NAUNA NA si Maya sa tagpuan nila. Simple lang ang suot nitong plain T-shirt at pantalon na pinutol hanggang tuhod, tila ba trying hard makihalubilo sa mga nakapambahay na kumakain sa stall. Pero kahit napalilibutan ito ng mga nagkukumpulang tao, nakikisingit at nakikipag-agawan sa pagtusok ng bagong lutong kikiam, kitang-kita niya ang sinisigaw na kagandahan ng dalaga.
Namulsahan siya bago nakangiting lumapit sa mga tao. Pero bago niya pa matawag ang pansin ng dalaga, napatigil siya. Ano namang pakay nito sa kanya?
“Miguel? Hey, look! Kumuha ka na rito, baka maubusan ka!”
Halos mahulog ang panga niya nang makita ang ngiti sa mata at labi ni Maya. It was so genuine and pure, he could feel his heart beating faster with every second.
“Ate, magtira ka naman!” Yumuko si Maya nang maramdaman ang paghila ng bata sa suot niyang damit.
“Oops, sorry. Kuya, paraan. Paunahin niyo ang bata. Kawawa naman.”
Sinubukang ka
IT WAS LIKE a wild flower that bloomed in the middle of wild grass—a love that spring in an unexpected place, in an unexpected time, and to an unexpected person. Para siyang palaging nakalutang sa alapaap sa tuwing nasisilayan ang ngiti ni Maya. Mabasa ang reply nito na hinihiling din na ligtas siya sa maghapon, pakiramdam niya, siya na ang pinakaswerteng lalaking nabubuhay sa mundo.Sounds cheesy and silly, but yes, he fell deeper each day.Lalo na ngayon na nakasuot ito ng uniform ng isang university na pinapasukan. Nagmumukha itong model student. Kung hindi niya lang alam na struggled ito sa ilang subjects at nagpapatulong pa sa kanya, iisipin niya na ito ang top one sa klase.“Makangiti naman ito. Ano, ang lakas ng tama?”Mula kay Maya, lumipat ang tingin niya sa katabi sa counter na si Ligaya. Nakabusangot ito na akala mo hindi customer sevice ang linya ng trabaho.“Smile, Aya. May customer,” sabi niya na lamang d
“INGAT SA BYAHE.”Nahihiyang tumango si Maya kay Miguel. Hanggang ngayon ay abala pa rin ang isip niya sa nangyari kani-kanina lang sa library. It was so sudden, and she could still feel the warm in her lips.She was thirteen years old, first year high school when she saw Miguel. Fourth year high school noon ang binata, at kitang-kita ang pagiging mature nito sa limang magkakaibigan. Iyon ang pumukaw ng atensyon niya. Kaya naman nang mapadaan sila ng mga kaibigan niya sa pinagtatrabahuhan nitong fast food chain limang taon na ang nakaraan, hindi na siya nag-atubili na sakyan ang kapritsuhan ng mga kaibigan niya.It was a blessing to her na magkaroon ng gano’ng klaseng kaibigan. If it wasn’t for them, hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na makalapit at magpakilala kay Miguel. Kung hindi dahil sa mga ito, hindi niya magiging nobyo ang laman palagi ng panaginip niya. At kung hindi niya naging nobyo si Miguel, hindi siya makararamdam ng k
MAY SAYAWAN na gaganapin sa gymnasium ng university, pero mas pinili nina Miguel at Maya na pumunta sa tahimik na lugar na silang dalawa lang—malayo sa mata ng mga kanya-kanya nilang kaibigan.Magkatabi sila sa gilid ng kama, nakikiramdam.Tamang-tama ang tanong ni Brix.Anong klaseng pag-uusap ang gagawin nila ngayong nasa isang hotel room sila kahit alas otso pa lang ng gabi?At bakit nga ba sa lahat ng pwedeng tambayan, dito pa siya dinala ni Maya?Nagmumukha tuloy na sa kanilang dalawa, siya ang nagpapakipot.Hindi!May kailangan silang dapat pag-usapan at ayusin ngayon.Miguel, huwag kang magpadala sa amoy ng kandila at lambot ng kama! Paulit-ulit na paalala niya sa sarili, kahit pa nagsisimula nang lumalim ang bawat paghinga niya.Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga saka hinarap si Maya.“Maya, let’s talk. Bakit hindi ka nagpa…ki…”Napalunok siya
