NATASHA'S POV LUTANG ako ng makarating sa mansyon, Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ako kay Giovanni. Pagkatapos namin mag-usap nila Lolo J nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi para makausap si mama sa naging desisyon ko. Saka para na rin makaalis muna doon. Feeling ko talaga kanina bibigay ang katawang lupa ko kung mag-tatagal pa ako sa hospital. Baka hindi ko na kayanin pa ang mga sasabihin ni Lolo J. Hindi daw matatapos ang buwan na ito na hindi kami makakasal ni Giovanni. Pagkalabas na pagkalabas niya daw ng hospital aayusin na ang kasal namin. Sa simbahan ang gusto ni Lolo J. Wala naman kaming magawa ni Giovanno kung hindi sumang-ayon sa kagustuhan nito. Nag-offer kanina si Giovanni na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag dahil walang maiiwang bantay kay Lolo J. Isa pa nahihiya akong makasama siya. Nakakailang na magkasama kaming dalawa. Sa totoo lang sobrang biglang bigla ako sa reaksyon ni Giovanni. Kahit naman na nag-iingat siya na ‘wag ma-stressed si L
KINABUKASAN maaga akong gumising kahit inaantok pa ako. Madaling araw na ata ako bago dinalaw ng antok 'e. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto dala-dala ang damit na isusuot ko. Sa banyo na ako mag-bibihis para hindi maistorbo ang tulog nila mama. Nang matapos ako sa pag-aayos dumeretso agad ako sa mansyon para gawin ang routine ko. Mag-luluto muna ako ng Almusal hindi ko alam kung umuwi si Giovanni pero dadamihan ko na lang ang luto incase na wala pa siya dito dadalhan ko nalang siya ng makakain sa hospital. Hindi ko rin alam kung papasok ba ako ngayon sa kompanya. Wala naman kasi siyang nabaggit sa akin. Pagkarating ko sa kusina ay sinalubong agad ako ni Ning. Abot tenga ang ngiti niya ng makalapit sa akin na siyang pinag-taka ko. “Miss Natasha! Maganda umaga." Bati niya sa akin. Nangunot ang noo ko. Miss? Hindi naman niya ako tinatawag ng gano'n ah. “Magandang umaga rin, Ning. Natasha lang ang itawag mo sa akin. Wag mo ng lagyan ng Miss. Ikaw talaga!” Nakangiti
NATASHA'S POV MABILIS lumipas ang mga araw, nakalabas na si Lolo J at katulad nga ng sinabi niya kapag nakalabas na siya ng hospital aayusin na lahat ng preperasyon para sa kasal namin ni Giovanni. Gawa na ang isusuot ni Giovanni na suit, kahit ang gown na pinagawa sa kaibigan na designer ni Lolo J ay tapos na. Sobrang ganda nung gown, gusto ko nga sana sukatin kaso pinigilan ako ni mama at Lolo J dahil may kasabihan daw na kapag sinuot mo ang wedding gown mo pwedeng hindi matuloy ang kasal. Hindi ko akalain na naniniwala pala sila doon, Gusto ko lang naman sana isukat dahil baka maluwag sa akin or hindi kasya. Sa huli sinunod ko na lang sila. Isang malaking kasalan ang magaganap dahil iyon ang nais ni Lolo J. Natapos na rin ang pinagawa niyang invitation card kaya pinamigay na nila ito sa mga iimbitahan nila sa aming kasal. Sobrang dami ngang invitation card halos lahat ata ng business partner, kumpadre ng matanda ay inimbitahan. Ako naman ay walang maiimbitahan n
Pumuwesto ako sa harap ng pinto ng simbahan. Ramdam na ramdam ko na ang kaba, pati ang kili-kili ko pinag-papawisan na, Jusko! Nang matapos maayos ni Nicole ang wedding gown ko nakangiti siyang tumango sa akin at sinenyas na papasok na siya sa loob kung nasaan si mama. Silang dalawa ang maghahatid sa akin sa altar at naghihintay sa bandang gitna. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi ako pwedeng makitang balisa ng mga bisita. Ayoko mapahiya sila Lolo J. At nang marinig ko ang wedding song namin ay saktong bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimula na akong maglakad. Geez! Sunod-sunod akong napalunok, sabayan pa ng bahagyang pangangatal ng aking kamay. Iba pala ang pakiramdam habang nag-lalakad kana papunta sa aisle. Pilit kong kinalma ang sarili. Inisip ko na lang ang taong nasa unahan at naghihintay sa akin ay ang lalaking mahal ko. Iisipin ko na ito talaga ‘yung dream wedding ko. Sinalubong naman ako ni mama at Nicole. Nag-beso-beso ako sa kanila bago
