HUMAHANGOS na pumasok si Cataleya sa loob ng El Nido Community Hospital. Alas cuatro ng umaga nang makatanggap siya ng tawag na-aksidente si Lukas. Siya ang tinawagan ng nurse sa hospital na pinagdalhan sa boss niya. Hanggang pintuan lang siya dahil hindi na siya pinayagang makapasok sa loob ng emergency room. Napaupo siya sa isang silya na nakita niya sa pasilyo. Naipaalam na rin niya kay Donovan ang sinapit ng pinsan nito. Nagsabi naman kaagad ito na pupunta sa hospital. Oo, may sama ng loob siya kay Lukas pero pinili niyang isantabi iyon. Concern pa rin siya dito. Damang-dama pa rin niya ang matinding pag-alala para sa binata. Napausal siya ng tahimik na panalangin para sa kaligtasan nito. Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin si Donovan. Kaagad siyang nilapitan nito. “What happened?” Patingalang binalingan niya ang lalaki. “Accident Donovan, nakabanggaan ng kotse ni Lukas ang isang delivery truck sa parteng kurbada ng junction.” Ang tinutukoy niya ang isa sa dinaanan
TUMAYO si Conchita mula sa pagkakahiga nito sa extrang kama, lumapit ito sa anak na nakaratay sa kama. Maluha-luha sa katuwaan at pagsamo ang mga mata nito. “Lukas anak, alam ko na may galit ka sa akin pero may isang hiling ako sa’yo ngayon. Sana hayaan mo akong maging nanay sa’yo kahit n-ngayon lang.”Tila tinusok ang puso ni Cataleya sa sinabing iyon ng ginang. Masakit ang umamot ng kaunting pagmamahal ang isang ina sa sariling anak nito. napatingin siya kay Lukas. Kita sa ekpresyon ng mukha nito ang paninimbang sa naiisip na desisyon. Nakaawang lang ang labi nito na may malalim na iniisip.“Lukas, maraming dugo ang nawala sa’yo because of accident,” imporma niya dito. “Nahirapan kami ni Donovan na maghanap ng donor at ang iyong ina ang nagbigay ng dugo sa’yo. Dinugtungan niya ang buhay mo.”Napatigil sa Conchita sa paglapit sa anak saka napatingin sa kanya. Gusto siyang pigilan nito sa sasabihin niya pero naunahan na niya ito.“Hijo, ginawa ko lang ‘yun dahil anak kita,” sabi muli
SAGLIT na natigilan si Cataleya sa sinabing iyon ni Lukas. Kinindatan pa siya nito na nagpatalon ng puso niya. Naaliw pa itong pagmasadan siya habang nakahiga sa kama. Tinaasan niya ito ng kilay sabay iwas ng tingin dito.“Mala-cinderella ang story namin ng iyong ama, Lukas,” panimulang paglalahad ni Conchita. Nabaling ang atensyon niya dito at maging ang anak nito. “Masaya lang sa simula, temporary lang ang happy ending.”“I was four years old when you left me,” mapait na sabi ni Lukas sa ina. “Hinahabol kita noon pero nagmamadali ka at ayaw mo akong lapitan. Wala kang pakialam kung umiiyak na ako noon.”Pakiramdam ni Cataleya may isang dramatic song ang nagsimulang tumugtog sa apat na sulok ng private hospital room na iyon. Kinuha niya ng pasimple ang panyo sa bag niyang nasa kandungan niya.“Gusto kong lapitan ng mga sandaling iyon anak pero kailangang pigilan ko ang sarili ko,” tugon ni Conchita na naalala ang masakit na sandaling iyon. “Gusto kitang isama sa pupuntahan ko pero h-
ILANG dipa na lang ang layo ni Cataleya kay Lukas, nang kumalas na si Conchita sa pagkakayakap dito. saglit siyang napatigil sa paglapit sa binata habang nanatiling magkatama ang kanilang mga mata.“Come here,” anyaya nito sa kanya. nanatiling nakabukas ang mga bisig nito na naghihintay sa kanya. Kinindatan siya nito na nagpatalon ng puso niya. Isa sa natatanging epekto nito sa sistema niya.May nadarama man siyang pagkailang, may kung anong kakaibang pwersa ang nagtulak sa kanya na ganap nang lumapit kay Lukas. Namalayan na lang niya na nakakulong na siya sa mga bisig nito. Naka-subsob ang ulo niya sa isang balikat nito.Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nagri-rigodon ang tibok ng puso niya. Napansin niya ang pag-patak ng ulan sa labas ngayong gabi. Nasilip niya sa bintana ng private room ni Lukas.“You came out of the blue on a rainy night. No lie,” tila kumakantang bulong ni Lukas sa kaliwang tainga niya. Familiar sa kanya ang naturang lyrics at hindi nga lang niya alam ang title.
