TAPOS NA ANG shift ni Miguel sa isang fastfood chain na pinagtatrabahuhan nang makita niya ang grupo ng mga kababaihan sa isang table, malapit lang sa counter. Nagtatawanan ang mga ito. Halos lahat sa grupo ay magaganda, pero ang pinakatumawag ng pansin niya ay ang isang dalaga.
Unang tingin ay makikita na lumaki sa luho ang dalaga. Mula sa signature bag sa ibabaw ng kandungan nito, hanggang sa suot na 24 karat na necklace at bracelet. Maging ang suot nitong crop top at skirt ay hindi makikita o mabibili sa gilid-gilid.
Ang pagpilig ng ulo, pagngiti, at pagkumpas ng kamay—bawat kilos nito ay pinong-pino, hindi gaanong mahinhin, hindi rin gaanong maldita o mataray. She was Miguel’s definition of goddess.
Sa unang pagkakataon sa labing-pitong taon niyang pamumuhay, ito ang unang beses na natulala siya sa isang babae. Hindi niya alam kung gaano katagal na ba siyang nakatingin sa dalaga. Natauhan na lang siya nang itulak siya ng katrabaho.
“
NAUNA NA si Maya sa tagpuan nila. Simple lang ang suot nitong plain T-shirt at pantalon na pinutol hanggang tuhod, tila ba trying hard makihalubilo sa mga nakapambahay na kumakain sa stall. Pero kahit napalilibutan ito ng mga nagkukumpulang tao, nakikisingit at nakikipag-agawan sa pagtusok ng bagong lutong kikiam, kitang-kita niya ang sinisigaw na kagandahan ng dalaga.Namulsahan siya bago nakangiting lumapit sa mga tao. Pero bago niya pa matawag ang pansin ng dalaga, napatigil siya. Ano namang pakay nito sa kanya?“Miguel? Hey, look! Kumuha ka na rito, baka maubusan ka!”Halos mahulog ang panga niya nang makita ang ngiti sa mata at labi ni Maya. It was so genuine and pure, he could feel his heart beating faster with every second.“Ate, magtira ka naman!” Yumuko si Maya nang maramdaman ang paghila ng bata sa suot niyang damit.“Oops, sorry. Kuya, paraan. Paunahin niyo ang bata. Kawawa naman.”Sinubukang ka
IT WAS LIKE a wild flower that bloomed in the middle of wild grass—a love that spring in an unexpected place, in an unexpected time, and to an unexpected person. Para siyang palaging nakalutang sa alapaap sa tuwing nasisilayan ang ngiti ni Maya. Mabasa ang reply nito na hinihiling din na ligtas siya sa maghapon, pakiramdam niya, siya na ang pinakaswerteng lalaking nabubuhay sa mundo.Sounds cheesy and silly, but yes, he fell deeper each day.Lalo na ngayon na nakasuot ito ng uniform ng isang university na pinapasukan. Nagmumukha itong model student. Kung hindi niya lang alam na struggled ito sa ilang subjects at nagpapatulong pa sa kanya, iisipin niya na ito ang top one sa klase.“Makangiti naman ito. Ano, ang lakas ng tama?”Mula kay Maya, lumipat ang tingin niya sa katabi sa counter na si Ligaya. Nakabusangot ito na akala mo hindi customer sevice ang linya ng trabaho.“Smile, Aya. May customer,” sabi niya na lamang d
“INGAT SA BYAHE.”Nahihiyang tumango si Maya kay Miguel. Hanggang ngayon ay abala pa rin ang isip niya sa nangyari kani-kanina lang sa library. It was so sudden, and she could still feel the warm in her lips.She was thirteen years old, first year high school when she saw Miguel. Fourth year high school noon ang binata, at kitang-kita ang pagiging mature nito sa limang magkakaibigan. Iyon ang pumukaw ng atensyon niya. Kaya naman nang mapadaan sila ng mga kaibigan niya sa pinagtatrabahuhan nitong fast food chain limang taon na ang nakaraan, hindi na siya nag-atubili na sakyan ang kapritsuhan ng mga kaibigan niya.It was a blessing to her na magkaroon ng gano’ng klaseng kaibigan. If it wasn’t for them, hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na makalapit at magpakilala kay Miguel. Kung hindi dahil sa mga ito, hindi niya magiging nobyo ang laman palagi ng panaginip niya. At kung hindi niya naging nobyo si Miguel, hindi siya makararamdam ng k
