“ALAM mo Cataleya, ayaw mo lang aminin sa sarili mo na may attraction ka sa boss mong si Lukas,” ani Ria na pinakatitigan ang mukha niya. “In denial ka lang dahil natatakot kang tanggapin iyon.”“Wow huh.” Pinanladitan niya ito ng mata. “Normal lang naman siguro na humanga ako sa isang ‘yun physically. Gwapo naman kasi siya at ang hot niya, kaya nga nagkaroon ng buhay ang character kong si Von.”“Asus, ginawa mo pang alibi ang kwento mo.” Humagalpak ito ng tawa.Pilit niyang ikikintal sa utak niya na isang simpleng paghanga lang ang nadarama niya kay Lukas. Pero bigla siyang napailing dahil tila iba ang nais sabihin ng puso niya.“Charater pa rin ang mahalaga sa akin para gustuhin ko ang isang lalaki, frenny,” giit niya. “Hindi kagaya ni Lukas ang gusto kong mahalin, puro sarili lang ang iniisip niya at baka maging controlling pa s’ya sa akin.”Pinalo siya nito bigla sa balikat niya. “Ewan ko sa’yo Cataleya, attraction pa lang ang pinag-uusapan natin pero ang layo na ng narating ng i
“ARE you out of your mind, Miss Domingo?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ni Cataleya pagkarinig sa boses na iyon ni Lukas. Naimulat niyang muli ang mga mata niya na hindi niya namalayan na naipikit na pala niya. “I’m s-sorry.” Minsan pa niyang naipilig ang ulo sa mga oras na iyon. Napansin niya na titig na titig ito sa kanya, blangko pa rin ang expression ng mukha nito. Ibig sabihin ay imahinasyon lang ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila kanina. Lumipad sa ibang dimensyon ang isip niya. “Hindi k-ko alam kung ano ang nangyari.” “Be careful next time. Ayan oh, muntikan kang mahubaran sa harap ko.” Hawak nito ang buhol ng bath towel na nakabalot sa katawan niya. “Actually, nalaglag talaga siya at mabuti na lang dahil nasalo ko agad.” Lihim niyang kinastigo ang sarili niya. Napasobra naman yata ang pagiging advace niyang mag-isip. Pero parang totoo ang mga nangyaring iyon kahit imahinasyon lang. May naiwang kakaibang init sa katawan niya. Tila nais pang tupukin ang
“TAMO naman buds, ikaw naman pala ang may gusto sa secretary mo,” panunudyo kay Lukas na kaibigan niyang si Brian. Bigla siya nitong binisita sa office niya isang minuto bago siya mag-out. “Over my dead body, malabo na magkagusto ako sa isang babae na kagaya ni Cataleya. I swear.” Itinaas niya ang isang kamay na parang nanunumpa. Kilala niya ang sarili na kayang pangatawanan ang bawat sinasabi niya. Tumuwid ng upo ang kaibigan saka diretsong tiningnan siya sa mga mata. “Huwag kang magsalita tapos buds. Baka dumating ang araw na kakainin mo ang mga sinabi mong ‘yan.” Umiling siya na napapatawa. “Kilala mo ako, ang nasabi ko na ay nasabi ko na.” “Now I know the reason,” hindi pa rin kumbinsidong sabi ni Brian. “Kaya pala pinagsabihan mo ako na huwag akong makipaglapit sa kanya. Ikaw pala ang may gusto sa maganda mong secretary.” “Kasi nga pamilyadong tao ka na at ayoko na magloloko ka sa asawa mo. Kilalang ko ang karakas mo,” may pagganti niyang tugon. Hindi siya nagsasawang paaal
IPINAGBUKAS pa si Cataleya pinto ng personal driver ng lalaki para makababa ng sasakyan ng huli. Magkasabay silang dalawa ng ginoo na naglakad papasok sa loob ng bakuran ng magandang bahay. Hindi pa rin siya makapaniwala at naroon pa rin sa mukha niya ang pagka-mangha. Nagkakaroon na siya ng hinala sa mga sandaling iyon.Pagsapit nila sa pinto ng bahay, eksaktong lumabas ang isang matangkad at gwapong lalaki. Kaagad na lumapit ito sa kanila. “Andito ka na pala Papa, salamat at dumating ka na at kanina pa ako nag-alala sa’yo. Teka, kasama mo si Cataleya?”Imbes na sumagot, lumapit siya sa lalaki na pinapungay niya ang mga mata. Hinaplos niya ang mukha nito ng masuyo at mabilis na ginawaran ng halik ang labi nito. “Yes my love Lukas, hindi ko akalain na siya pala an gang father mo.”Naaliwa siyang pagmasdan ang itsura ni Lukas. Na-doble ang gulat nito sa dahil sa ginawa niya. Sisimulan niya ngayong gabi ang operasyon niya na mahulog ito sa kanya.Tama nga ang hinala niya. gulat siya kan
