“CALM down young man,” sabi ni Lukas na pilit pinapatahan sa pag-iyak ang batang lalaki na karga nito. Nagtagumpay naman ito dahil kumalma ang bata. Hinaplos pa nito ang buhok ng bata na nangilala pa rin ang mga tingin sa binata.Isang eksenang kinaaliwang pagmasdan ni Cataleya. Napatigil siya sa paglalakad at hindi muna lumapit sa kanyang contract boyfriend. Kahit pala paano, may father’s love na itinatago si Lukas sa kabila ng personalidad nito. Maybe his soft side. Ngayon ay malaya niyang nasasaksihan. Nawala tuloy sa isip niya kung kaninong anak ang karga-karga pa rin nito.May lumapit na isang babae sa dalawa at kaagad na nakita ito ng bata. “Mommy! Mommy! Mommy!”“Salamat sa Diyos at nakita na kita, baby ko,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na halatang ito ang ina. “Kinakabahan na ako sa takot at baka kung ano na ang nangyari sa’yo.”Kusa namang ibinigay ni Lukas sa ina nito ang bata. “Next time Mrs. maging responsible kang ina. Huwag kang maging pabaya sa anak mo.”Nagulat ang
KUMURAP-KURAP ang mga mata ni Cataleya sa isang magandang babae na papalapit sa kinaroroonan nila ni Lukas. Sa suot nitong damit ay masasabing fashionista ito. At kilalang kilala niya ito. Walang iba kundi si Antonia Salceda, isang sikat na online personality at social media influencer. Isa ito sa may most followed channel sa isang video streaming site. Kahit siya ay naka-subscribe dito.“Lukas, my friend, long time no see ah.” Humalik si Antonia sa pisngi ng binata pagkalapit nito. “Thank you huh, at ako pa rin ang naalala mo.”Gumanti ng ngiti dito sa Lukas. “Of course Tonia, ikaw lang naman ang trusted personality person ko.”“Well I am happy for giving me an exclusive content for my online show,” natutuwang sabi nito. Nakisabay din ang kislap ng mga mata ni Antonia sa nadarama.Napapitlag siya nang walang pasabing inakbayan siya ni Lukas. “I know your integrity. Kaya nga sa’yo kami magpapa-interview nitong girlfriend ko, si Miss Cataleya Domingo.”“Oh nice to meet you, Cataleya.”
“YOU know what Cataleya,” nakangiting sabi ni Antonina sa kanya nang matapos ang interview. Pareho silang nakatayo sa isang sulok. Si Lukas naman ay saglit na umalis sa lounge para gumamit ng CR. “I like you for Lukas.”Kumislap ang mga mata niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala na makakatanggap ng ganooong message sa sikat na online influencer. “Coming from my idol, na-flattered naman ako bigla.”“To tell you, hindi na ibang tao sa akin si Lukas,” imporma pa nito. “We’re a good friend since childhood. The reason kung bakit mas pinili niyang magpa-interview sa akin kahit ang daming mga columinist, vlogger at reporter ang humihingi ng interview sa kanya.”“I see, sa’yo pala s’ya comfortable dahil may pinagsamahan kayong dalawa,” nakakaunawang tugon niya.“Alam mo, I’m not sure kung alam mo ito,” may biglang naalalang sabi muli ni Antonia. “Isa lang ako sa mga babaeng hindi nadamay sa galit ni Lukas. Woman hater talaga siya.”“And why?” kusang nanulas sa labi niya ang maikling na tan
NGUNIT bago pa makuha ni Cataleya ang cellphone niya ay naunahan na siya ni Lukas. Pakiramdam niya ay binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya, nanginig ang bawat kalamanan niya. Mukhang hindi na niya mapipigilan pa ang mabuking nito ang malaking sekreto na itinatago niya. Naipikit niya ang mga mata at inihanda na lang ang sarili sa sunod na mangyayari.“Take this,” narinig niyang sabi ni Lukas.Napamulat siya ng mga mata niya, napansin niya na iniaabot nito ang cellphone niya sa kanya. Kaagad niyang dinampot iyon at saka lang siya nakahinga nang maluwag. Mabuti na lang at nag-off display screen. “Hay, salamat naman.”Nangunot ang noo nito sa pagkakatingin sa kanya. Napaupo na rin ito sa ibabaw ng kama niya. “Something wrong? Nasira ko ba ang cellphone mo?”Umiling siya sabay hamig muli sa sarili. “W-wala, akala ko k-kasi ay bumagsak na sa sahig itong cellphone ko. Ang dami kasi mga important file dito.”“I’m sorry kung nagulat kita sa pagpasok ko dito sa room mo,” mababan
