PAKIRAMDAM ni Larabelle ay nauubos ang hangin sa paligid. Hindi siya makahinga sa sobrang sikip ng kaniyang dibdib at paghigpit ng puso niya. Tumikhim siya at tumayo, tumakbo patungong kusina. "Larabelle!" habol na sigaw ni Zaila. Hindi na niya pinansin pa iyon. Dinakma niya ang kuwadradong dining table kung saan naroon ang babasaging pitsel na may tubig. Pero nagkatapon-tapon sa mesa ang tubig dahil nanginginig ang kamay niya habang nagsasalin sa baso. "Lara?" Napahumindig siya. Alertong pumihit. Bumungad sa kaniya ang bulto ni Kris na sumagad sa may pintuan. Nabulunan siya sa ininom na tubig. Ang basong hawak ay nabitawan at sumabog iyon sa kaniyang paanan. Ang bubog ay nagkalat sa sahig. Si Kris! Hindi...si Atty. Leon Zargonza, Leon Kristofher Zargonza, bakit ngayon lang niya na-realize ang second name? "Lara, are you okay?" Akmang lalapit ang lalaki kaya kumaripas siya sa kabilang panig ng mesa."Huwag kang lalapit! Huwag!" matinis niyang sigaw na halos ikapunit ng kaniyang
NARAMDAMAN ni Larabelle ang malamig na patak ng likido sa kaniyang mga mata. Guminhawa kahit papaano ang hapdi. Dumilat siya pero nasilaw sa liwanag. Muli siyang pumikit. Ang bibigat ng mga talukap niya. Parang may nakadagan na mga bolang bakal. "Larabelle, sweetheart?" Boses ni Kris, hindi... ni Atty. Leon Zargonza pala. Pero iisa lang din naman ang katauhang iyon. "I put some drops in your eyes to soothe the swelling. Tell me if it's working." Drops! Pilit siyang dumilat at tulirong bumaling sa gawi kung saan nagmula ang tinig ng lalaki. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan. "Nasaan ako?" napapaos niyang tanong. Disoriented siya kung ano'ng kuwarto iyon. Base sa kulay at lawak, hindi iyon silid sa bahay nila. "Narito ka sa hospital. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ang sikmura mo? Dito, hindi ba masakit?" Kung saan-saan na kumakapa ang kamay nito. Halos masalat na nito pati ang hindi dapat. Kumislot siya. Gusto nang hambalusin
ABURIDONG lumingon si Leon at nasumpungan si Margarett. "Where are you going?" tanong nitong naningkit ang mga mata. "Umalis si Larabelle kasama si Zaila," matigas na sagot ng lalaki sa tonong nagbabadya ang panganib. "Babaeng iyon, iniisip ba niyang makatatakas siya sa akin? Get the car ready! Hahabulin natin sila," mabangis niyang utos sa dalawang security. Nagpulasan paalis ang mga ito patungo sa underground parking na kinaroroonan ng sasakyan. Kailangan niyang ikalma ang sarili para makapag-isip nang tama. Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. Kailangang huminahon. "Bakit aalis si Larabelle?" usisa ni Margarett. "Nag-away ba kayo?""Si Zaila, may sinabi siguro sa kaniya." Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Myrna. "Hello, Sir?""Send few of my security to the airport. Abangan nila roon sina Lara at Zaila. Umalis si Lara rito sa hospital." "Sige po, Sir, ngayon din." Tinapos niya ang tawag at lumipat sa contact profile ng kaibigan niyang opis
NILUNOK ni Larabelle ang pagkaing nasa bibig at uminom ng tubig. Malapit na niyang maubos ang chicken at rice soup. Nagustuhan niya ang lasa. Maraming sahog na veggies. "Ayaw ba sa akin ng daddy mo?" tanong niya kay Leon na nanonood sa kaniyang kumakain. Sinabi niya rito ang tungkol sa tawag ng ama nito kanina lang at sa expression ng mga mata at paggalaw ng mga panga nito, halatang may disgusto sa kaniya ang daddy nito. Hindi naman siya umasang tatanggapin siya agad ng pamilya ni Leon lalo na sa background ng career niya. "Ayaw niya sa iyo para kay Lex, I'm not sure kung ayaw rin niya sa iyo para sa akin." Pinunasan nito sa daliri ang gilid ng labi niya. "May pagkakaiba ba iyon?" "He trusted me and my decisions. I hope at least he will re-consider my feelings and accept you in the family."Pagkakaintindi niya sa sinabi nito na mas may tiwala rito ang ama kaysa kay Lex. Agad niyang iniwas ang mga mata. Napatagal masyado ang pagtitig niya rito. Ang mahaba nitong pilik-mata ang sal
