HINDI NIYA ALAM pero pagkatapos niyang mag-shower, ang gaan ng pakiramdam ni Maya. She felt like something was lifted off her shoulder. Dahil ba nagawa niyang sagutin ang tatay niya, na suwayin ang gusto nito? Naipagtanggol niya rin ang mommy niya sa harap nito.
Ang totoo, that was the first time she talked back to her dad and the first time she saw his bad side. Though halata naman dahil sa panggigipit nito sa kanya, hindi niya inaakala na pagtataasan siya ng boses at pagsasalitaan ng masasakit na salita ng sariling ama.
She grew up without him.
She grew up believing that she was loved by him, na ang mommy niya lang ang hindi nito gusto kaya nagkahiwalay ang mga ito.
Siguro, kung hindi pa siya nito ipinakilala sa matagal na nitong ipinagkasundo sa kanya, hindi niya makikita ang totoong kulay ng tatay niya.
Paglabas niya ng bathroom, nagulat pa siya nang makita ang mataas na kilay ng mommy niya. She eyed her from head to toe.
“Palagi k
HINDI NAMAN matitiis ni Edrina ang anak, pero nasaktan din siya sa sinabi nito.She loved the wrong person, at masaya siya na hindi tumulad sa kanya ang anak.She admitted that hanggang ngayon, umaasa pa rin siya na babalik pa sa kanya si Vincent Ignacio.All those years of keeping Maya beside her, lying that her dad was still supporting her, was to think and wish na maalala ni Vincent na may anak ito sa kanya. Tumutulong din siya sa kompanya nito, hoping for a little time and appreciation from him. Pero sa huli, si Maya ang pinakanaapektuhan sa mga kagagαhan niya. Napabayaan niya ito. It was like lahat ng pagbabawal niya ay isang malaking palabas lang, just to say na siya pa rin ang masusunod dahil siya ang nanay.Marahil kung hindi pa nito naisipang gumawa ng kalokohan at makipagkita sa lalaki, hindi mababaling sa iba ang mata niya. From pleasing Vincent, her attention turned to keeping Maya safe from any men. And from telling her that her dad lov
“EDRINA! ANONG ginagawa ng isang ex-wife at bastarda sa pamamahay ko? Hindi pa ba sapat na may mga bubuwit na dugyot na dinala rito ang asawa ko? What? Wala na kayong makain at isa-isa na kayong nag-e-evacuate? Just say so, magdo-donate ako—”Hindi na nila pinansin pa ang patutsada ng second wife na si Eve, at dire-diretso lang sa study room ni Vincent.Kagagaling lang nila sa opisina nito pero ang sabi ay hindi ito pumasok, kaya hindi sila nag-atubili na dumiretso sa pamamahay nito. Ang ingay nga dahil maraming bata. Sumabay pa ang palakang boses ng ‘second wife.’“Tsk, kung mayroon namumulubi ngayon, kayo iyon!”“Maya, huwag mo nang pansinin. She’s not worth your golden time.”Pagdating sa study room, kita nila kung kaproblemado si Vincent. Nang mag-angat naman ito ng tingin sa kanila, especially sa kanya, ay tila kumulo ang lahat ng likido nito sa katawan.“Maya! Naayos mo
IT’S BEEN weeks since the engagement was called off. Isang malaking kahihiyan ang dinulot no’n sa dad niya, maging sa second family nito. Naroon na nagsisisihan ang mga ito dahil ang Monteverde pala ang inaasahan nila na mahuhuthutan ng pera.Hindi niya na inabala pa ang sarili sa problema ng iba, dahil may kinakaharap pa siyang sariling problema—si Miguel.Ilang linggo na itong walang paramdam. Nahihiya naman siyang tawagan ito dahil na rin ang alam nito ay bukal sa loob niya ang pakikipaghiwalay dito. Nahihiya siya na baka kung anong isipin nito, matapos niyang papirmahin sa divorce paper ay kukulitin niya later.“Oh god!”May isa pa pala siyang problema…Paano niya ipapakilala nang maayos ang mga bata?!Kaya isang bagay na lang ang magagawa niya, ang hintayin ang September twenty kung kailan ang birthday ng anak ng kaibigan nito.Sabado ngayon at wala naman siyang client na itu-tutor ngayon.