“HUH? Sino ka?” Bigla niyang naitulak ang lalaki saka mabilis na kumalas ng yakap dito. Bigla siyang nakadama ng pagkapahiya sa napagtanto niya ng mga sandaling iyon. Paiwas ang naging tingin niya dito. “I’m sorry Mister, mukhang naabala pa kita.”“It’s okay Miss, napansin ko kasi na dadaan ka dito sa basang sahig.” Itinuro nito sa kanya ang isang bahagi ng hotel na may caution na ‘slippery when wet. “Napilitan akong hilahin ka kaysa mapahamak ka. It seems na ang lalim ng iniisip mo kanina.”She cleared her throat. Hinaplos ang puso niya sa ginawang pagligtas sa kanya ng estrangherong kaharap. “Ah okay, maraming salamat huh. Pasensya na kung nadamay ka pa sa pagiging lutang ko kanina.”Ngumiti ito ng matamis. Napansin niya ang taglay nitong kagwapuhan at bagay na bagay dito ang wavy hair nito. May lumilitaw ding dimple sa pisngi nito. “You’re welcome Miss, natural naman sa akin ang pagiging helpful.”“Naku, sorry ulit huh,” nahihiyang sabi niyang muli. Napansin niya ang bakas ng luha
“ALAM mo Cataleya, ayaw mo lang aminin sa sarili mo na may attraction ka sa boss mong si Lukas,” ani Ria na pinakatitigan ang mukha niya. “In denial ka lang dahil natatakot kang tanggapin iyon.”“Wow huh.” Pinanladitan niya ito ng mata. “Normal lang naman siguro na humanga ako sa isang ‘yun physically. Gwapo naman kasi siya at ang hot niya, kaya nga nagkaroon ng buhay ang character kong si Von.”“Asus, ginawa mo pang alibi ang kwento mo.” Humagalpak ito ng tawa.Pilit niyang ikikintal sa utak niya na isang simpleng paghanga lang ang nadarama niya kay Lukas. Pero bigla siyang napailing dahil tila iba ang nais sabihin ng puso niya.“Charater pa rin ang mahalaga sa akin para gustuhin ko ang isang lalaki, frenny,” giit niya. “Hindi kagaya ni Lukas ang gusto kong mahalin, puro sarili lang ang iniisip niya at baka maging controlling pa s’ya sa akin.”Pinalo siya nito bigla sa balikat niya. “Ewan ko sa’yo Cataleya, attraction pa lang ang pinag-uusapan natin pero ang layo na ng narating ng i
“ARE you out of your mind, Miss Domingo?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ni Cataleya pagkarinig sa boses na iyon ni Lukas. Naimulat niyang muli ang mga mata niya na hindi niya namalayan na naipikit na pala niya. “I’m s-sorry.” Minsan pa niyang naipilig ang ulo sa mga oras na iyon. Napansin niya na titig na titig ito sa kanya, blangko pa rin ang expression ng mukha nito. Ibig sabihin ay imahinasyon lang ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila kanina. Lumipad sa ibang dimensyon ang isip niya. “Hindi k-ko alam kung ano ang nangyari.” “Be careful next time. Ayan oh, muntikan kang mahubaran sa harap ko.” Hawak nito ang buhol ng bath towel na nakabalot sa katawan niya. “Actually, nalaglag talaga siya at mabuti na lang dahil nasalo ko agad.” Lihim niyang kinastigo ang sarili niya. Napasobra naman yata ang pagiging advace niyang mag-isip. Pero parang totoo ang mga nangyaring iyon kahit imahinasyon lang. May naiwang kakaibang init sa katawan niya. Tila nais pang tupukin ang
“TAMO naman buds, ikaw naman pala ang may gusto sa secretary mo,” panunudyo kay Lukas na kaibigan niyang si Brian. Bigla siya nitong binisita sa office niya isang minuto bago siya mag-out. “Over my dead body, malabo na magkagusto ako sa isang babae na kagaya ni Cataleya. I swear.” Itinaas niya ang isang kamay na parang nanunumpa. Kilala niya ang sarili na kayang pangatawanan ang bawat sinasabi niya. Tumuwid ng upo ang kaibigan saka diretsong tiningnan siya sa mga mata. “Huwag kang magsalita tapos buds. Baka dumating ang araw na kakainin mo ang mga sinabi mong ‘yan.” Umiling siya na napapatawa. “Kilala mo ako, ang nasabi ko na ay nasabi ko na.” “Now I know the reason,” hindi pa rin kumbinsidong sabi ni Brian. “Kaya pala pinagsabihan mo ako na huwag akong makipaglapit sa kanya. Ikaw pala ang may gusto sa maganda mong secretary.” “Kasi nga pamilyadong tao ka na at ayoko na magloloko ka sa asawa mo. Kilalang ko ang karakas mo,” may pagganti niyang tugon. Hindi siya nagsasawang paaal