Habang inaakyat ni Cherry ang gangway papasok ng barko, hindi niya maiwasang mapansin ang malaking pagbabago sa kanilang kapaligiran. Agad niyang naalala ang sinabi ni Marites kanina tungkol kay Kapitan Jal."Wait lang," bulong niya sa sarili. "Bakit wala siya?"Pagdating sa lobby, sinalubong sila ng chief officer. "Welcome back, Miss Dela Cruz, Miss Santos. Kung may kailangan kayo, huwag mag-atubiling lumapit. By the way, si Captain Marco at Captain Joshua ang namumuno sa atin ngayon," anunsyo nito na tila sinagot ang katanungan ni Cherry bago pa niya ito maitanong.Bahagyang napakunot ang noo ni Cherry. "Ah, sir, may I ask kung nasaan po si Captain Jal?" tanong niya, pilit na ikinukubli ang kanyang pagkabigla.Tumango ang chief officer at saglit na tumingin sa clipboard na hawak. "Na-reassign siya sa isang bagong barko ng kumpanya. Alam mo naman, mataas ang ranking niya, kaya madalas siyang nililipat para mag-train ng mga bagong crew at kapitan. Don't worry, nasa mabuting kalagayan
Natahimik si Cherry. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon nila. Sa mga sandaling iyon, gusto niyang bumigay, gusto niyang sabihin kay David na tama siya—na mas gusto rin niyang magkasama sila.Pero alam niyang hindi iyon ang tamang gawin.Cherry:"David, mahal na mahal kita. At dahil mahal kita, hindi kita hahayaang sumuko sa mga pangarap mo. Kapag mahirap na, tandaan mo lang kung bakit natin sinimulan ito. Ginagawa natin ito hindi lang para sa atin kundi para sa kinabukasan na gusto nating buuin."Narinig niya ang buntong-hininga ni David sa kabilang linya.David:"Ang hirap lang, Cherry. Sobrang hirap. Pero ayokong mawala ka. Gagawin ko ang lahat para mapanatili tayo."Cherry:"Hindi mo ako mawawala, David. Nandito lang ako. Sa puso mo, sa bawat mensahe, sa bawat tawag. Hindi tayo matatalo ng distansya."Saglit silang natahimik. Ang tanging maririnig sa kabilang linya ay ang mabibigat nilang paghinga.David:"Pangako, Cherry. Hindi ako susuko. Pangako, hihintayin kita."Cherry:"At pa
Para kay Cherry, nalulungkot na naman siya dahil malayo na naman siya kay David. Ngunit sa kabila nito, pinipilit niyang palakasin ang sarili. Ang pagmamahal ni David ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng kanyang kalungkutan, ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban.Sa hallway ng barko, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa air-conditioning at ang mga abalang kasamahan na nagmamadaling gawin ang kani-kanilang trabaho. Isang kasamahan ang bumati sa kanya, ngunit kahit ngumiti siya, alam niyang hindi ito sapat upang maitago ang bigat na nasa kanyang dibdib."Cherry, okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo," tanong ni Marites, na ngayon ay naka-uniform na rin at naghahanda para sa kanilang shift.Ngumiti si Cherry at pilit na iniba ang usapan. "Oo naman, Marites. Iniisip ko lang kung gaano karaming pasahero ang kailangang asikasuhin ngayong gabi.""Hala, ewan ko sa'yo! Basta, kung may problema ka, huwag mong kimkimin, ha?" sagot ni Marites, bago ito nagmamadaling um