“OKAY noted. S’ya nga pala Cataleya,” pagtawag ni Lukas sa kanya matapos niyang sabihin dito ang schedule nito ngayong araw. Tila maganda ang mood nito ngayong araw sa opisina.Napatigil siya sa pagbalik niya sa table niya saka nilingon ito. “Yes Sir? May nalimutan po ba akong i-remind sa inyo?”Nagkibit-balikat ito at saka sumeryoso. “Be ready, papunta ang Papa ngayon dito sa office. Kasasabi lang sa akin ni Rufos, malapit na sila,” tukoy nito sa pangalan ng personal driver ng ama nito. “Alam mo na ang gagawin mo.”Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Ah okay my love, gusto mo ba simulan ko na ngayon?”Nangunot ang noo nito na may kasamang pagtataka. “What do you mean huh?”Tinalikuran niya ito at itinuloy ang pagpunta sa table niya. Ipinatong niya sa table ang dala niyang organizer. Sa pagsulyap muli niya kay Lukas, napansin niya na hinihilot ng kamay nito ang sentido. Kita pa niya ang pagngiwi ng mukha nito sa sakit na nadarama sa bahaging iyon ng katawan nito.May kinuha
“SINASADYA mo bang gawing complicated ang lahat?” kastigo ni Lukas kay Cataleya nang makaalis na ang ama nito sa opisina. May taglay na kabalasikan ang mukha nito habang magkasalubong ang mga makakapal na kilay nito.Hindi naman siya nagpasindak dito, taas noo na tiningnan niya ito. “Ano na naman bang problema huh? Ayan ka naman sa pagiging unpredictable mo at hindi mo na lang ako diretsahin.”“At sino ba ang hindi namomoroblema?” anito na bahagyang tumaas ang boses. “From the way you act in front of my father at kasama na doon ang mga sinasabi mo pa sa kanya.”“Sinusunod ko lang naman ang nakasulat sa pinirmahan nating kontrata.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Iniiwasan kong magkaroon ng breach at wala akong pambayad sa magiging danyos.”“Pero ‘yung mga sinasabi mo kay Papa, aasahan niya iyon,” tugon nito na nagpipigil na magalit sa kanya. “Kilala ko siya Cataleya, inaasahan niya ang palabra de honor ng mga taong nakikilala sa kanya.”Napailing siya saka nasapo niya ang sariling ulo
“LUKAS?” hindi makapaniwalang bulalas sa pangalan ng binata. Nanatiling hawak nito ang isang kamay niya at napapasunod siya sa paghakbang nito. May kabagalan ang paglakad nilang dalawa dahil sa maraming tao sa paligid at may kasalubong pa sila.Naroon sila sa isang lansangan na kaharap ng municipal hall ng El Nido. May event na nagaganap sa bahaging iyon ng kabayanan. Ang palagi niyang pinupuntahan sa ganoong panahon.Mas iba nga lang ang pakiramdam niya ngayon, dahil parang kilala siya ng lahat ng taong naroroon. Marahil ay natatandaan siya ng mga ito nag-viral niyang picture at maging sa interview sa kanya na kasama si Lukas ng isang sikat na online influencer.“Ano bang ginagawa mo dito, huh?” tanong ni Lukas sa kanya. Tumigil sila sa paglakad at tumayo sa gilid ng daan. Saka lang din nito naalalang bitawan ang kamay niyang hawak nito.“At ano rin ba ang ginagawa mo dito?” balik-tanong niya dito. Sa hindi maipaliwanang na dahilan ay may hatid na kapanatagan sa kanya ang presensya n
“MASYADONG marami na ang nangyari sa buhay ko Lukas,” medyo tipsy na sabi ni Cataleya kay Lukas. “Kumbaga sa kwento, chapter one pa lang ay marami nang ganap. Alam ko naman na hindi ka magiging interesado na malaman iyon.”“Okay, I’m interested sa buhay mo.” Namumungay ang mata ni Lukas sa pagkakatingin sa kanya. Parang may glue na iyon sa mukha niya. “Pakikinggan ko hanggang sa kaliit-liitang detalye.”Napatawa siya. “Mabo-boring ka lang. Mas mabuti pang umuwi na tayo.”Paubos na ang binili nilang mga pagkain at beer. Lalo pang dumadami ang mga tao sa paglalim ng gabi sa bahaging iyon ng El Nido. Dumadagsa na rin ang mga turista sa caraenan sa dalan.Tumayo na ito. “Okay, akward nga naman na dito ka mag-open ng life mo. Sumabay ka na sa akin pag-uwi.”Wala na siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang sa naglalakad na si Lukas. Nauna na ito ng ilang distansya sa kanya kung binilisan niya ang paglakad. May kalayuan din kasi ang parking na itinalaga dahil nagaganap na event.“Hindi ka n