Masigasig at walang tigil sa pagtatanong ang kuya niya. Nang dumating ang asawa nitong si Bea ay sumingit ito at nagsalita ng may patuya.
"Randy, bente-kwatro na 'yang kapatid mo. Matanda na siya kaya sigurado akong alam niya ang ginagawa niya. At ikaw naman, Jane, ibang klase ka rin noh? Porke ba matanda ka na ay basta mo nalang papalagpasin at hindi sasabihin sa amin ang ganito kahalagang desisyon mo? Hindi mo na ginalang ang matatanda sa pamilyang 'to. Paano mo hindi nagawang ipaalam kay Mama ang tungkol sa pagpapakasal mo? Aba yumayabang ka na yata." Kumuyom ang kamay ni Jane. Yumabang? At saka para saan pa? Para hintayin na maipagbili siya ng Mama niya sa halagang dalawang milyon? "Kumukupas ang ganda, Jane. Kapag tumanda ka ay kukulubot ka din. Kaya bakit ang arte mo at ayaw mong pakasalan 'yong sinasabi ni Mama na lalaki? Sinayang mo ang dalawang milyon na makukuha ng pamilya natin. Anong inaarte-arte mo? Porke diborsyado 'yong lalaki ayaw mo na? Hindi naman big deal kung hiwalay ang lalaki. Sana inisip mo nalang ang malaking halaga ng kapalit ng pagpapakasal mo sa kanya. Hindi biro ang dalawang milyon, Jane... kaya nilang magbigay ng gano'ng halaga, ibig sabihin may kaya ang pamilya nila. Kung nagpakasal ka sana sa kanya magkakaro'n ka sana ng maginhawang buhay." Maginhawang buhay? Pinigilan ni Jane ang mapait na ngumiti sa sinabi ng hipag. Maging ito pala ay handa siyang ibenta sa halagang dalawang milyon. Sabagay wala ng bago rito. Magkaugali kasi ito at ang kanyang ina. Mula pagkabata, ang Mama niya ang may boses sa kanilang pamilya. Ito ang halos nasusunod sa lahat, habang ang kanyang ama ay walang pakialam. Malinaw na pareho ang pananaw ng magulang niya, ang mga lalaking anak ay yaman ng pamilya, samantalang ang babaeng katulad niya ay parang kalakal lang na pwedeng ipagbili sa ibang pamilya balang araw. Masakit dahil anak din siya. Minsan nga naisip niya na baka may mali siyang nagawa kaya hindi siya pinakitaan ng pagmamalasakit ng magulang niya. Ginawa naman niya ang lahat para makita nito ang pagsisikap at halaga niya, ngunit sa huli ay wala siyang napala. Naalala niya noong highschool siya. Pinilit siyang huminto ng Mama niya at mamasukan sa pabrika. Mas may silbi daw siya kung magta-trabaho at makakapagbigay siya ng pera. Nang tumanggi siyang huminto ay pinalayas siya nito. Wala siyang choice kundi ang matulog sa lansangan. Kinailangan niyang maghanap ng kahit anong trabaho upang may makain. At muntik pa siyang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral. Mabuti nalang at kinupkop siya ng kanyang tiyahin sa loob ng dalawang taon kahit labag sa loob nito. Sa loob ng dalawang taon ay nagsakripisyo ang Kuya Randy niya. Palihim siyang tinulungan nito. Isusubo nalang ng kapatid niya ay ibibigay pa nito sa kanya. Kaya nangako siya sa sarili niya na magsisikap siya para hindi na maranasan na mahirapan. Nag aral siya ng mabuti hanggang sa makakuha siya ng scholarship at makatapos sa kolehiyo, at ngayon nga mayro'n na siyang maayos na trabaho. "Sayang ang ganda at kaseksihan mo, Jane! Pera na naging bato pa!" Dagdag pa ni Bea. Kaseksihan? Gustong matawa ni Jane sa sinabi ng hipag. Oo payat siya at seksi ayon sa iba. Hindi kasi siya tumataba kahit anong dami ang kainin niya, bukod pa ro'n ay maliit siya. Pero para sa kanya ay sanhi ito ng gutom at hapdi ng sikmura na naranasan niya no'n. Dulot ng matinding gutom dahil sa kapabayaan ng magulang nila. Hindi na siya nito sinuportahan at minahal ng tama, ngayon ay handa pa itong ipagbili siya sa pera? Sobra na 'to! Wala ng pag asa na magbago pa ito! Wala talaga siyang maituturing na pamilya bukod sa nakatatandang kapatid niya. Ito lamang ang matatawag niya na tunay na pamilyang mayro'n siya. Ginawa na niya ang obligasyon bilang anak sa magulang niya simula ng makapagtrabaho siya. Pero sa pagkakataong 'to ay hindi siya magpapadikta sa kanila. Nang makita ni Bea na parang balewala kay Jane ang sinabi niya ay umismid siya. Gaano man kalupit ang ginawa ng biyenan niya noon rito, sana ay tinanggap nito ang kasal. Isang katangahan para sa kanya ang pagtanggi na magpakasal kapalit ang dalawang milyon. "Hmp! Hindi nag iisip!" Tumayo siya at inis na iniwan ang asawa at kapatid nito. Nang makaalis si Bea ay bumaling si Randy kay Jane at ginanap ang kamay nito. "Pagpasensyahan mo na ang asawa ko. Wag mong intindihin ang sinabi niya. Alam mo naman ang bunganga no’n." Tumango si Jane at pilit na ngumiti. "Okay lang, Kuya." Sanay na ako sa kanya.' Ngunit ang huling sinabi niya ay sa isip lang niya dinugtong. Siya naman ang gumanap sa kamay nito. "Kuya, wag mo na akong alalahanin ha? Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko. Maniwala ka man sa hindi, mabuting tao ang napangasawa ko. Hindi naman ako mag aasawa ng masamang tao noh." sabi niya para pagaanin ang loob nito. Ilang beses nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Randy. Wala na siyang magagawa dahil kasal na ang kapatid. Dumukot sa bulsa si Randy, mula rito ay nilabas nito ang isang ATM card at inabot kay Jane. “Kuya, ano ito?” “May 500 thousand na laman ang ATM na ‘yan. Sinimulan kong ipunin 'yan noong nagsisimula pa lang ako sa pagtitinda. Nagtatabi ako kapag nakakaluwag ako. Pati ang perang binigay mo sa akin noon ay nilagak ko di'yan. Naisip ko kasi na kapag kinasal ka at nagkapamilya ay kakailanganin mo 'yan. Kuya mo ako, Jane. Obligasyon ko noon na tulungan ka hindi mo ako kailangan bayaran ng utang na loob." "Kuya, hindi ko matatanggap 'to!" “Tanggapin mo nalang, Jane. Para talaga sa'yo 'yan. Kung hindi ka sana nagpakasal ng madalian ay saka ko ibibigay sa'yo ang perang 'yan. Saka simula ngayon, huwag ka nang magbigay ng malaking halaga kay Mama buwan-buwan. Kung kapos siya sa pera, ako na ang bahala sa kanya. Sa mga okasyon ka lang magbigay, huwag rin masyadong malaki, baka kung ano pa ang isipin ng asawa mo at ng pamilya niya.” “Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya, Jane. Ang bubuohin mong pamilya ang tutukan mo, ako na ang bahala sa kila Mama. Kung tutuusin kulang pa 'to. Sa akin lahat napunta ang pera ng pamilya natin, walang tinira sila Mama sa'yo. Sana wag mo ng tanggihan 'to, bibigat lang ang dibdib ko kapag ginawa mo ‘yon.” Nag init ang sulok ng mata ni Jane. Mula noon hanggang ngayon ay palagi siyang iniisip ng Kuya niya. Alam niya na under ito ng hipag niya pero nakuha pa rin nito na magtabi para sa kanya. May malaking Fruit shop ito at may kalakihan ang kita pero lahat ng kita ng tindahan ay napupunta sa asawa nito. Narinig niya sa mga tauhan sa Shop na swerte pa kung bigyan ito ng limang libo ang Kuya niya kada buwan. "500 thousand? Ibig sabihin ay hindi nito ginagastos ang binibigay ko?" May mainit na pakiramdam na humaplos sa puso niya sa ginawa ng kapatid. Ang swerte niyang magkaro'n ng Kuyang kagaya nito.Alam ni Jane na hindi titigil ang Kuya Randy niya sa pamimilit sa kanya, kaya para matigil at para na rin sa ikakapanatag ng loob nito ay tinanggap niya ang ATM Card na inabot nito. Di bale. Itatabi nalang niya ito para sa Kuya niya. Para sa oras ng kagipitan ay mayro'n siyang maibibigay rito. Nang tanggapin niya ang Card ay ngumiti 'to at bahagya pang ginulo ang buhok niya. "Siya nga pala, Jane. Kailan mo balak ipakilala sa amin si bayaw?" Hilaw na ngumiti si Jane. Hindi niya inasahan na agad na makakabawi ang kanyang kapatid sa balita at magtatanong tungkol sa kanyang asawa. "Sa susunod nalang siguro, Kuya. May kailangan pa kasi akong gawin ngayon kaya kailangan ko ng umalis." Mabilis na dahilan niya bago tumayo. "Mag aalas singko na, Kuya. Diba susunduin mo pa si Girlie?" tukoy niya sa anak nitong nasa kindergarten ngayon. Saka mayamaya lang ay dinner na. Kung magtatagal pa siya dito ay sigurado na aanyayahan siya ng Kuya niya na kumain, at tiyak na hindi iyon ikatutuwa ng
Pinukol ni Laarni ng masamang tingin si Maya. "Ano ulit ang sinabi mo?” "Bakit? Hindi ba totoo naman!" Palaban na sagot nito. Nabulabog ang tao sa paligid dahil sa ingay ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Mula sa pintuan ng opisina ay lumabas ang Manager na si Gaston Santos na halatang iritable. “Ano'ng kaguluhan ‘to?" Hinila ni Jane si Maya at nilagay sa kanyang likuran. Mapapagalitan ito kung hahayaan niya na ipagtanggol pa siya. Ang usapang ito ay sa kanya at wala itong kinalaman. Magalang na nagsalita siya. “Sir Santos, customer ko ang bumili ng sasakyan, ako ang nag-assist sa kanila at ako ang ka-deal nila. Bakit kailangan na dumaan kay Laarni ang dokumento? Ako ang nakabenta, bakit ibibigay niyo na naman sa kanya ang order at komisyon ko?” Namewang ito at naka-ismid na nagsalita. “Dumating ang mag-asawa isang oras na ang nakakaraan bago ka dumating, Jane. Si Laarni ang nag-assist sa kanila mula pa kanina. Nagbanyo lang siya saglit, pero bigla kang du
Tinaasan ito ni Jane ng kilay. “Ayos lang kung ayaw mong isauli. Kakausapin ko na lang si Sir Santos.” Kinabahan si Laarni. Kanina lang bago umalis ng opisina ay sinagawan siya ng Manager nila. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya, at hindi niya alam kung anong klaseng strategy ang ginamit ni Jane para gawin ito ng lalaki sa kanya. “Oo na! Maghintay ka lang at ibibigay sa’yo ang dalawa pa!” Galit na galit na sabi ni Laarni at padabog pang umalis. Nang makaalis ang babae ay hindi napigilan ni Maya ang matawa. “Tingnan mo ‘yon, halos manlaki ang butas ng ilong sa sobrang inis. Buti nga sa kanya!” “Siya nga pala, Ate Jane. Akala ko talaga hahayaan mo na ang ginawa nila. Aba hindi ko akalain ka may sa tigre ka pala kapag nagalit ka. Paano mo ‘yon nagawa? Totoo bang nagpunta ka sa General Manager natin?” Umiling si Jane. “Walang silbi kung pupunta ako sa General Manager ng Mart Dealership.” Matagal nang binili ng Apex Wheels Company ang Mart Dealership, kaya ang General
Marami ang customer na nangangailangan ng sasakyan nitong nakaraang araw. Kaya naman hanggang gabi ay abala si Jane. Matapos ang huling transaksyon at umalis ang huling customer na tumingin ng sasakyan, saka lamang siya naghanda para umuwi. Pagkatapos magpaalam sa mga kasama ay pumunta siya sa locker para kunin ang susi ng scooter. Paglabas niya ay tumingin siya sa langit. Mula pa kaninang tanghali, malakas na ang hangin, at ngayo’y nagsimula nang umambon. “Oo nga pala may bago na namang bagyo na dumating.” Tumingin siya sa madulas na daan. Delikado ang daan para sa buntis na gaya niya. Baka mamaya ay madigrasya siya. Hindi niya gustong itaya ang kaligtasan ng dinadala niya. Nakapagpasya na siya. Kahit nagtitipid siya para makaipon, mas mahalaga ang kaligtasan ng bata. Sa ngayon ay magtataxi nalang muna siya pauwi. Iniwan niya muna ang scooter sa Shop, pagkatapos ay bumalik para maghintay ng taxi. “Ate Jane!” Tawag ni Maya ng makita siya. “Umaambon, baka lumakas ang ula
Nagulat si Jane at awang ang labi na hindi nakapagsalita sa gulat. Nakita niyang mabilis na umuusad ang mga tanawin sa magkabilang gilid ng bintana ng sasakyan at ang itim na kotse ay patuloy na umaandar sa makulimlim na kalsada sa gabi. Hindi sinabi ng lalaki kung saan siya dadalhin, ang atmospera sa loob ng sasakyan ay puno ng awkwardness. Hindi niya alam kung bakit, pero ang aura ng lalaki ay natural na nagdudulot sa kanya ng pakiramdam ng pagkailang. Kasalanan niya ‘to. Tatlong araw na silang kasal pero hindi man lang siya kumontak dito. Kaya hindi nakapagtataka na hindi ito matuwa. Nagdesisyon siya na tapusin ang katahimikan at naglakas-loob siyang magsalita. "Mister, saan mo ako dadalhin?" Hawak ng lalaki ang manibela at paminsang tumatapik ang hintuturo nito. "Bakit mo ako pinatayan ng tawag?" Balik-tanong ni Clegane. Malamig ang tono nito at halatang galit na galit. Ang babaeng ito lang yata ang unang tao sa buong mundo na may lakas ng loob na patayan siya ng tawag
Lubos na nagulat si Jane sa narinig. Hindi niya inaasahan na ang asawa niya ay hindi lang naghanda ng bahay, kundi balak pa nitong makipagsama sa kanya! Sabihin na natin na mabuting tao nga siya. Pero… "Mister, actually gusto ko sanang pag-usapan natin ito.” Huminga siya ng malalim. “Hindi mo na kailangang maghanda ng mga ganito, kasi hindi ko naman plano na istorbohin ka, pwede pa nating ipagpatuloy ang ating buhay gaya ng dati. Kung sa tingin mo ay nakakaabala pa, pwede tayong mag-divorce siguro sa loob ng ilang buwan..." Gusto lang naman niya na magkaro’n ng marriage registration. Iyon talaga ang pinaka rason. Ayaw niya kasi na mapilitan magpakasal sa lalaking sinasabi ng Mama niya. Malaki naman ang sinasahod niya at kaya niyang buhayin ang bata. Ang totoong plano niya, kapag malapit na siyang manganak ay makikipaghiwalay siya dito. Naghihintay lang siya ng tiyempo para hindi magduda ang kuya niya. Ngunit hindi pa niya natapos ang sasabihin nang biglang hinawakan siya ng lal
