Natasha's pov Nauna akong nakalapit kay Lolo J. “Lolo J, Lolo J! Naririnig niyo po ako?" Natataranta kong tanong. “Damn it! Grandpa!" Lumuhod na rin si Giovanni at walang ano-anong binuhat ang kanyang lolo. “Shit! Let's go, Natasha! Kailangan madala agad si grandpa sa hospital!" Tumango naman ako at mabilis na tumayo. Inalalayan ko siya sa pagbubuhat. Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng mansyon nang makalabas sila Giovanni patakbo naman akong lumapit sa kotse at binuksan ang backseat ang kaso ay nakasarado ito. Humarap agad ako sa boss ko. “Giovanni ang susi ng kotse mo?" “It's here on my right hand.” Mabilis naman akong lumapit para kunin ang susi sa kanyang kamay. “Press the unlocked button.” Sinunod ko ang kanyang sinabi. Nang tumunog ay agad agad kong binuksan ang pinto ng backseat at pumasok doon. Tinulungan ko si Giovanni ng ihiga niya si lolo J. Pinatong ko ang ulo nito sa aking hita. Dali-dali namang umikot ang boss ko sa passenger seat
NATASHA's pov Hindi na nga muling nag-salita pa si Giovanni. Hinayaan ko na lang at nanahimik na lang din. Basta sinabihan ko na siya tungkol kay Lolo J. Sana lang pahabain niya ang pasensya niya. Sundin kung anong gusto ng lolo niya, Wag ng makipag talo para hindi na ito ma-stress. Para pa namang aso't pusa ang dalawa. Madaling araw na nakakaramdam na talaga ako ng antok, Gustong-gusto ng pumikit ng mga mata ko. Pero pinipigilan ko dahil gusto ko kapag nagising si Lolo J, gising rin ako. Gusto ko siya agad kamustahin. Pinangako ko kanina sa aking sarili na kapag nakalabas na ng hospital si Lolo J, Ako na ang magbo boluntaryo na mag asikaso ng pagkain niya at gagawa para masigurado na healthy ang mga kakainin niyang pagkain. Baka kasi mag-pasaway pa ito. Mas maganda ng sundin ang bilin ng doctor. Nag-pasya na lang akong sumandal sa aking kinauupuan at pumikit. Siguro iidlip muna ako. Maririnig ko naman kung magigising si Lolo J. Bumibigay na talaga ang mga mata ko k
BUSANGOT ang aking mukha habang nasa biyahe kami pauwi ng mansyon. Hindi ko pinapansin ang lalaking kasama dahil na-bwi-bwiset pa rin ako sa kanya mula kanina! Lahat ng sabihin ko hinahadlangan niya. Gusto ko lang naman alagaan ang lolo niya. Anong masama doon? Hindi niya naman ako kailangan sa kompanya dahil may secretary siya. Isa pa wala naman talaga akong alam sa pagiging secretary. Sasakit lang ulo ko doon. Hanggang makarating kami sa mansyon hindi ko siya pinansin. Dere-deretso akong bumaba. Sinalubong ako nila Gia. Kinamusta niya ang kalagayan ni Lolo J. Kinuwento ko muna sa kanila saglit ni Nicole ang kalagayan ng Don bago ako umuwi sa bahay para mag-asikaso na. Mabilis lang akong nag-asikaso bago bumalik sa mansyon, saktong wala pa naman ang boss kong bida-bida kaya nakipag kwentuhan ulit ako kay Gia at Nicole. Makalipas ang ilang minuto bumaba na ang lalaki kaya nag-paalam na ako kela Gia. “Mamaya na lang ulit, kapag uwi ko. Behave lang kayo ha? Kumain din
NATASHA'S POV “Nasaan tayo, Giovanni? Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malaking warehouse sa harap namin. Nasa loob pa rin kami ng kotse niya. Saan ba niya ako dinala? Sabi niya may pupuntahan kami pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong lugar pa. Parang abandonado na ang lugar na ito. Ay, hindi parang abandonado na nga talaga. Sino ba ang kikitain niya sa ganitong klaseng lugar? Kliente? Bumaling ako kay Giovanni dahil hindi niya sinagot ang tanong ko pero sobrang seryoso lang nito habang nakatingin sa harap. Hindi ko alam pero bakit nakakatakot ang awra niya? “Hey, Giovanni?" Bahagya ko pang tinapik ang kanyang balikat. Para naman siyang bumalik sa wisyo at sinulyapan ako. “Let's go. ‘wag na wag kang lalayo sa akin kapag nakapasok na tayo sa loob." Sambit niya bago lumabas ng kotse. Saan kami papasok? sa loob ng warehouse? May tao ba sa loob niyan? Bigla tuloy akong kinabahan. Naalala ko bigla ‘yung mga
Hindi ko lang alam kay Giovanni kung anong kailangan niya kay Mr. Hayashi at kung paano niya nakilala ang lalaki. Base sa itsura nito feeling ko ito ang may ari ng warehouse. Minsan iba talaga ang takbo ng utak ng isang negosyante lahat papatusin basta sa pera. Saka business is business ika nga. Sumulyap akong muli kung nasaan si Giovanni seryoso siyang nakikipag usap kay Mr. Hayashi sumulyap siya saglit sa akin bago binalik ang atensyon sa kausap. Pasulyap-sulyap siya. Sinisiguradong hindi ako mawawala sa pinag-iwanan niya sa akin. Tsk, sa tingin niya aalis ako dito sa pwesto ko? Hindi! Lalo't pa nakikita kong mga bigating negosyante talaga ang nandito. “Hi, gorgeous." “Ay tae ng kalabaw!" Gulat kong sambit sabay sapo sa aking dibdib. Putek! aatakihin ako sa puso dito! Napalingon ako sa lalaking nasa aking gilid. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito. Tinatawanan pa talaga niya ako huh? “You're still gorgeous kahit na nagulat ka. Anyway nag-iisa ka ata? Wala k
GIOVANNI'S POV HABANG nasa biyahe kami pabalik sa hospital tahimik lang sa back seat si Natasha. Kalahating oras na kami sa biyahe dahil Traffic pero mula kanina na umalis kami sa warehouse hindi pa rin siya nakibo.. Damn! This is my fault! If I hadn't taken her there she wouldn't have been traumatized like this. Fvck! Hindi ko rin alam na may mang-yayari na gulo sa Casino ni Hayashi! Muli kong sinulyapan si Natasha, Ang tahimik niya at tulala lang na nakatingin sa labas ng bintana. Takot na takot siya kanina, grabe rin ang panginginig ng kanyang katawan. Shit! “Natasha…Are you ok?" Mahinahon kong tanong. Sabay tingin sa rear mirror. Hindi siya kumibo at sa labas pa rin nakatingin. Bumuntong hininga na lang ako at binalik ang atensyon sa pag-mamaneho. Maling-mali talaga na sinama ko siya sa warehouse at iniwan ko pa siyang mag-isa. Hindi na kami dederetso sa kompanya. Sa hospital na lang dahil mag-tataka na rin si Lolo bakit ang tagal namin. Hindi ko rin siya p
NATASHA'S POV TILA ako tinulos na kandila sa aking kinauupuan dahil sa sinabi ni Lolo J. Hindi ko alam ang irereact ko. Gusto nito na pakasalan ko ang kanyang apo? seryoso ba talaga si Lolo J, O baka naman pina-prank lang niya ako? “Please, Natasha? Pagbigyan mo sana ang akin hiling. Ikaw ang gusto ko para sa aking apo. To be honest, you didn't come to the mansion to be a maid. I just said that para lang pumunta ka sa mansyon at makita pa kita ulit. But the truth is I want you for my grandson Giovanni. I know you are the one who will change him. Please, Iha. This is my last request." Oh my gosh...Totoo ba ito? Sa umpisa pa lang hindi pala talaga ako kukunin katulong ni Lolo J! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang gagaan ng trabaho ko. At..naalala ko noong unang punta ko sa mansyon. Hindi alam ng mayordoma na may bagong katulong. Nanghihina akong napasandal sa kinauupuan ko tapos mariin na napapikit. Pakakasalan ko ang boss ko? Si Giovanni? Bigla na nam
NATASHA'S POV LUTANG ako ng makarating sa mansyon, Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ako kay Giovanni. Pagkatapos namin mag-usap nila Lolo J nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi para makausap si mama sa naging desisyon ko. Saka para na rin makaalis muna doon. Feeling ko talaga kanina bibigay ang katawang lupa ko kung mag-tatagal pa ako sa hospital. Baka hindi ko na kayanin pa ang mga sasabihin ni Lolo J. Hindi daw matatapos ang buwan na ito na hindi kami makakasal ni Giovanni. Pagkalabas na pagkalabas niya daw ng hospital aayusin na ang kasal namin. Sa simbahan ang gusto ni Lolo J. Wala naman kaming magawa ni Giovanno kung hindi sumang-ayon sa kagustuhan nito. Nag-offer kanina si Giovanni na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag dahil walang maiiwang bantay kay Lolo J. Isa pa nahihiya akong makasama siya. Nakakailang na magkasama kaming dalawa. Sa totoo lang sobrang biglang bigla ako sa reaksyon ni Giovanni. Kahit naman na nag-iingat siya na ‘wag ma-stressed si L