Share

Chapter 2

Author: Aquarius Pen
last update Huling Na-update: 2024-08-07 16:13:05

NASA KAMA si Lex at may kasamang dalawang babae nang pumasok si Leon sa kuwarto. Dito sa condo madalas nagpapalipas ng oras ang bunso niyang kapatid at bihira lang na hindi ito mag-uwi ng mga babae.

"L-Leon!" Taranta itong huminto sa pagharot sa ibabaw ng isa sa mga socialite na kasama.

"Paalisin mo sila, may pag-uusapan tayo," matigas niyang utos at humalukipkip na sumandal sa hamba ng pintuan.

Ang dalawang babae ay hindi na naghintay nang utos mula kay Lex. Hindi magkandaugaga sa pagpulot sa mga kasuotan ang mga ito at hubo't hubad na kumaripas paalis, bakas sa maputlang mukha ang takot.

"Leon, pasensya ka-"

"Get yourself a fucking cover, Alexander." Sinipa niya pasara ang pinto.

Parang tuta na bahag ang buntot na sumunod si Lex at dali-daling nagbihis.

Napailing si Leon. Ano nga 'yong sinabi ng daddy niya? Nababaliw ang kapatid niya kay Belle Sanchez? Baliw siguro kung ang babae ang kasama nito pero kung hindi, sa iba naman ito naglalaway na parang aso. Kailan ba mauubos ang libog nito sa katawan at nang tumino kahit minsan lang?

"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong nitong inayos ang suot na abuhing shirt.

"About Belle Sanchez, stay away from that woman," direkta niyang pahayag. Utos iyon at hindi basta salita lang.

"Pero, Leon-"

"Kung ayaw mong samain sa akin, Alexander, layuan mo si Belle."

Hindi kumibo si Lex at iniwas nito ang takot na mga mata sa kaniya. Kinuha niya ang picture ni Belle at ibinigay sa kapatid. Nasa kama ang babae. Halatang n*******d sa ilalim ng kumot.

"Nanliligaw pa lang naman ako sa kaniya."

"Hindi ka marunong madala."

Nagkuyom ng mga kamao si Lex. "Mahal ko siya, Leon-"

Nakasasakal na titig ang nagpatahimik dito. "Mahal mo? Ano ba ang pagkakaintindi mo sa pagmamahal, Lex? 'Yong dalawang babae rito kanina, ano mo sila? Sex bags?"

"Titino ako kung sasagutin ako ni Belle, Leon."

"Bakit hindi ka na lang tumino ngayon? Nagsasawa na ako sa kahihintay kung kailan mo aayusin iyang buhay mo! Paano mo papatunayan kay Daddy na hindi masamang babae si Belle kung iyang kagaguhan mo ay lalong lumala mula nang mabaliw ka sa kaniya? Huwag mo akong sagarin, Alexander, kaya kitang tanggalan ng mana at itapon sa kalye!"

"Ano bang gusto mong gawin ko?" singhal ni Lex.

"Sumama ka kay Dad sa San Francisco. Uuwi na si Margarett at kailangang may pumalit sa kaniya roon."

"Pero, Leon, wala akong alam sa business natin doon!"

"Ano'ng silbi ng pinag-aralan mo kung hindi naman pala natin mapapakinabangan?"

"Hindi mo kasi ako-"

Wasak ang bahagi ng dingding na tinamaan ng malakas na kamao ni Leon.

Napamulagat sa takot si Lex at bumagsak sa kama, nakanganga.

"Do you want me to blow up your face, stupid? Pack up your ass, you are living in two days with Dad, is that clear?" pinal na sabi ni Leon at tinalikuran ang nakatulalang kapatid.

NASA sofa sa loob ng kaniyang kuwarto si Larabelle at kasalukuyang binabalanse ang ledger ng mga gastusin nila kasama na ang bills ni Larry sa hospital. Titingnan niya kung may extra pa ang pera niya. Gusto niyang mag-donate kahit kunti sa mga biktima ng sunog sa kabilang barangay.

"Ate?" Si Louven, nakasilip sa may pintuan.

"Bakit?" Hinubad niya ang suot na eyeglasses.

"May bisita ka, si Lex."

"Mag-aayos muna ako, alukin mo siya ng maiinom."

"Sige po."

Dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Tinalian niya ng puting laso ang buhok at nagpahid ng lip balm sa labi.

Tumayo si Lex mula sa inuupuang sofa nang makita siya. Dinampot nito ang bungkos ng rosas na nasa mesita at ibinigay sa kaniya.

"Salamat, upo ka ." Nagtungo siya sa kaibayong sofa at doon pumuwesto.

"Pasensya ka na kung hindi ako sumipot sa usapan natin last week, may emergency lang." Nagsalita ito.

Buti na lang din at hindi ito pumunta. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa dinner invitation nito noong araw na iyon.

"Belle, gusto ko nga palang magpaalam. Sasama ako kay Dad sa San Francisco. Kailangan ang tulong ko sa business namin doon. Hindi ko alam kung kailan ako makababalik dito."

"Okay lang, unahin mo muna iyan. Busy rin naman ako sa trabaho ko."

Noon pa ay alam na niyang imposibleng magkaroon siya nang seryosong ugnayan sa tulad ni Lex. Magkaibang mundo ang ginagalawan nila at sa mundo nito ay hindi mabubuhay ang kagaya niyang lumalangoy sa putik araw-araw.

"Nanghihinayang ako, gusto kasi talaga kita."

"Salamat, Lex, pero alam mo ang estado ko. Hindi natin pwedeng ipilit ang isang bagay na wala namang patutunguhan."

"Sana makilala mo ang kapatid ko at nang maturuan mo siyang hindi lahat ng bagay ay pwedeng idaan sa utos at kapangyarihan."

Ngumiti siya nang mapakla. Kahit kailan hindi niya nanaising makilala ang sinuman sa pamilya ni Lex kung hatol lang naman ang mapapala niya mula sa mga ito.

"Sa ngayon wala pa akong sapat na lakas na kalabanin si Leon pero darating ang panahon na hindi na nila ako madidiktahan. Sana sa mga sandaling iyon ay pwede ka nang maging akin, Belle."

Nagkibit lamang siya ng balikat. May karapatan pa ba siyang mangarap na mahalin sa kabila ng mga karanasan niya sa iba't ibang lalaki? Duda siya kung magkakaroon ng tahimik na buhay sa piling ng lalaking pipiliin niya. Araw-araw siyang mai-insecure at baka siya mismo ang sisira sa pagsasama nila.

"Baka marami ka pang gagawin, mas mabuti sigurong umalis ka na. Thank you for everything, Lex, and goodluck." Tumayo siya at naglahad ng palad sa lalaki tanda ng kaniyang pamamaalam.

"Salamat." Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil.

Napansin niya ang paglamlam ng mga mata nito habang paalis. Siguro marami pa itong gustong sabihin pero wala nang saysay pa iyon. Ayaw na niyang lumawig pa ang munting koneksiyon sa pagitan nila ng lalaki.

"Hindi na ba siya babalik, Ate?" tanong ni Louven na lumabas mula sa kusina.

"Hindi na siguro. Pupunta raw sila ng daddy niya sa San Francisco. Siya yata ang magma-manage ng business nila roon." Nag-unat siya ng mga braso.

"Buti na rin iyon. Wala akong tiwala sa lalaking iyon. Noong isang araw nakita ko siya, may kalampungan sa loob ng sasakyan niya. Hindi lang siguro ikaw ang nililigawan non."

"Wala naman akong balak na sagutin siya. Halatang isa lang ako sa mga gusto niyang gawing past time." Naglakad na siya pabalik ng kaniyang kuwarto. "Louven, pupunta ako ngayon kay Larry," aniya bago isinara ang pinto.

Naghanda siya para pumunta na ng hospital. Idadaan na rin niya on the way ang kunting financial assistance na ibibigay niya sa mga nasunugan sa squatter area ng Barangay Salome. Budget niya iyon para pambili ng bagong washing machine, iyong automatic. Luma na kasi ang ginagamit nila ngayon at hindi na gaanong gumagana ang dryer. Pero hindi bale na, baka magkaroon siya ng kliyente next week, maaabunuhan niya ang pambili ng bagong washing machine.

Palabas na siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinilip muna niya kung sino ang tumawag. Si Kris?

"Hello, Kris?"

"Nasaan ka?" tanong ng lalaki.

Napangiti naman siya. Maganda ang hagod ng boses ni Kris kahit sa cellphone. Lalaking-lalaki.

"Nandito pa sa bahay. Paalis na ako patungong hospital, bakit nga pala napatawag ka?"

"May sinabi sa akin si Myrna. May natanggap ka bang invitations from dark web?"

"Dark web? Iyon ba ang online pornsites?"

Ang alam niya malaking pera rin ang kikitain ng mga babaeng nagpopost doon ng nude pictures. Ang iba ay nagla-live pa habang n*******d at nagbabayad ng malaki ang fans na nanonood. Hindi sumagi sa isip niya na sumali roon. Kontento na siya sa ginagawa niyang kalaswaan sa harap ng camera ni Kris.

"Hindi pa sinabi ni Myrna sa akin pero kung sakali mayroon nga, hindi naman ako interesadong pumasok sa dark web."

"That is nice to hear, Lara. Sige, tumawag lang ako para magtanong."

"Okay, ba-bye." Kahit ayaw sabihin ni Kris, dama niyang nag-aalala ito para sa kaniya. Isa iyon sa mga naging dahilan kaya komportable siyang maghubad sa harap ng lalaki at sa camera nito.

ZARGONZA Components, isa sa pinakamalaking kompanya ng precision engineering dito sa bansa. Dito nanggagaling ang ilan sa mga piyesa ng cellphone. Pag-aari ng pamilya ni Leon Zargonza ang kompanyang mayroon nang iba't ibang branch sa Asya at California. Dito sa Pilipinas, ang main base ay personal na pinamamahalaan ng binata. Noong araw na iyon ay ginanap ang regular meeting ng board of directors.

"We need to step up our marketing strategy this time, Julianna. Evolution ng technology ang gusto kong makita sa theme. Future development that will affect the next generation," paliwanag ni Leon sa marketing operation officer. Ito ang in-charge para sa promotion at advertisement ng kanilang mga produkto.

"What do you mean by that, Sir?" tanong ni Julianna.

"Magpalit tayo ng endorser. I'm tired of the models and actresses. Let us try with a pregnant woman. Magkakaroon ng dalawang series ang ads, we will be focusing on the technology as carrier of dreams of the child."

"Magandang theme po iyan, Sir. I will discuss it with the rest of my team this afternoon."

"Yeah, do it. I will help finding the suitable pregnant endorser. Okay lang na habaan ang preparation basta maganda ang outcome."

"I will take note on that, Sir."

Naghiwalay sila ni Julianna sa labas ng elevator nang sapitin nila ang 48th floor ng gusali kung saan naroon ang kaniyang opisina.

"Harry!" tawag niya sa private secretary at driver niyang si Hercules na nakabuntot sa kaniya.

"Sir?"

"Baka nasa airport na si Margarett, pumunta ka na. You can go home ahead after picking her up. Ako na ang bahala sa sarili ko pauwi."

"Okay po, Sir."

May tinapos lang siyang ilang urgent documents sa loob ng kaniyang opisina. Sakay ng elevator ay umakyat siya sa penthouse na nasa 50th floor ng building. Ang 49th floor niyon ay garahe ng mga sasakyan niya at ang personal fitness gym kung saan siya regular na nagwo-work out.

Saglit siyang nag-relax habang umiinom ng whiskey at pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba mula sa floor to ceiling window. Itinukod niya ang isang kamay sa salaming dingding at inubos ang laman ng baso. Pagkuwa'y pumihit, nilapag ang baso sa counter at nagtungo sa secret room na kaugnay lamang ng penthouse unit.

Gwardiyado ng dalawang security guards ang sekretong silid na iyon kung saan siya lang ang maaring pumasok. Hinugot niya sa bulsa ng pantalon ang keycard at itinapat sa horn doorknob. Umalma ang lock at binuksan niya ang mabigat na metal door.

Automatic na bumaha ang liwanag pagpasok niya at sa gitna ng malawak na kuwartong iyon ay nakasampa sa pedestal stand ang malaking portrait painting ni Larabelle Sanchez.

Lumapit siya roon. Hinaplos ang mukha ng dalaga sa painting at hindi nakontento, nilapatan niya ng halik ang labi nito.

Tama.

Hindi lang si Lex, pati siya ay baliw na baliw kay Belle Sanchez.

Kaugnay na kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 3

    SINAPIT ni Leon ang on-call room ng hospital at agad natanaw sa loob ang kakambal niyang si Margarett. Nakaupo ang babae sa couch. Ang silid na iyon ay ginagamit ng mga doctor habang nasa break ang mga ito. May tatlong couch doon at bunkbed para sa staff na gustong mag-relax saglit. Doctor ang kapatid niya pero nag-aaral din ito tungkol sa business dahil balak nitong magtayo ng sariling hospital. Bago ito nagtungo ng San Francisco noong isang taon naging resident doctor ito rito sa Standford Doctors PH. "Leon!" natutuwang bulalas ng babae at tumayo, sinalubong siya. "Hindi ka umuwi sa mansion kagabi, hinintay kita." Agad itong tumingkayad at kinudlitan siya nang halik sa gilid ng labi."I have to pull an overtime at the office, how's work going on?" tanong niyang ngumiti ng bahagya. Kapag kasama niya ang kakambal, kailangan niyang mag-ingat sa mga kilos niya. Madali kasi siya nitong nababasa."My work is fine and I get along well with my colleagues there. Kung hindi mo sinabing eme

    Huling Na-update : 2024-08-07
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 4

    NAGPUPULSO ang kirot sa sentido ni Leon nang bumangon. Kulang dalawang oras ang itinulog niya. Nag-overtime siya kagabi at tinapos ang natitirang pending documents na kailangan nang makalusot sa accounting department sa darating na Lunes. Lumabas ng kuwarto ang binata at nagtungo sa kitchen. Kumuha ng cartoon ng fresh milk, tinungga ang laman hanggang sa maubos at hinagis sa trash bin na nasa sulok ang empty box. Bumalik siya ng silid at nagtuloy sa loob ng bathroom. Quick cold shower lang at nagising na ang kaniyang mga laman. Paglabas niya ay sakto lang na nag-notify ang digital clock sa ibabaw ng sidetable. Alas siyete na ng umaga. May isang oras pa siya para bumiyahe. Alas nueve ang schedule ng photo shoot ni Larabelle.Kung hindi siya kinulit ni Margarett kagabi na samahan ito sa paborito nitong fine dining, maaga sana niyang matatapos ang trabaho at may sapat na oras pa siya para magpahinga. Pero hindi siya tinigilan ng kakambal at daig pa nito ang alarm clock kung kalampagin

    Huling Na-update : 2024-08-12
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 5

    LIMANG photo shots na may iba't ibang pangahas na pose ang tumapos sa pictorial ni Larabelle nang araw na iyon. Inabot sila ng alas kuwatro ng hapon dahil panay ang break ni Kris. "Overnight tayo rito, kaya mag-enjoy ka muna sa pool habang hinahanda pa ang dinner," abiso ni Myrna sa kaniya. "Okay, ikaw ba hindi maliligo? Samahan mo ako, ang sarap ng tubig," yaya niya sa manager at lumusong agad sa tubig. "Mamaya na ako pagkatapos ng hapunan. Late night swim. Anyway, napag-isipan mo na ba ang tungkol sa tv commercial?" tanong ng babae na na nagkasyang manood lang muna sa kaniyang nakatampisaw siya sa tubig."Hindi pa. Saka na lang siguro pagkatapos nating kausapin ang may-ari at malaman ko kung ano ang term of conditions ng kontrata.""Okay, ikaw ang bahala. Doon muna ako sa room, tatawagin kita kapag ready na ang dinner natin." Nagpaalam si Myrna at iniwan siya roon.Sinulyapan niya si Kris na nagliligpit ng video-cam at ng stand. Hindi na nito suot ang jacket at halos mabilang ni

    Huling Na-update : 2024-08-12
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 6

    NAKARATING ng penthouse si Leon na walang nakuhang sagot mula kay Larabelle. Pero wala rin namang rejection. Naging tahimik lang ang dalaga sa natitirang oras nila sa biyahe, halos ayaw na nitong tumingin sa kaniya. Alam niyang hindi nito inaasahan ang pagtatapat niya nang nararamdaman kanina. Dapat siguro nagpigil siya at hinabaan pa ang pasensya. Pero hanggang kailan ba dapat? Nauubusan na siya ng oras. Siguradong matinding galit ang haharapin niya mula sa dalaga kapag nalaman nito na siya lang ang naging client nito mula pa noong nagsimula itong pasukin ang industriya ng porn magz."Good morning, Sir Leon!" bati sa kaniya ni Harry. Nag-abang ito sa labas ng executive elevator. "Good morning, Harry. It's okay I got this." Tumanggi siya nang tangkain nitong kunin sa kaniya ang video-cam. Kahit iyon, by reflexes ay ayaw niyang mahawakan ng iba. Ang video-cam na iyon ay exclusive lang para sa kaniya at kay Larabelle. Ang nagtatago sa lahat ng maseselan na larawan ng dalaga."May dum

    Huling Na-update : 2024-08-13
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 7

    PAKIRAMDAM ni Larabelle ay inabandona siya ng kaniyang kaluluwa. Si Kris bigla na lang sumulpot sa harap niya at nag-urong ng sila sa kaniyang tabi. Naupo at hinawakan ang sandalan ng upuan niya. Pilit niyang hindi pinansin ang lalaki pero lalo namang tumitindi ang malakas nitong dating. Nakatitig ito sa kaniya, nanonood habang kumakain siya. Pahirapan na pati ang paglunok niya sa malambot na laman ng sweet and sour meatballs. "Pwede ba, tigilan mo nga iyang katititig mo sa akin? Ang awkward kasi," angal niyang sinamaan ng tingin ang binata. Uminom siya ng tubig, hindi na kasi siya makahinga nang maayos."Just ignore me, I'm having a good time watching you eat." Itinuon nito ang siko sa mesa. Ipinatong sa nakakuyom na kamay ang baba na may manipis na anino ng balbas."Hindi nga ako makalunok, ano ba?" mataray niyang sita rito. Kinilabutan siya nang sumilip ang dulo ng dila nito at pumasada sa ibaba nitong labi. "Ang ganda mo." Lahat yata ng dugo niya ay napunta sa kaniyang mukha.

    Huling Na-update : 2024-08-14
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 8

    MATATAG na pinigilan ni Larabelle ang pagbuhos ng mga luha. Hindi pwedeng makita ng mga kapatid niyang pinanghihinaan siya ng loob. Siya ang sandalan ng mga ito sa pamilya nila. Sa mga ganitong pagsubok dapat magiging matibay siya alang-alang sa mga ito."Okay ka lang ba? Ano bang ginawa mo?" malumanay niyang tanong kay Louven. Itinawid niya ang kamay sa siwang ng rehas sa pagitan nila at marahang hinaplos ang panga ng binata.Parang niyuyupi ang puso niya habang pinagmamasdan ang mga pasa nito sa mukha. Hindi man lang muna ito ginamot bago ipinasok sa seldang iyon. Hindi pa naman napatunayan na ito ang may kasalanan sa nangyaring gulo."Itanong mo kay Larissa, Ate, kung ano'ng nangyari. Kanina pa niya pinagtatanggol ang sira-ulong Coin De Vera na iyon," naghihimagsik na sagot ni Louven at pinukol nang matalim na tingin si Larissa sa likuran niya."Coin De Vera?""Anak siya ni Cong. De Vera ng Sta. Catalina, 5th district," singit ni Kris na nakaalalay sa kaniyang tabi. "Congressman?"

    Huling Na-update : 2024-08-15
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 9

    COAL black button down long sleeves, acid wash pants at cross belt leather boots na kulay brown. Nakaangat sa ulo nito ang dark shades at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakawala sa malinis nitong brush-up. Gintong stud earring sa kanang tainga na parang maliit na bituin kung kumislap.Kanina pa pinagmamasdan ni Larabelle si Kris at hinding-hindi siya nagsasawa. Parang bago lahat nang nakikita niya sa lalaki. Nasa presinto sila at kausap nito ang desk officer para sa areglo ng kaso ni Louven. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito pero bigla na lang nagbigay ng statement ang kabilang panig at inurong ang demanda. Sumulyap sa kaniya si Kris at sa tuwina ay hindi handa ang puso niya sa killer smile nito na bibihira lang niya makita gaya ngayon. Parang isda na nakawala sa tubig ang tibok ng puso niya. Kumakawag-kawag sa loob ng kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang boyfriend na niya si Kris. Noong una niyang nakilala ang lalaki, hindi niya matagalan

    Huling Na-update : 2024-08-16
  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 10

    NATUWA si Larabelle sa narinig na feedback ng attending physician ni Larry. Maganda raw ang resulta ng dalawang linggong observation ng bagong medication. Kapag nagtuluy-tuloy baka payagan nang makauwi ng bahay ang kapatid niya at i-a-upgrade ito to out-patient status. "Oh, ano'ng problema?" tanong ni Myrna na nagtataka. Bigla kasi siyang huminto sa paglalakad, tutop ang kaniyang dibdib.Sinamahan siya ng manager dito sa hospital matapos niyang pirmahan ang 3 year contract bilang company endorser ng Zargonza Component. Legal counsel lang ng kompanya ang present kanina sa contract signing at hindi niya ini-expect na may taga-media na dumalo sa kaganapan."Ewan ko ba, ilang araw na akong ganito. Bigla na lang akong kinakabahan kahit wala naman akong iniisip na pangit.""Sa kaiinom mo iyan ng kape. Bawasan mo kasi, baka sumubra na ang caffeine sa katawan mo." "Hindi naman ako laging nagkakape," sagot niyang tumuloy na sa paghakbang patungo sa sasakyan ni Myrna. "Eh, 'di dahil sa katas

    Huling Na-update : 2024-08-17

Pinakabagong kabanata

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 47

    LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 46

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 45

    MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 44

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 43

    MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 42

    TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 41

    "COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 40

    KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 39

    HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila

DMCA.com Protection Status