IT WAS NEVER his intention to hide from Maya’s mother. Alam niyang mali na ilihim sa parents nito ang tungkol sa kanila, pero wala siyang magawa. He chose to give whatever his wife’s requests and demands—at isa na ro’n ang kagustuhan nitong itago ang relasyon nila.
Dala ang basket ng prutas at bote ng wine, and a bouquet of roses on the other hand, he tried his luck to get inside through the front gate.
Nagtaka pa siya nang papalapit pa lamang siya, binubuksan na ng guard ang gate. Tumingin siya sa likod niya, wala namang nakasunod na sasakyan sa kanya.
Nang akma siyang magtatanong kung nasa loob si Maya at ang ina nito, inunahan siyang magsalita ng isa sa mga guard.
“Tuloy na po kayo.”
Hindi niya alam pero bigla na lang siyang binalot ng kaba. ‘Di ba dapat, natutuwa siya? Pero ang pakiramdam niya ngayon sa bawat hakbang niya papalapit sa bahay nina Maya, ay naglalakad siya sa kanyang huling hantungan.
HINDI NIYA ALAM pero pagkatapos niyang mag-shower, ang gaan ng pakiramdam ni Maya. She felt like something was lifted off her shoulder. Dahil ba nagawa niyang sagutin ang tatay niya, na suwayin ang gusto nito? Naipagtanggol niya rin ang mommy niya sa harap nito.Ang totoo, that was the first time she talked back to her dad and the first time she saw his bad side. Though halata naman dahil sa panggigipit nito sa kanya, hindi niya inaakala na pagtataasan siya ng boses at pagsasalitaan ng masasakit na salita ng sariling ama.She grew up without him.She grew up believing that she was loved by him, na ang mommy niya lang ang hindi nito gusto kaya nagkahiwalay ang mga ito.Siguro, kung hindi pa siya nito ipinakilala sa matagal na nitong ipinagkasundo sa kanya, hindi niya makikita ang totoong kulay ng tatay niya.Paglabas niya ng bathroom, nagulat pa siya nang makita ang mataas na kilay ng mommy niya. She eyed her from head to toe.“Palagi k
HINDI NAMAN matitiis ni Edrina ang anak, pero nasaktan din siya sa sinabi nito.She loved the wrong person, at masaya siya na hindi tumulad sa kanya ang anak.She admitted that hanggang ngayon, umaasa pa rin siya na babalik pa sa kanya si Vincent Ignacio.All those years of keeping Maya beside her, lying that her dad was still supporting her, was to think and wish na maalala ni Vincent na may anak ito sa kanya. Tumutulong din siya sa kompanya nito, hoping for a little time and appreciation from him. Pero sa huli, si Maya ang pinakanaapektuhan sa mga kagagαhan niya. Napabayaan niya ito. It was like lahat ng pagbabawal niya ay isang malaking palabas lang, just to say na siya pa rin ang masusunod dahil siya ang nanay.Marahil kung hindi pa nito naisipang gumawa ng kalokohan at makipagkita sa lalaki, hindi mababaling sa iba ang mata niya. From pleasing Vincent, her attention turned to keeping Maya safe from any men. And from telling her that her dad lov
“EDRINA! ANONG ginagawa ng isang ex-wife at bastarda sa pamamahay ko? Hindi pa ba sapat na may mga bubuwit na dugyot na dinala rito ang asawa ko? What? Wala na kayong makain at isa-isa na kayong nag-e-evacuate? Just say so, magdo-donate ako—”Hindi na nila pinansin pa ang patutsada ng second wife na si Eve, at dire-diretso lang sa study room ni Vincent.Kagagaling lang nila sa opisina nito pero ang sabi ay hindi ito pumasok, kaya hindi sila nag-atubili na dumiretso sa pamamahay nito. Ang ingay nga dahil maraming bata. Sumabay pa ang palakang boses ng ‘second wife.’“Tsk, kung mayroon namumulubi ngayon, kayo iyon!”“Maya, huwag mo nang pansinin. She’s not worth your golden time.”Pagdating sa study room, kita nila kung kaproblemado si Vincent. Nang mag-angat naman ito ng tingin sa kanila, especially sa kanya, ay tila kumulo ang lahat ng likido nito sa katawan.“Maya! Naayos mo
IT’S BEEN weeks since the engagement was called off. Isang malaking kahihiyan ang dinulot no’n sa dad niya, maging sa second family nito. Naroon na nagsisisihan ang mga ito dahil ang Monteverde pala ang inaasahan nila na mahuhuthutan ng pera.Hindi niya na inabala pa ang sarili sa problema ng iba, dahil may kinakaharap pa siyang sariling problema—si Miguel.Ilang linggo na itong walang paramdam. Nahihiya naman siyang tawagan ito dahil na rin ang alam nito ay bukal sa loob niya ang pakikipaghiwalay dito. Nahihiya siya na baka kung anong isipin nito, matapos niyang papirmahin sa divorce paper ay kukulitin niya later.“Oh god!”May isa pa pala siyang problema…Paano niya ipapakilala nang maayos ang mga bata?!Kaya isang bagay na lang ang magagawa niya, ang hintayin ang September twenty kung kailan ang birthday ng anak ng kaibigan nito.Sabado ngayon at wala naman siyang client na itu-tutor ngayon.
