Alam ni Jane na hindi titigil ang Kuya Randy niya sa pamimilit sa kanya, kaya para matigil at para na rin sa ikakapanatag ng loob nito ay tinanggap niya ang ATM Card na inabot nito.
Di bale. Itatabi nalang niya ito para sa Kuya niya. Para sa oras ng kagipitan ay mayro'n siyang maibibigay rito. Nang tanggapin niya ang Card ay ngumiti 'to at bahagya pang ginulo ang buhok niya. "Siya nga pala, Jane. Kailan mo balak ipakilala sa amin si bayaw?" Hilaw na ngumiti si Jane. Hindi niya inasahan na agad na makakabawi ang kanyang kapatid sa balita at magtatanong tungkol sa kanyang asawa. "Sa susunod nalang siguro, Kuya. May kailangan pa kasi akong gawin ngayon kaya kailangan ko ng umalis." Mabilis na dahilan niya bago tumayo. "Mag aalas singko na, Kuya. Diba susunduin mo pa si Girlie?" tukoy niya sa anak nitong nasa kindergarten ngayon. Saka mayamaya lang ay dinner na. Kung magtatagal pa siya dito ay sigurado na aanyayahan siya ng Kuya niya na kumain, at tiyak na hindi iyon ikatutuwa ng kanyang hipag. Bagamat hindi sila magkasundo ng kanyang hipag, nais pa rin niyang manatiling maayos ang relasyon nito sa kanyang kapatid. Kaya umiiwas siya na magkaro'n ng hidwaan sa pagitan nila sa kabila ng hindi nito magandang ugali katulad ng kanyang ina. Mas mainam na ang umiwas para payapa ang pamilya. Pagkatapos magpaalam sa Kuya Randy niya at sa asawa nito ay umalis na siya. Bago umuwi ay naisipan niya na dumaan muna sa Drugstore para bumili ng gamot. "Ma'am, may reseta po kayo?" magalang na tanong ng pharmacist sa kanya. Tumango siya at inabot ang reseta na binigay sa kanya ng Doctor ng nakaraang magpacheck-up siya. Vitamins, folic acid ang nasa reseta, bumili din siya ng Anmum na gatas para sa kanya. Habang nagbabayad sa counter, ngumiti ang pharmacist sa kanya ng magiliw. "Ma’am, ang ganda-ganda mo naman po. May kamukha kang American actress. Sigurado ako na magiging maganda rin ang anak mo katulad mo.” Kiming ngumiti si Jane sa papuri ng pharmacist. “Uhm, salamat po.” Pagkakuha sa pinamili ay lumabas na siya ng Drugstore. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng papuri sa isang estranghero. Pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nasasanay. Hinaplos niya ang flat na tiyan ng makalabas. Hanggang ngayon ay hindi siya lubos makapaniwala na mayro’ng lumalaking bata sa loob ng kanyang manipis na tiyan. Magkakaanak na talaga siya! *Tumunog ang notification text sa kanyang cellphone ng dalawang beses. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang mensahe na natanggap niya. Mensahe pala ito galing sa matagal na niyang kliyente, nagtatanong kung nasa Shop siya. Balak raw nitong pumunta sa Shop kasama ang isang kaibigan na nagbabalak na bumili ng sasakyan. “Yes po, on the way na ako. Mga five minutes ay nari’yan na ako.” Reply niya. Kapag ganitong araw ay hindi siya pumapasok para magpahinga. Pero ngayong magkakaanak na siya ay kailangan niyang magdoble kayod para mabuhay silang mag ina. Sayang din ang commission na kikitain niya kung makakabente siya. Pagkatapos ilagay ang mga biniling gamot sa kanyang bag ay masigla siyang sumakay ng Scooter niya para bumalik sa Shop. Accountant ang kursong tinapos niya. Noong Highschool pa siya ay in-demand ang kursong ‘to, pero noong nakapagtapos na siya ay nahirapan siya na humanap ng trabaho. Kahit saan siya mag-apply ay puro with two years experience ang hinahanap o higit pang experience sa ibang kumpanya. May iilan naman na makakakuha siya ng experience with certificate pero masyadong mababa ang alok na sahod. Ang nasa isip niya noong panahon na iyon ay makapagbayad sa Kuya niya at makapagbigay sa Mama nila. Maliit ang minimum wage kaya humanap siya ng ibang trabaho. At pagbebenta nga ng mga sasakyan ang napasukan niya. Hindi rin naman kalakihan ang sahod, pero kung ikukumpara sa minimum wage ay mas okay na ‘to. Malaki kasi ang kita sa komisyon. Bata pa siyang namulat sa pagbabanat ng buto, marami siyang napasok na trabaho, kaya naman mahusay siyang makitungo sa mga tao at naging madali sa kanya ang pagbebenta. Dalawang buwan na ang nakalipas nang bilhin ng Apex Wheels Company ang Mart Car Dealership, kung saan siya nagtatrabaho. Ang Apex Wheels Company ang unang undisputed group sa Manila. Sa nakalipas na dalawang taon, isang bagong tagapagmana ang namuno rito, at dahil sa kanyang drastic reforms at innovation, napabilang ang Apex Wheels Company sa mga pinakamalalaking kumpanya sa buong bansa. Dahil dito, mas lumago ang negosyo ng Mart Car Dealership. May bagong manager din sa kanilang department, galing ito mismo sa Apex Wheels Company. At gaya ng kasabihan, "kapag bagong upo, may dalang bagong rules," agad itong nagpatupad ng bagong rules sa mga sales agent. Para makuha ang kabuohang sahod, kailangan mong makabenta ng sampong kotse sa loob ng isang buwan, at may karagdagang bonus din para sa sales champion. Ang sahod at bonus na ito ay sapat na para kay Jane, lalo na kung isasama pa ang komisyon. Kaya bawing-bawi naman ang pagod niya kahit mabawasan ang oras ng kanyang pahinga. Pagkarating niya sa Shop, agad niyang inasikaso ang kanyang mga customer—mula sa pagpapakita ng sasakyan, pag-explain ng pagkakaiba ng bawat model, hanggang sa test drive. Wala pang isang oras ay nakapabenta na siya ng isang kotse. Habang inihahatid ang mga customer palabas, hindi maikubli ng kasamahan niyang si Maya ang paghanga sa kanya. "Ate Jane, ang galing mo talaga! Wala pang isang oras pero nakabenta ka na agad ng 500 thousands na kotse! Ang bilis, Ate Jane! Idol na talaga kita! Bigyan mo naman ang tips, Ate Jane!” Napangiti nalang si Jane sa sinabi nito. "Maraming mga customer ang hindi pamilyar sa mga sasakyan, Maya. Bukod sa pagiging professional sa pagbebenta, kalangang kabisado mo rin ang bawat detalye ng kotseng binibenta mo, at higit sa lahat, dapat mong alamin kung ano ba ang klase ng sasakyan ang angkop sa kanila. Katulad nung mag-asawa kanina, nakita ko na may dala siyang baby carrier, kaya naisip kong may baby sila. Kapag may anak ka, marami kang dalang gamit, kaya ang malaking SUV ang nirekomenda ko sa kanila." Sunod-sunod ang tango ni Maya, seryoso itong nakikinig sa bawat sabihin ni Jane, tinatatak nito sa isip ang mga tips na naririnig mula sa kanya. Biglang lumapit sa kanila ang isang babaeng may kulot at pulang buhok, nakasuot ito ng maikli na pulang blouse kaya labas ang pusod nito, samantalang napaka ikli naman ng palda nito na hindi aabot sa kalahati ng hita ang haba, pakembot-kembot pa ang balakang nito habang naglalakad. Ito si Laarni, isa sa kanilang kasamahan. Sinulyapan sila nito ng may halong panunuya. "Maya, umaasa ka na naman bang tuturuan ka ni Jane? Paalala ko lang, hindi naman talaga siya ganoon kagaling pagdating sa sales marketing. Maganda lang naman siya kaya siya nakakabenta ng sasakyan." Lumatawan ang pagkainis sa mukha ni Maya sa sinabi ni Laarni, samantalang hindi naman natinag si Jane sa parinig nito. Iispin nalang niya na papuri iyon mula rito. Nandito siya para kumita ng pera, at wala siyang balak pakinggan ang mga walang kwentang sinasabi ng iba. Nakadama ng pagkayamot si Laarni ng hindi niya nakitaan ng pagkainis si Jane sa mga sinabi niya, pero agad din siyang napangiti na parang mayrong masamang balak. “Siya nga pala, Jane. Nandito ako para ipaalala sa’yo na approved na ni Sir Santos ang order na sasakyan kanina. Paki-ayos nalang ang impormasyon ng customer sa office para mapadala na ito sa akin mamaya.” Bumalatay ang pagtataka sa mukha ni Jane. Samantala ay hindi naman nakatiis na nagkomento si Maya. "Bakit kailangan dumaan sayo? Sandali lang. Inagaw mo na naman ang sale ni Ate Jane? Pangatlong beses mo na ‘tong ginawa ngayong buwan! Hindi ka ba marunong mahiya? Aba tinalo mo pa ang mga buwayang corrupt sa bansa!”Pinukol ni Laarni ng masamang tingin si Maya. "Ano ulit ang sinabi mo?” "Bakit? Hindi ba totoo naman!" Palaban na sagot nito. Nabulabog ang tao sa paligid dahil sa ingay ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Mula sa pintuan ng opisina ay lumabas ang Manager na si Gaston Santos na halatang iritable. “Ano'ng kaguluhan ‘to?" Hinila ni Jane si Maya at nilagay sa kanyang likuran. Mapapagalitan ito kung hahayaan niya na ipagtanggol pa siya. Ang usapang ito ay sa kanya at wala itong kinalaman. Magalang na nagsalita siya. “Sir Santos, customer ko ang bumili ng sasakyan, ako ang nag-assist sa kanila at ako ang ka-deal nila. Bakit kailangan na dumaan kay Laarni ang dokumento? Ako ang nakabenta, bakit ibibigay niyo na naman sa kanya ang order at komisyon ko?” Namewang ito at naka-ismid na nagsalita. “Dumating ang mag-asawa isang oras na ang nakakaraan bago ka dumating, Jane. Si Laarni ang nag-assist sa kanila mula pa kanina. Nagbanyo lang siya saglit, pero bigla kang du
Tinaasan ito ni Jane ng kilay. “Ayos lang kung ayaw mong isauli. Kakausapin ko na lang si Sir Santos.” Kinabahan si Laarni. Kanina lang bago umalis ng opisina ay sinagawan siya ng Manager nila. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya, at hindi niya alam kung anong klaseng strategy ang ginamit ni Jane para gawin ito ng lalaki sa kanya. “Oo na! Maghintay ka lang at ibibigay sa’yo ang dalawa pa!” Galit na galit na sabi ni Laarni at padabog pang umalis. Nang makaalis ang babae ay hindi napigilan ni Maya ang matawa. “Tingnan mo ‘yon, halos manlaki ang butas ng ilong sa sobrang inis. Buti nga sa kanya!” “Siya nga pala, Ate Jane. Akala ko talaga hahayaan mo na ang ginawa nila. Aba hindi ko akalain ka may sa tigre ka pala kapag nagalit ka. Paano mo ‘yon nagawa? Totoo bang nagpunta ka sa General Manager natin?” Umiling si Jane. “Walang silbi kung pupunta ako sa General Manager ng Mart Dealership.” Matagal nang binili ng Apex Wheels Company ang Mart Dealership, kaya ang General
"Buntis ka, iha.” Nanlaki ang mga mata ni Jane sa narinig habang nakatitig sa monitor ng screen kung nasa’n ang ultrasound report. “B-Buntis ako?” Tumango ang Doctor sa dalaga. Bahagyang napailing ang matanda ng makita ang pagkabigla sa mukha ng kanyang pasyente. Sa dami ng kabataang babae na nagbubuntis ng hindi inaasahan, sanay ito sa ganitong reaksyon ng paayente pagkatapos marinig ang nakakagulat na balita. Kung hindi tulala, madalas na tuliro pa at histerikal ang mga ito pagkatapos marinig ang resulta. “Pang ilan na ang pinagbubuntis mo? Kung gano’n ay first time ito.” Bawi ng doktor ng makita ang pagkiling ng ulo ng pasyente. Tulala pa rin ito at nakatitig sa monitor. Nagsalita ang Doctor para pukawin ang tulalang pasyente. “Miss, paalala lang bilang Doctor na nagmamalasakit sayo bilang pasyente. Hindi ligtas ang magpa-abort ng bata. Ang abortion ay hindi ligtas, minsan humahantong ‘yon sa habangbuhay na pagkabaog. Kung ipapa-abort mo ang bata ay pag isipan mo—“ ‘Ab
Ilang beses na huminga ng malalim si Jane habang sakay ng kanyang scooter sa harap ng City hall kung saan nila napag usapan na magkita. Dahil sa dami ng iniisip hindi niya napansin nang huminto ang isang sasakyan sa likuran niya. Kung hindi dahil sa animo na tumakip sa kabuohan niya ay hindi siya matatauhan. Nang tumingin siya sa taong ‘yon ay isang pares ng malamig na mata ang sumalubong sa kanya. Nakatalikod sa liwanang ng sikat ng araw ang lalaki . Matangkad ito kaya natakpan siya ng anino nito. Limang talampakan lang ang taas niya, ang lalaking kaharap niya ay sigurado siya na anim na talampakan at higit pa. ‘Ang tangkad nito!’ Isip-isip niya. Mukhang tatlong beses ang laki nito sa ka kanya. Matipuno din ang katawan ng lalaki at sumisigaw ang nakaka-intimida na awra nito. Suot nito sa mata ay isang light gold rimless glasses, at sa likod ng salamin ay sasalubong ang malamig at walang emosyon nitong mata. Malamig ang presensya nito na pangingilagan ninuman dahil mukhang hindi i
NAPAKATAGAL nagsimula ang kasalang bayan dahil hinintay pang dumating ang Mayor ng bayan at ang maraming ikakasal kagaya nila. Mainit dahil tirik ang araw pero hindi nakarinig ng reklamo si Jane sa lalaking mapapangasawa niya. Nang matapos ang kasal ay pumirma na sila sa Marriage Certificate nila. Makukuha nila ang certificate sa City hall pagkatapos ng isang buwan. "Err, Sir... baka pwedeng ngumiti ka sa camera. Araw ng kasal niyong mag asawa, dapat magpakita ka ng ngiti sa kuha niyong dalawa." Tumingin si Jane sa lalaking asawa na niya ngayon. Narito sila ngayon sa harap ng photograper na inupahan ng Mayor na kuhaan ng litrato ang bawat mag asawa na kinasal sa kasalang bayan na 'to. Mahinang siniko niya ito. "Ngumiti ka naman kasi, hindi 'yong parang nalugi ka di'yan." bulong niya rito. Wala man lang 'tong kangiti-ngiti. "Aba mamaya isipin nila ay pinikot ko siya." Isip-isip ni Jane. Tumagal ang pagkuha sa kanila ng litrato dahil hindi talaga ngumiti ang lalaki kahit
Masigasig at walang tigil sa pagtatanong ang kuya niya. Nang dumating ang asawa nitong si Bea ay sumingit ito at nagsalita ng may patuya. "Randy, bente-kwatro na 'yang kapatid mo. Matanda na siya kaya sigurado akong alam niya ang ginagawa niya. At ikaw naman, Jane, ibang klase ka rin noh? Porke ba matanda ka na ay basta mo nalang papalagpasin at hindi sasabihin sa amin ang ganito kahalagang desisyon mo? Hindi mo na ginalang ang matatanda sa pamilyang 'to. Paano mo hindi nagawang ipaalam kay Mama ang tungkol sa pagpapakasal mo? Aba yumayabang ka na yata." Kumuyom ang kamay ni Jane. Yumabang? At saka para saan pa? Para hintayin na maipagbili siya ng Mama niya sa halagang dalawang milyon? "Kumukupas ang ganda, Jane. Kapag tumanda ka ay kukulubot ka din. Kaya bakit ang arte mo at ayaw mong pakasalan 'yong sinasabi ni Mama na lalaki? Sinayang mo ang dalawang milyon na makukuha ng pamilya natin. Anong inaarte-arte mo? Porke diborsyado 'yong lalaki ayaw mo na? Hindi naman big deal kung

Pinukol ni Laarni ng masamang tingin si Maya. "Ano ulit ang sinabi mo?” "Bakit? Hindi ba totoo naman!" Palaban na sagot nito. Nabulabog ang tao sa paligid dahil sa ingay ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Mula sa pintuan ng opisina ay lumabas ang Manager na si Gaston Santos na halatang iritable. “Ano'ng kaguluhan ‘to?" Hinila ni Jane si Maya at nilagay sa kanyang likuran. Mapapagalitan ito kung hahayaan niya na ipagtanggol pa siya. Ang usapang ito ay sa kanya at wala itong kinalaman. Magalang na nagsalita siya. “Sir Santos, customer ko ang bumili ng sasakyan, ako ang nag-assist sa kanila at ako ang ka-deal nila. Bakit kailangan na dumaan kay Laarni ang dokumento? Ako ang nakabenta, bakit ibibigay niyo na naman sa kanya ang order at komisyon ko?” Namewang ito at naka-ismid na nagsalita. “Dumating ang mag-asawa isang oras na ang nakakaraan bago ka dumating, Jane. Si Laarni ang nag-assist sa kanila mula pa kanina. Nagbanyo lang siya saglit, pero bigla kang du
Alam ni Jane na hindi titigil ang Kuya Randy niya sa pamimilit sa kanya, kaya para matigil at para na rin sa ikakapanatag ng loob nito ay tinanggap niya ang ATM Card na inabot nito. Di bale. Itatabi nalang niya ito para sa Kuya niya. Para sa oras ng kagipitan ay mayro'n siyang maibibigay rito. Nang tanggapin niya ang Card ay ngumiti 'to at bahagya pang ginulo ang buhok niya. "Siya nga pala, Jane. Kailan mo balak ipakilala sa amin si bayaw?" Hilaw na ngumiti si Jane. Hindi niya inasahan na agad na makakabawi ang kanyang kapatid sa balita at magtatanong tungkol sa kanyang asawa. "Sa susunod nalang siguro, Kuya. May kailangan pa kasi akong gawin ngayon kaya kailangan ko ng umalis." Mabilis na dahilan niya bago tumayo. "Mag aalas singko na, Kuya. Diba susunduin mo pa si Girlie?" tukoy niya sa anak nitong nasa kindergarten ngayon. Saka mayamaya lang ay dinner na. Kung magtatagal pa siya dito ay sigurado na aanyayahan siya ng Kuya niya na kumain, at tiyak na hindi iyon ikatutuwa ng