RTC bukas? The outcome might not go in your favor." Kontrolado ang lakas ng boses niya para hindi marinig ni Larabelle na nakatanaw sa kanila ng police.

"Ah, pasensya na po, Atty, walang problema kung bibisita kayo sa detainee ngayon. Pero malaking isda po ang complainant at medyo mabigat ang kaso."

"Doesn't matter, Officer. Balyena ba iyan? Kailangan ko lang tibayan ang lambat, hindi ba? Anyway, thank you for the consideration. Ano bang kaso ni Louven Sanchez?"

"Serious physical injury at frustrated murder, Atty."

"Laban kanino?"

"Coin De Vera, anak ni Cong. De Vera ng 5th district Sta. Catalina. Ayon sa report, binastos ng grupo ni Coin ang ang nakababatang kapatid ni Louven Sanchez kaya nauwi sa gulo at nabugbog si De Vera. Matinding bugbog ang inabot. Nasa hospital ngayon."

Tumango siya. Sapat na ang impormasyon na nakuha niya. Binalikan niya si Larabelle. Tumayo agad ito at sumalubong sa kaniya.

"Ano, makalalabas ba si Louven?" apurado nitong tanong

"Pupuntahan muna natin siya." Inakay niya ang dalaga at iginiya sila ng desk officer patungo sa selda ni Louven.

"Ate!" Dinaluhong sila ni Larissa at yumapos agad ito kay Larabelle. Umiyak.

"Kumusta si Louven?"

Nag-iisa lang sa loob ng selda ang binata. Hiwalay sa ibang priso. Nakasalampak ito sa sahig at ayaw tumingin sa kanila.

"Louven? Okay ka lang ba?" Humawak sa rehas si Larabelle.

Doon lang tumingin sa kanila si Louven. Halos nakapikit na ang kanang mata na nangitim sa bugbog. May pasa sa mukha at maga ang ibabang labi.

Kaugnay na kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 8

    MATATAG na pinigilan ni Larabelle ang pagbuhos ng mga luha. Hindi pwedeng makita ng mga kapatid niyang pinanghihinaan siya ng loob. Siya ang sandalan ng mga ito sa pamilya nila. Sa mga ganitong pagsubok dapat magiging matibay siya alang-alang sa mga ito."Okay ka lang ba? Ano bang ginawa mo?" malumanay niyang tanong kay Louven. Itinawid niya ang kamay sa siwang ng rehas sa pagitan nila at marahang hinaplos ang panga ng binata.Parang niyuyupi ang puso niya habang pinagmamasdan ang mga pasa nito sa mukha. Hindi man lang muna ito ginamot bago ipinasok sa seldang iyon. Hindi pa naman napatunayan na ito ang may kasalanan sa nangyaring gulo."Itanong mo kay Larissa, Ate, kung ano'ng nangyari. Kanina pa niya pinagtatanggol ang sira-ulong Coin De Vera na iyon," naghihimagsik na sagot ni Louven at pinukol nang matalim na tingin si Larissa sa likuran niya."Coin De Vera?""Anak siya ni Cong. De Vera ng Sta. Catalina, 5th district," singit ni Kris na nakaalalay sa kaniyang tabi. "Congressman?"

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 9

    COAL black button down long sleeves, acid wash pants at cross belt leather boots na kulay brown. Nakaangat sa ulo nito ang dark shades at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakawala sa malinis nitong brush-up. Gintong stud earring sa kanang tainga na parang maliit na bituin kung kumislap.Kanina pa pinagmamasdan ni Larabelle si Kris at hinding-hindi siya nagsasawa. Parang bago lahat nang nakikita niya sa lalaki. Nasa presinto sila at kausap nito ang desk officer para sa areglo ng kaso ni Louven. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito pero bigla na lang nagbigay ng statement ang kabilang panig at inurong ang demanda. Sumulyap sa kaniya si Kris at sa tuwina ay hindi handa ang puso niya sa killer smile nito na bibihira lang niya makita gaya ngayon. Parang isda na nakawala sa tubig ang tibok ng puso niya. Kumakawag-kawag sa loob ng kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang boyfriend na niya si Kris. Noong una niyang nakilala ang lalaki, hindi niya matagalan

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 10

    NATUWA si Larabelle sa narinig na feedback ng attending physician ni Larry. Maganda raw ang resulta ng dalawang linggong observation ng bagong medication. Kapag nagtuluy-tuloy baka payagan nang makauwi ng bahay ang kapatid niya at i-a-upgrade ito to out-patient status. "Oh, ano'ng problema?" tanong ni Myrna na nagtataka. Bigla kasi siyang huminto sa paglalakad, tutop ang kaniyang dibdib.Sinamahan siya ng manager dito sa hospital matapos niyang pirmahan ang 3 year contract bilang company endorser ng Zargonza Component. Legal counsel lang ng kompanya ang present kanina sa contract signing at hindi niya ini-expect na may taga-media na dumalo sa kaganapan."Ewan ko ba, ilang araw na akong ganito. Bigla na lang akong kinakabahan kahit wala naman akong iniisip na pangit.""Sa kaiinom mo iyan ng kape. Bawasan mo kasi, baka sumubra na ang caffeine sa katawan mo." "Hindi naman ako laging nagkakape," sagot niyang tumuloy na sa paghakbang patungo sa sasakyan ni Myrna. "Eh, 'di dahil sa katas