Pagdating sa bahay ay inuna niya ang pag-iyak. Mabuti at natutulog ang mga anak niya, hindi nito nakita ang nangyari sa kanya. Hanggang sa nakatulugan niya na ang luha niya. Nagising siya ay dinner time na.Ipagpapabukas niya na sana ang pag-aayos ng mga pinamili pero paglabas niya ng shower, nagkakalat na sa sahig ang mga laruan.Kuha na rin nang kuha si Mei-Mei nang gusto nito. Si Miggy naman ay tingin lang nang tingin dahil halos mga pambabae na ang iniwan na laruan ni Mei-Mei para sa kakambal.Wala sa sariling tumabi siya sa dalawa sa carpet at inayos ang mga laruan. Hindi niya nga rin masyadong mapagtuunan ng pansin dahil lumilipad ang isip niya kay Miguel.Pagod na ba ito sa kanya? Papalitan na ba siya nito? Nahihirapan na ba ito sa pag-intindi sa kanya?“Mommy, nag-story po si Tiyo Jerome ng fairytale, ang ganda.” Pukaw ni Mei-Mei sa kanya.Hawak nito ang isang doll at iniikot-ikot na ang ulo nito.“Anong fair
MATAGAL NA hindi nakadalaw si Miguel kay Maya, dahil tinulungan niya ang mga kaibigan. Nagkaproblema kasi si John at asawa nito, at mismong anak pa nito na si Raizel ang tumawag sa kanila para hanapin ang nanay nito.Kaya gayon na lamang ang takot niya nang makita si Maya sa parking lot ng mall na hinihila ng isang lalaki. Akala niya ay matutulad ito kay Ellyna. Nasa kalagitnaan pa naman sila nang paghahanap ng clue kung nasaan si Ellyna nang mangyari iyon. Kinagabihan ay siya pa ang humingi ng tawad kahit labag sa loob niya. Nasuntok niya ang ama ng mga anak nito sa mismong harapan nito.Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Maya, kahit pa alam niyang wala naman itong pakialam sa kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya. Naka-block nga siya sa mga social media accounts nito, maging sa number nito na madalas niyang tawagan. Gano’n siya nit
TAWA SIYA NANG tawa nang sabihin sa kanya ni Maya ang fairytale na tinutukoy ni Mei-Mei. Medyo napikon siya nang tawagin siyang kapre ng sariling anak kaya tinanong niya ang asawa tungkol do’n.It was a Beauty and the Beast with a touch of Romeo and Juliet—ang version lang naman ng Tiyo Jerome nito na panakot nito kay Maya noon.“So they knew about our secret?”Kasalukuyan nilang inaayos sa backseat ng family van ang mga dadalhin nila.“Maybe?” Huminga nang malalim si Maya. “You really bought a new one.” Tukoy nito sa sasakyan.“Of course. Hindi naman pang-rides iyong sports car. Second hand lang din iyon mula kay Brix.”
