BUSANGOT ang aking mukha habang nasa biyahe kami pauwi ng mansyon. Hindi ko pinapansin ang lalaking kasama dahil na-bwi-bwiset pa rin ako sa kanya mula kanina! Lahat ng sabihin ko hinahadlangan niya. Gusto ko lang naman alagaan ang lolo niya. Anong masama doon? Hindi niya naman ako kailangan sa kompanya dahil may secretary siya. Isa pa wala naman talaga akong alam sa pagiging secretary. Sasakit lang ulo ko doon. Hanggang makarating kami sa mansyon hindi ko siya pinansin. Dere-deretso akong bumaba. Sinalubong ako nila Gia. Kinamusta niya ang kalagayan ni Lolo J. Kinuwento ko muna sa kanila saglit ni Nicole ang kalagayan ng Don bago ako umuwi sa bahay para mag-asikaso na. Mabilis lang akong nag-asikaso bago bumalik sa mansyon, saktong wala pa naman ang boss kong bida-bida kaya nakipag kwentuhan ulit ako kay Gia at Nicole. Makalipas ang ilang minuto bumaba na ang lalaki kaya nag-paalam na ako kela Gia. “Mamaya na lang ulit, kapag uwi ko. Behave lang kayo ha? Kumain din
NATASHA'S POV “Nasaan tayo, Giovanni? Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malaking warehouse sa harap namin. Nasa loob pa rin kami ng kotse niya. Saan ba niya ako dinala? Sabi niya may pupuntahan kami pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong lugar pa. Parang abandonado na ang lugar na ito. Ay, hindi parang abandonado na nga talaga. Sino ba ang kikitain niya sa ganitong klaseng lugar? Kliente? Bumaling ako kay Giovanni dahil hindi niya sinagot ang tanong ko pero sobrang seryoso lang nito habang nakatingin sa harap. Hindi ko alam pero bakit nakakatakot ang awra niya? “Hey, Giovanni?" Bahagya ko pang tinapik ang kanyang balikat. Para naman siyang bumalik sa wisyo at sinulyapan ako. “Let's go. ‘wag na wag kang lalayo sa akin kapag nakapasok na tayo sa loob." Sambit niya bago lumabas ng kotse. Saan kami papasok? sa loob ng warehouse? May tao ba sa loob niyan? Bigla tuloy akong kinabahan. Naalala ko bigla ‘yung mga
Hindi ko lang alam kay Giovanni kung anong kailangan niya kay Mr. Hayashi at kung paano niya nakilala ang lalaki. Base sa itsura nito feeling ko ito ang may ari ng warehouse. Minsan iba talaga ang takbo ng utak ng isang negosyante lahat papatusin basta sa pera. Saka business is business ika nga. Sumulyap akong muli kung nasaan si Giovanni seryoso siyang nakikipag usap kay Mr. Hayashi sumulyap siya saglit sa akin bago binalik ang atensyon sa kausap. Pasulyap-sulyap siya. Sinisiguradong hindi ako mawawala sa pinag-iwanan niya sa akin. Tsk, sa tingin niya aalis ako dito sa pwesto ko? Hindi! Lalo't pa nakikita kong mga bigating negosyante talaga ang nandito. “Hi, gorgeous." “Ay tae ng kalabaw!" Gulat kong sambit sabay sapo sa aking dibdib. Putek! aatakihin ako sa puso dito! Napalingon ako sa lalaking nasa aking gilid. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito. Tinatawanan pa talaga niya ako huh? “You're still gorgeous kahit na nagulat ka. Anyway nag-iisa ka ata? Wala k
GIOVANNI'S POV HABANG nasa biyahe kami pabalik sa hospital tahimik lang sa back seat si Natasha. Kalahating oras na kami sa biyahe dahil Traffic pero mula kanina na umalis kami sa warehouse hindi pa rin siya nakibo.. Damn! This is my fault! If I hadn't taken her there she wouldn't have been traumatized like this. Fvck! Hindi ko rin alam na may mang-yayari na gulo sa Casino ni Hayashi! Muli kong sinulyapan si Natasha, Ang tahimik niya at tulala lang na nakatingin sa labas ng bintana. Takot na takot siya kanina, grabe rin ang panginginig ng kanyang katawan. Shit! “Natasha…Are you ok?" Mahinahon kong tanong. Sabay tingin sa rear mirror. Hindi siya kumibo at sa labas pa rin nakatingin. Bumuntong hininga na lang ako at binalik ang atensyon sa pag-mamaneho. Maling-mali talaga na sinama ko siya sa warehouse at iniwan ko pa siyang mag-isa. Hindi na kami dederetso sa kompanya. Sa hospital na lang dahil mag-tataka na rin si Lolo bakit ang tagal namin. Hindi ko rin siya p
NATASHA'S POV TILA ako tinulos na kandila sa aking kinauupuan dahil sa sinabi ni Lolo J. Hindi ko alam ang irereact ko. Gusto nito na pakasalan ko ang kanyang apo? seryoso ba talaga si Lolo J, O baka naman pina-prank lang niya ako? “Please, Natasha? Pagbigyan mo sana ang akin hiling. Ikaw ang gusto ko para sa aking apo. To be honest, you didn't come to the mansion to be a maid. I just said that para lang pumunta ka sa mansyon at makita pa kita ulit. But the truth is I want you for my grandson Giovanni. I know you are the one who will change him. Please, Iha. This is my last request." Oh my gosh...Totoo ba ito? Sa umpisa pa lang hindi pala talaga ako kukunin katulong ni Lolo J! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang gagaan ng trabaho ko. At..naalala ko noong unang punta ko sa mansyon. Hindi alam ng mayordoma na may bagong katulong. Nanghihina akong napasandal sa kinauupuan ko tapos mariin na napapikit. Pakakasalan ko ang boss ko? Si Giovanni? Bigla na nam
NATASHA'S POV LUTANG ako ng makarating sa mansyon, Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ako kay Giovanni. Pagkatapos namin mag-usap nila Lolo J nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi para makausap si mama sa naging desisyon ko. Saka para na rin makaalis muna doon. Feeling ko talaga kanina bibigay ang katawang lupa ko kung mag-tatagal pa ako sa hospital. Baka hindi ko na kayanin pa ang mga sasabihin ni Lolo J. Hindi daw matatapos ang buwan na ito na hindi kami makakasal ni Giovanni. Pagkalabas na pagkalabas niya daw ng hospital aayusin na ang kasal namin. Sa simbahan ang gusto ni Lolo J. Wala naman kaming magawa ni Giovanno kung hindi sumang-ayon sa kagustuhan nito. Nag-offer kanina si Giovanni na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag dahil walang maiiwang bantay kay Lolo J. Isa pa nahihiya akong makasama siya. Nakakailang na magkasama kaming dalawa. Sa totoo lang sobrang biglang bigla ako sa reaksyon ni Giovanni. Kahit naman na nag-iingat siya na ‘wag ma-stressed si L
KINABUKASAN maaga akong gumising kahit inaantok pa ako. Madaling araw na ata ako bago dinalaw ng antok 'e. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto dala-dala ang damit na isusuot ko. Sa banyo na ako mag-bibihis para hindi maistorbo ang tulog nila mama. Nang matapos ako sa pag-aayos dumeretso agad ako sa mansyon para gawin ang routine ko. Mag-luluto muna ako ng Almusal hindi ko alam kung umuwi si Giovanni pero dadamihan ko na lang ang luto incase na wala pa siya dito dadalhan ko nalang siya ng makakain sa hospital. Hindi ko rin alam kung papasok ba ako ngayon sa kompanya. Wala naman kasi siyang nabaggit sa akin. Pagkarating ko sa kusina ay sinalubong agad ako ni Ning. Abot tenga ang ngiti niya ng makalapit sa akin na siyang pinag-taka ko. “Miss Natasha! Maganda umaga." Bati niya sa akin. Nangunot ang noo ko. Miss? Hindi naman niya ako tinatawag ng gano'n ah. “Magandang umaga rin, Ning. Natasha lang ang itawag mo sa akin. Wag mo ng lagyan ng Miss. Ikaw talaga!” Nakangiti
NATASHA'S POV MABILIS lumipas ang mga araw, nakalabas na si Lolo J at katulad nga ng sinabi niya kapag nakalabas na siya ng hospital aayusin na lahat ng preperasyon para sa kasal namin ni Giovanni. Gawa na ang isusuot ni Giovanni na suit, kahit ang gown na pinagawa sa kaibigan na designer ni Lolo J ay tapos na. Sobrang ganda nung gown, gusto ko nga sana sukatin kaso pinigilan ako ni mama at Lolo J dahil may kasabihan daw na kapag sinuot mo ang wedding gown mo pwedeng hindi matuloy ang kasal. Hindi ko akalain na naniniwala pala sila doon, Gusto ko lang naman sana isukat dahil baka maluwag sa akin or hindi kasya. Sa huli sinunod ko na lang sila. Isang malaking kasalan ang magaganap dahil iyon ang nais ni Lolo J. Natapos na rin ang pinagawa niyang invitation card kaya pinamigay na nila ito sa mga iimbitahan nila sa aming kasal. Sobrang dami ngang invitation card halos lahat ata ng business partner, kumpadre ng matanda ay inimbitahan. Ako naman ay walang maiimbitahan n
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas