Noon hinahayaan niya lang ang sarili niya na magpatangay sa nararamdaman. Ngayon, nasanay na siya. Manhid na siya at halos wala na siyang nararamdaman. Masaktan man siya ay hindi niya na iyon masyadong iniinda. Nasanay na lang siya sa paulit-ulit na senaryong iyon sa pagitan nilang dalawa ni Benedict. Nasanay na lang din siya sa klase ng pagtrato nito sa kaniya at gayunding kung paano nito ipakita ang pag-iwas sa kaniya.
Excited pa naman siyang umuwi upang makasama ang kaniyang mag-ama dahil ilang buwan niya rin itong hindi nakasama, pero hindi niya sukat akalaing babalewalain lang siya ng kaniyang asawa at ang pinakamasakit pa roon maging ang kaniyang anak ay hindi man lang natuwa sa kaniyang presensya. Bago pa man niya mapansin ay nakatayo na siya sa harap ng restaurant na madalas nilang kinakainan ni Benedict. Mapakla pa siyang napangiti habang tumatakbo ang larawan ng isa sanang masayang pamilya kasama ang kaniyang asawa at anak. Akmang papasok na sana siya sa loob nang makita niya si Benedict doon kasama ang kanilang anak at si Aireen. Narinig niya pa ang pagtawag ni Lilia kay Aireen upang tumabi ito sa kaniya. “Tita Aireen, I want you here beside me,” nakangusong pakiusap nito. “Daddy, is that okay with you?” “Sure, baby,” tugon ni Benedict sa anak habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Napangiti naman ito at sinunod ang bata. Kaagad na naupo si Aireen sa tabi ni Lilia. Masaya pa itong nakikipag-usap kay Benedict habang nakikipagkulitan naman sa bata. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang kaniyang anak na idinuduyan ang mga binti habang nakaupo at kumakain ng paborito nitong strawberry cheesecake na kinagatan pa ni Aireen. Masayang-masaya rin si Benedict habang inaabot ang pagkaing inihatid ng waiter habang nananatiling nakatingin kay Aireen na para bang wala itong ibang nakikita kung hindi ito lamang. Kitang-kita ang pagkinang sa mga mata nito gayundin ang kakaibang ngiti sa mga labi nito habang patuloy sa pagbibigay atensyon sa babaeng nasa harap nito. Doon lang napagtanto ni Mikaela na ito ang importanteng gagawin ni Benedict. Hindi niya rin sukat akalain na makikita niya ang anak na masayang-masaya magkaroon ng panibagong ina. Ang anak niyang siyam na buwan niyang dinala sa kaniyang sinapupunan at halos pinaglaanan niya ng kalahati ng kaniyang buhay maipanganak niya lamang ng maayos at matiwasay. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ni Mikaela nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay unti-unti nang namamatay ang kaniyang puso gayundin ang pag-asang magiging isa pa silang buo at masayang pamilya. Napangiti na lang si Mikaela habang nananatili roon at pinanunuod ang kaniyang mag-ama sa piling ng iba. Sa bawat ngiti na ipinupukol ng anak kay Aireen ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit at selos. Kung hindi lang sana siya pumunta ng Pilipinas para sa trabaho, sana ay maayos pa ang Samahan nila ng kaniyang anak. Hindi nagtagal ay nagsawa na rin siya sa nakikita. Hindi naman siya masokista para patuloy na saktan ang kaniyang sarili. Tumalikod na rin siya at saka umalis. Pagbalik ni Mikaela sa villa ay kaagad niyang inihanda ang divorce agreement. Hindi niya sukat akalain na kahit siya pa ang pinapangarap na babae ni Benedict, kailanman ay hindi naman siya nito nakita bilang isang babae at bilang isang asawa. Kung hindi lang dahil sa isang aksidente nang gabing ‘yon at dahil na rin sa pagpupumilit ng ama nito, sigurado siyang hinding-hindi siya pakakasalan ni Benedict. Noon, masyado pa siyang musmos at akala niya sa oras na gawin niya ang lahat at pinagsilbihan niya si Benedict, darating din ang araw na mapapansin siya nito. Pero nagkamali siya. Para siyang sinampal ng katotohanan. Pitong taon na ang ibinuhos niya para dito. Panahon na para gumising na siya sa isang panaginip na kahit na kailan ay hinding-hindi siya nito mamahalin. Pagod na siyang mahalin ang asawa at alam niyang oras na para sarili niya naman ang mahalin niya at pagtuunan ng pansin. Matapos niyang ilagay ang divorce agreement sa loob ng isang brown envelope ay kaagad niyang pinakiusapan ang mayordomang si Cora na ibigay ito kay Benedict sa oras na makauwi ito. “Sige po, Madam,” tugon nito. Kaagad niyang hinila ang kaniyang maleta palabas ng mansion at sumakay ng sasakyan. “Sa airport po tayo,” sabi niya sa driver ng kotse. “Sige po, Madam,” tugon ng driver at kaagad na pinaandar ang sasakyan patungo sa airport. Maaga pa sa oras nang makarating sa airport si Mikaela. Nagpasya siyang maupo na muna roon at nananatili sandali habang hinihintay ang kaniyang flight. Nakatitig lang siya sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari sa kaniya nang bumalik siya ng Amerika. Sobrang bigat ng loob niya na kinakailangan niyang iwan ang kaniyang anak para sa kaligayahan nito. Hindi naman niya nananaising kuhanin itong pilit at isama sa kaniya lalo pa at hindi rin naman siya ang kailangan nito. Tulala lang si Mikaela habang pinagmamasdan ang screen ng monitor kung saan naroon nakalista ang flights ng araw na ‘yon. Mabuti na lang din at nakapagbook siya kaagad online kung kaya hindi niya na kinakailangan pang mangarag sa paghahanap ng flights ng araw na iyon. [Good afternoon, passengers. This is the boarding call for flight PAL 216 to Manila. Please have your boarding pass and identification ready for boarding.] Kaagad na tumayo si Mikaela at nagsimulang hatakin ang kaniyang maleta patungo sa boarding gate. Sandali pa siyang tumigil sa paglalakad upang lingunin ang kaniyang likuran para tuluyang kalimutan ang mapait at masakit na pinagdaanan mula sa kaniyang nakaraan.Alas nuebe na ng gabi nang makauwi ng villa sina Benedict at anak na si Lilia. Kinuha ni Benedict ang mga pinamiling damit para kay Lilia mula sa sasakyan at saka bumaba ng sasakyan. Dahil alam ni Lilia na naroon ang kaniyang ina ay wala itong kagana-ganang umuwi. Ni ayaw na nga nitong umuwi kung tutuusin pero dahil sinabihan siya ni Aireen na umuwi ang kaniyang ina para lang makasama silang dalawa ng kaniyang daddy. Dagdag pa ni Aireen sa kaniya na malulungkot ang kaniyang ina sa oras na hindi siya umuwi. Sinabi rin ni Benedict na kapag hindi sila umuwi tiyak na yayayain sila ng kaniyang ina para magpunta sa beach kinabukasan. Wala siyang pagpipilian kaya mas pinili na lang niyang umuwi kaysa mangyari ang mga iyon. Pero kahit ganoon ay nag-aalala pa rin siya kaya tinanong niya na ang kaniyang ama, “Daddy, anong gagawin natin kapag pinilit pa rin tayo ni mommy na lumabas bukas?”“I would say no,” tugon naman ni Benedict para mapanatag ang anak. “Okay na ba ‘yon, baby?”Sa ilang taong
Sa lumipas na anim na taon ay marami pa ring mga gamit si Mikaela na nananatili sa loob ng kaniyang bahay. Ilang gamit niya lang ang kinuha niya roon nang umuwi siya ng Pilipinas tulad na lang ng ilang damit, basic necessities at ilang mga babasahing libro.Matapos ang kasal nila ni Benedict sa Amerika, hindi siya nagmintis sa pagbibigay ng pera buwan-buwan para sa share niya sa expenses para sa kanilang anak. Nahahati ang kinikita niya sa pagtatrabaho sa Pilipinas para sa sarili at para sa anak niyang si Lilia. Ang tanging ginagamit niya lang ay ang ipon niya sa card para sa kaniyang sarili at ni minsan ay hindi niya ginalaw ang ipon niyang pera sa card para sa kaniyang anak.Masyado niyang mahal at pinahahalagahan ang kaniyang anak nang sobra-sobra na kahit sinong ina ay ganoon ang mararamdaman. Hanggang kaya niyang ibigay ay ibibigay niya para dito manatili lang na masaya ito sa buhay at kuntento. Madalas ding binibilhan niya ito nang kung anu-anong gamit sa tuwing lalabas siya upa
Pasado alas nuebe na ng gabi nang makarating si Mikaela sa Orlando International Airport matapos niyang manatili sa Pilipinas para sa kaniyang trabaho.Ngayon ang araw ng kaniyang kaarawan kaya inaasahan niya na ang dagsa-dagsang mensahe na kaniyang matatanggap mula sa mga kaibigan at ilan pang mga kakilala. Hindi nga siya nagkamali roon dahil pagdukot pa lang niya ng kaniyang cellphone sa kaniyang bag ay sandamakmak na messages na ang naroon at ang ilan pa nga ay missed calls mula sa kaniyang malalapit na kaibigan. Lahat sila ay bumabati ng maligayang kaarawan para sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil doon.Wala pa sana siyang balak na umuwi subalit balak niya sanang sorpresahin ang anak at makasama ito sa mismong espesyal na araw ng kaniyang buhay. Wala ring kaalam-alam si Benedict sa plano niyang iyon. Nang maalala niya ito ay unti-unti ring naglaho ang kaniyang mga ngiti.Nang makarating siya sa villa, ay halos mag-aalas onse na ng gabi. Kasalukuyan namang nagliligpit
Pagkagising pa lang ni Mikaela kinabukasan ay si Benedict kaagad ang pumasok sa isip niya. Naisipan niyang tawagan ito upang magkausap sana silang dalawa ng asawa. Nagbabakasakaling gising na ito dahil masyadong maaga naman ang naging gising niya.Nasa labindalawa o labintatlo rin ang pagitan sa oras ng Pilipinas at Amerika. Kahit na alam ni Mikaela ang laki sa pagitan ng oras sa bansang iyon ay pinipili niya pa ring magpuyat makausap lang sana ang asawa at anak ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. May ilang beses na tinatawagan niya ito subalit tila lagi na lang itong nagmamadaling kausap siya at pagkaraan ay binababaan siya ng tawag.Ang rason kung bakit siya bumalik sa Amerika, bukod sa kagustuhan niyang makasama ang anak at asawa, ay nais niya rin sanang magkaroon silang tatlo ng quality time bilang isang buong pamilya lalo pa at isang mahalagang araw sa kaniya ang araw na iyon. Iyon lang sana ang tanging hiling niya para sa kaniyang kaarawan nang taon na iyon.Nakailang ring

Alas nuebe na ng gabi nang makauwi ng villa sina Benedict at anak na si Lilia. Kinuha ni Benedict ang mga pinamiling damit para kay Lilia mula sa sasakyan at saka bumaba ng sasakyan. Dahil alam ni Lilia na naroon ang kaniyang ina ay wala itong kagana-ganang umuwi. Ni ayaw na nga nitong umuwi kung tutuusin pero dahil sinabihan siya ni Aireen na umuwi ang kaniyang ina para lang makasama silang dalawa ng kaniyang daddy. Dagdag pa ni Aireen sa kaniya na malulungkot ang kaniyang ina sa oras na hindi siya umuwi. Sinabi rin ni Benedict na kapag hindi sila umuwi tiyak na yayayain sila ng kaniyang ina para magpunta sa beach kinabukasan. Wala siyang pagpipilian kaya mas pinili na lang niyang umuwi kaysa mangyari ang mga iyon. Pero kahit ganoon ay nag-aalala pa rin siya kaya tinanong niya na ang kaniyang ama, “Daddy, anong gagawin natin kapag pinilit pa rin tayo ni mommy na lumabas bukas?”“I would say no,” tugon naman ni Benedict para mapanatag ang anak. “Okay na ba ‘yon, baby?”Sa ilang taong
Noon hinahayaan niya lang ang sarili niya na magpatangay sa nararamdaman. Ngayon, nasanay na siya. Manhid na siya at halos wala na siyang nararamdaman. Masaktan man siya ay hindi niya na iyon masyadong iniinda. Nasanay na lang siya sa paulit-ulit na senaryong iyon sa pagitan nilang dalawa ni Benedict. Nasanay na lang din siya sa klase ng pagtrato nito sa kaniya at gayunding kung paano nito ipakita ang pag-iwas sa kaniya.Excited pa naman siyang umuwi upang makasama ang kaniyang mag-ama dahil ilang buwan niya rin itong hindi nakasama, pero hindi niya sukat akalaing babalewalain lang siya ng kaniyang asawa at ang pinakamasakit pa roon maging ang kaniyang anak ay hindi man lang natuwa sa kaniyang presensya.Bago pa man niya mapansin ay nakatayo na siya sa harap ng restaurant na madalas nilang kinakainan ni Benedict. Mapakla pa siyang napangiti habang tumatakbo ang larawan ng isa sanang masayang pamilya kasama ang kaniyang asawa at anak. Akmang papasok na sana siya sa loob nang makita niy