Bagaman talagang natakot si Jane kay Clegane kanina, kung iisiping niyang mabuti, siya ang nagmungkahi ng kasal. At hindi lang ito pumayag, naghanda pa ito ng bahay para sa kanila at nagplano pang makisama sa kanya. Ang seryosong pananaw nito sa kasal ay nakakabilib para sa kanya. Nakonsensya tuloy siya. Ginamit lang naman niya kasi ang lalaki sa simula palang. Hindi lang ‘yon, plano pa niyang akuin at ilihim ang tungkol sa kanilang anak. Pakiramdam niya ay napakasama niya ng mga sandaling ‘to. Kung ikukumpara kasi sa lalaki, sa simula palang ay parang wala na siyang puso. "Mister, wag kang mag alala, sisikapin ko ang makakaya ko para maging mabuting asawa sa’yo.” Nag isang linya ang kilay ni Clegane. Sisikapin nito na hindi siya lokohin? "Uulitin ko na lang, kapag may ginawa kang bagay na magpapasama sa akin sa loob ng anim na buwan..." Pinutol agad ito ni Jane ng may ngiti. “Mister, huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin kung anuman ang iniisip mo.” "Hindi ka ba natatak
Bagaman nakakaintimida ang awra ni Clegane at mukhang hindi madaling pakisamahan, matagal na siya sa sales at sanay sa lahat ng klase ng customer. Marami na siyang naka-salamuha na katulad nito. Saka ito ang pinaka gwapo, nakakawala ng takot kapag napatitig sa mukha nito. Sayang nga lang at matigas ang personalidad nito. Hindi dapat nito malaman ang tungkol sa bata, kundi maghihirap siya kapag dumating ang divorce. Basta’t makatawid siya ng ligtas sa susunod na anim na buwan, wala na silang magiging ugnayan! Hinawakan ni Jane ang kanyang flat na tiyan at muling nagdesisyon. "Huwag kang mag-alala, baby, hindi ko hahayaan na may kumuha sa'yo..." Sa sala... Pinagmamasdan ni Clegane ang pintuan ng kwarto ni Jane ng matagal, at medyo magulo ang kanyang ekspresyon. Bago pumasok ang babae sa kwarto, nagpasalamat pa siya sa kanya. Inisip niyang matatakot ito at baka umiyak, ngunit hindi niya inaasahan na ngingiti pa ito! Tinawagan ni Clegane ang numero ng secretary na si Jarren
"Halika na." Malamig ang tinig na utos ni Clegane kay Jarren. Pagkatapos tumawag ulit ni Jane sa kanyang kaibigan sa Porsche dealership ay sinabi niya kay Arnold ang magagastos. "Bagamat ang materyales ay maaring ibaba sa cost price, hindi naman maibaba ang labor cost at repair cost. Tinatayang aabot ng hindi bababa sa 30,000. Okay na ba sa'yo ito?" "Oo, siyempre!" sagot ni Arnold. Ang 80,000 ay naging 30,000 na lang bigla. Nagsimulang huminga ng maluwag si Arnold, habang ang kanyang mga mara ay nakatingin ng puno ng paghanga kay Jane. "Salamat, ha. Kung hindi dahil sa iyo, baka nagbayad ako ng malaking halaga sa kanila." Pasalamat ni Arnold na hindi inaalis ang titig kay Jane. "Libre ka ba mamaya? Gusto ko sana kitang anyayahang kumain sa labas bilang pasasalamat,"Inilingan ito ni Jane. "Wag ka na mag abala, Arnold. Magsilbing aral nalang itong nangyari. Dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa susunod, lalo na't nandiyan pa si Maya sa kotse mo. Na-kwento niya sa ak
Nagmumura si Clegane sa backseat na upuan ng Porsche. Nag-drive siya ng mini car kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang beses na pag-stall ng kotse sa daan, nawalan siya ng pasensya at kinailangan tumawag kay Jarren para sunduin siya, kaya’t nauubos ang oras sa kalsada. Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya, muling nabangga ang kotse. Malas na malas ang araw niya ngayon! Nang tumingin siya sa rearview mirror, nakita niyang bumaba ang isang binatang lalaki mula sa BMW. Tinatayang nasa 20 o 22 na taon ang lalaki, naka-trendy na damit. Sa simula, tila hindi ito apektado sa banggaan, at hindi akalaing malaki ang problema ng rear-end collision. Ngunit nang makita nito ng malinaw ang Porsche logo, bigla itong namutla. Sumenyas si Clegane sa kanyang secretary, agad na bumaba naman si Jarren mula sa kotse para asikasuhin ang insidente. Maliwanag na magiging problema ang pagbabayad ng kompensasyon dahil sa illegal na pagmamaneho at pagkakasagasa. Ayon sa sekretarya, aabot ng hi
Tumingin si Jane sa plato ni Clegane na wala ng laman. Akala niya ay hindi nito mauubos ang pansit. Ang ekspresyon kasi nito kanina ay nagpapakita na parang napipilitan lang na kumain ng pansit. Napangiti siya. Naubos nito ibig sabihin ay nasarapan ito. Akala niya talaga ay may matitira rito. Habang naghuhugas ng pinagkainan, narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Maya. Kilala si Jane bilang masipag, palagi itong naka-on duty, sa sobrang sipag ay ayaw ng mag-leave. Ito ang unang pagkakataon na mag-leave ito kaya nag alala si Maya na baka tinamaan ito ng sakit dahil sa ulan kagabi. Kaya tinawagan niya si Jane para kamustahin. “Maya, okay lang ako. Nag-leave ako dahil maglilipat ako ngayon..." "Maglilipat! Bakit hindi mo sinabi agad, Ate Jane? Nakakapagod mag-isa maglipat. Tamang-tama naka-off din ako ngayon, ibigay mo na lang ang address at pupunta ako agad!" Kinulit siya ni Maya kaya hindi na nakatanggi si Jane at ibinigay na lang niya ang address. Na
Hindi kumibo si Clegane at hinayaan na ipagtimpal siya ni Jane ng kape. Hindi talaga niya gusto ang lasa kaya hinayaan niya na ipagtimpla siya nito. Nagmamadali na nag init ng tubig si Jane. Wala na kasing laman ang thermos. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, inalok niya ito ng ibang pagkain. "Mister, bakit hindi mo subukan ang egg burger? Masarap po ‘to.” Tumanggi si Clegane ng buo at tiyak. Pansit lang ang kaya niyang kainin sa mga binili nito. Ayaw niya sa mamamtika na pagkain, pero wala siyang choice kundi kainin itong pansit. Tsk! Hindi pa siya nakakain ng ganito kamantikang pagkain. Ngayon lang dahil sa babaeng ito! Kung hahayaan niya ang sarili na kainin ang anumang ibigay nito, baka dumating ang panahon na malagay sa alanganin ang kalusugan niya. Tsk! Hamon para sa kanya simula ngayon ang bawat alok nito ng pagkain. Pagkatapos ipagtimpla ni Jane ng kape si Clegane ay nagpatuloy siya sa pagkain. “Hmp! Bahala ka kung ayaw mo… sayang masarap pa naman ‘to.” Ewa
Maaaring ngayon ay hindi pa duda ang babaeng ‘yon sa pagkakakilanlan niya. Pero hindi siya dapat maging kampante lalo na’t titira na sila sa iisang bubong. Kailangan niya mag ingat. Para makasiguro ay inutusan niya si Jarren na kumuha ng tao na magdadagdag ng kandado sa kanyang kwarto. Dala ang mga dukomento na naglalaman ng reports tungkol sa asawa at tahimik niyang tinahak ang daan pabalik. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Jane. Nakatayo ito sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya. Hindi ba’t umalis na ‘to kanina lang? Kailan pa ito nakabalik? Napalunok si Clegane. Kanina lang ay kausap niya si Jarren sa ibaba. Nasaksihan at narinig ba nito ang usapan nila ng secretary niya? Nabahala siya. “Mister!” Kumaway si Jane na may tabinging ngiti sa labi. “Lumabas lang ako para bumili ng almusal, pagbalik ko hindi na ako makapasok, hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Nagdoorbell ako walang nagbubukas. Kaya naman pala eh nasa labas ka pala.” Nakahinga ng maluwag si C