HINDI NIYA alam kung maiinis sa sarili o kay Miguel. Hindi niya rin alam kung makikipag-break na siya dahil sa mga ginagawi nito. Ilang araw matapos nang gabing iyon, hindi na ito nagparamdam. Kahit pag-text sa kanya ng ‘good morning’ ay hindi na nito ginagawa.Hindi niya rin ito makita sa campus.Nang yayain niya naman ang mga kaibigan sa fast food chain na pinagtatrabahuhan nito, hindi niya makita si Miguel, maging ang babaeng palaging katabi nito sa counter.Malamang na magkasama na ang dalawa ngayon.Napangiti siya nang mapait. It’s good that she didn’t give in kahit gaano pa niya kagusto si Miguel. Buti hindi niya binigay ang pinakaingat-ingatan niyang vȋrgȋnity. Though she felt like she lost it already dahil nakita na ni Miguel ang lahat sa kanya. Nahawakan na nito ang bawat sulok ng katawan niya.Mukhang tama ang hinala niya, katawan lang din ang habol ni Miguel sa kanya.No.Hindi niya pwedeng pakawalan
“MAYA, HINDI ka nagsabi na pupunta ka rito.”It’s been days since the last time he saw her. At ngayon nga, akala niya ay nananaginip siya at walang pakundangang hinubaran ang dalaga. Kung hindi pa siya nakatikim ng sampal, hindi siya magigising.“Special delivery ng babae mo!” Bahagya nitong ipinilig ang ulo sa mesa kung nasaan ang delivery daw. “Aalis na ‘ko!”Padabog itong tumayo at inayos ang sarili. Walang lingon-likod din itong lumabas.“Maya, hintayin mo ‘ko sa waiting area. Maliligo lang ako. Ihahatid kita.”Hindi niya alam kung narinig siya ng dalaga.Kahit medyo nahihilo pa dahil hindi pa siya nakainom man lang ng mainit, ay mabilis siyang naligo. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang inaakto ng dalaga.At anong sinasabi nito na babae niya? Sino naman iyon bukod kay Maya?Mukha bang maghahanap pa siya ng iba kung diyosa na ang girlfriend niya?
Ito na nga ba ang kinakatakot ni Maya, ang malaman ng mommy niya ang tungkol kay Miguel.Ilang araw na siyang hindi pinapalabas ng bahay. Tinotoo rin ng mommy niya ang banta. Kinuha ang phone niya. Gustuhin niya man na humingi ng tulong sa mga kaibigan para makatakas ay hindi niya magawa. Bantay-sarado ang telepono, kulang na lang ay tanggalin lahat ng means of communication at i-lock ang buong bahay para lang masiguro ng nanay niya na hindi siya makakaalis at malalapitan ng kahit sinong lalaki, maging ang daddy niya.Natatakot din siya sa kung anong kayang gawin ng mommy niya kay Miguel. Ni hindi siya nito pinapakinggan nang sabihin niya na kaibigan niya ito, and he was sick that time nang maabutan siya nito sa dorm ng lalaki. Hindi rin ito nakinig nang sabihin niya na ibang lalaki ang humila sa kanya sa likod ng building.Tama.Hindi siya pinapakinggan, dahil ito ang may pakana! Her mother was willing to put her through hȇll just to warn her about men.
HE DIDN’T LET it end there. Kahit anong tulak sa kanya palayo ni Maya ay siya namang paghila niya palapit dito. Kahit minsan ay ang cold nito sa kanya, he knew she was just doing it not to arise her mother’s suspicion again, regarding their ‘secret relationship.’It was like a deeper understanding not anyone could do for her.Nabawasan ang morning at evening text nila. Hindi na rin siya nagpapadala ng bulaklak at sulat sa locker nito dahil baka doon nalaman ng mommy nito ang tungkol sa kanila. Hindi na rin sila madalas magkita sa library.Kaya ang ginawa niya, araw-araw niyang dinadaanan ang dalaga.Malayo ang department nito sa department nila, pero pasimple siyang gumagala, specifically sa building nila, para i-check si Maya.And to lessen the obviousness, he brought Brix with him na walang ibang ginawa kung hindi tumingin-tingin sa mga babae.It might cause Maya to feel jealous than ever, pero wala siyang choice.