"Teka, Cherry, napansin mo na parang wala na si Captain Jal?" tanong ni Marites, sabay halukipkip ng kanyang mga braso habang tumitig kay Cherry na tila nang-aasar. "Magsabi ka nga ng totoo, nakamove-on ka na ba kay Jal?"Napalingon si Cherry kay Marites, halatang nabigla sa tanong. "Ano? Anong pinagsasabi mo diyan? Wala naman kami ni Captain Jal para mag-move on!" sagot niya, pero ramdam ang bahagyang kaba sa kanyang boses."Hmm…" Inilapit ni Marites ang mukha sa kanya, parang detective na nag-iimbestiga. "Huwag ka ngang mag-deny. Kitang-kita ko dati kung paano ka tumingin sa kanya. Iba, Cherry, iba! Aminin mo na, minsan kang nagka-crush kay Captain Jal."Napabuntong-hininga si Cherry, sabay tumingin sa sahig, parang nag-iisip kung paano sasagutin ang kaibigan. "Fine, Marites. Oo, aaminin ko, may konting... atraksiyon dati. Pero iyon lang ‘yon. Hindi naman umabot sa kung ano pa.""Konting atraksiyon?" ulit ni Marites, sabay tawa. "Cherry, ang ibig sabihin ng ‘konting atraksiyon’ mo,
Habang papalapit ang araw ng pagbabalik ni Captain Jal sa Blue Ocean Cruise Ship, tila bumibigat ang pakiramdam ni Cherry. Isang buwan na lang, at muling magtatagpo ang kanilang landas. Sa kabila ng desisyong isinara na niya ang nakaraan, hindi maiwasan ng kanyang puso ang bahagyang kaba.Alam niyang wala na dapat siyang maramdaman para kay Jal. Si David ang mahal niya, at buo ang tiwala niya sa kanilang relasyon. Ngunit ang posibilidad ng muling pagkikita nila ni Jal ay parang isang bagyong dumarating—hindi mo alam kung gaano ito kalakas hanggang sa dumating na.Samantala, si Jal naman ay nasa huling linggo ng kanyang proyekto sa kompanya. Pagod ngunit masaya siya sa tagumpay ng kanyang bagong shipping venture. Subalit sa likod ng kanyang kasiyahan, may kung anong pananabik sa pagbabalik niya sa barko. Hindi niya alam kung bakit, pero tila masyadong excited ang puso niya. Alam niyang andoon pa rin si Cherry.Habang pinaplano ang kanyang schedule, napatingin siya sa litrato nila ni Ch
Napansin iyon ni Marites, na agad sumimangot at inirapan si Cherry. “Hmmm... sino ang tinitingnan mo diyan? Uy, parang hinahanap mo si Captain Jal ah?” sabay ngisi at sulyap kay Cherry.Nagulat si Cherry at agad na nag-deny. “Hindi ah,” sagot niya, ngunit halatang may bahagyang pag-aalangan sa kanyang tono. Sinamahan pa ito ng pilit na ngiti na lalong nagbunyag ng kanyang pagkabuking.“Ehem, talaga lang ba?” ani Marites, sabay kunot ng noo habang nakangisi pa rin. “Ang pagkakaalam ko, si Captain Jal ay dapat next month ang dating. Pero ito ang latest chika—matatagalan pa raw ang pagdating niya dahil may importante siyang inaayos sa main office.”Biglang nanlaki ang mga mata ni Cherry, ngunit mabilis niyang inayos ang ekspresyon niya. “Narinig mo yan?” tanong niya, pilit na binabalewala ang kaba sa kanyang dibdib.“Oo naman! Narinig ko kay Captain Joshua mismo,” pagmamarites ni Marites habang inilapit ang sarili kay Cherry. “Kaya ka siguro tingin nang tingin, ano? Hmmm... na-miss mo na
Habang naglalakad sila papunta sa kanilang mga kabina, tahimik si Cherry, at dama ni Marites ang bigat sa kanyang kaibigan. Alam niyang may hindi ito masabi, ngunit hindi rin ito nagtanong. Alam na ni Marites na may mga bagay na mas mabuting hindi piliting itanong, lalo na kung hindi pa handa ang kaibigan na magbukas.“Cherry,” sabi ni Marites, nagsisimula nang magpatawa, “puwede bang magsimula ka nang mag-move on, ha? Hindi naman pwedeng si Captain Jal ang nasa isip mo habang magkasama kayo ni David. Huwag mong gawing komplikado ang buhay mo.”Si Cherry ay napatingin kay Marites. Walang kasiguraduhan kung natutuwa siya sa sinabi ng kaibigan o kung nananabik na ba siyang makalimot. Pero ang puso ni Cherry, may mga sugat pa rin na hindi kayang pagalingin ng oras o ng isang mensahe mula kay David.“Hindi ko alam, Marites,” sagot ni Cherry. “Ang hirap… ang bigat. Alam ko naman na dapat maging tapat ako kay David, pero si Jal… may ibang klase siyang epekto sa akin. Hindi ko kayang tanggal
Habang nasa opisina si Jal, tinitingnan niya ang mga dokumentong nakalapag sa kanyang lamesa. Ang mga bagong proyekto na ipinagkatiwala sa kanya ng kumpanya ay hindi biro, at alam niyang kakailanganin niya ng maraming oras at dedikasyon upang tapusin ang mga ito. Hindi pa man tapos ang mga detalye ng kanyang proyekto, nararamdaman niyang may kulang. Ang Blue Ocean Cruise Ship na madalas niyang pinagmumulan ng kaligayahan at mga magagandang alaala, ngayon ay tila malayo sa kanya.Bilang isang kapitan, may mga desisyon siyang kailangang pag-isipan at mga responsibilidad na hindi maaaring ipagpaliban. Kasama na rito ang mga proyekto ng kumpanya na nakatali sa iba't ibang mga destinasyon ng barko, at siya ang tinukoy na mangunguna sa lahat ng ito. Ngunit habang pinaplano niya ang bawat hakbang, isang bahagi ng kanya ang hindi mapigilan ang mag-isip kay Cherry—ang babaeng hindi na niya maalis sa kanyang isipan.“Bakit ganito?” tanong niya sa sarili, habang muling tinitingnan ang mga larawa
Napatingin siya rito, halata ang pagod sa kanyang mga mata. "Ano na namang kailangan mo, Prescilla?"Huminga nang malalim si Prescilla, saka marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Buntis ako."Nanigas si Jal. "Ano?""Buntis ako, Jal. At ikaw ang ama."Parang binagsakan ng langit at lupa si Jal. "Prescilla, anong pinagsasasabi mo?""Totoo ito."Umiling siya, pilit na hindi naniniwala. "Hindi maaari. Hindi tayo—""Hindi mo ba naaalala ang gabing iyon?" putol ni Prescilla. "Ang gabing nilasing kita? Ang gabing hindi mo na maalala?"Dahan-dahan siyang napaatras. "Hindi… imposible."Lumapit si Prescilla at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Jal, ayokong pilitin ka sa isang bagay na hindi mo gusto. Pero gusto kong malaman mong may anak tayo."Naguguluhan, napaupo si Jal sa kanyang silya. Tumitig siya kay Prescilla, tila hindi pa rin matanggap ang rebelasyong ito."Paano… paano ko malalaman na totoo ang sinasabi mo?""Dahil hindi ako magsisinungaling tungkol sa bagay na ito."Napalunok si
Isang buwan ang lumipas mula nang pumanaw si Mr. Huang. Ang Blue Ocean Cruise Ship ay nanatiling naka-quarantine sa port ng Vietnam, limitado pa rin ang kilos ng mga tripulante at pasahero. Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan sila makakaalis sa kalbaryong ito.Ngunit sa kabila ng lahat ng gulong dala ng pandemya, isang lihim ang unti-unting nabubuo."Buntis ako…"Mahina ngunit matalim ang tinig ni Capt. Prescilla Gana habang nakatitig sa pregnancy test na hawak niya. Dalawang linya. Positibo.Napahawak siya sa kanyang tiyan, tila hindi makapaniwala. Hindi niya akalain na magbubunga ang gabing iyon—ang gabing sinadya niyang lasingin si Jal para lamang makuha ito. Alam niyang isang pagkakamali iyon, pero huli na. Narito na ang bunga ng kanyang ginawa.Nanginginig niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang doktor sa barko. "Dok, kailan mo ako pwedeng makita?""Prescilla? Anong problema?""Basta, Dok. Kailangan kitang makausap nang personal."Nasa medical bay siya ng barko nang dumat
