Nagtaglay ng lungkot sa mga mata ni Cherry ang sinabi ni Jal. "Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko, Jal," sagot niya, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Alam ko na hindi ko kayang baguhin ang nararamdaman ko para kay David. Mahal ko siya, at hindi ko kayang ipagpalit iyon."Muling tumahimik sa pagitan nila, at habang nararamdaman ni Cherry ang bigat ng sitwasyon, napagtanto niya na hindi nila pwedeng balewalain ang mga nararamdaman nila. Gayunpaman, alam niyang kailangan niyang manatiling tapat sa kanyang sarili at sa pag-iisang dibdib na tinatahak niya kay David.Bumuntong-hininga si Jal, at bago pa siya magpatuloy, sinabi niyang, "Sana maging masaya ka, Cherry. At kung hindi na tayo magkausap pa, sana magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng buhay mo."Hindi makapagsalita si Cherry, ngunit ang kanyang puso ay puno ng pasasalamat at malasakit kay Jal. Hindi lahat ng paghihirap ay may kapalit na kasiyahan, ngunit natutunan niyang tanggapin na ang bawat tao sa kanyang buhay ay may pa
Kinabukasan, bumalik na muli ang dating abala at sigla ng buhay sa cruise ship. Ang bawat tauhan ay nagtatrabaho nang walang humpay—mula sa kitchen crew na naghahanda ng masasarap na pagkain, hanggang sa housekeeping staff na masinop na naglilinis ng bawat sulok ng barko. Ang mga pasahero ay masiglang nag-e-enjoy sa iba't ibang amenities, habang ang passenger crew naman ay abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pangangailangan.Si Cherry, gaya ng dati, ay abala sa kanyang mga tungkulin. Pilit niyang inilibang ang sarili sa dami ng gawain upang hindi na maisip ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Sa kabila ng ngiti at siglang kanyang pinapakita sa mga pasahero, may bahaging nananatiling mabigat sa kanyang puso. Habang tinutulungan ang isang pamilya na hanapin ang kanilang cabin, natanaw niya mula sa dulo ng hallway si Jal, na abala sa pagbibigay ng direktiba sa mga tauhan. Ang dating bugnuting kapitan ay tila mas seryoso ngayon, ngunit ramdam pa rin ni Cherry ang bigat ng mga nakaraa
Hindi niya napigilan ang luha na tumulo, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ito luha ng pangungulila. Ito'y luha ng pasasalamat—para sa mga aral na iniwan ni Jal, at sa pagmamahal na kahit kailan ay hindi na niya makakalimutan.Habang naglalakad si Jal papalayo, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Sa bawat yapak, tila naririnig niya ang tunog ng dagat—isang paalala ng tahimik na pag-usad ng buhay. Ngunit sa kabila ng sakit, may kakaibang gaan sa kanyang dibdib. Para bang, sa wakas, napalaya na niya ang sarili mula sa anino ng nakaraan. Sa pag-amin at pagbitaw, nahanap niya ang katahimikan na matagal na niyang hinahanap.Samantala, si Cherry ay nanatiling nakatayo, hawak ang librong iniabot ni Jal. Ang tahimik na hallway ay tila naging saksi sa dami ng emosyon na nagdaan sa kanya. Nang idinaan niya ang kanyang daliri sa pabalat ng libro, napansin niya ang nakasulat sa likod nito."Para sa babaeng nagdala ng liwanag sa buhay ng isang nawawala. Salamat, Cherry."Muli, bumalik sa kany
Isang umaga habang nasa kalagitnaan ng regular briefing ang crew, isang tawag mula sa main office ang biglang dumating. Tumahimik ang lahat nang tawagin ang pangalan ni Jal."Captain Jal, mayroon kang urgent na tawag mula sa head office," sabi ng komunikasyon officer habang iniabot ang telepono.Agad na tumayo si Jal, kinuha ang telepono, at lumabas sa bridge para sagutin ito."Hello, this is Captain Jal speaking," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa kalmadong dagat sa labas ng bintana."Jal, kailangan mong bumalik sa head office," sagot ng Operations Manager. "May emergency meeting tungkol sa bagong kontrata na may malaking epekto sa operasyon ng kumpanya. Ikaw lang ang makakapagdesisyon dito."Nagkibit-balikat si Jal, pilit pinapanatili ang kanyang kalma. "Anong klaseng kontrata ito?" tanong niya."Strategic partnerships. Isang multi-million deal na magpapalawak ng operations natin sa Southeast Asia. Kailangang ikaw mismo ang pumirma. Walang ibang maaaring humawak nito."Huming
Habang nakatingin si Cherry sa kalmadong dagat mula sa deck, pilit niyang inaalala ang mga huling araw ni Jal sa barko. Ang bawat alon na humampas sa gilid ng barko ay tila paalala ng mga salitang hindi nila nasabi, ng mga sandaling hindi nila naipaliwanag.Tumigil siya sa paghinga saglit nang maalala ang mga mata ni Jal—malalim, puno ng damdamin, ngunit laging nagtatago ng isang bagay. Parang gustong sabihin ngunit piniling itikom.Napapikit si Cherry, pilit itinataboy ang emosyon na muli na namang bumabalik. Siguro, ito na talaga ang huling kabanata namin ni Captain Jal, bulong niya sa sarili.Pinilit niyang ipaniwala sa sarili na kaya niyang magpatuloy, na ang buhay ay kailangang magpatuloy kahit wala na si Jal sa kanyang araw-araw. Ngunit sa bawat pagpapaalala ng dagat—sa tunog ng alon na tila musika sa gabi, sa kislap ng mga bituin na dati’y sabay nilang tinitingnan—hindi niya maitatanggi na ang pangalan ni Jal ay nananatiling nakaukit sa kanyang puso.Isang malalim na buntong-hin
Bumalik sa cabin si Cherry. Habang nakaupo si Cherry sa gilid ng kanyang kama, hawak ang cellphone, biglang pumasok ang mensahe mula kay David.Nang makita niya ang pangalan nito sa screen, parang huminto ang oras. Binuksan niya ang text at mabagal na binasa ang mga salita:"Magsimula tayo ulit, Cherry. Nalilito ka lang at malapit na tayong magkikita ulit."Napatigil siya, ramdam ang bigat ng mensahe. Paulit-ulit itong tumatakbo sa kanyang isipan, habang pilit niyang iniintindi ang nararamdaman niya.Napabuntong-hininga si Cherry, pilit na nilalabanan ang gumugulo niyang emosyon. Ilang saglit pa, pinindot niya ang keyboard ng kanyang cellphone at sinubukang mag-reply."David, salamat sa tiwala mo, pero hindi ganoon kadali para sa akin. Hindi ko kayang magpanggap na ang lahat ay okay lang."Matapos niyang i-type iyon, natigilan siya. Hindi niya magawang pindutin ang send button. Alam niyang anumang isagot niya, magdadala ito ng mas maraming tanong kaysa sagot. Sa halip, inihulog niya a
Napabuntong-hininga siya at muling tumingin sa cellphone. Binuksan niya ang mensahe ni David, binasa ito nang ilang beses: "Cherry, alam kong mahirap ito para sa’yo. Pero kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, ipapakita kong kaya nating magsimula ulit. Hindi kita susukuan, kahit gaano katagal." Isang patak ng luha ang bumagsak sa screen ng kanyang cellphone. Sa bawat salita ni David, naroon ang sinseridad, ang pangakong hindi siya iiwan. Pero bakit parang masakit? Bakit parang hindi niya ito kayang tanggapin? Nag-type siya ng sagot ngunit agad din itong binura. Paulit-ulit na ganoon ang ginawa niya hanggang sa mapagod siya. Sa huli, pinatay niya ang kanyang cellphone at inilagay ito sa gilid.Huminga siya nang malalim, pilit na iniisip ang susunod na hakbang. Pero kahit anong gawin niya, isang tanong lang ang laging bumabalik: "Bakit parang ang hirap kalimutan si Jal?" Habang tumitingin siya sa kisame, naramdaman niya ang malamig na hangin mula sa bintana. Sa katahimikan ng gabi, a
Hinawakan ni David ang kamay niya, gaya ng dati nitong ginagawa. "Pilit kong iniintindi ang kalagayan mo, pero hindi ko kayang maghintay nang walang kasiguraduhan. Cherry, mahal kita, pero pakiramdam ko, may isang bahagi ng puso mo na hindi para sa akin. Tama ba ako?" Tumulo ang mga luha ni Cherry habang pilit niyang hinahanap ang mga tamang salita. "David, hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko sinadya na mahulog ang loob ko kay Jal. Nagulo lang ako… nalito."Nanatiling tahimik si David, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang matinding sakit. Ang kanyang mga kamay, na dati’y laging naghahanap ng kamay ni Cherry, ay ngayon parang bigat na bigat na nakalapag sa kanyang kandungan."Cherry," mahina niyang sambit, halos pabulong, ngunit puno ng emosyon. "Akala ko ba, ako lang? Akala ko ba, sapat na ako?"Napakagat-labi si Cherry, ramdam ang kirot sa bawat salitang binibigkas ni David. Hindi niya alam kung paano sagutin ang tanong na iyon nang hindi mas lalong nasasaktan ang puso nito."Dav
Habang mahigpit na yakap ni Prescilla ang kanilang bagong silang na anak, mabilis niyang kinuha ang cellphone ni Jal at tinawagan si Madam Luisa sa Facebook Messenger."Lola! Eto na po ang apo n’yo!" Masiglang aniya habang iniharap ang camera sa maliit na sanggol na mahimbing na natutulog sa kanyang bisig.Sa kabilang linya, agad na lumitaw ang larawan ng matandang babae—si Madam Luisa Pereno, ang kilalang matriarka ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kanyang edad, bakas pa rin ang matalas niyang pananalita at ang dating ng isang babaeng sanay mag-utos.Ngunit sa sandaling makita niya ang bata, nag-iba ang ekspresyon nito. Napalitan ng tuwa ang dati niyang matapang na mukha, at ang kanyang matang dating singtulis ng isang agila ay napuno ng luha."Oh, Diyos ko!" Napahawak siya sa kanyang dibdib, nanginginig ang kanyang mga daliri. "Napakaguwapo ng apo ko, Jal! Diyos ko, kamukhang-kamukha mo noong sanggol ka pa!"Napangiti si Prescilla. "Lola, si Miguel po! Eto na po ang inyong apo sa tu
Sa loob ng kanyang cabin, hindi mapakali si Prescilla habang nakahawak sa kanyang lumalaking tiyan. Malakas ang alon sa labas, at nararamdaman niyang may kakaiba sa kanyang katawan."Jal…" Mahinang tawag niya, habang pinipilit abutin ang kanyang cellphone.Wala siya sa tabi niya.Muling sumipa ang matinding sakit sa kanyang tiyan, dahilan para mapangiwi siya."A-Ah!" Napakapit siya sa gilid ng kama. "Diyos ko… hindi pa ngayon… hindi pa dapat ngayon…"Ngunit hindi niya kayang pigilan.Ramdam niya ang pag-agos ng tubig mula sa kanyang sinapupunan."Hindi… Jal! Tulungan mo ako!" sigaw niya nang maramdamang pumutok na ang panubigan niya.Sa labas ng cabin, naglalakad si Captain Jal Pereno, hawak ang kanyang radyo. Kasalukuyan siyang abala sa pagbibigay ng utos sa kanyang mga tauhan dahil sa higpit ng protocols sa gitna ng pandemya.Bigla niyang narinig ang isang pamilyar na tinig."CAPTAIN! SI MA’AM PRESCILLA! NAHAGIP NG CCTV SA KWARTO NIYO—MUKHANG MANGANGANAK NA!"Parang biglang nagdilim
SAMANTALA, SA KABILANG PANIG...Karga ni Cherry si Mikee habang pinapakain ng gatas sina Mikaela at Mike sa kanilang duyan. Napapangiti siya sa tuwing tinitingnan ang tatlong anghel sa kanyang harapan.Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang kanyang cellphone."Marites."Nag-aalangan man, sinagot niya ito."Cherry…" may pag-aalalang boses ng kaibigan. "Narinig mo na ba ang nangyari?""Ano na naman, Marites?""Nag-aaway sina Jal at Prescilla," diretsong sagot nito. "At… Cherry, tanong ko lang—kung bumalik si Jal, tatanggapin mo pa ba siya?"Napatigil si Cherry.Napatingin siya sa kanyang mga anak. Sa maamo nilang mga mukha, sa munting paghinga nila, sa kapayapaang taglay nila na pilit niyang pinoprotektahan.Pinikit niya ang kanyang mga mata.Maingat na pinahigaan ni Cherry ang triplets sa kanilang crib. Tahimik na natutulog ang kanyang mga anak—mga inosenteng nilalang na siyang naging dahilan ng kanyang lakas. Habang pinagmamasdan niya sila, ramdam niya ang kapayap
SA BLUE OCEAN CRUISE SHIP…Malamig ang simoy ng hangin sa deck ng barko, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nagngangalit na damdamin ni Prescilla."Ano? Wala kang balak akong habulin?!" sigaw niya kay Jal, na nanatiling nakatayo at tahimik sa harapan niya."Prescilla, please… huwag na tayong mag-away," mahinang sagot ng lalaki."Hindi na tayo nag-aaway, Jal. Dahil sawa na akong makipaglaban sa’yo!" Muling tumulo ang luha niya. "Araw-araw, nagpapakatanga ako, iniisip ko na baka isang araw, magising ka at sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Pero hindi nangyari ‘yon. At alam kong hindi na mangyayari kailanman!""Prescilla, alam mong mahalaga ka sa akin—""Mahalaga?!" Natawa siya nang mapait. "Yan na naman tayo, Jal! Mahal ako pero hindi kasing mahal ni Cherry, ‘di ba? Ako ang babaeng kasama mo, pero siya ang babaeng laman ng puso mo!"Hindi nakasagot si Jal.At doon, tuluyan nang napuno si Prescilla."Mahal ko kayo ng anak natin, pero hindi ko kayang ipagpilitan ang sarili ko sa is
Cherry.Kumusta na kaya siya?Wala siyang balita tungkol sa kanya mula nang magdesisyong lumayo ito. Hindi rin niya alam kung tama bang hinayaan niya na lang itong mawala sa buhay niya."Anong iniisip mo?" tanong ni Prescilla habang lumalapit sa kanya, hinahaplos ang kanyang balikat. Malambot ang tinig nito, ngunit may bahagyang pag-aalinlangan."Wala," sagot ni Jal, mabilis na umiwas ng tingin. "Pagod lang siguro ako.""Jal…" Bumuntong-hininga si Prescilla at umupo sa tabi niya. "Six months na akong buntis. Six months na rin tayong magkasama sa cruise ship na ‘to. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko, may iniisip kang iba."Napapikit si Jal, pilit na iniiwasan ang usapan."Hindi ko maintindihan," patuloy ni Prescilla. "Alam kong mahalaga ako sa’yo. Pero may isang parte ng puso mo na hindi mo maibigay sa akin."Nagtaas siya ng tingin kay Jal, nakikita ang pagkagulo sa kanyang mga mata."Si Cherry pa rin ba?" diretsong tanong ni Prescilla.Natahimik si Jal.Isang malalim na buntong-hini
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Jal. "Ang anak natin."Napapikit si Jal, parang tinamaan ng isang matinding suntok sa puso."Jal, matuto kang lumaban," mahina ngunit mariing bulong ni Prescilla. "Dahil kung hindi mo kayang lumaban para sa akin, sana, lumaban ka man lang para sa anak natin."Hindi sumagot si Jal. Sa unang pagkakataon, hindi niya alam ang tamang sagot.Ang tanging nagawa niya ay titigan ang monitor kung saan makikita ang imahe ng kanyang anak. Ang maliit na buhay na nasa sinapupunan ni Prescilla.Ang anak nilang hindi niya inakalang darating sa buhay niya."Jal, matuto kang lumaban," mahina ngunit mariing bulong ni Prescilla. "Dahil kung hindi mo kayang lumaban para sa akin, sana, lumaban ka man lang para sa anak natin."Sa sumunod na araw, hindi pa rin nag-usap sina Jal at Prescilla.Si Jal—patuloy na binabagabag ng kanyang mga pangamba.Si Prescilla—tahimik ngunit matigas ang determinasyong panindigan ang kanyang pagiging ina.Habang abala si Jal sa kanyang
Anim na buwan ang lumipas mula nang manganak si Cherry…Anim na buwan na rin ang lumipas mula nang malaman ni Prescilla na dinadala niya ang anak nila ni Captain Jal Pereno.Sa kabila ng hirap ng sitwasyon—ang patuloy na banta ng COVID sa loob ng Blue Ocean Cruise, ang walang-katapusang quarantine protocols, at ang hindi pagkakaunawaan nila ni Jal—isa lang ang hindi maitatanggi. Malapit na siyang maging ina.At ngayon, sa loob ng medical bay ng Blue Ocean Cruise, habang nakahiga siya sa examination bed, hawak ang kamay ni Jal, nararamdaman niya ang pinakamalakas na tibok ng kanyang puso."Are you ready?" tanong ng doktor habang hinahawakan ang ultrasound probe sa kanyang tiyan.Hindi agad nakasagot si Prescilla. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ni Jal sa kanyang kamay. Tumingin siya rito—tahimik, seryoso, pero bakas sa mukha ang tensyon."Oo…" mahina niyang tugon.Kasabay ng tunog ng ultrasound machine, unti-unting lumitaw sa screen ang imahe ng kanilang anak. Halos pigilin ni P
Sa loob ng command center ng Blue Ocean Cruise, nakatayo si Captain Prescilla, hawak-hawak ang kanyang tiyan habang pinagmamasdan ang dashboard ng barko. Ilang araw nang patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID sa loob ng barko, at kahit anong gawin nilang pag-iingat, parang hindi ito napipigilan.Habang malalim siyang nag-iisip, bumukas ang pinto at pumasok si Captain Jal, ang kanyang asawa. Kasunod nito ay si Dr. Manuel Reyes, ang chief medical officer ng barko."Captain Prescilla," seryosong bungad ni Dr. Manuel, "kailangan na po nating higpitan ang restrictions, lalo na para sa inyo. Delikado ang sitwasyon, at hindi tayo puwedeng magpabaya."Tiningnan siya ni Jal, halatang may pag-aalala sa kanyang mukha. "Prescilla, tama si Doc. Hindi ka na dapat lumalabas nang madalas. Mas mataas ang risk mo dahil buntis ka. Kailangan mong magpahinga."Nagtaas ng tingin si Prescilla kay Jal, halatang hindi siya sang-ayon sa sinasabi nito. "Jal, hindi ako puwedeng basta-basta magkulong sa kwarto
Habang tahimik na nakatayo sa labas ng kwarto, hinaplos ni Gemma ang kanyang dibdib, pilit pinipigil ang luha ng kasiyahan. Hindi niya inakalang darating ang araw na ito—na ang dating batang inaalagaan niya noon ay isa nang ganap na ina ngayon.Dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid at lumabas ang kanyang asawa na si Ralph, may bitbit na maliit na tray na may pagkain para kay Cherry."Kumain na ba si Cherry?" tanong nito habang nilingon ang asawa."Hindi ko pa alam… pero mukhang pagod na pagod pa rin siya," sagot ni Gemma. Napatingin siya sa loob ng kwarto, sa kanyang anak na mahimbing na natutulog habang nakahiga ang tatlong munting anghel sa kanilang mga crib. "Ang bilis ng panahon, Ralph. Parang kailan lang, siya ‘yung inaalagaan ko, ngayon, may tatlo na siyang anak."Napabuntong-hininga si Ralph at marahang tinapik ang balikat ng asawa. "Ganyan talaga ang buhay, Gem. Noon, tayo ang bumubuhay sa kanya… ngayon, siya na ang may responsibilidad sa tatlo niyang anak."Hindi na napigil