Tinaasan ito ni Jane ng kilay. “Ayos lang kung ayaw mong isauli. Kakausapin ko na lang si Sir Santos.”
Kinabahan si Laarni. Kanina lang bago umalis ng opisina ay sinagawan siya ng Manager nila. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya, at hindi niya alam kung anong klaseng strategy ang ginamit ni Jane para gawin ito ng lalaki sa kanya. “Oo na! Maghintay ka lang at ibibigay sa’yo ang dalawa pa!” Galit na galit na sabi ni Laarni at padabog pang umalis. Nang makaalis ang babae ay hindi napigilan ni Maya ang matawa. “Tingnan mo ‘yon, halos manlaki ang butas ng ilong sa sobrang inis. Buti nga sa kanya!” “Siya nga pala, Ate Jane. Akala ko talaga hahayaan mo na ang ginawa nila. Aba hindi ko akalain ka may sa tigre ka pala kapag nagalit ka. Paano mo ‘yon nagawa? Totoo bang nagpunta ka sa General Manager natin?” Umiling si Jane. “Walang silbi kung pupunta ako sa General Manager ng Mart Dealership.” Matagal nang binili ng Apex Wheels Company ang Mart Dealership, kaya ang General Manager ng Mart ay halos wala ng kapangyarihan, lalo na pagdating sa ganitong suliranin ng mga empleyado. Kaya naman, sa halip na dumaan sa matataas na opisyal, dumiretso siya sa internal website ng kumpanya at hinanap ang pribadong email address ng CEO ng Apex. Isinulat niya ang kanyang reklamo at diretsong ipinadala rito. Dahil galing sa Apex si Sir Santos, hinayaan niyang Apex rin ang magtuwid sa pagkakamali nito. “Nabasa ko ang isang panayam niya sa isang pahayagang pang-pinansyal. Doon sinabi na minsan siyang nagtrabaho bilang pangkaraniwang empleyado para maranasan ang buhay at may malasakit siya sa kanyang mga tauhan. Kaya sinubukan ko lang. Sabi nga nila, walang masamang sumubok.” Manghang nagsalita si Maya. “Mukhang mabuting tao si Mr. Montenegro. Marunong siyang kumilatis ng tama at mali at makinig sa mga katulad natin.” Kiming ngumiti lang si Jane sa sinabi ni Maya at bahagyang umiling. “Hindi tayo sigurado di’yan.” “Huh?” “Hindi nagawang paghiwalayin ni Sir Santos ang personal na buhay sa trabaho, pero ang ginawa lang ni Mr. Montenegro ay ipabalik sa akin ang deal nang walang ibang parusa. Ibig sabihin, hindi ito big deal sa kanya. Ang sabi nga nila, kung baluktot ang pinuno, baluktot din ang mga nasa ilalim. Kaya hindi tayo sigurado kung mabuti nga siyang tao.” Bumuntonghininga siya. At isa pa, dahil sa ginawa niya ay tuluyan na siyang nagkaro’n ng kaaway. Bagama’t sumunod si Sir Santos ngayon, alam niya na gagawa ito ng paraan upang pahirapan siya para makaganti sa kanya. ‘Nako naman. Nagtrabo ako at nagsipag para kumita, hindi para maghanap ng kaaway.’ Reklamo ng isip niya. Hindi magtatagal ay lalaki ang tiyan niya, ilang buwan mula ngayon ay kailangan niyang huminto muna sa pagtatrabaho. Kaya kailangan talaga niya ngayon na kumayod habang kaya pa niya. Hindi siya pwedeng matanggal rito. ‘Hays… ang hirap talaga kumita ng pera.’ ******* Pagkatapos ng ilang araw na pag-iinspeksyon sa mga pabrika, pamamahala ng meeting ng mga shareholders, at pagpaplano ng negosyo para sa susunod na quarter, pagod na pagod na si Clegane nang makatanggap siya ng isang hindi inaasahang email. Tiningnan niya ang pangalan ng sender at napakunot-noo. “Jane Valdez?” Himas ang baba na sambit niya sa pangalan. Parang narinig niya na ito noon. Ngunit mas pamilyar ang pangalang Gaston Santos, isa sa tauhan ng kanyang Uncle. Tinawag niya ang secretary at inutusan na papuntahin ang General Manager sa opisina niya. “S-Sir, paano po ninyo gustong resolbahin ang isyung ito kay Manager Santos?” Nababahalang tanong nito kay Clegane, nanginginig pa ang boses nito na animoy takot. “Huwag kayong mag-alala, Sir! Papagalitan ko agad si Manager Santos at ipapabalik ang sales sa empleyado! Ipapatama ko agad ang issue na’to!” Hindi kumibo si Clegane at tumingin lang ng malamig sa kaharap. Sa takot ng lalaki ay nagmamadali itong lumabas na animoy may humahabol sa kanya. Samantala kunot ang noo lamang na nag-iisip si Clegane ng makaalis ang General Manager. Matagal nang may mga pagkakamali si Gaston Santos kaya siya ibinaba sa posisyong iyon. Hindi na siya nagulat na ganoon ito. Ang simpleng pangaral ay napakagaan na parusa. Pero dahil tauhan ito ng kanyang Uncle, hindi pa niya ito kayang tanggalin, hindi pa sa ngayon. Tumingin si Clegane sa nilabasang pinto ng General Manager. Nag-isang linya ang kilay niya ng maalala kung gaano ito katakot. Talaga bang nakakatakot ang mukha niya? Sakto namang pumasok ang kanyang secretary na si Jarren. Oo, lalaki ang kanyang secretary, ngunit pink ang gamit na kotse. “Sir, sino po ang gumalit sa’yo at ganyan ang mukha mo?” “What? Hindi ako galit!” Napatingin sa kanya ito at hindi napigilang matawa. “Sir, huwag po kayong magalit! Alam niyo namang ang itsura niyo ay madaling makalikha ng maling impresyon.” “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Kung wala ay lumayas ka.” Taboy niya. “Sir naman, nagtatanong lang naman ako. Sige ka, kapag lumayas ako ay mawawalan ka ng pinakamahusay na secretary.” Biro nito. Sa buong Apex, kilalang-kilala ang amo niya bilang isang malupit at istriktong CEO. Ang matatalim nitong tingin ay parang gustong lumamon ng tao. Kaunti lang ang may tapang na harapin ito. Ngunit sa likod ng inakala ng lahat, kabaligtaran iyon. Dahil ang totoo, madali itong pakisamahan. Kung hindi, matagal na siyang nawalan ng trabaho dahil sa sinabi niya ngayon. Hinilot ni Clegane ang sentido. Sanay na siyang matakot ang mga tao sa kanya. Kaya wala ng bago sa pagtakbo ng General Manager kanina. Pero noong nakaraang araw ay mayro’ng isang tao na hindi natakot sa kanya. Sandali! Napatuwid siya ng upo ng may maalala ang pangalan ng babae na pinakasalan niya. Kaya pala pamilyar ang pangalan na nabasa niya sa email na natanggap niya kanina. Dahil ang pangalan ng kanyang asawa ay Jane Valdez! Binuksan ang employee file ni Jane, at tiningnan ang larawan nito. Napatitig siya sa screen… ito nga ang babaeng ‘yon! Napakaliit nga naman mundo. Pero sandali lang. Tatlong araw na ang lumipas. Akala niya, pagkatapos nilang magpakasal, hindi mapapakali si Jane at makikipag-ugnayan sa kanya agad. Pero tatlong araw na ang lumipas ay wala ni isang mensahe galing rito. Mukhang magaling magpigil ang babaeng ‘yon. Dahil siya ang CEO ng Apex, hindi na siya nagtataka kung paano siya nakilala ni Jane. Malinaw na sinadya nitong pakasalan siya para sa pera. At ngayon mukhang hindi ito kumukontak sa kanya para pilitin siyang mauna na mag-reach out dito. Mukhang matigas ang babaeng ‘yon! Kinuha ni Clegane ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Jane sa kanyang contact list. Tatlong araw na. Anuman ang pakay