Napangiti si Cherry, pero bakas sa kanyang mukha ang sakit. "Ma, hindi madaling kalimutan ang isang taong naging bahagi ng buhay mo. Kahit sabihin kong hindi na, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili kong lumayo… sa huli, siya pa rin ang laman ng puso ko.""Anak…" Mahinang buntong-hininga ni Gemma. "Kung ganyan ang nararamdaman mo, bakit hindi mo siya balikan?"Umiling si Cherry. "Dahil minsan, Ma, hindi sapat ang pagmamahal. Kahit mahal ko siya, hindi ibig sabihin na dapat kaming magkatuluyan.""Bakit hindi?""Dahil sa amin ni Jal, palaging may pagitan. At hindi ako sigurado kung kaya ko pang lampasan ‘yon."Samantala, sa barko…Nakatulala si Jal sa dagat, pinagmamasdan ang malawak na karagatang parang walang katapusan.Ang barkong minsan niyang itinuring na tahanan, ngayon ay parang isang kulungan na hindi niya matakasan."Sir, kumusta na po kayo?" Napapitlag siya sa boses ni Marites."Marites…" Napabuntong-hininga si Jal. "Hindi ko alam.""Alam n’yo, Sir, minsan… mas mabuting b
"Kap, hindi mo na kaya. Please, magpahinga ka naman kahit sandali lang!"Halos pasigaw na pakiusap ni Marites habang pinipigilan si Jal na bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang pinipigilan ang kapitan na muling bumalik sa trabaho."Hindi ako puwedeng magpahinga, Marites. Kailangan ako ng mga tao rito!" madiing sagot ni Jal, pinilit tumayo kahit mahina pa ang katawan. Nanginginig ang kanyang tuhod at halos matumba siya, buti na lang at agad siyang nasalo ni Marites."Ano ka ba, Jal?! Halos bumagsak ka na sa sahig pero gusto mo pa rin magtrabaho?! Hindi mo ba naiintindihan na kung hindi mo inalagaan ang sarili mo, mas lalong magkakagulo ang mga tao rito?!"Napalunok si Jal. Alam niyang tama si Marites. Pero paano siya magpapahinga kung halos araw-araw ay may pasaherong binabawian ng buhay?"Hindi mo naiintindihan, Marites," bulong niya, bakas ang panghihina sa kanyang boses. "Kapag nakikita kong may namamatay… pakiramdam ko, kasalanan ko. Dapat ako ang nandiyan
Habang ang buong mundo ay patuloy na nababahala sa lumalalang pandemya, ang Blue Ocean Cruise Ship ay nananatiling palutang-lutang sa dagat—isang barkong puno ng pangamba, sakit, at pag-asa.Sa loob ng kwarto ni Jal, naroon si Marites at ilang medical staff, nakamasid habang unti-unting bumabalik ang lakas ng kapitan."Captain… Salamat naman at gising ka na," mahina ngunit may halong pag-aalalang sabi ni Marites.Napakurap si Jal, pilit inaalala ang nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang matinding lagnat, ang bigla niyang pagbagsak… at ang panaginip niya kay Cherry."Anong nangyari?" mahina niyang tanong."Nagka-severe symptoms ka ng COVID, Captain. Akala namin… akala namin hindi mo na malalampasan," sagot ni Dr. Huang, isang volunteer doctor na tumutulong sa kanila remotely."Pero lumaban ka, Captain. Hindi mo kami iniwan," dagdag ni Marites, pilit pinipigilan ang luha.Napangiti si Jal, bagama’t mahina pa rin ang kanyang katawan. "Hindi ko pwedeng iwan ang crew ko… ang barko k
Dahan-dahang lumapit si Capt. Prescilla, nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga palad. Hindi niya na kayang kimkimin ang sakit sa kanyang dibdib."Jal…" tinawag niya ulit ang pangalan nito, nanginginig ang boses. "Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Ako ang nandito. Ako ang nagbabantay sa’yo. Ako ang nag-aalala sa’yo. Pero kahit kailan, hindi mo ako binigyan ng kahit kaunting puwang sa puso mo."Mahinang natawa si Jal. "Prescilla… Alam kong nandiyan ka.""Pero hindi ako sapat, ‘di ba?" Pinipigilan ni Prescilla ang pangingilid ng luha. "Kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal… siya pa rin ang mahal mo."Napakurap si Jal, pilit na iniiwas ang tingin. Hindi niya kayang tingnan ang sakit sa mga mata ni Prescilla."Pres…" mahinang bulong niya."Huwag mo akong tawagin nang ganiyan! Huwag mo akong bigyan ng pag-asang wala naman talaga!"Napapikit si Jal, pinipilit unawain ang sakit na dulot niya kay Pr
