Pagdating sa bahay ay inuna niya ang pag-iyak. Mabuti at natutulog ang mga anak niya, hindi nito nakita ang nangyari sa kanya. Hanggang sa nakatulugan niya na ang luha niya. Nagising siya ay dinner time na.
Ipagpapabukas niya na sana ang pag-aayos ng mga pinamili pero paglabas niya ng shower, nagkakalat na sa sahig ang mga laruan.
Kuha na rin nang kuha si Mei-Mei nang gusto nito. Si Miggy naman ay tingin lang nang tingin dahil halos mga pambabae na ang iniwan na laruan ni Mei-Mei para sa kakambal.
Wala sa sariling tumabi siya sa dalawa sa carpet at inayos ang mga laruan. Hindi niya nga rin masyadong mapagtuunan ng pansin dahil lumilipad ang isip niya kay Miguel.
Pagod na ba ito sa kanya? Papalitan na ba siya nito? Nahihirapan na ba ito sa pag-intindi sa kanya?
“Mommy, nag-story po si Tiyo Jerome ng fairytale, ang ganda.” Pukaw ni Mei-Mei sa kanya.
Hawak nito ang isang doll at iniikot-ikot na ang ulo nito.
“Anong fair
MATAGAL NA hindi nakadalaw si Miguel kay Maya, dahil tinulungan niya ang mga kaibigan. Nagkaproblema kasi si John at asawa nito, at mismong anak pa nito na si Raizel ang tumawag sa kanila para hanapin ang nanay nito.Kaya gayon na lamang ang takot niya nang makita si Maya sa parking lot ng mall na hinihila ng isang lalaki. Akala niya ay matutulad ito kay Ellyna. Nasa kalagitnaan pa naman sila nang paghahanap ng clue kung nasaan si Ellyna nang mangyari iyon. Kinagabihan ay siya pa ang humingi ng tawad kahit labag sa loob niya. Nasuntok niya ang ama ng mga anak nito sa mismong harapan nito.Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Maya, kahit pa alam niyang wala naman itong pakialam sa kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya. Naka-block nga siya sa mga social media accounts nito, maging sa number nito na madalas niyang tawagan. Gano’n siya nit
TAWA SIYA NANG tawa nang sabihin sa kanya ni Maya ang fairytale na tinutukoy ni Mei-Mei. Medyo napikon siya nang tawagin siyang kapre ng sariling anak kaya tinanong niya ang asawa tungkol do’n.It was a Beauty and the Beast with a touch of Romeo and Juliet—ang version lang naman ng Tiyo Jerome nito na panakot nito kay Maya noon.“So they knew about our secret?”Kasalukuyan nilang inaayos sa backseat ng family van ang mga dadalhin nila.“Maybe?” Huminga nang malalim si Maya. “You really bought a new one.” Tukoy nito sa sasakyan.“Of course. Hindi naman pang-rides iyong sports car. Second hand lang din iyon mula kay Brix.”
