Share

IN BED WITH A BILLIONAIRE
IN BED WITH A BILLIONAIRE
Author: Aquarius Pen

Chapter 1

ALAS TRES pa lamang ng hapon ay tapos na ang pictorial ni Larabelle para sa isang exclusive men's magazine. Ginanap ang photo shoot niya sa isang pribadong beach resort. Tanging bulaklak na Dahlias ang takip ng nipples niya at ng kaniyang pagkababae. Sa kasalukuyan, ang issue ng magazine kung saan siya ang laman ang pinakamabinta sa market lalo at nakalinya iyon sa p**n volume.

"Magpahinga ka muna," sabi ng manager niyang si Myrna. Chubby ito pero nasa kurba pa rin ang katawan. Kumikislap ang hibla ng buhok nitong kagagaling lang sa mamahaling rebond.

Ito lang at ang photographer niyang si Kristofher ang kasama niya rito. Ang dalawa lang naman talaga ang madalas kasama niya tuwing photo shoot.

"Salamat, Myrn, tawagin mo lang ako kung may kailangan pa akong gawin."

Tinanaw niya si Kris. Abala ang photographer sa pagsilip sa mga kuha ng camera. Matangkad itong lalaki. Lagpas six feet. Banat ang katawan sa work out. Parang mga hugis ng sining ang hulma ng masels nito sa katawan na bumakat sa suot nitong manipis na shirt. Kung hitsura at katawan ang usapan, kayang-kaya nitong makipagsabayan sa modeling.

"Kris, sa room muna ako!" Nagpaalam siya.

Nag-angat ng tingin ang lalaki at tumango. Pagkuwa'y inayos nito ang suot na itim na baseball cap at binalikan na ang camera.

Nagtuloy siya sa kuwartong nakalaan para sa kaniya. Tinawagan siya kanina ni Lex, may reserved table raw sila sa pinakamalapit na restaurant. Mamaya na siya pupunta roon.

Pumasok siya ng banyo at nagbabad sa bathtub. Gawain niya tuwing napapagod siya, para ma-relax ang mga kasu-kasuan niya. Halos buong araw din siyang nakatayo at ngalay na ang mga binti niya.

Hubo't hubad siyang umahon sa bathtub nang tumunog ang door bell ng silid. Hinablot niya ang bathrobe na nakasampay sa curtain bar kung saan dumadaloy ang shower curtain. Nagmamadaling tinungo niya ang pinto habang ibinuhol ang sintas ng roba. Bumungad sa kaniya pagbukas ng pinto ang room boy, tangan ang tray na may bungkos ng Dahlias at isang bote ng imported red wine.

"Kanino galing?"

"Hindi po sinabi, Ma'am."

"Ah, okay. Thank you." Kinuha niya ang tray at dinala sa loob.

Inamoy niya ang Dahlias at nilapag sa mesita. Ibang kliyente ba ang nagpadala nito? Dinampot niya ang bote ng wine na nakalublob sa bucket na may ice cubes. Binuksan na iyon. Duda siya kung ano na namang nakalagay roon pero bahala na. Ang mahalaga may pera siya pagkatapos nito. Ganito ang mga bilyonaryo na gustong gumamit sa kaniya. Hindi nagpapakilala dahil ayaw nang sabit at gulo. Ang gusto lang ay tikman siya at pawiin ang init ng katawan.

Nagsalin siya sa baso at nilagok ang unang shot. Nag-init agad ang katawan niya. Nagsalin siya ulit at sunud-sunod na ang pag-inom niya hanggang sa umikot ang paligid at halos takasan na ng lakas ang mga tuhod niya. Binitbit na niya ang bote at tinungga, dinala sa kama bago pa siya mag-pass out.

Lupaypay na siya sa kalasingan nang madama niya ang haplos sa kaniyang binti paakyat sa kaniyang hita. Umangat pa ang haplos at narating ang kaniyang pagkababae na malaya sa anumang takip sa ilalim ng bathrobe na suot niya.

Sinubukan niyang dumilat pero anino ng tela ang nahagip nang umiikot niyang paningin. Pipiringan siya? Naaninag niya ang pangahas na bulto ng lalaki bago tuluyang nagsara ang mga mata niya pagkalapat ng tela.

"T-teka, nag-condom ka ba? Wala akong pills ngayon," paungol niyang tanong.

Walang sagot at sinakop na nang mapusok na halik ang labi niya. Napaungol na lang ulit siya at tuluyang nagpaubaya sa malakas na nilalang na pumaibabaw sa kaniya. Pinaghiwalay nito ang kaniyang mga hita at walang babalang ipinasok ang pagkalalaki sa tagong pintuan ng mundo niya.