Napaluha si Cherry sa narinig. Ilang linggo na niyang kinikimkim ang takot at pangamba para kay Jal at sa buong crew ng Blue Ocean Cruise Ship. Ngayon, sa wakas, may pag-asa nang masagip sila."Tes, totoo ba ‘yan? Saan? Kailan?" sunod-sunod ang kanyang tanong, hindi maitago ang kaba at pananabik.Sa kabilang linya, ramdam ni Marites ang emosyon ni Cherry. "Hindi ko pa masabi ang eksaktong bansa, pero may ginagawang paraan ang mga opisyal. May mga pulitiko at humanitarian groups na kumikilos para tulungan kami. Wala pa ring kasiguraduhan, pero ito na ang pinakamalapit na pagkakataon para makababa kami ng barko!"Napahawak si Cherry sa kanyang tiyan, ramdam ang paggalaw ng kanyang mga anak sa loob ng sinapupunan. "Salamat sa Diyos, Tes! Sana maging maayos na ang lahat.""Pero, Cherry… may isang bagay akong sasabihin sa’yo.""Ano ‘yon?""Si Jal… bumagsak kanina. Sinugod siya sa infirmary.""Ano?!"Nanlamig ang buong katawan ni Cherry. Ang pangamba niyang matagal nang kinatatakutan, ngayo
"Bumalik ang pulso!" sigaw ng nurse.Halos mapaluhod si Dr. Luis sa sobrang relief. Si Jal naman ay napabuntong-hininga, tila nabunutan ng tinik.Napatitig siya sa pasyente at mahina niyang binulong, "Kapit lang."Makalipas ang ilang oras, ligtas nang nailipat ang limampung pasyente sa Pacific Medical Fleet.Kahit pagod na pagod, hindi maiwasang mapangiti ni Jal habang nakatingin sa papalayong barko ng humanitarian team.Sa tabi niya, pumikit si Prescilla at bumuntong-hininga. "Nagtagumpay tayo, Captain.""Oo," sagot ni Jal. "Pero marami pa tayong kailangang ipaglaban."Sa likod nila, tahimik na lumuluha si Dr. Luis, hawak ang kanyang rosaryo. Alam nilang malayo pa ang laban, pero ngayong araw na ito, isa na namang tagumpay ang naipanalo nila laban sa kamatayan.Matapos ang matinding paghihintay at laban para sa buhay ng mga pasyente, pansamantalang nakahinga ng maluwag ang mga tripulante ng Blue Ocean Cruise Ship. Ngunit hindi pa tapos ang pagsubok.Tahimik na nakatayo si Captain Jal
Sa loob ng Blue Ocean Cruise Ship, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa control room habang nakatitig si Captain Jal sa malaking screen ng Smart TV. Sunod-sunod ang balita—mas dumami na ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mas marami nang borders ang nagsara, at ang pinakamasakit sa lahat, wala pa ring bansang tumatanggap sa kanila.Hinugot niya ang malalim na buntong-hininga, pilit pinipigil ang panghihina ng kanyang loob. Pero paano? Parami na nang parami ang nagkakasakit. Ilang crew at pasahero na ang bumagsak sa sahig, nilalagnat, hinahabol ang hininga, at hindi na kayang tumayo.Napapikit siya saglit."Captain?"Napalingon siya. Naroon si Captain Prescilla, ang kanyang second-in-command, at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala.“Jal, kailangan mong magpahinga.” Lumapit ito at maingat na tinignan ang kanyang mukha. “Ikaw na lang ang natitirang malakas sa atin. Kung bumagsak ka rin, paano na tayo?”Napahawak si Jal sa sariling noo. Pakiramdam niy