MADILIM NA nang makarating sila sa Griffinview.“Kuya Miguel.”Napatingin si Maya sa tumawag sa asawa niya. Ang bata nitong tingnan sa suot nitong white dress. Nagmumukha itong ate sa bata na nakakapit sa kamay nito. Nakasunod naman sa mga ito si John na namumulsahan.Ang tagal niyang hindi nakita ang mga kaibigan ni Miguel kaya gano’n na lamang ang pagkamangha niya nang makita si John. He doesn’t look like a playboy like he used to be.Natatawa siya sa sarili. Of course, he would change a lot. Ikaw ba naman ang maging pamilyado sa isang babae na maging si Miguel ay napapangiti.“Ellyna, John.” Tango ni Miguel sa mga ito. Humarap ito sa kanila at ipinakilala sa mga ito. &l
Ginising si RC ng amoy na nakasanayan niya nang amuy-amuyin sa paggising at bago matulog. It was Ritchelle’s soothing scent. Niyakap niya nang sobrang higpit ang unan. It’s soft, squishy, and huggable, but still…it would be better if it was his wife he would woke up to.Nagpalipas muna siya nang ilan pang sandali bago bumangon. Mabilisan lang siyang naligo at bumaba na sa sala. Sumaglit muna siya kung saan ang mga porselana nina Ritchelle at ng mga magulang nito.Inalis niya ang cabinet kung saan dati nakalagay ang mga abo ng in-laws niya, at pinagawan ng altar sa sala. Hindi naman sila tumatanggap ng bisita kaya parang naging pahingahan na iyon ng yumao nilang mahal sa buhay.Naka-display din doon ang mga picture ni Ritchelle kasama ang parents nito. Mayroon din itong hiwalay na photo
Nasa kalagitnaan ng pagpapakalango sa espiritu ng alak sina RC nang lumapit sa kanila si Ellyna. Tumakbo pa ito na tila ba nagmamadali. Hinihingal pa nga ito. Akala niya ay may emergency sa mga anak nito. Nagulat pa siya nang sa kanya ito lumapit at hindi sa asawa nito."K-Kuya RC, si Ranier, tumatawag."Agad nitong inabot sa kanya ang phone nito.Napatitig na lang siya sa hawak na phone.Nagtataka siya. Bakit hindi sa phone niya tumawag ang anak? At bakit ito tatawag?Bigla siyang kinabahan. Tila ba nawala na parang bula ang epekto ng alak sa sistema niya. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa maririnig.Kung si Ranier na ang tumatawag, tapos hindi pa s
“Brain tumors are hard to detect lalo pa’t ang tingin ng pasyente ay simpleng pananakit lang ng ulo ang nangyayari hanggang sa isipin nila na normal lang iyon, dumagdag pa ang pabago-bago ng panahon. They would say that it was a seasonal occurrence, and refused to see a doctor. It was advised to see a doctor lalo kung may history sa family o ng head trauma. Isa pa sa nakakapigil sa mga tao na magpatingin sa doctor kahit pa alam niyang may trauma siya ay hindi agad nag-manifest ang symptoms. And in your case, it’s already more than two decades at sinabi mo rin na ngayon ka lang nagpatingin kaya…”Yumuko si Oliver sa magkasalikop nitong mga kamay, tla tinitimbang ang mga sasabihin na hindi siya mabibigla o matatakot.Pero ano pang silbi no’n? It was scary enough, knowing that she has a brain tumo
FEW DAYS AGO…Naibagsak ni Ritchelle ang likod sa malambot na sandalan ng sofa at tumingala sa puting kisame. Nagi-guilty siya sa sinabi niya na photo shopped ang ni-send sa kanya na pictures ni RC. Alam niya na ito ang kumuha ng mga larawan pero dineny niya pa rin.RC had enough of his past, maging ng mga away at problema na hindi naman para rito. Ayaw niyang maging ang current situation niya ay ito na naman ang sasalo. Kahit mag-asawa sila at lahat ay gagawin nito para sa kanya, hindi niya pwedeng hayaan na palagi na lang siyang nasa receiving side.This time, she will do everything to make RC happy. At lahat ng ikasasama nito, problema niya o ano pa man, she will try her best to eliminate those.This
KINABUKASAN, NAGISING na wala sa tabi niya ang asawa. Kung dati ay hahanapin niya ito, ngayon ay wala siyang gana. Alam niya naman na kung ano na ang ibang pinagkakaabalahan nito kapag wala na ito sa tabi niya.Walang ganang tinungo niya ang paliguan, at nag-asikaso na sa pagpasok sa trabaho. Lulunurin niya na lang siguro sa gabundok na papeles ang sarili. Basta ba sa kanya pa rin umuuwi si Ritchelle, wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sa maghapon.Martyr, tangα, marupok? Kahit ano pang itawag sa kanya ng mga nakakaalam ng sitwasyon niya, wala siyang pakialam. Alam niya kasi na kapag kinumpronta niya ang asawa at ilaban ang karapatan niya gamit ang pirma nila sa legal na dokumento tulad ng marriage certificate ay babalik iyon sa kanya sa legal din na paraan—ang divorce.Ayaw niyang
NAIBAGSAK NIYA ang katawan sa upuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ang lahat sa kanila ni Ritchelle. Kung noon matatanggap niya pa kung nakipaghiwalay ito sa kanya, pero ngayon na naririnig niya na sa mga labi nito na mahal din siya nito, at nararamdaman niya naman iyon—hindi niya makakayang tanggapin nang gano’n-gano’n na lang.And when she said that the photos he took himself was edited, the words came out so casually. Hindi niya na rin maiwasang isipin na baka matagal na siyang niloloko ni Ritchelle sa mga pag-sugarcoat nito ng mga sinasabi nito.Baka nga, noong sinabi nito na mahal siya nito ay may kinakalantari naman itong iba. At baka matagal na itong pumupunta sa bahay ng lalaki bago umuwi sa bahay nila.He had been so
HE JUST GOT OUT of the shower with only a small towel wrapped around his waist. Diretso ang tingin niya kay Ritchelle na ngayon ay nakahiga na sa kama. She already had her eyes closed.Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kama. Tinanggal niya rin ang kumot na tumatakip sa katawan nito. Nagulat pa siya nang makita na nakasuot ito ng pajama. Hindi ito sanay na balot na balot ang katawan kapag natutulog kahit gaano pa kalamig ang kwarto. Palagi itong nakasuot ng silky and sexy lingerie with no undies at all.Bigla ay naalala niya ang pagsisinungaling nito kanina, maging ang amoy ng lalaki na kumapit sa buhok at katawan nito.Walang ano-anong tinanggal niya ang butones ng suot ni Ritchelle dahilan para magising ito.“RC!” Nayayamot na umangal ito
MATAMAN na pinagmamasdan ni Ritchelle ang draft ng wedding gown. Dahil wala na rin namang mababago kahit pa pagalitan niya nang pagalitan ang anak ay nagpresenta na lang siya na siya ang personal na gagawa ng wedding gown ng girlfriend nito.Hindi pa rin nito pinapakilala sa kanila ang girlfriend nito dahil may problema sa side ng babae. Mukhang hindi pa rin nasasabi sa family nito na nagdadalang-tao na ito. Sabi rin ni Ranier na busy sila sa school.Pinayuhan na lang nila ang anak na huwag masyadong i-expose sa mga nakaka-stress na bagay ang girlfriend nito, at palaging alalayan. Kung pwede lang ba na sa kanila na muna mag-stay ang babae lalo kung hindi ito ok sa family nito. Ayaw niyang matulad sa kanya ang nararanasan na pagdadalang-tao ng girlfriend ni Ranier—puno ng stress at galit sa puso.&l
MULA NANG MAAYOS NA ang lahat ng problema at misunderstanding sa pagitan nila ni RC, mas lalo niyang na-enjoy na walang guilt ang buhay nilang mag-asawa. Malaya niya na ring naipapadama sa asawa ang pagmamahal na pinagkait niya rito nang kay tagal. She was free from all the insecurities, because RC never failed to make her feel that she was the one and only, and that he loved her the most.Hindi na rin nawawala sa schedule nila ang date in fancy restaurants after work, gym or different clubs kapag weekend just like old times, roadtrip at out of town kapag naisipan kahit working days pa.It was like they were just starting a family. She was the happiest having her men around her, giving and receiving love and care. Wala na siyang mahihiling pa kung 'di ang kumpletong pamilya. Wala na sigurong makakapawi ng saya na nararamdaman niya.