Matigas. Mahaba. Siksik at sagana. Damang-dama niya ang bawat marahas na pag-ulos nito. Sinasagad ang kayang marating ng pagkalalaki nito. Humahalo sa kalasingan niya ang iba't ibang masidhing emosyon. May bahaging pamilyar na sa kaniya. Ang sarap at init. Lagi namang ganito. Kahit pa labag sa loob niya ang kaniyang ginagawa, kusang tumutugon ang katawan niya. Walang humpay ang kaniyang pagdaing hanggang sa narating niya ang sukdulan.

Masakit ang ulo nang magising siya kinabukasan dahil sa hang-over, pati tiyan niya ay humahapdi sa gutom. Manipis na alaala ang naiwan at naglaro sa isip niya, ang mainit na tagpo kahapon kasama ang lalaking hindi niya alam kung sino.

Pero nataranta siya nang ma-realize niyang hindi gumamit ng proteksiyon ang kliyente habang ginagalaw siya nito. Aligaga niyang hinablot ang cellphone at tiningnan ang kalendaryo. Nakahinga siya nang maluwag. Buti na lang safe siya. Lagot na kung mabubuntis siya nang wala sa plano dahil sa katangahan niya.

Bumangon siya at natuon ang tingin sa mga pagkaing nasa mesita. Katabi ng mga iyon ang itim na hand carry bag. Bumaba siya ng kama at lumapit doon. Sinilip ang laman ng bag. Malutong na bundle ng tig-iisang libo. Palagay niya ay nasa tatlong milyon.

Sa mahigit dalawang taon niya sa nakasusukang gawaing ito, hindi pa niya nakita maski minsan ang mukha ng mga kliyente niya sa kama. Pero may common denominator ang mga ito. Mga bilyonaryo at ayaw na maghabol siya. Pagkatapos magtalik ay nag-iiwan ang mga ito ng pera.

Sabagay, pera lang naman ang kailangan niya. Limpak-limpak na salapi para sa ikabubuhay ng kaniyang pamilya. Hindi na kailangang makilala pa niya kung sinu-sino ang mga ito.

Mali nga siguro ang ganitong paraan para kumita at mabuhay. Hindi niya i-aabswelto ang sarili sa kasalanan. Pero wala siyang ibang choice kundi gamitin ang ganda niya. Sa lipunan kung saan maraming uhaw sa makamundong ligaya, ang tanging sandatang mayroon siya ay ang gandang milyon-milyon ang halaga.

"Lara, si Myrna ito! Gising ka na ba?" Boses ng manager niya mula sa labas ng pinto.

"Pasok ka, Myrn!"

Bumukas ang pinto at pumasok ang babae.

"Kumain ka na ba?"

"Kakain pa lang."

"Nauna na nga pala kagabi si Kris, may emergency raw sa bahay nila."

"Okay, kumain ka na ba?"

"Tapos na ako roon sa dining kanina."

Sinamahan siya roon ni Myrna habang kumakain. Bago magtanghali ay nag-pack up na sila at umalis ng resort.

Corinthian Tower, Forbes Lane.

Pinagmasdan ni Leon ang mga larawang nakalatag sa kaniyang desk. Larawan ng kapatid niyang si Lex kasama ang isang babae.

"Kilala mo ang babaeng iyan, hindi ba?" Nagsalita si Señor Agustus, ang daddy niya.

"Belle Sanchez, Dad. What about her?"

"A bold star."

"Yes?" Tiningnan niya ang ama. Parang alam na niya ang sunod nitong sasabihin.

Ini-atras niya ang swivel chair at tumayo. Hinilot ang bridge ng ilong. Wala pa siyang tulog. Tapos idadagdag pa yata nito sa trabaho niya sina Lex at ang babaeng iyon.

"Talaga bang wala kang pakialam?" May bahid ng galit sa timbre ng matandang senyor.

"Tungkol saan, Dad?"

"Siya ang kinababaliwan ngayon ng kapatid mo! Asikasuhin mo siya habang maaga pa. Alisin mo sa buhay ni Lex ang babaeng iyan bago pa masira ang kinabukasan ng kapatid mo."

"Magsasawa rin si Alexander sa kaniya, Dad. Parang hindi mo kilala ang bunso natin. Monthly kung magpalit ng babae iyon." Nagtungo siya sa bar at nagbuhos ng scotch sa whiskey glass. Inalog muna ang inumin bago nilagok.