PARANG may sariling utak na tumipa ang mga daliri ni Cataleya sa keyboard ng computer niya. Maya’t maya ang tingin niya sa picture nilang dalawa ni Lukas sa kanyang cellphone. Lalo pa siyang ginaganahan sa pagsusulat. Laksa-laksa ang mga ideya na nailapat na niya sa kanina ay blangkong document.Naroong napapangiti siya sa sinusulat niyang eksena na may kasamang kilig. Inspirado at ganado yata siyang magsulat ngayong gabi. Napapabukas pa ang labi niya na sinasalita sa hangin ang dialogue ng kanyang mga character.“Whoah! Nagawa ko ito ng wala pang kalahating ora?” Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang bagong type na chapter ng online novel niya. naka- two thousand words count siya na bihira niyang magawa. Kadalasan ay hanggang one thousand ang maximum words count niya. Pero iba ngayon.Napatingin siya sa picture nila ni Lukas sa nakapatong niyang cellphone sa gilid ng monitor. May kung anong kakaibang damdamin ang binubuhay n’on sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nakalapat sa alaap
“GANOON na talaga habang buhay si Lukas. Akala ko kasi nagbago na siya,” tumutulo ang luha na sabi ni Cataleya sa sarili habang inihahanda na niya ang kanyang nakagaraheng motorcycle. Gusto muna niyang umalis ng resort at huwag magpakita sa boss niya ngayong araw. Naging senstibo tuloy siya dahil disappointment kay Lukas. Nabiktima siya ng maling akala.Pasakay na siya sa motorcycle nang may humarang sa daraanan niya. Kahit hindi na niya pakatitigan ang nilalang na iyon ay kilalang kilala na niya.“Cataleya! Wait.” Pa-senyas na iniharang ni Lukas ang nakabukas nitong palad. Humihingal ito sa kinatatayuan.Sa pagkakataong ay muli na namang bumalong ang luha sa mga mata niya. Hindi niya naampat ang pagtulo ng nasabing likido sa pisngi niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang maging emosyonal sa harap nito. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang paghihirap ng kalooban niya.“Pinaalis mo ako ‘di ba?” Binigyan niya ito ng matalim na tingin sa kabila ng namamasa ang mata niya. “O baka naman, may
BUMABA sila ni Lukas sa tindahan ng mga gadget sa town proper ng El Nido. Hindi inaasahan ni Cataleya na doon sila pupunta ng boss niya. Akala naman niya kung saan siya dadalhin nito.“At talagang dito tayo pumunta?” tanong niya kay Lukas, saglit siyang tumigil sa paglakad pasunod dito. Naroon sila sa entrada ng tindahan.Nilingon siya nito. “Di ba’t bibili ka ng bagong cellphone? So ito, sinamahan na kita.”“Pero ang sabi ko ay mamaya pang lunch break, may trabaho pa tayo,” angal niyang saad. Pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay. Parang ito pa ang excited sa pagkakaroon niya ng bagong cellphone.Tinawid nito ang nalalabing distansya ng kanilang mga katawan. “Kasama mo ang boss mo Miss Domingo.” Inilapit nito ang labi sa isang tainga niya. Bumulong ito sa kanya. “At boyfriend mo.”Nagtaasan ang mga balahibo niya sa pagdampi ng mainit nitong hininga sa labi niya. Kasabay ang pagri-rigodon ng tibok ng puso niya. Naroon na naman ang kakaibang epekto ito sa kanya.“At ayoko lang abusado
BUMUKAS ang pinto ng kuwarto ni Cataleya. Nanlaki ang mga matsa niya sa pagkagulat nang pumasok ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Kilalang kilala niya ito. Binuhay nito ang ilaw sa kuwarto niya. At hindi nga siya nagkamali.“Oh Lukas, anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa lalaki. Kaya wala siyang nadamang takot o pangamba. Kahit sa dilim ay pamilyar sa kanya ang presensya nito.Magsasalita sana nito pero naagaw ang atensyon niya sa pag-iyak ng isang bata. Teka, kailan pa nagkaroon ng bata dito sa bahay niya.“Pasensya na my dear wife,” ani nito na bumanggit ng isang endearment na naging dahilan para panlakihan niya ito ng mata. “Ito kasing baby natin, ikaw agad ang hanap. Wala pa ngang five minutes na nasa akin.”Saka lang niya napansin na karga itong bata at iyon pala ang umiiyak. Nagmamaktol si Lukas na lumapit sa kanya at tinabihan siya sa pagkakaupo sa kama.Lumaki ang pagtataka niya sa gabing iyon. Ang bilis naman yata ng pangyayari na may anak na silang dalawa ni Lukas.“