“OKAY noted. S’ya nga pala Cataleya,” pagtawag ni Lukas sa kanya matapos niyang sabihin dito ang schedule nito ngayong araw. Tila maganda ang mood nito ngayong araw sa opisina.Napatigil siya sa pagbalik niya sa table niya saka nilingon ito. “Yes Sir? May nalimutan po ba akong i-remind sa inyo?”Nagkibit-balikat ito at saka sumeryoso. “Be ready, papunta ang Papa ngayon dito sa office. Kasasabi lang sa akin ni Rufos, malapit na sila,” tukoy nito sa pangalan ng personal driver ng ama nito. “Alam mo na ang gagawin mo.”Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Ah okay my love, gusto mo ba simulan ko na ngayon?”Nangunot ang noo nito na may kasamang pagtataka. “What do you mean huh?”Tinalikuran niya ito at itinuloy ang pagpunta sa table niya. Ipinatong niya sa table ang dala niyang organizer. Sa pagsulyap muli niya kay Lukas, napansin niya na hinihilot ng kamay nito ang sentido. Kita pa niya ang pagngiwi ng mukha nito sa sakit na nadarama sa bahaging iyon ng katawan nito.May kinuha
“SINASADYA mo bang gawing complicated ang lahat?” kastigo ni Lukas kay Cataleya nang makaalis na ang ama nito sa opisina. May taglay na kabalasikan ang mukha nito habang magkasalubong ang mga makakapal na kilay nito.Hindi naman siya nagpasindak dito, taas noo na tiningnan niya ito. “Ano na naman bang problema huh? Ayan ka naman sa pagiging unpredictable mo at hindi mo na lang ako diretsahin.”“At sino ba ang hindi namomoroblema?” anito na bahagyang tumaas ang boses. “From the way you act in front of my father at kasama na doon ang mga sinasabi mo pa sa kanya.”“Sinusunod ko lang naman ang nakasulat sa pinirmahan nating kontrata.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Iniiwasan kong magkaroon ng breach at wala akong pambayad sa magiging danyos.”“Pero ‘yung mga sinasabi mo kay Papa, aasahan niya iyon,” tugon nito na nagpipigil na magalit sa kanya. “Kilala ko siya Cataleya, inaasahan niya ang palabra de honor ng mga taong nakikilala sa kanya.”Napailing siya saka nasapo niya ang sariling ulo
“LUKAS?” hindi makapaniwalang bulalas sa pangalan ng binata. Nanatiling hawak nito ang isang kamay niya at napapasunod siya sa paghakbang nito. May kabagalan ang paglakad nilang dalawa dahil sa maraming tao sa paligid at may kasalubong pa sila.Naroon sila sa isang lansangan na kaharap ng municipal hall ng El Nido. May event na nagaganap sa bahaging iyon ng kabayanan. Ang palagi niyang pinupuntahan sa ganoong panahon.Mas iba nga lang ang pakiramdam niya ngayon, dahil parang kilala siya ng lahat ng taong naroroon. Marahil ay natatandaan siya ng mga ito nag-viral niyang picture at maging sa interview sa kanya na kasama si Lukas ng isang sikat na online influencer.“Ano bang ginagawa mo dito, huh?” tanong ni Lukas sa kanya. Tumigil sila sa paglakad at tumayo sa gilid ng daan. Saka lang din nito naalalang bitawan ang kamay niyang hawak nito.“At ano rin ba ang ginagawa mo dito?” balik-tanong niya dito. Sa hindi maipaliwanang na dahilan ay may hatid na kapanatagan sa kanya ang presensya n
“MASYADONG marami na ang nangyari sa buhay ko Lukas,” medyo tipsy na sabi ni Cataleya kay Lukas. “Kumbaga sa kwento, chapter one pa lang ay marami nang ganap. Alam ko naman na hindi ka magiging interesado na malaman iyon.”“Okay, I’m interested sa buhay mo.” Namumungay ang mata ni Lukas sa pagkakatingin sa kanya. Parang may glue na iyon sa mukha niya. “Pakikinggan ko hanggang sa kaliit-liitang detalye.”Napatawa siya. “Mabo-boring ka lang. Mas mabuti pang umuwi na tayo.”Paubos na ang binili nilang mga pagkain at beer. Lalo pang dumadami ang mga tao sa paglalim ng gabi sa bahaging iyon ng El Nido. Dumadagsa na rin ang mga turista sa caraenan sa dalan.Tumayo na ito. “Okay, akward nga naman na dito ka mag-open ng life mo. Sumabay ka na sa akin pag-uwi.”Wala na siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang sa naglalakad na si Lukas. Nauna na ito ng ilang distansya sa kanya kung binilisan niya ang paglakad. May kalayuan din kasi ang parking na itinalaga dahil nagaganap na event.“Hindi ka n