MAY SAYAWAN na gaganapin sa gymnasium ng university, pero mas pinili nina Miguel at Maya na pumunta sa tahimik na lugar na silang dalawa lang—malayo sa mata ng mga kanya-kanya nilang kaibigan.Magkatabi sila sa gilid ng kama, nakikiramdam.Tamang-tama ang tanong ni Brix.Anong klaseng pag-uusap ang gagawin nila ngayong nasa isang hotel room sila kahit alas otso pa lang ng gabi?At bakit nga ba sa lahat ng pwedeng tambayan, dito pa siya dinala ni Maya?Nagmumukha tuloy na sa kanilang dalawa, siya ang nagpapakipot.Hindi!May kailangan silang dapat pag-usapan at ayusin ngayon.Miguel, huwag kang magpadala sa amoy ng kandila at lambot ng kama! Paulit-ulit na paalala niya sa sarili, kahit pa nagsisimula nang lumalim ang bawat paghinga niya.Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga saka hinarap si Maya.“Maya, let’s talk. Bakit hindi ka nagpa…ki…”Napalunok siya
HINDI NIYA alam kung maiinis sa sarili o kay Miguel. Hindi niya rin alam kung makikipag-break na siya dahil sa mga ginagawi nito. Ilang araw matapos nang gabing iyon, hindi na ito nagparamdam. Kahit pag-text sa kanya ng ‘good morning’ ay hindi na nito ginagawa.Hindi niya rin ito makita sa campus.Nang yayain niya naman ang mga kaibigan sa fast food chain na pinagtatrabahuhan nito, hindi niya makita si Miguel, maging ang babaeng palaging katabi nito sa counter.Malamang na magkasama na ang dalawa ngayon.Napangiti siya nang mapait. It’s good that she didn’t give in kahit gaano pa niya kagusto si Miguel. Buti hindi niya binigay ang pinakaingat-ingatan niyang vȋrgȋnity. Though she felt like she lost it already dahil nakita na ni Miguel ang lahat sa kanya. Nahawakan na nito ang bawat sulok ng katawan niya.Mukhang tama ang hinala niya, katawan lang din ang habol ni Miguel sa kanya.No.Hindi niya pwedeng pakawalan
“MAYA, HINDI ka nagsabi na pupunta ka rito.”It’s been days since the last time he saw her. At ngayon nga, akala niya ay nananaginip siya at walang pakundangang hinubaran ang dalaga. Kung hindi pa siya nakatikim ng sampal, hindi siya magigising.“Special delivery ng babae mo!” Bahagya nitong ipinilig ang ulo sa mesa kung nasaan ang delivery daw. “Aalis na ‘ko!”Padabog itong tumayo at inayos ang sarili. Walang lingon-likod din itong lumabas.“Maya, hintayin mo ‘ko sa waiting area. Maliligo lang ako. Ihahatid kita.”Hindi niya alam kung narinig siya ng dalaga.Kahit medyo nahihilo pa dahil hindi pa siya nakainom man lang ng mainit, ay mabilis siyang naligo. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang inaakto ng dalaga.At anong sinasabi nito na babae niya? Sino naman iyon bukod kay Maya?Mukha bang maghahanap pa siya ng iba kung diyosa na ang girlfriend niya?
Ito na nga ba ang kinakatakot ni Maya, ang malaman ng mommy niya ang tungkol kay Miguel.Ilang araw na siyang hindi pinapalabas ng bahay. Tinotoo rin ng mommy niya ang banta. Kinuha ang phone niya. Gustuhin niya man na humingi ng tulong sa mga kaibigan para makatakas ay hindi niya magawa. Bantay-sarado ang telepono, kulang na lang ay tanggalin lahat ng means of communication at i-lock ang buong bahay para lang masiguro ng nanay niya na hindi siya makakaalis at malalapitan ng kahit sinong lalaki, maging ang daddy niya.Natatakot din siya sa kung anong kayang gawin ng mommy niya kay Miguel. Ni hindi siya nito pinapakinggan nang sabihin niya na kaibigan niya ito, and he was sick that time nang maabutan siya nito sa dorm ng lalaki. Hindi rin ito nakinig nang sabihin niya na ibang lalaki ang humila sa kanya sa likod ng building.Tama.Hindi siya pinapakinggan, dahil ito ang may pakana! Her mother was willing to put her through hȇll just to warn her about men.
HE DIDN’T LET it end there. Kahit anong tulak sa kanya palayo ni Maya ay siya namang paghila niya palapit dito. Kahit minsan ay ang cold nito sa kanya, he knew she was just doing it not to arise her mother’s suspicion again, regarding their ‘secret relationship.’It was like a deeper understanding not anyone could do for her.Nabawasan ang morning at evening text nila. Hindi na rin siya nagpapadala ng bulaklak at sulat sa locker nito dahil baka doon nalaman ng mommy nito ang tungkol sa kanila. Hindi na rin sila madalas magkita sa library.Kaya ang ginawa niya, araw-araw niyang dinadaanan ang dalaga.Malayo ang department nito sa department nila, pero pasimple siyang gumagala, specifically sa building nila, para i-check si Maya.And to lessen the obviousness, he brought Brix with him na walang ibang ginawa kung hindi tumingin-tingin sa mga babae.It might cause Maya to feel jealous than ever, pero wala siyang choice.