nito, panahon na para ipakita iyon sa kanya. Nagpadala agad siya ng mensahe rito. “Lumabas tayo at magkita tayo.” Sigurado siyang tuwang-tuwa ang babaeng iyon ngayon. Pero pagkatapos ng ilang minuto, wala siyang natanggap na reply mula rito. Tinawagan niya ito ngunit nito sinasagot ang tawag niya—pinatay pa nito! Naningkit ang mata ni Clegane. Humigpit ang hawak sa cellphone, at dumilim ang kanyang ekspresyon. Tangina! Hindi nga?! Pinatayan siya ng babaeng iyon?!Marami ang customer na nangangailangan ng sasakyan nitong nakaraang araw. Kaya naman hanggang gabi ay abala si Jane. Matapos ang huling transaksyon at umalis ang huling customer na tumingin ng sasakyan, saka lamang siya naghanda para umuwi. Pagkatapos magpaalam sa mga kasama ay pumunta siya sa locker para kunin ang susi ng scooter. Paglabas niya ay tumingin siya sa langit. Mula pa kaninang tanghali, malakas na ang hangin, at ngayo’y nagsimula nang umambon. “Oo nga pala may bago na namang bagyo na dumating.” Tumingin siya sa madulas na daan. Delikado ang daan para sa buntis na gaya niya. Baka mamaya ay madigrasya siya. Hindi niya gustong itaya ang kaligtasan ng dinadala niya. Nakapagpasya na siya. Kahit nagtitipid siya para makaipon, mas mahalaga ang kaligtasan ng bata. Sa ngayon ay magtataxi nalang muna siya pauwi. Iniwan niya muna ang scooter sa Shop, pagkatapos ay bumalik para maghintay ng taxi. “Ate Jane!” Tawag ni Maya ng makita siya. “Umaambon, baka lumakas ang ula
Nagulat si Jane at awang ang labi na hindi nakapagsalita sa gulat. Nakita niyang mabilis na umuusad ang mga tanawin sa magkabilang gilid ng bintana ng sasakyan at ang itim na kotse ay patuloy na umaandar sa makulimlim na kalsada sa gabi. Hindi sinabi ng lalaki kung saan siya dadalhin, ang atmospera sa loob ng sasakyan ay puno ng awkwardness. Hindi niya alam kung bakit, pero ang aura ng lalaki ay natural na nagdudulot sa kanya ng pakiramdam ng pagkailang. Kasalanan niya ‘to. Tatlong araw na silang kasal pero hindi man lang siya kumontak dito. Kaya hindi nakapagtataka na hindi ito matuwa. Nagdesisyon siya na tapusin ang katahimikan at naglakas-loob siyang magsalita. "Mister, saan mo ako dadalhin?" Hawak ng lalaki ang manibela at paminsang tumatapik ang hintuturo nito. "Bakit mo ako pinatayan ng tawag?" Balik-tanong ni Clegane. Malamig ang tono nito at halatang galit na galit. Ang babaeng ito lang yata ang unang tao sa buong mundo na may lakas ng loob na patayan siya ng tawag
Lubos na nagulat si Jane sa narinig. Hindi niya inaasahan na ang asawa niya ay hindi lang naghanda ng bahay, kundi balak pa nitong makipagsama sa kanya! Sabihin na natin na mabuting tao nga siya. Pero… "Mister, actually gusto ko sanang pag-usapan natin ito.” Huminga siya ng malalim. “Hindi mo na kailangang maghanda ng mga ganito, kasi hindi ko naman plano na istorbohin ka, pwede pa nating ipagpatuloy ang ating buhay gaya ng dati. Kung sa tingin mo ay nakakaabala pa, pwede tayong mag-divorce siguro sa loob ng ilang buwan..." Gusto lang naman niya na magkaro’n ng marriage registration. Iyon talaga ang pinaka rason. Ayaw niya kasi na mapilitan magpakasal sa lalaking sinasabi ng Mama niya. Malaki naman ang sinasahod niya at kaya niyang buhayin ang bata. Ang totoong plano niya, kapag malapit na siyang manganak ay makikipaghiwalay siya dito. Naghihintay lang siya ng tiyempo para hindi magduda ang kuya niya. Ngunit hindi pa niya natapos ang sasabihin nang biglang hinawakan siya ng lal