"Huwag ko lang maririnig na nagkakalat ang dalawang iyan, pati ikaw mananagot sa akin, Leon."

"I have too much in my plate to handle right now, don't make me baby-sit your spoiled baby boy." Umiling si Leon. Ngayon lang niya nakitang nabahala nang ganito ang ama. Alam siguro nito ang kalibre ni Belle pagdating sa mga lalaki.

"Hindi ko hihintaying pati ang reputasyon ng pamilya natin ay masira dahil sa babaeng iyan. Gawan mo ng paraan, kahit ano, wala akong pakialam kahit patayin mo pa iyan! Ang babaeng tulad niya ay hindi kontento kahit tabunan mo pa ng bilyones!"

"Then why don't you use one of your private bodyguards to do the job if killing her is your only solution?"

"Ayaw kong pumalpak kaya ikaw ang gagawa, maliwanag? Sa lalong madaling panahon, Leon." Hindi na ito naghintay pa ng sagot mula sa kaniya.

Tiim-bagang niyang hinatid ng tanaw ang ama na lumabas ng opisina niya.

Naintindihan niya ang pinanggagalingan ng galit nito. Minsan nang nagkamali ang kapatid niyang si Lex. Nagdala ng babae sa bahay nila. Isang model na walang ginawa kundi akitin siya at nang hindi nagtagumpay ay bumaling sa tiyuhin nilang may asawa.

Sa paningin ng daddy niya walang ipinagkaiba si Belle Sanchez. Oportunista, gold-digger, mukhang pera. Kagandahan lang ang puhunan para kumita.

IPINASOK ni Larabelle ang susi ng sasakyan sa dalang shoulder bag at pumanhik sa loob ng bahay. Kasalukuyang nagluluto si Larissa nang datnan niya sa kusina.

"Wala kang pasok sa school?" usisa niya sa kapatid.

"Ate, nandiyan ka na pala!" Medyo nagulat ito at kaagad na nagmano. "Wala kaming pasok ngayon, foundation week kasi at mga event lang ang mayroon. Wala akong sinalihan kaya hindi na ako pumunta."

"Sina Louven?"

"Pumasok po siya. Kasali siya sa basketball para sa department nila at may laro po sila ngayon."

Tumango siya at sinilip ang nilutong chopsuey ni Larissa.

"Pagkatapos kumain pupunta tayo kay Larry," sabi niyang ngumiti.

"Sige po, balak ko rin talagang dumalaw sa kaniya ngayon, Ate. Hindi ako nakapunta last week, eh."

Nasa hospital si Larry, dalawang taon nang pabalik-balik ito sa hospital dahil sa malubhang karamdaman nito.

Goodpasture syndrome. Isang kakaibang sakit kung saan ang katawan ng pasyente ay lumilikha ng maling antibodies at inaatake ang baga at kidney. Sabi ng doctor, karamihan sa mga natatamaan ay mga lalaking nasa edad biente pataas. Noong tumuntong si Larry ng biente, nagsimula rin ang mga sintomas. Hindi kaagad niya napansin kaya lumala bago pa nasimulan ang treatment.

Ngayon, kailangan ni Larry manatili sa hospital kada tatlong buwan at higit sa isang milyon ang gastos nila sa gamutan. Isang rason kung bakit napilitan siyang kumapit sa patalim. Siguro kung gumaling na si Larry, pwede na rin siyang tumigil.

"Ate, okay ka lang ba?" pukaw ni Larissa sa kaniya.

"Oo naman, magbibihis lang ako at ihahanda ko na rin ang dadalhin natin sa hospital."

"Sige po."

Magdadala na rin siya ng pang-deposit para sa susunod na tatlong buwan. Ang perang iniwan sa kaniya ng kliyente kahapon ay sapat na para sa gastusin nila at sa gamutan ni Larry. Buti na lang lagi siyang may advance deposit. Hindi kasi siya nauubusan. Para bang alam ng mga kliyente niyang kailangan niya ng malaking halaga kada tatlong buwan para sa gamutan ni Larry.

Huminga siya nang malalim at naglakad palabas ng kusina. Tuwing nakikita niya ang mga kapatid na nagsisikap para sa kinabukasan ng mga ito at kapag naisip niya si Larry na mabubuhay pa nang matagal, nagkakaroon siya ng lakas ng loob na patawarin ang sarili sa lahat ng kasalanang ginagawa niya araw-araw, lalo na ang pagbibinta niya ng katawan at kaluluwa sa demonyo.

Ang tagumpay ng mga kapatid niya ang magsisilbing pantubos ng madilim niyang hinaharap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status