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 11

    PAKIRAMDAM ni Larabelle ay nauubos ang hangin sa paligid. Hindi siya makahinga sa sobrang sikip ng kaniyang dibdib at paghigpit ng puso niya. Tumikhim siya at tumayo, tumakbo patungong kusina. "Larabelle!" habol na sigaw ni Zaila. Hindi na niya pinansin pa iyon. Dinakma niya ang kuwadradong dining table kung saan naroon ang babasaging pitsel na may tubig. Pero nagkatapon-tapon sa mesa ang tubig dahil nanginginig ang kamay niya habang nagsasalin sa baso. "Lara?" Napahumindig siya. Alertong pumihit. Bumungad sa kaniya ang bulto ni Kris na sumagad sa may pintuan. Nabulunan siya sa ininom na tubig. Ang basong hawak ay nabitawan at sumabog iyon sa kaniyang paanan. Ang bubog ay nagkalat sa sahig. Si Kris! Hindi...si Atty. Leon Zargonza, Leon Kristofher Zargonza, bakit ngayon lang niya na-realize ang second name? "Lara, are you okay?" Akmang lalapit ang lalaki kaya kumaripas siya sa kabilang panig ng mesa."Huwag kang lalapit! Huwag!" matinis niyang sigaw na halos ikapunit ng kaniyang

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 12

    NARAMDAMAN ni Larabelle ang malamig na patak ng likido sa kaniyang mga mata. Guminhawa kahit papaano ang hapdi. Dumilat siya pero nasilaw sa liwanag. Muli siyang pumikit. Ang bibigat ng mga talukap niya. Parang may nakadagan na mga bolang bakal. "Larabelle, sweetheart?" Boses ni Kris, hindi... ni Atty. Leon Zargonza pala. Pero iisa lang din naman ang katauhang iyon. "I put some drops in your eyes to soothe the swelling. Tell me if it's working." Drops! Pilit siyang dumilat at tulirong bumaling sa gawi kung saan nagmula ang tinig ng lalaki. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan. "Nasaan ako?" napapaos niyang tanong. Disoriented siya kung ano'ng kuwarto iyon. Base sa kulay at lawak, hindi iyon silid sa bahay nila. "Narito ka sa hospital. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ang sikmura mo? Dito, hindi ba masakit?" Kung saan-saan na kumakapa ang kamay nito. Halos masalat na nito pati ang hindi dapat. Kumislot siya. Gusto nang hambalusin

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 13

    ABURIDONG lumingon si Leon at nasumpungan si Margarett. "Where are you going?" tanong nitong naningkit ang mga mata. "Umalis si Larabelle kasama si Zaila," matigas na sagot ng lalaki sa tonong nagbabadya ang panganib. "Babaeng iyon, iniisip ba niyang makatatakas siya sa akin? Get the car ready! Hahabulin natin sila," mabangis niyang utos sa dalawang security. Nagpulasan paalis ang mga ito patungo sa underground parking na kinaroroonan ng sasakyan. Kailangan niyang ikalma ang sarili para makapag-isip nang tama. Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. Kailangang huminahon. "Bakit aalis si Larabelle?" usisa ni Margarett. "Nag-away ba kayo?""Si Zaila, may sinabi siguro sa kaniya." Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Myrna. "Hello, Sir?""Send few of my security to the airport. Abangan nila roon sina Lara at Zaila. Umalis si Lara rito sa hospital." "Sige po, Sir, ngayon din." Tinapos niya ang tawag at lumipat sa contact profile ng kaibigan niyang opis

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 14

    NILUNOK ni Larabelle ang pagkaing nasa bibig at uminom ng tubig. Malapit na niyang maubos ang chicken at rice soup. Nagustuhan niya ang lasa. Maraming sahog na veggies. "Ayaw ba sa akin ng daddy mo?" tanong niya kay Leon na nanonood sa kaniyang kumakain. Sinabi niya rito ang tungkol sa tawag ng ama nito kanina lang at sa expression ng mga mata at paggalaw ng mga panga nito, halatang may disgusto sa kaniya ang daddy nito. Hindi naman siya umasang tatanggapin siya agad ng pamilya ni Leon lalo na sa background ng career niya. "Ayaw niya sa iyo para kay Lex, I'm not sure kung ayaw rin niya sa iyo para sa akin." Pinunasan nito sa daliri ang gilid ng labi niya. "May pagkakaiba ba iyon?" "He trusted me and my decisions. I hope at least he will re-consider my feelings and accept you in the family."Pagkakaintindi niya sa sinabi nito na mas may tiwala rito ang ama kaysa kay Lex. Agad niyang iniwas ang mga mata. Napatagal masyado ang pagtitig niya rito. Ang mahaba nitong pilik-mata ang sal

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 15

    NAG-CHECK ng mga gamit si Larabelle sa loob ng boxes na nakahimpil sa isang sulok ng kuwarto. Pitong boxes iyon at limang travelling bags. Lahat ay mga gamit niya mula roon sa bahay nila. Sinimulan niyang hanguin ang laman ng isa sa mga cardboard box. Mga alaala ng kaniyang mga magulang. Albums na naglalaman ng pictures nilang mag-anak. Mga crochet items na gawa ng nanay niya. Couple mugs na pinagawa niya noong huling wedding anniversary ng mga magulang. Sapatos at tsinelas. Gora at ang paboritong panyo ng tatay niya. Binuksan niya ang isa sa mga panel ng walk-in cabinet at doon inayos ang mga memento. "Lara, pumasok na kami." Si Myrna, kasama ang nurse niyang si Cecille. Bitbit ng dalawa ang tray na may juice at home-baked cookies. "We bring your snacks." "Busog pa ako sa tanghalian natin, ang dami kong nakain." Ngumiti siya at itinabi ang box na wala nang laman. "Ang sasarap kasi ng mga niluto ng cook." "Pamilyar ba sa iyo ang mga pagkain kanina?" Nilapag ni Myrna ang dala nit

Pinakabagong kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 47

    LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 46

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 45

    MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 44

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 43

    MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 42

    TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 41

    "COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 40

    KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 39

    HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila

DMCA.com Protection Status