ILANG LINGGO na lang, bakasyon na. At ilang linggo na ang lumipas, hindi pa rin sila nagkaka-ayos ni Maya. Kahit naman pumupunta ito sa pinagtatrabahuhan niya at kita na nitong wala siyang kasama na babae sa counter, hindi pa rin ito nagkukusa na lumapit sa kanya para mag-sorry man lang.“Mga babae nga naman…” inis na bulong niya.“Ano iyon, Miguel?”“Ah, Sir, wala po.”“Narinig ko eh. Problemado ka ba sa girlfriend mo?”Nahihiyang yumuko siya. Hindi siya sanay mag-open, kahit sa mga kaibigan niya.“Alam mo, kapag may away kayo ng girlfriend mo, hindi mo dapat pinapatagal. Kung pwedeng ayusin, pag-usapan, o pansamantalang kalimutan—basta bago kayo matulog, alam niyo sa sarili niyo na ayos kayo. Pansamantalang peace of mind, mas mabuti na iyon kaysa mag-overthink kayo pareho, ‘di ba? Lalo ka na. Working student ka, tapos next year, kung hindi ako nagkakamali ay taining m
Ginising si RC ng amoy na nakasanayan niya nang amuy-amuyin sa paggising at bago matulog. It was Ritchelle’s soothing scent. Niyakap niya nang sobrang higpit ang unan. It’s soft, squishy, and huggable, but still…it would be better if it was his wife he would woke up to.Nagpalipas muna siya nang ilan pang sandali bago bumangon. Mabilisan lang siyang naligo at bumaba na sa sala. Sumaglit muna siya kung saan ang mga porselana nina Ritchelle at ng mga magulang nito.Inalis niya ang cabinet kung saan dati nakalagay ang mga abo ng in-laws niya, at pinagawan ng altar sa sala. Hindi naman sila tumatanggap ng bisita kaya parang naging pahingahan na iyon ng yumao nilang mahal sa buhay.Naka-display din doon ang mga picture ni Ritchelle kasama ang parents nito. Mayroon din itong hiwalay na photo
Nasa kalagitnaan ng pagpapakalango sa espiritu ng alak sina RC nang lumapit sa kanila si Ellyna. Tumakbo pa ito na tila ba nagmamadali. Hinihingal pa nga ito. Akala niya ay may emergency sa mga anak nito. Nagulat pa siya nang sa kanya ito lumapit at hindi sa asawa nito."K-Kuya RC, si Ranier, tumatawag."Agad nitong inabot sa kanya ang phone nito.Napatitig na lang siya sa hawak na phone.Nagtataka siya. Bakit hindi sa phone niya tumawag ang anak? At bakit ito tatawag?Bigla siyang kinabahan. Tila ba nawala na parang bula ang epekto ng alak sa sistema niya. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa maririnig.Kung si Ranier na ang tumatawag, tapos hindi pa s
“Brain tumors are hard to detect lalo pa’t ang tingin ng pasyente ay simpleng pananakit lang ng ulo ang nangyayari hanggang sa isipin nila na normal lang iyon, dumagdag pa ang pabago-bago ng panahon. They would say that it was a seasonal occurrence, and refused to see a doctor. It was advised to see a doctor lalo kung may history sa family o ng head trauma. Isa pa sa nakakapigil sa mga tao na magpatingin sa doctor kahit pa alam niyang may trauma siya ay hindi agad nag-manifest ang symptoms. And in your case, it’s already more than two decades at sinabi mo rin na ngayon ka lang nagpatingin kaya…”Yumuko si Oliver sa magkasalikop nitong mga kamay, tla tinitimbang ang mga sasabihin na hindi siya mabibigla o matatakot.Pero ano pang silbi no’n? It was scary enough, knowing that she has a brain tumo
FEW DAYS AGO…Naibagsak ni Ritchelle ang likod sa malambot na sandalan ng sofa at tumingala sa puting kisame. Nagi-guilty siya sa sinabi niya na photo shopped ang ni-send sa kanya na pictures ni RC. Alam niya na ito ang kumuha ng mga larawan pero dineny niya pa rin.RC had enough of his past, maging ng mga away at problema na hindi naman para rito. Ayaw niyang maging ang current situation niya ay ito na naman ang sasalo. Kahit mag-asawa sila at lahat ay gagawin nito para sa kanya, hindi niya pwedeng hayaan na palagi na lang siyang nasa receiving side.This time, she will do everything to make RC happy. At lahat ng ikasasama nito, problema niya o ano pa man, she will try her best to eliminate those.This