NAG-CHECK ng mga gamit si Larabelle sa loob ng boxes na nakahimpil sa isang sulok ng kuwarto. Pitong boxes iyon at limang travelling bags. Lahat ay mga gamit niya mula roon sa bahay nila. Sinimulan niyang hanguin ang laman ng isa sa mga cardboard box. Mga alaala ng kaniyang mga magulang. Albums na naglalaman ng pictures nilang mag-anak. Mga crochet items na gawa ng nanay niya. Couple mugs na pinagawa niya noong huling wedding anniversary ng mga magulang. Sapatos at tsinelas. Gora at ang paboritong panyo ng tatay niya. Binuksan niya ang isa sa mga panel ng walk-in cabinet at doon inayos ang mga memento. "Lara, pumasok na kami." Si Myrna, kasama ang nurse niyang si Cecille. Bitbit ng dalawa ang tray na may juice at home-baked cookies. "We bring your snacks." "Busog pa ako sa tanghalian natin, ang dami kong nakain." Ngumiti siya at itinabi ang box na wala nang laman. "Ang sasarap kasi ng mga niluto ng cook." "Pamilyar ba sa iyo ang mga pagkain kanina?" Nilapag ni Myrna ang dala nit
WALA nang maisip si Larabelle na parusang literal para kay Leon, lalo na ngayong dito pansamantalang titira sa bahay si Senyor Agustus. Alam ng dalagang siya ang dahilan kaya nandito ang matanda. Magmamasid ito sa kaniya. Babantayan ang mga kilos niya at maghahanap ng mga bagay na hindi nito magugustuhan sa pagkatao niya. Pero hindi siya nababahala. Ayaw niyang kumilos na parang binibilang pati ang kaniyang paghinga. Magpapakatotoo siya. Hindi naman kailangang magpa-impress sa ama ni Leon. Kung ano'ng kaya niya at kung ano ang nakikita nito sa kaniya ngayon, iyon ang katotohanan. Hindi niya kailangang magtago sa katauhan ng isang babaeng hindi nag-e-exist para lang tanggapin nito sa pamilya."Magandang umaga!" bati niya sa mga kasambahay na alas sais pa lang ay abala na sa mga gawain. "Magandang umaga, Ma'am!" Salitan na gumanti nang bati ang mga ito. Tumuloy siya ng bakuran at nag-stretching gaya nang nakagawian niya. Basic exercise lang para sa heartbeat at blood circulation. Ak
IBINAGSAK ni Leon ang likod sa sandalan ng swivel chair niya. Ka-re-report lang ni Harry sa kaniya na paakyat roon sa opisina si Lex. Binitawan niya muna ang sign pen at inayos ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang desk. Ilang saglit pa at nag-notify na ang surveillance camera sa itaas ng pintuan. Bumukas iyon at pumasok si Harry. Halos tumilapon sa dingding ang secretary niya nang padabog itong hawiin ni Lex paalis sa daraanan. "What do you want?" matigas niyang tanong at tumayo.Madilim ang mukha ni Lex, nasa mga mata ang nag-aapoy na galit. Pero tulad nang madalas mangyari, wala pa rin itong sapat na tapang sa harapan niya. "Why did you do that?" tiim-bagang nitong angil.Bumaba ang titig niya sa nakakuyom nitong mga kamao. "Sit down, Lex. Mag-usap tayo ng maayos." Itinuro niya ang couch. Walang siyang mapapala kung papatulan niya ang galit nito. "Mag-usap ng maayos? You betrayed me, double crosser! Pinalalayo mo ako para makuha mo siya! At ngayon, ayaw mo pa akong papasukin s
"TOTOO ba ang mga pictures na iyan? Mukha namang hindi edited, eh." Nilunok muna ni Larabelle ang soup na isinubo ni Leon sa kaniya. Tumango ang binata. "These are genuine." Patuloy itong nag-scroll. Pinag-uusapan nila ang mga litratong ipinasa ni Zaila. Pinabasa na rin niya ang mga chat ng babae sa kaniya para aware si Leon sa naging convo nila nitong nagdaang araw. Kung talagang nagsisinungaling ang kaibigan niya, isa lang ang naiisip niyang rason, mahal pa nito si Leon."I have these photos, I even have videos of her when she was in the hospital fighting for her life because of her lunatic boyfriend.""Boyfriend, ikaw?" gimbal niyang bulalas."Bago ko pa siya nakilala, mayroon na siyang live-in partner." Pinunasan ni Leon ng table napkin ang gilid ng kaniyang bibig. "May live-in partner siya?" "Nasa college pa lang siya nang mga panahong iyon. Schoolmate niya yata at family friend din kaya pinagkatiwalaan ng pamilya niya.""Paano kayo nagkakilala?" Kinagat niya nang malaki an
LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na
TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may
"COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa
KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum
HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila