Pinukol ni Laarni ng masamang tingin si Maya. "Ano ulit ang sinabi mo?”
"Bakit? Hindi ba totoo naman!" Palaban na sagot nito. Nabulabog ang tao sa paligid dahil sa ingay ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Mula sa pintuan ng opisina ay lumabas ang Manager na si Gaston Santos na halatang iritable. “Ano'ng kaguluhan ‘to?" Hinila ni Jane si Maya at nilagay sa kanyang likuran. Mapapagalitan ito kung hahayaan niya na ipagtanggol pa siya. Ang usapang ito ay sa kanya at wala itong kinalaman. Magalang na nagsalita siya. “Sir Santos, customer ko ang bumili ng sasakyan, ako ang nag-assist sa kanila at ako ang ka-deal nila. Bakit kailangan na dumaan kay Laarni ang dokumento? Ako ang nakabenta, bakit ibibigay niyo na naman sa kanya ang order at komisyon ko?” Namewang ito at naka-ismid na nagsalita. “Dumating ang mag-asawa isang oras na ang nakakaraan bago ka dumating, Jane. Si Laarni ang nag-assist sa kanila mula pa kanina. Nagbanyo lang siya saglit, pero bigla kang dumating at nakipag-deal sa kanila. Kaya nararapat lang na i-under sa pangalan niya ang bentang iyon at hindi sa’yo dahil hindi naman talaga ikaw ang unang nag-assist sa mag-asawang iyon!” Sa suporta ng kanilang Manager ay lalong lumakas ang loob ni Laarni. Taas-noo at maarte itong sumingit sa kanila. “Tama si Sir Santos. Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi natin i-check ang CCTV footage?” Kumuyom ang kamao ni Jane. Batid niya na nagsisinungaling ang dalawa. Tumawag sa kanya ang matagal na niyang buyer para sabihin na maghihintay ito sa Shop kasama ang mag-asawa, patunay na siya talaga ang pakay ng mga ‘to. Hindi lang sa customer siya may pagpapahalaga, maging kapwa niya sales agent, kaya ni minsan ay hindi siya nanulot ng buyer ng iba. Kaya ang marinig ang kasinungalingan ng Manager at ni Laarni ay sumulak ang dugo niya sa inis. Muling nagsalita ang Manager. “Dahil maganda ang performance mo noon ay hindi ko na palalakihin ang gulong ginawa mo, Jane. Mabuti pang tapusin na natin ang usapan dito, bumalik na kayo sa trabaho!” “Sandali lang, Sir Santos.” Pigil ni Jane sa lalaki. “Talaga bang ibibigay niyo ang benta ko sa kanya?” Malamig na tanong niya rito. “Oo! Hindi na magbabago ang desisyon ko!” Sagot nito. Kuyom ang kamao na tinalikuran niya ang Manager bago pa ito muling makapagsalita. Mabilis naman na sumunod si Maya sa kanya. “Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! Ikaw pa ang sasabihan na gumagamit ng ganda para makabenta. Eh siya ‘tong gumagamit ng katawan para mang-agaw ng sales ng iba at mang-akit ng Manager!” Ani Maya na gigil na gigil. Habang naglalakad palayo, rinig nila ang malanding tawa ni Laarni habang kausap ang Manager nila. ‘Nakakasuka sila!’ “Kung hindi lang sana dumating si Sir Santos, ikaw sana ang na-promote bilang Manager, Ate Jane. Sayang talaga! Bakit kasi dumating pa siya!” Mabilis na sinuway niya si Maya. “Manager natin si Sir Santos. Huwag mo na ulit sabihin ‘yan dahil baka may makarinig sa’yo. Alam mo naman na may s****p dito.” Nakangusong tumango ito. Pagkaraan ay nagtanong sa kanya. “Hindi ba natin ipapaalam ‘to sa General Manager?” Umiling siya rito. “Galing sa Apex Wheel Company si Sir Santos, hindi tayo pwedeng humingi ng tulong sa General Manager ng Mart Dealership.“ “Ha? Ibig sabihin ay pababayaan na lang natin ang ginagawa nila?" Pababayaan na lang? Bahagyang tumaas ang kilay ni Jane, ngunit hindi nagkomento. Ang totoo ay may naisip siyang plano. Hindi siya interesado sa relasyon nina Laarni at Sir Santos. Kaya niyang tiisin ang pang-iinsulto na maririnig niya sa dalawa. Pero kapag pera na ang pinag-uusapan—ibang usapan na 'yon. “Hindi ako naghirap at nagsipag magtrabaho para mapunta lang sa iba ang perang kikitain ko!” Isip-isip ni Jane. ***** Sa loob ng opisina, masayang nagpasalamat si Laarni kay Gaston, nakakandong pa ang babae sa kanya habang nakalingkis ang dalawang braso sa leeg leeg niya. Nakangisi naman na humahaplos ang dalawang kamay niya sa bewang nito at pumipisil pa. “Sir Santos, salamat ha. Maaasahan ka talaga.” Malanding sabi ni Laarni na parang sawa sa kandungan niya. Hindi kumibo kumibo si Gaston, ang nasa isip niya ay si Jane. Marami na siyang babaeng nakasama, at sanay na siya sa mga babaeng tulad ni Laarni na gumagamit ng katawan para magpalakas. Pero si Jane ay kakaiba. Maganda ito, ngunit may malamig at matapang na personalidad. Sinasabing taga-probinsiya ang dalaga, nakapagtapos ngunit lumaki sa hirap. Natipuhan niya ito sa unang kita palang. Sinadya niya na ibigay ang sales nito kay Laarni para kapag naagaw ang lahat ng sale nito ay kusa itong lalapit sa kanya at magmamakaawa. Ngumisi si Gaston. Hindi na siya makapaghintay na ang magandang babaeng iyon ang kusang lalapit sa kanya. Dalawang araw ang nakalipas. Habang naghahanda si Gaston sa pag-uwi ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang General Manager ng mismong Apex Wheel Company! Nagulat siya ng malakas na bulyaw ang sumalubong sa kanya. "Bastos ka! Hindi mo alam kung paano paghiwalayin ang personal na buhay sa trabaho?!” Nang mahimasmasan mula sa pagkabigla, nagtanong si Gaston rito. "A-ano ang ibig mong sabihin, Sir?" Paano nakarating dito ang nangyayari sa loob ng branch na ‘to? "May nagpadala ng complaint letter sa mismong email ni Mr. Montenegro. At mismong siya ang nag-utos sa akin na ayusin ito! Kung hindi lang ako nakiusap sa kanya para sa iyo, tanggal ka na sana ngayon sa trabaho!" “S-Si Mr. Montenegro?! Ang bagong CEO ng Apex Wheels Company?!” Namutla si Gaston at nanlambot ang tuhod. Isa lang ang naisip niya na gagawa niyon—si Jane. Hindi niya lubos maisip na maglalakas-loob ang babaeng iyon na mag-email sa mismong may-ari ng kumpanya! Pero paano siya kilala ni Jane? Posible bang may koneksyon ang dalawa? Hindi alam ni Gaston. Pero alam niya na kapag na-offend si Mr. Montenegro, hindi lamang siya matatanggal, baka mahirapan pa siyang makahanap ng matinong trabaho sa buong Maynila. "Ipinagtanggol kita ngayon, kaya ayusin mo agad ang gulong ito! Mag-ingat ka sa susunod!" Babala ng General Manager sa kanya. “S-salamat, Sir!” Magalang ngunit nanginginig na sagot ni Gaston rito. Pagkatapos ng tawag, inutusan niya agad si Laarni na isauli ang lahat ng sales at customer documents kay Jane. “Ano? Pero Sir Santos, akin na ‘to di’ba?” Angal ni Laarni. “Tumahimik ka at sumunod nalang!” Singhal ng Manager sa kanya. Nagitla ang babae at hindi agad nakahuna. Wala itong nagawa kundi sundin ang utos ng lalaki. Samantala, kalmadong binuklat ni Jane ang mga dokumento na dala ni Laarni. Kumunot ang noo niya ng makitang isa lamang ‘to. “Tatlong beses mong inagaw ang sales ko ngayong buwan kaya bakit isa lang ‘to? Bukas ng umaga, ihanda mo ang dalawa pang dokumento.” "Ano? Bakit naman ako susunod sa’yo? Ano ang tingin mo sa sarili mo, asawa ng CEO para umasta nang ganyan?! Makuntento ka na di’yan!”Tinaasan ito ni Jane ng kilay. “Ayos lang kung ayaw mong isauli. Kakausapin ko na lang si Sir Santos.” Kinabahan si Laarni. Kanina lang bago umalis ng opisina ay sinagawan siya ng Manager nila. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya, at hindi niya alam kung anong klaseng strategy ang ginamit ni Jane para gawin ito ng lalaki sa kanya. “Oo na! Maghintay ka lang at ibibigay sa’yo ang dalawa pa!” Galit na galit na sabi ni Laarni at padabog pang umalis. Nang makaalis ang babae ay hindi napigilan ni Maya ang matawa. “Tingnan mo ‘yon, halos manlaki ang butas ng ilong sa sobrang inis. Buti nga sa kanya!” “Siya nga pala, Ate Jane. Akala ko talaga hahayaan mo na ang ginawa nila. Aba hindi ko akalain ka may sa tigre ka pala kapag nagalit ka. Paano mo ‘yon nagawa? Totoo bang nagpunta ka sa General Manager natin?” Umiling si Jane. “Walang silbi kung pupunta ako sa General Manager ng Mart Dealership.” Matagal nang binili ng Apex Wheels Company ang Mart Dealership, kaya ang General
Marami ang customer na nangangailangan ng sasakyan nitong nakaraang araw. Kaya naman hanggang gabi ay abala si Jane. Matapos ang huling transaksyon at umalis ang huling customer na tumingin ng sasakyan, saka lamang siya naghanda para umuwi. Pagkatapos magpaalam sa mga kasama ay pumunta siya sa locker para kunin ang susi ng scooter. Paglabas niya ay tumingin siya sa langit. Mula pa kaninang tanghali, malakas na ang hangin, at ngayo’y nagsimula nang umambon. “Oo nga pala may bago na namang bagyo na dumating.” Tumingin siya sa madulas na daan. Delikado ang daan para sa buntis na gaya niya. Baka mamaya ay madigrasya siya. Hindi niya gustong itaya ang kaligtasan ng dinadala niya. Nakapagpasya na siya. Kahit nagtitipid siya para makaipon, mas mahalaga ang kaligtasan ng bata. Sa ngayon ay magtataxi nalang muna siya pauwi. Iniwan niya muna ang scooter sa Shop, pagkatapos ay bumalik para maghintay ng taxi. “Ate Jane!” Tawag ni Maya ng makita siya. “Umaambon, baka lumakas ang ula
Nagulat si Jane at awang ang labi na hindi nakapagsalita sa gulat. Nakita niyang mabilis na umuusad ang mga tanawin sa magkabilang gilid ng bintana ng sasakyan at ang itim na kotse ay patuloy na umaandar sa makulimlim na kalsada sa gabi. Hindi sinabi ng lalaki kung saan siya dadalhin, ang atmospera sa loob ng sasakyan ay puno ng awkwardness. Hindi niya alam kung bakit, pero ang aura ng lalaki ay natural na nagdudulot sa kanya ng pakiramdam ng pagkailang. Kasalanan niya ‘to. Tatlong araw na silang kasal pero hindi man lang siya kumontak dito. Kaya hindi nakapagtataka na hindi ito matuwa. Nagdesisyon siya na tapusin ang katahimikan at naglakas-loob siyang magsalita. "Mister, saan mo ako dadalhin?" Hawak ng lalaki ang manibela at paminsang tumatapik ang hintuturo nito. "Bakit mo ako pinatayan ng tawag?" Balik-tanong ni Clegane. Malamig ang tono nito at halatang galit na galit. Ang babaeng ito lang yata ang unang tao sa buong mundo na may lakas ng loob na patayan siya ng tawag
Lubos na nagulat si Jane sa narinig. Hindi niya inaasahan na ang asawa niya ay hindi lang naghanda ng bahay, kundi balak pa nitong makipagsama sa kanya! Sabihin na natin na mabuting tao nga siya. Pero… "Mister, actually gusto ko sanang pag-usapan natin ito.” Huminga siya ng malalim. “Hindi mo na kailangang maghanda ng mga ganito, kasi hindi ko naman plano na istorbohin ka, pwede pa nating ipagpatuloy ang ating buhay gaya ng dati. Kung sa tingin mo ay nakakaabala pa, pwede tayong mag-divorce siguro sa loob ng ilang buwan..." Gusto lang naman niya na magkaro’n ng marriage registration. Iyon talaga ang pinaka rason. Ayaw niya kasi na mapilitan magpakasal sa lalaking sinasabi ng Mama niya. Malaki naman ang sinasahod niya at kaya niyang buhayin ang bata. Ang totoong plano niya, kapag malapit na siyang manganak ay makikipaghiwalay siya dito. Naghihintay lang siya ng tiyempo para hindi magduda ang kuya niya. Ngunit hindi pa niya natapos ang sasabihin nang biglang hinawakan siya ng lal
Bagaman talagang natakot si Jane kay Clegane kanina, kung iisiping niyang mabuti, siya ang nagmungkahi ng kasal. At hindi lang ito pumayag, naghanda pa ito ng bahay para sa kanila at nagplano pang makisama sa kanya. Ang seryosong pananaw nito sa kasal ay nakakabilib para sa kanya. Nakonsensya tuloy siya. Ginamit lang naman niya kasi ang lalaki sa simula palang. Hindi lang ‘yon, plano pa niyang akuin at ilihim ang tungkol sa kanilang anak. Pakiramdam niya ay napakasama niya ng mga sandaling ‘to. Kung ikukumpara kasi sa lalaki, sa simula palang ay parang wala na siyang puso. "Mister, wag kang mag alala, sisikapin ko ang makakaya ko para maging mabuting asawa sa’yo.” Nag isang linya ang kilay ni Clegane. Sisikapin nito na hindi siya lokohin? "Uulitin ko na lang, kapag may ginawa kang bagay na magpapasama sa akin sa loob ng anim na buwan..." Pinutol agad ito ni Jane ng may ngiti. “Mister, huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin kung anuman ang iniisip mo.” "Hindi ka ba natatak
Bagaman nakakaintimida ang awra ni Clegane at mukhang hindi madaling pakisamahan, matagal na siya sa sales at sanay sa lahat ng klase ng customer. Marami na siyang naka-salamuha na katulad nito. Saka ito ang pinaka gwapo, nakakawala ng takot kapag napatitig sa mukha nito. Sayang nga lang at matigas ang personalidad nito. Hindi dapat nito malaman ang tungkol sa bata, kundi maghihirap siya kapag dumating ang divorce. Basta’t makatawid siya ng ligtas sa susunod na anim na buwan, wala na silang magiging ugnayan! Hinawakan ni Jane ang kanyang flat na tiyan at muling nagdesisyon. "Huwag kang mag-alala, baby, hindi ko hahayaan na may kumuha sa'yo..." Sa sala... Pinagmamasdan ni Clegane ang pintuan ng kwarto ni Jane ng matagal, at medyo magulo ang kanyang ekspresyon. Bago pumasok ang babae sa kwarto, nagpasalamat pa siya sa kanya. Inisip niyang matatakot ito at baka umiyak, ngunit hindi niya inaasahan na ngingiti pa ito! Tinawagan ni Clegane ang numero ng secretary na si Jarren
Maaaring ngayon ay hindi pa duda ang babaeng ‘yon sa pagkakakilanlan niya. Pero hindi siya dapat maging kampante lalo na’t titira na sila sa iisang bubong. Kailangan niya mag ingat. Para makasiguro ay inutusan niya si Jarren na kumuha ng tao na magdadagdag ng kandado sa kanyang kwarto. Dala ang mga dukomento na naglalaman ng reports tungkol sa asawa at tahimik niyang tinahak ang daan pabalik. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Jane. Nakatayo ito sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya. Hindi ba’t umalis na ‘to kanina lang? Kailan pa ito nakabalik? Napalunok si Clegane. Kanina lang ay kausap niya si Jarren sa ibaba. Nasaksihan at narinig ba nito ang usapan nila ng secretary niya? Nabahala siya. “Mister!” Kumaway si Jane na may tabinging ngiti sa labi. “Lumabas lang ako para bumili ng almusal, pagbalik ko hindi na ako makapasok, hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Nagdoorbell ako walang nagbubukas. Kaya naman pala eh nasa labas ka pala.” Nakahinga ng maluwag si C
Hindi kumibo si Clegane at hinayaan na ipagtimpal siya ni Jane ng kape. Hindi talaga niya gusto ang lasa kaya hinayaan niya na ipagtimpla siya nito. Nagmamadali na nag init ng tubig si Jane. Wala na kasing laman ang thermos. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, inalok niya ito ng ibang pagkain. "Mister, bakit hindi mo subukan ang egg burger? Masarap po ‘to.” Tumanggi si Clegane ng buo at tiyak. Pansit lang ang kaya niyang kainin sa mga binili nito. Ayaw niya sa mamamtika na pagkain, pero wala siyang choice kundi kainin itong pansit. Tsk! Hindi pa siya nakakain ng ganito kamantikang pagkain. Ngayon lang dahil sa babaeng ito! Kung hahayaan niya ang sarili na kainin ang anumang ibigay nito, baka dumating ang panahon na malagay sa alanganin ang kalusugan niya. Tsk! Hamon para sa kanya simula ngayon ang bawat alok nito ng pagkain. Pagkatapos ipagtimpla ni Jane ng kape si Clegane ay nagpatuloy siya sa pagkain. “Hmp! Bahala ka kung ayaw mo… sayang masarap pa naman ‘to.” Ewa
"Halika na." Malamig ang tinig na utos ni Clegane kay Jarren. Pagkatapos tumawag ulit ni Jane sa kanyang kaibigan sa Porsche dealership ay sinabi niya kay Arnold ang magagastos. "Bagamat ang materyales ay maaring ibaba sa cost price, hindi naman maibaba ang labor cost at repair cost. Tinatayang aabot ng hindi bababa sa 30,000. Okay na ba sa'yo ito?" "Oo, siyempre!" sagot ni Arnold. Ang 80,000 ay naging 30,000 na lang bigla. Nagsimulang huminga ng maluwag si Arnold, habang ang kanyang mga mara ay nakatingin ng puno ng paghanga kay Jane. "Salamat, ha. Kung hindi dahil sa iyo, baka nagbayad ako ng malaking halaga sa kanila." Pasalamat ni Arnold na hindi inaalis ang titig kay Jane. "Libre ka ba mamaya? Gusto ko sana kitang anyayahang kumain sa labas bilang pasasalamat,"Inilingan ito ni Jane. "Wag ka na mag abala, Arnold. Magsilbing aral nalang itong nangyari. Dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa susunod, lalo na't nandiyan pa si Maya sa kotse mo. Na-kwento niya sa ak
Nagmumura si Clegane sa backseat na upuan ng Porsche. Nag-drive siya ng mini car kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang beses na pag-stall ng kotse sa daan, nawalan siya ng pasensya at kinailangan tumawag kay Jarren para sunduin siya, kaya’t nauubos ang oras sa kalsada. Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya, muling nabangga ang kotse. Malas na malas ang araw niya ngayon! Nang tumingin siya sa rearview mirror, nakita niyang bumaba ang isang binatang lalaki mula sa BMW. Tinatayang nasa 20 o 22 na taon ang lalaki, naka-trendy na damit. Sa simula, tila hindi ito apektado sa banggaan, at hindi akalaing malaki ang problema ng rear-end collision. Ngunit nang makita nito ng malinaw ang Porsche logo, bigla itong namutla. Sumenyas si Clegane sa kanyang secretary, agad na bumaba naman si Jarren mula sa kotse para asikasuhin ang insidente. Maliwanag na magiging problema ang pagbabayad ng kompensasyon dahil sa illegal na pagmamaneho at pagkakasagasa. Ayon sa sekretarya, aabot ng hi
Tumingin si Jane sa plato ni Clegane na wala ng laman. Akala niya ay hindi nito mauubos ang pansit. Ang ekspresyon kasi nito kanina ay nagpapakita na parang napipilitan lang na kumain ng pansit. Napangiti siya. Naubos nito ibig sabihin ay nasarapan ito. Akala niya talaga ay may matitira rito. Habang naghuhugas ng pinagkainan, narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Maya. Kilala si Jane bilang masipag, palagi itong naka-on duty, sa sobrang sipag ay ayaw ng mag-leave. Ito ang unang pagkakataon na mag-leave ito kaya nag alala si Maya na baka tinamaan ito ng sakit dahil sa ulan kagabi. Kaya tinawagan niya si Jane para kamustahin. “Maya, okay lang ako. Nag-leave ako dahil maglilipat ako ngayon..." "Maglilipat! Bakit hindi mo sinabi agad, Ate Jane? Nakakapagod mag-isa maglipat. Tamang-tama naka-off din ako ngayon, ibigay mo na lang ang address at pupunta ako agad!" Kinulit siya ni Maya kaya hindi na nakatanggi si Jane at ibinigay na lang niya ang address. Na