KINABUKASAN, NAGISING na wala sa tabi niya ang asawa. Kung dati ay hahanapin niya ito, ngayon ay wala siyang gana. Alam niya naman na kung ano na ang ibang pinagkakaabalahan nito kapag wala na ito sa tabi niya.Walang ganang tinungo niya ang paliguan, at nag-asikaso na sa pagpasok sa trabaho. Lulunurin niya na lang siguro sa gabundok na papeles ang sarili. Basta ba sa kanya pa rin umuuwi si Ritchelle, wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sa maghapon.Martyr, tangα, marupok? Kahit ano pang itawag sa kanya ng mga nakakaalam ng sitwasyon niya, wala siyang pakialam. Alam niya kasi na kapag kinumpronta niya ang asawa at ilaban ang karapatan niya gamit ang pirma nila sa legal na dokumento tulad ng marriage certificate ay babalik iyon sa kanya sa legal din na paraan—ang divorce.Ayaw niyang
NAIBAGSAK NIYA ang katawan sa upuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ang lahat sa kanila ni Ritchelle. Kung noon matatanggap niya pa kung nakipaghiwalay ito sa kanya, pero ngayon na naririnig niya na sa mga labi nito na mahal din siya nito, at nararamdaman niya naman iyon—hindi niya makakayang tanggapin nang gano’n-gano’n na lang.And when she said that the photos he took himself was edited, the words came out so casually. Hindi niya na rin maiwasang isipin na baka matagal na siyang niloloko ni Ritchelle sa mga pag-sugarcoat nito ng mga sinasabi nito.Baka nga, noong sinabi nito na mahal siya nito ay may kinakalantari naman itong iba. At baka matagal na itong pumupunta sa bahay ng lalaki bago umuwi sa bahay nila.He had been so
HE JUST GOT OUT of the shower with only a small towel wrapped around his waist. Diretso ang tingin niya kay Ritchelle na ngayon ay nakahiga na sa kama. She already had her eyes closed.Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kama. Tinanggal niya rin ang kumot na tumatakip sa katawan nito. Nagulat pa siya nang makita na nakasuot ito ng pajama. Hindi ito sanay na balot na balot ang katawan kapag natutulog kahit gaano pa kalamig ang kwarto. Palagi itong nakasuot ng silky and sexy lingerie with no undies at all.Bigla ay naalala niya ang pagsisinungaling nito kanina, maging ang amoy ng lalaki na kumapit sa buhok at katawan nito.Walang ano-anong tinanggal niya ang butones ng suot ni Ritchelle dahilan para magising ito.“RC!” Nayayamot na umangal ito
MATAMAN na pinagmamasdan ni Ritchelle ang draft ng wedding gown. Dahil wala na rin namang mababago kahit pa pagalitan niya nang pagalitan ang anak ay nagpresenta na lang siya na siya ang personal na gagawa ng wedding gown ng girlfriend nito.Hindi pa rin nito pinapakilala sa kanila ang girlfriend nito dahil may problema sa side ng babae. Mukhang hindi pa rin nasasabi sa family nito na nagdadalang-tao na ito. Sabi rin ni Ranier na busy sila sa school.Pinayuhan na lang nila ang anak na huwag masyadong i-expose sa mga nakaka-stress na bagay ang girlfriend nito, at palaging alalayan. Kung pwede lang ba na sa kanila na muna mag-stay ang babae lalo kung hindi ito ok sa family nito. Ayaw niyang matulad sa kanya ang nararanasan na pagdadalang-tao ng girlfriend ni Ranier—puno ng stress at galit sa puso.&l
MULA NANG MAAYOS NA ang lahat ng problema at misunderstanding sa pagitan nila ni RC, mas lalo niyang na-enjoy na walang guilt ang buhay nilang mag-asawa. Malaya niya na ring naipapadama sa asawa ang pagmamahal na pinagkait niya rito nang kay tagal. She was free from all the insecurities, because RC never failed to make her feel that she was the one and only, and that he loved her the most.Hindi na rin nawawala sa schedule nila ang date in fancy restaurants after work, gym or different clubs kapag weekend just like old times, roadtrip at out of town kapag naisipan kahit working days pa.It was like they were just starting a family. She was the happiest having her men around her, giving and receiving love and care. Wala na siyang mahihiling pa kung 'di ang kumpletong pamilya. Wala na sigurong makakapawi ng saya na nararamdaman niya.