Pagdating sa bahay ay inuna niya ang pag-iyak. Mabuti at natutulog ang mga anak niya, hindi nito nakita ang nangyari sa kanya. Hanggang sa nakatulugan niya na ang luha niya. Nagising siya ay dinner time na.Ipagpapabukas niya na sana ang pag-aayos ng mga pinamili pero paglabas niya ng shower, nagkakalat na sa sahig ang mga laruan.Kuha na rin nang kuha si Mei-Mei nang gusto nito. Si Miggy naman ay tingin lang nang tingin dahil halos mga pambabae na ang iniwan na laruan ni Mei-Mei para sa kakambal.Wala sa sariling tumabi siya sa dalawa sa carpet at inayos ang mga laruan. Hindi niya nga rin masyadong mapagtuunan ng pansin dahil lumilipad ang isip niya kay Miguel.Pagod na ba ito sa kanya? Papalitan na ba siya nito? Nahihirapan na ba ito sa pag-intindi sa kanya?“Mommy, nag-story po si Tiyo Jerome ng fairytale, ang ganda.” Pukaw ni Mei-Mei sa kanya.Hawak nito ang isang doll at iniikot-ikot na ang ulo nito.“Anong fair
MATAGAL NA hindi nakadalaw si Miguel kay Maya, dahil tinulungan niya ang mga kaibigan. Nagkaproblema kasi si John at asawa nito, at mismong anak pa nito na si Raizel ang tumawag sa kanila para hanapin ang nanay nito.Kaya gayon na lamang ang takot niya nang makita si Maya sa parking lot ng mall na hinihila ng isang lalaki. Akala niya ay matutulad ito kay Ellyna. Nasa kalagitnaan pa naman sila nang paghahanap ng clue kung nasaan si Ellyna nang mangyari iyon. Kinagabihan ay siya pa ang humingi ng tawad kahit labag sa loob niya. Nasuntok niya ang ama ng mga anak nito sa mismong harapan nito.Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Maya, kahit pa alam niyang wala naman itong pakialam sa kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya. Naka-block nga siya sa mga social media accounts nito, maging sa number nito na madalas niyang tawagan. Gano’n siya nit
TAWA SIYA NANG tawa nang sabihin sa kanya ni Maya ang fairytale na tinutukoy ni Mei-Mei. Medyo napikon siya nang tawagin siyang kapre ng sariling anak kaya tinanong niya ang asawa tungkol do’n.It was a Beauty and the Beast with a touch of Romeo and Juliet—ang version lang naman ng Tiyo Jerome nito na panakot nito kay Maya noon.“So they knew about our secret?”Kasalukuyan nilang inaayos sa backseat ng family van ang mga dadalhin nila.“Maybe?” Huminga nang malalim si Maya. “You really bought a new one.” Tukoy nito sa sasakyan.“Of course. Hindi naman pang-rides iyong sports car. Second hand lang din iyon mula kay Brix.”
MADILIM NA nang makarating sila sa Griffinview.“Kuya Miguel.”Napatingin si Maya sa tumawag sa asawa niya. Ang bata nitong tingnan sa suot nitong white dress. Nagmumukha itong ate sa bata na nakakapit sa kamay nito. Nakasunod naman sa mga ito si John na namumulsahan.Ang tagal niyang hindi nakita ang mga kaibigan ni Miguel kaya gano’n na lamang ang pagkamangha niya nang makita si John. He doesn’t look like a playboy like he used to be.Natatawa siya sa sarili. Of course, he would change a lot. Ikaw ba naman ang maging pamilyado sa isang babae na maging si Miguel ay napapangiti.“Ellyna, John.” Tango ni Miguel sa mga ito. Humarap ito sa kanila at ipinakilala sa mga ito. &l
KULANG NA LANG, magpalamon na sa sahig si Miguel. Galit siya, oo, pero hindi niya naman matitiis ang asawa. Kaysa pagbuhatan niya ng kamay o kaya ay pagtaasan niya ng boses, iniyakan niya na lang lalo pa’t nasa malapit lang ang mga anak nila. Pero…“Makinig ka muna, please?”Hindi niya binibigyan ng time para magpaliwanag ang asawa. Kaya ito, ito naman ang pinapatahan niya ngayon, at siya pa ang na-guilty sa pagpapaiyak dito. Sinisinok na ito, tila ba naipon lahat ng iyak nito at ngayon lang nilalabas.“Problema namin iyon, kami nina mommy at daddy. Labas ka na ro’n kaya hindi ko sinabi sa iyo. Ayaw kong madamay ka.”Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung saan banda ang sinasabi nito na hindi siya madada