NATASHA'S POV MARAHAN na tapik sa aking balikat ang nag-pagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bigla akong napa-ayos ng upo ng mapagtantong nasa kotse pa pala ako. Nakatigil na ang kotse namin at taimtim naman na nakatingin sa akin si Giovanni. “We're here." sambit niya bago umayos ng upo. Pasimple ko namang kinapa ang gilid ng aking labi dahil baka may natuyong laway! Nakakahiya dahil ginising pa ako ni Giovanni at nakatingin siya sa akin kanina! Inayos ko rin ang sarili. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa biyahe dahil sa pagod na rin ngayong araw. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami pupunta, ayaw ko naman tanungin kanina si Giovanni dahil mainit ang ulo, baka sa akin pa mabaling ang galit niya kaya mas minabuti kong manahimik na lang. “Nasaan tayo?" Tanong ko habang tinitignan ang labas. Magagandang ilaw sa paligid ang bumungad sa akin, Nakaparada din ang kotse sa gilid ng isang puno at harap ng dagat? “Subic..sa Silvestre Beachfron
Nang makapag shower at bihis na ako gumaan na ang pakiramdam ko. Bago lumabas napatingin muna ako sa salamin. Halos umabot na sa tuhod ko ang damit ni Giovanni sa akin. Ngayon ko napatunayan na maliit nga talaga akong babae. Kaya tinatawag niya akong shorty ‘e. Saka kapag kinakausap ko siya kailangan ko pang tumingala. Pag labas ko sa kwarto nakakahalimuyak na amoy ng pagkain ang sumalubong sa akin. Biglang tumunog ang tiyan ko, bigla akong natakam at nagutom! Hindi ako nakakain kanina ng maayos sa reception kahit ang sasarap ng pagkain na nakahain sa table namin ni Giovanni. Naiilang ako dahil sa dami ng tao kaya patikim-tikim lang ang ginawa ko. Naglakad ako patungo sa kitchen pero natigilan din dahil nakita kong nakatalikod si Giovanni sa akin habang abala sa pagluluto. Naka-apron pa ito. Hindi ko maiwasan na hindi mamangha, marunong pala siyang magluto? At sa amoy pa lang nito mukhang masarap na! Pinag-patuloy ko ang paglalakad at tumikhim para kunin ang kanyang atensy
Dahan dahan akong lumapit para kunin sa kanyang kamay ang remote at patayin ang TV. Pigil na pigil ko ang aking paghinga habang kinukuha ang remote at inayos ang kamay niyang nakalaylay. Aalis na sana ako para kumuha ng kumot sa aming kwarto ng mapatigil din ng bahagyang gumalaw ito. Akala ko ay magigising na siya pero hindi. Nakahinga ako ng maluwag dahil don, akala ko ay makikita niya akong ganito kalapit sa kanya. Baka iba pa ang maisip nito. Napangiti ako ng mapag-masdan ang payapang mukha nito. Napaka-gwapo pala talaga niya lalo na kapag malapitan. Bakit napaka perpekto ng lalaking ito? Ang haba ng pilikmata na naka pilintik na. akala mo ay ginamitan ng eye curler. At ang makakapal naman niyang kilay na naka-korte na. Wala sa hulog na napahawak tuloy ako sa aking kilay na naging maayos lang kanina dahil inayusan ako. Nakaka inggit naman ang lalaki ito! Bumaba ang tingin ko sa natural niyang mapulang labi. Para siyang naka liptint! Pati ang matangos niyang ilong
HABANG kumakain kami ng almusal ay tahimik lang ako. Ewan ko ba bigla na lang akong nailang sa presensya ni Giovanni lalo't pa pasulyap-sulyap siya sa akin. Bahagya akong nakayuko ngayon dahil naiilang talaga ako. Isusubo ko na sana ang bacon ng biglang magsalita si Giovanni. “Are you alright? Kanina ko pa napapansin ang katahimikan mo. Naiilang ka ba sa akin?" Nanlaki ang mga mata ko at agad nag-angat ng tingin sa kanya. “H-huh? A-ah hindi! A-ano hindi ko lan—” “Dahil ba sa ginawa ko kanina kaya ka nag-kaka ganyan?” Napalunok ako ng makitang sumeryoso ang mukha nito. Binaba na rin niya ang hawak na kutsara't tinidor tapos nag punas ng tissue sa kanyang labi. “H-hindi ah! ano kasi, naninibago lang ako. Oo, ayon naninibago lang." Jeez, Natasha! anong klaseng alibay ‘yon? Tumaas ang isang kilay ni Giovanni halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. “Finished your food then let's talk." ’Yun lang ang sinabi niya bago pinag patuloy ang pagkain. Oh my! ano naman k
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas