āļŦāđ‰āļ­āļ‡āļŠāļĄāļļāļ”
āļ„āđ‰āļ™āļŦāļē

āđāļŠāļĢāđŒ

I Wanted a Divorce, Benedict!
I Wanted a Divorce, Benedict!
āļœāļđāđ‰āđāļ•āđˆāļ‡: nytfury

Chapter 1

āļœāļđāđ‰āđ€āļ‚āļĩāļĒāļ™: nytfury
last update āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ”: 2025-04-12 10:23:55

Pasado alas nuebe na ng gabi nang makarating si Mikaela sa Orlando International Airport matapos niyang manatili sa Pilipinas para sa kaniyang trabaho.

Ngayon ang araw ng kaniyang kaarawan kaya inaasahan niya na ang dagsa-dagsang mensahe na kaniyang matatanggap mula sa mga kaibigan at ilan pang mga kakilala. Hindi nga siya nagkamali roon dahil pagdukot pa lang niya ng kaniyang cellphone sa kaniyang bag ay sandamakmak na messages na ang naroon at ang ilan pa nga ay missed calls mula sa kaniyang malalapit na kaibigan. Lahat sila ay bumabati ng maligayang kaarawan para sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil doon.

Wala pa sana siyang balak na umuwi subalit balak niya sanang sorpresahin ang anak at makasama ito sa mismong espesyal na araw ng kaniyang buhay. Wala ring kaalam-alam si Benedict sa plano niyang iyon. Nang maalala niya ito ay unti-unti ring naglaho ang kaniyang mga ngiti.

Nang makarating siya sa villa, ay halos mag-aalas onse na ng gabi. Kasalukuyan namang nagliligpit ang mayordomang si Cora habang nakikipagkwentuhan naman ito sa yaya ng kaniyang anak na si Ester. Kaagad na nagitla ang mga ito nang mapansin itong nakatayo sa main door.

“Madam, ano pongâ€Ķ ano pong ginagawa n’yo rito?” gulat na tanong ni Cora.

“Nasaan ang Sir Benedict mo at ang anak kong si Lilia?” Tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng bahay habang sinisipat ng tingin ang buong paligid. Wala pa rin iyong pinagbago maliban sa ilang bagong kagamitang nakadisplay na tiyak niyang binili ng kaniyang asawa.

“Hindi pa po nakakauwi si Sir Benedict, at nasa taas naman po si Mam Lilia, naglalaro sa kaniyang silid,” tugon naman ni Ester.

Himbis na pansinin ang tanong ni Cora sa kaniya ay napataas na lang siya ng kaniyang kilay at saka iniabot ang kaniyang mga maleta rito at kaagad na nagtungo sa itaas upang puntahan ang kaniyang anak sa silid nito. Napangiti siya nang makita ang anak na nakasuot ng paborito nitong pajama habang nakaupo sa harap ng isang maliit na lamesa at may kinukutingting na kung ano. Masyado itong focus at seryosong-seryoso sa ginagawa na hindi na nito napansin ang pagpasok niya sa loob ng silid.

Kumatok siya nang mahina sa pintuan at tinawag ang pangalan ng kaniyang anak.

“Lilia?”

Kaagad itong lumingon at masigla siyang binati. “Mommy!” Iyon nga lang ay kaagad din itong bumalik sa pinagkakaabalahan kaya naman lumapit na lang siya rito upang yakapit ito at saka kinintalan ito ng halik sa pisngi. Ganoon na lang ang kaniyang pananabik sa anak kaya naman hindi niya na napigilang guluhin ito ngunit tila nairita naman ito sa kaniyang ginawa at bahagya siyang itinulak palayo. “Mommy, can’t you see that I am still busy?”

Dalawang buwan ding hindi nakita ni Mikaela ang kaniyang anak kaya ganoon na lang ang pananabik niya rito. Alam niyang kulang ang isang yakap at halik upang maibsan ang lungkot nang mga panahong malayo siya rito. Gusto niya sanang magkaroon sila ng proper bonding ngunit tila hindi ata ito ang nais ng kaniyang anak. Ayaw naman niyang guluhin ang ginagawa nito dahil kitang-kita niya kung gaano ito nag-e-enjoy sa ginagawa. “Lilia, are you making a flower necklace?”

“Yes, Mommy!” KItang-kita ni Mikaela kung gaano ito natutuwa sa ginagawa. “Malapit na ang birthday ni Tita Aireen. Gumagawa ako ng regalo namin ni Daddy para sa kaniya. Kaming dalawa ni Daddy ang pumili ng mga flower beads na ito. Look, Mommy, aren’t they beautiful?”

Tila nanikip ang dibdib ni Mikaela sa narinig. Bago pa man siya muling makapagsalita ay magiliw na namang nagsalita ang kaniyang anak. “Alam mo ba, Mommy, marami pang inihandang regalo si Daddy para kay Tita Aireen. Bukas—”

Napahawak si Mikaela sa kaniyang dibdib dahil hindi niya na kinakaya ang sakit. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay tila hindi siya nag-e-exist sa buhay ng kaniyang anak. “Lilia, naaalala mo ba ang birthday ni Mommy?”

“Ano ‘yon?” Tila hindi nito pinansin ang kaniyang tanong at muling itinuon ang atensyon nito sa ginagawang kwintas. “Mommy, huwag ka munang magulo, please. Naguguluhan na tuloy ako sa pagkakasunud-sunod ng mga flower beads—”

Hindi na siya nakapagsalita pa at binitawan na ang kaniyang anak. Tumayo na siya at saglit na pinakatitigan ang anak. Ramdam niya ang lungkot at pagtatampo sa kaniyang dibdib ngunit hindi niya alam kung paano iyon ilalabas. Hindi na rin siya tinapunan ng tingin pang muli ng kaniyang anak kaya mas lalo siyang nasaktan sa nangyari. Nakagat niya na lang ang kaniyang pang-ibabang labi at umalis sa silid nito nang wala nang sabi-sabi.

Naglalakad na siya patungo sa silid nila ni Benedict nang makasalubong niya si Cora. “Madam, tumawag po pala si Sir Benedict at nasabi kong nakauwi na kayo. Ang sabi lang po niya ay marami pa siyang gagawin kaya mauna na raw po kayong matulog para makapagpahinga kayo.”

“I see,” tugon niya rito at sandaling nag-isip. Naalala niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang anak kaya hindi niya napigilang tawagan ang asawa upang kausapin ito.

Ilang ring din ang itinagal bago ito napagpasyahang sagutin ng nasa kabilang linya. Pagsagot pa lang nito ay hindi na maipinta ang panlalamig sa boses nito. Halata rin na hindi ito natutuwa sa pagtawag niya. “Marami akong ginagawa. Tatawagan na lang kita bukas—”

“Benedict, it’s late. Sino ‘yan?”

Napahigpit ang kapit ni Mikaela sa kaniyang cellphone nang makarinig siya ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

“It’s nothing.”

Bago pa man makapagsalita si Mikaela ay mabilis nang ibinaba ng kaniyang kausap ang tawag.

Sa tagal nilang hindi nagkita – dalawa o tatlong buwan. Kung kailan naman nakabalik na siya, hindi man lang ito nag-atubiling makita siya. Kahit makausap man lang siya ay parang ayaw na nitong gawin.

Sa ilang taon nilang kasal, ganoon lang palagi ang pakikitungo sa kaniya ni Benedict. Pakiramdam niya kahit napakalapit nito ay tila malayo pa rin ito. Nanlalamig din ito palagi sa kaniya at madalas ding magalit sa kaniya.

Sanay na siya sa ganoong trato nito sa kaniya kung tutuusin. Kung kagaya pa siya ng dati paniguradong tatawagan niya itong muli at hahabulin. Pipilitin niya itong umuwi hanggang maaari dahil nais niyang makasama ito.

Pero siguro nang mga oras na iyon ay napagod na lang siya at bigla na lang siyang nagising isang araw na hindi na siya interesadong malaman pa ang kahit na anong tungkol dito.

āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āđ€āļĨāđˆāļĄāļ™āļĩāđ‰āļ•āđˆāļ­āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āđāļ­āļ›

āļšāļ—āļ—āļĩāđˆāđ€āļāļĩāđˆāļĒāļ§āļ‚āđ‰āļ­āļ‡

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 2

    Pagkagising pa lang ni Mikaela kinabukasan ay si Benedict kaagad ang pumasok sa isip niya. Naisipan niyang tawagan ito upang magkausap sana silang dalawa ng asawa. Nagbabakasakaling gising na ito dahil masyadong maaga naman ang naging gising niya.Nasa labindalawa o labintatlo rin ang pagitan sa oras ng Pilipinas at Amerika. Kahit na alam ni Mikaela ang laki sa pagitan ng oras sa bansang iyon ay pinipili niya pa ring magpuyat makausap lang sana ang asawa at anak ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. May ilang beses na tinatawagan niya ito subalit tila lagi na lang itong nagmamadaling kausap siya at pagkaraan ay binababaan siya ng tawag.Ang rason kung bakit siya bumalik sa Amerika, bukod sa kagustuhan niyang makasama ang anak at asawa, ay nais niya rin sanang magkaroon silang tatlo ng quality time bilang isang buong pamilya lalo pa at isang mahalagang araw sa kaniya ang araw na iyon. Iyon lang sana ang tanging hiling niya para sa kaniyang kaarawan nang taon na iyon.Nakailang ring

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2025-04-12
  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 3

    Noon hinahayaan niya lang ang sarili niya na magpatangay sa nararamdaman. Ngayon, nasanay na siya. Manhid na siya at halos wala na siyang nararamdaman. Masaktan man siya ay hindi niya na iyon masyadong iniinda. Nasanay na lang siya sa paulit-ulit na senaryong iyon sa pagitan nilang dalawa ni Benedict. Nasanay na lang din siya sa klase ng pagtrato nito sa kaniya at gayunding kung paano nito ipakita ang pag-iwas sa kaniya.Excited pa naman siyang umuwi upang makasama ang kaniyang mag-ama dahil ilang buwan niya rin itong hindi nakasama, pero hindi niya sukat akalaing babalewalain lang siya ng kaniyang asawa at ang pinakamasakit pa roon maging ang kaniyang anak ay hindi man lang natuwa sa kaniyang presensya.Bago pa man niya mapansin ay nakatayo na siya sa harap ng restaurant na madalas nilang kinakainan ni Benedict. Mapakla pa siyang napangiti habang tumatakbo ang larawan ng isa sanang masayang pamilya kasama ang kaniyang asawa at anak. Akmang papasok na sana siya sa loob nang makita niy

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2025-04-12
  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 4

    Alas nuebe na ng gabi nang makauwi ng villa sina Benedict at anak na si Lilia. Kinuha ni Benedict ang mga pinamiling damit para kay Lilia mula sa sasakyan at saka bumaba ng sasakyan. Dahil alam ni Lilia na naroon ang kaniyang ina ay wala itong kagana-ganang umuwi. Ni ayaw na nga nitong umuwi kung tutuusin pero dahil sinabihan siya ni Aireen na umuwi ang kaniyang ina para lang makasama silang dalawa ng kaniyang daddy. Dagdag pa ni Aireen sa kaniya na malulungkot ang kaniyang ina sa oras na hindi siya umuwi. Sinabi rin ni Benedict na kapag hindi sila umuwi tiyak na yayayain sila ng kaniyang ina para magpunta sa beach kinabukasan. Wala siyang pagpipilian kaya mas pinili na lang niyang umuwi kaysa mangyari ang mga iyon. Pero kahit ganoon ay nag-aalala pa rin siya kaya tinanong niya na ang kaniyang ama, “Daddy, anong gagawin natin kapag pinilit pa rin tayo ni mommy na lumabas bukas?”“I would say no,” tugon naman ni Benedict para mapanatag ang anak. “Okay na ba ‘yon, baby?”Sa ilang taong

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2025-04-12
  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 5

    Sa lumipas na anim na taon ay marami pa ring mga gamit si Mikaela na nananatili sa loob ng kaniyang bahay. Ilang gamit niya lang ang kinuha niya roon nang umuwi siya ng Pilipinas tulad na lang ng ilang damit, basic necessities at ilang mga babasahing libro.Matapos ang kasal nila ni Benedict sa Amerika, hindi siya nagmintis sa pagbibigay ng pera buwan-buwan para sa share niya sa expenses para sa kanilang anak. Nahahati ang kinikita niya sa pagtatrabaho sa Pilipinas para sa sarili at para sa anak niyang si Lilia. Ang tanging ginagamit niya lang ay ang ipon niya sa card para sa kaniyang sarili at ni minsan ay hindi niya ginalaw ang ipon niyang pera sa card para sa kaniyang anak.Masyado niyang mahal at pinahahalagahan ang kaniyang anak nang sobra-sobra na kahit sinong ina ay ganoon ang mararamdaman. Hanggang kaya niyang ibigay ay ibibigay niya para dito manatili lang na masaya ito sa buhay at kuntento. Madalas ding binibilhan niya ito nang kung anu-anong gamit sa tuwing lalabas siya upa

    āļ›āļĢāļąāļšāļ›āļĢāļļāļ‡āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ” : 2025-04-12

āļšāļ—āļĨāđˆāļēāļŠāļļāļ”

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 1

    Pasado alas nuebe na ng gabi nang makarating si Mikaela sa Orlando International Airport matapos niyang manatili sa Pilipinas para sa kaniyang trabaho.Ngayon ang araw ng kaniyang kaarawan kaya inaasahan niya na ang dagsa-dagsang mensahe na kaniyang matatanggap mula sa mga kaibigan at ilan pang mga kakilala. Hindi nga siya nagkamali roon dahil pagdukot pa lang niya ng kaniyang cellphone sa kaniyang bag ay sandamakmak na messages na ang naroon at ang ilan pa nga ay missed calls mula sa kaniyang malalapit na kaibigan. Lahat sila ay bumabati ng maligayang kaarawan para sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil doon.Wala pa sana siyang balak na umuwi subalit balak niya sanang sorpresahin ang anak at makasama ito sa mismong espesyal na araw ng kaniyang buhay. Wala ring kaalam-alam si Benedict sa plano niyang iyon. Nang maalala niya ito ay unti-unti ring naglaho ang kaniyang mga ngiti.Nang makarating siya sa villa, ay halos mag-aalas onse na ng gabi. Kasalukuyan namang nagliligpit

āļŠāļģāļĢāļ§āļˆāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩ
āđ€āļ‚āđ‰āļēāļ–āļķāļ‡āļ™āļ§āļ™āļīāļĒāļēāļĒāļ”āļĩāđ† āļˆāļģāļ™āļ§āļ™āļĄāļēāļāđ„āļ”āđ‰āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ› GoodNovel āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļ—āļĩāđˆāļ„āļļāļ“āļŠāļ­āļšāđāļĨāļ°āļ­āđˆāļēāļ™āđ„āļ”āđ‰āļ—āļļāļāļ—āļĩāđˆāļ—āļļāļāđ€āļ§āļĨāļē
āļ­āđˆāļēāļ™āļŦāļ™āļąāļ‡āļŠāļ·āļ­āļŸāļĢāļĩāļšāļ™āđāļ­āļ›
āļŠāđāļāļ™āļĢāļŦāļąāļŠāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ­āđˆāļēāļ™āļšāļ™āđāļ­āļ›
DMCA.com Protection Status