MADILIM NA nang makarating sila sa Griffinview.“Kuya Miguel.”Napatingin si Maya sa tumawag sa asawa niya. Ang bata nitong tingnan sa suot nitong white dress. Nagmumukha itong ate sa bata na nakakapit sa kamay nito. Nakasunod naman sa mga ito si John na namumulsahan.Ang tagal niyang hindi nakita ang mga kaibigan ni Miguel kaya gano’n na lamang ang pagkamangha niya nang makita si John. He doesn’t look like a playboy like he used to be.Natatawa siya sa sarili. Of course, he would change a lot. Ikaw ba naman ang maging pamilyado sa isang babae na maging si Miguel ay napapangiti.“Ellyna, John.” Tango ni Miguel sa mga ito. Humarap ito sa kanila at ipinakilala sa mga ito. &l
KULANG NA LANG, magpalamon na sa sahig si Miguel. Galit siya, oo, pero hindi niya naman matitiis ang asawa. Kaysa pagbuhatan niya ng kamay o kaya ay pagtaasan niya ng boses, iniyakan niya na lang lalo pa’t nasa malapit lang ang mga anak nila. Pero…“Makinig ka muna, please?”Hindi niya binibigyan ng time para magpaliwanag ang asawa. Kaya ito, ito naman ang pinapatahan niya ngayon, at siya pa ang na-guilty sa pagpapaiyak dito. Sinisinok na ito, tila ba naipon lahat ng iyak nito at ngayon lang nilalabas.“Problema namin iyon, kami nina mommy at daddy. Labas ka na ro’n kaya hindi ko sinabi sa iyo. Ayaw kong madamay ka.”Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung saan banda ang sinasabi nito na hindi siya madada
TANGHALI NANG makauwi sila sa bahay ni Edrina. Patakbo naman na pumunta sa loob ng kambal at nagsimulang magkwento sa lola at ibang mga kasama sa bahay, habang sila ni Maya ay abala sa pagbaba ng mga gamit nila, saka sumunod sa mga anak.“Lola, ang ganda po sa Ifinjew—““Griffinview kasi!” pagtatama ni Miggy sa kambal.“Basta iyon! Maganda po, tapos po ang bait nina Tito at Tita, ni Raizel, pati na po ng ibang bata. May ate na rin po kami! Si Ate Cornelia!”“Mukhang nag-enjoy talaga kayo. Ilang araw kayong wala. O siya, kumain na ba kayo?”“Hindi pa po. Lola, si Raizel, kain nang kain ng chocolates. Binigyan po kami,” patuloy ni Mei-Mei sa kin
IPAAYOS MUNA ANG bahay para magmukhang may batang nakatira—iyon ang request ng biyenan na lumiko dahil sinabi niyang liligawan niya ang asawa.Kaya ngayon, doble ang trabaho niya—ayusin ang bahay at suyuin si Maya.Dumaan siya sa isang flower shop para bumili ng bulaklak. Ang aga niya ngang kinalampang ang shop dahil na rin kailangan niyang makapunta sa bahay nina Maya bago pa magising ang mga anak. Nakasimangot nga ang may-ari nang i-entertain siya.Hindi niya lang pinansin ang foul mood nito dahil ayaw niyang masira ang araw. Nang matapos ay pumunta na siya sa bahay ng asawa.Nang pagbuksan naman siya ng gate, nailang siya sa mga tingin ng kasambahay. Sinipat niya ang sarili, maayos naman ang suot niya.
Nang matapos sa work niya si Maya ay sinamahan niya ang mag-ama sa garden. Naabutan niya ang mga ito na naglalaro at tila nakalimutan na na naroon ang mga ito upang maglinis, hindi palalain ang hitsura ng hardin."Mommy, sama ka! 'Di ba, nag-play tayo nito kanina?" Patakbong lumapit sa kanya si Mei-Mei at hinila siya kung nasaan ang ama at kakambal nito."Daddy, sabi kanina ni Mommy, exercise daw iyon," pagre-report naman ni Miggy sa ama.At si Miguel, bahagyang tumalim ang tingin sa kanya. Ilang saglit ay napalitan iyon ng ngisi.Oh no...John was right, kung gaano sila ka-lip-tight na mag-asawa ay gano'n naman katabil ang bibig ng dalawa.Gusto niya na lang
“MAYA, PLEASE, kahit isang taon lang, pagbigyan mo na ako. One year, I will take control over the Monteverde. Pansamantala lang naman, ‘di ba? Makipagbalikan ka lang ulit sa kung sino mang asawa mo. Please, nagmamakaawa ako sa iyo, anak. Kasal niyo na lang ni Jack ang hinihintay bago tuluyang pirmahan ang kontrata.”Hindi niya masikmura ang naririnig mula sa ama.How could he plead for his selfishness?Ni minsan ba, sumagi sa isip nito na pagbigyan naman siya? Na ang gusto niya naman ang pakinggan nito?“Dad, baka nakakalimutan mo ang sinabi ni Mom. Wala kang karapatan sa amin. Makakaalis ka na po.”Tatalikuran niya na sana ito nang hulihin nito ang kamay niya. Lumuhod na rin it