NASA isang kagubatan si Cataleya. Walang humpay ang pagtakbo niya sa masukal na daan. Hindi siya maaaring tumigil dahil mahuhuli siya ng maraming tao na humahabol sa kanya. Ang lahat ng mga ito ay gusto siyang mahuli ang buhay.Kung tutuusin, malayo-layo pa ang layo niya sa mga ito. Ngunit dahil sa nadaramang pagkapagod ay nagsisimulang bumagal na ang pagtakbo niya. Napapahingal na siya at makailang beses siyang bumuntong-hininga. Kailangan pa rin niyang mailigtas ang sarili dahil alam niya na ang naghihintay na kalupitan sa kanya.Napasigaw ang maraming tao habang papalapit nang papapalapit ang mga ito sa kanya. Itinuro siya ng tumatayong pinaka-pinuno ng mga ito. Pinahid niya ng isang kamay niya ang pawisang mukha niya. ipinagpatuloy niya ang pagtakbo.Hindi siya dapat sumuko sa pagkapagal ng katawan niya. Ang mahalaga ay mailayo niya ang sarili sa lugar na iyon. Nagsisimula nang kumalat ang dilim sa buong paligid.At mga humahabol sa kanya, sinindihan na ng ningas ng apoy ang dalan
NANGINGINIG ang buong kalamnan ni Cataleya nang salubungin niya ang nangagalit na tingin ni Lukas. Kita niya sa kislap ng mga mata nito ang nag-aapoy na galit. Hindi sa ganoong paraan niya na ini-expect na mabubuko siya nito sa ginagawa niya.“Of all the people, ikaw pa talaga Cataleya?” Nanlisik pa ang mga mata nito. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pakiramdam niya ay parang madudurog ang mga buto niya. “Akalain mo ‘yun, secretary ko pala ang may lakas ng loob na i-sabotage ako.”Mariin siyang umiling. “It’s not what you think, Lukas. Ibahin mo naman ang pag-unawa mo.”Nagdilim pa ang expression ng mukha nito. “At ano ang dapat kong isipin huh? Dapat ba akong matuwa huh sa pinaggagawa ninyong ito.”“Sir, nahuli na po namin ang isa pang salarin.”Parehong napako ang tingin nilang dalawa ni Lukas sa kadarating lang na guard. Kasama nito ang dalawang kapwa guard habang pinagtutulungang hawak ang isang pang nilalang.Nawala ang atensyon ni Lukas sa kanya pero at pi
“IT was three years ago,” pagsisimulang pagki-kwento ni Donovan. Napasandal pa ang likod nito sa pagkakaupo. “Kagagaling ko lang noon ng Canada at bigla akong inaya ako ni Lukas. May pupuntahan daw kami.”Nakatingin lang si Cataleya sa katabi. Nakahanda na ang tainga niya makinig sa kwento nito ukol kay Lukas.“Pupuntahan daw namin ang wife niya, na first time kong mami-meet sana. Hindi kasi ako naka-attend ng wedding nila. Five months na silang mag-asawa noon,” pagpapatuloy ni Donovan.Bigla tuloy niyang naalala ang buhay niya. Kagaya din kay Lukas, ang daming nangyari sa kanya sa nagdaang tatlong taon. Iba rin talaga maglaro ang tadhana sa pagkakataong iyon.Tumingala sa kisame si Donovan, na patuloy na sinariwa sa alaala ang mga nangyari. “Nagpunta kami ni Lukas sa isang hotel along Pasay. Inisip ko na baka doon sila magkikita talaga ng wife niya. Pero iba ang nangyari.”“At ano naman ang nangyari?” tanong niya. nagkaroon ng thrill sa kanya ang mga susunod pang ganap.“Pagdating na
“LUKAS, based dito sa analysis ko sa desktop mo, may malware na na-infect dito,” imporma ni Rolly. “Possible na may nabuksan kang isang suspicious link nang hindi mo namamalayan.”“Ang ibig bang sabihin n’yan, hindi ito ginawa ng dalawang ito ang pagkakaroon ng malware?” Matalim pang tumingin si Lukas kina Cataleya at Donovan. Ibinalik muli ang tingin sa IT Specialist. “I need an additional explaination.”“Exactly, nang i-check ko ang source ng malware ay nanggaling ito sa email mo,” dagdag ni Rolly. “Walang kinalaman silang dalawa. Pasalamat ka na lang kahit paano, na hindi nasira ang ibang business intelligence mo. Kaso mahihirapan na tayong ma-retrieve ang ibang data na nawala. We need to update your computer at maging updated ang anti-malware mo. Iyon ang sinamantala sa’yo ng sinumang gusto kang i-sabotage online.”Nakahinga silang dalawa ni Donovan nang maluwag. Kumbaga sa isang kaso ay abswelto sila.Marahas na napabuntong-hininga si Lukas. Naisuklay pa nito ang mga daliri sa sa