Bagaman talagang natakot si Jane kay Clegane kanina, kung iisiping niyang mabuti, siya ang nagmungkahi ng kasal. At hindi lang ito pumayag, naghanda pa ito ng bahay para sa kanila at nagplano pang makisama sa kanya. Ang seryosong pananaw nito sa kasal ay nakakabilib para sa kanya. Nakonsensya tuloy siya. Ginamit lang naman niya kasi ang lalaki sa simula palang. Hindi lang ‘yon, plano pa niyang akuin at ilihim ang tungkol sa kanilang anak. Pakiramdam niya ay napakasama niya ng mga sandaling ‘to. Kung ikukumpara kasi sa lalaki, sa simula palang ay parang wala na siyang puso. "Mister, wag kang mag alala, sisikapin ko ang makakaya ko para maging mabuting asawa sa’yo.” Nag isang linya ang kilay ni Clegane. Sisikapin nito na hindi siya lokohin? "Uulitin ko na lang, kapag may ginawa kang bagay na magpapasama sa akin sa loob ng anim na buwan..." Pinutol agad ito ni Jane ng may ngiti. “Mister, huwag kang mag-alala, hindi ko gagawin kung anuman ang iniisip mo.” "Hindi ka ba natatak
Bagaman nakakaintimida ang awra ni Clegane at mukhang hindi madaling pakisamahan, matagal na siya sa sales at sanay sa lahat ng klase ng customer. Marami na siyang naka-salamuha na katulad nito. Saka ito ang pinaka gwapo, nakakawala ng takot kapag napatitig sa mukha nito. Sayang nga lang at matigas ang personalidad nito. Hindi dapat nito malaman ang tungkol sa bata, kundi maghihirap siya kapag dumating ang divorce. Basta’t makatawid siya ng ligtas sa susunod na anim na buwan, wala na silang magiging ugnayan! Hinawakan ni Jane ang kanyang flat na tiyan at muling nagdesisyon. "Huwag kang mag-alala, baby, hindi ko hahayaan na may kumuha sa'yo..." Sa sala... Pinagmamasdan ni Clegane ang pintuan ng kwarto ni Jane ng matagal, at medyo magulo ang kanyang ekspresyon. Bago pumasok ang babae sa kwarto, nagpasalamat pa siya sa kanya. Inisip niyang matatakot ito at baka umiyak, ngunit hindi niya inaasahan na ngingiti pa ito! Tinawagan ni Clegane ang numero ng secretary na si Jarren
Maaaring ngayon ay hindi pa duda ang babaeng ‘yon sa pagkakakilanlan niya. Pero hindi siya dapat maging kampante lalo na’t titira na sila sa iisang bubong. Kailangan niya mag ingat. Para makasiguro ay inutusan niya si Jarren na kumuha ng tao na magdadagdag ng kandado sa kanyang kwarto. Dala ang mga dukomento na naglalaman ng reports tungkol sa asawa at tahimik niyang tinahak ang daan pabalik. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Jane. Nakatayo ito sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya. Hindi ba’t umalis na ‘to kanina lang? Kailan pa ito nakabalik? Napalunok si Clegane. Kanina lang ay kausap niya si Jarren sa ibaba. Nasaksihan at narinig ba nito ang usapan nila ng secretary niya? Nabahala siya. “Mister!” Kumaway si Jane na may tabinging ngiti sa labi. “Lumabas lang ako para bumili ng almusal, pagbalik ko hindi na ako makapasok, hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Nagdoorbell ako walang nagbubukas. Kaya naman pala eh nasa labas ka pala.” Nakahinga ng maluwag si C
Hindi kumibo si Clegane at hinayaan na ipagtimpal siya ni Jane ng kape. Hindi talaga niya gusto ang lasa kaya hinayaan niya na ipagtimpla siya nito. Nagmamadali na nag init ng tubig si Jane. Wala na kasing laman ang thermos. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, inalok niya ito ng ibang pagkain. "Mister, bakit hindi mo subukan ang egg burger? Masarap po ‘to.” Tumanggi si Clegane ng buo at tiyak. Pansit lang ang kaya niyang kainin sa mga binili nito. Ayaw niya sa mamamtika na pagkain, pero wala siyang choice kundi kainin itong pansit. Tsk! Hindi pa siya nakakain ng ganito kamantikang pagkain. Ngayon lang dahil sa babaeng ito! Kung hahayaan niya ang sarili na kainin ang anumang ibigay nito, baka dumating ang panahon na malagay sa alanganin ang kalusugan niya. Tsk! Hamon para sa kanya simula ngayon ang bawat alok nito ng pagkain. Pagkatapos ipagtimpla ni Jane ng kape si Clegane ay nagpatuloy siya sa pagkain. “Hmp! Bahala ka kung ayaw mo… sayang masarap pa naman ‘to.” Ewa
Tumingin si Jane sa plato ni Clegane na wala ng laman. Akala niya ay hindi nito mauubos ang pansit. Ang ekspresyon kasi nito kanina ay nagpapakita na parang napipilitan lang na kumain ng pansit. Napangiti siya. Naubos nito ibig sabihin ay nasarapan ito. Akala niya talaga ay may matitira rito. Habang naghuhugas ng pinagkainan, narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Maya. Kilala si Jane bilang masipag, palagi itong naka-on duty, sa sobrang sipag ay ayaw ng mag-leave. Ito ang unang pagkakataon na mag-leave ito kaya nag alala si Maya na baka tinamaan ito ng sakit dahil sa ulan kagabi. Kaya tinawagan niya si Jane para kamustahin. “Maya, okay lang ako. Nag-leave ako dahil maglilipat ako ngayon..." "Maglilipat! Bakit hindi mo sinabi agad, Ate Jane? Nakakapagod mag-isa maglipat. Tamang-tama naka-off din ako ngayon, ibigay mo na lang ang address at pupunta ako agad!" Kinulit siya ni Maya kaya hindi na nakatanggi si Jane at ibinigay na lang niya ang address. Na
"Halika na." Malamig ang tinig na utos ni Clegane kay Jarren. Pagkatapos tumawag ulit ni Jane sa kanyang kaibigan sa Porsche dealership ay sinabi niya kay Arnold ang magagastos. "Bagamat ang materyales ay maaring ibaba sa cost price, hindi naman maibaba ang labor cost at repair cost. Tinatayang aabot ng hindi bababa sa 30,000. Okay na ba sa'yo ito?" "Oo, siyempre!" sagot ni Arnold. Ang 80,000 ay naging 30,000 na lang bigla. Nagsimulang huminga ng maluwag si Arnold, habang ang kanyang mga mara ay nakatingin ng puno ng paghanga kay Jane. "Salamat, ha. Kung hindi dahil sa iyo, baka nagbayad ako ng malaking halaga sa kanila." Pasalamat ni Arnold na hindi inaalis ang titig kay Jane. "Libre ka ba mamaya? Gusto ko sana kitang anyayahang kumain sa labas bilang pasasalamat,"Inilingan ito ni Jane. "Wag ka na mag abala, Arnold. Magsilbing aral nalang itong nangyari. Dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa susunod, lalo na't nandiyan pa si Maya sa kotse mo. Na-kwento niya sa ak
Nagmumura si Clegane sa backseat na upuan ng Porsche. Nag-drive siya ng mini car kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang beses na pag-stall ng kotse sa daan, nawalan siya ng pasensya at kinailangan tumawag kay Jarren para sunduin siya, kaya’t nauubos ang oras sa kalsada. Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya, muling nabangga ang kotse. Malas na malas ang araw niya ngayon! Nang tumingin siya sa rearview mirror, nakita niyang bumaba ang isang binatang lalaki mula sa BMW. Tinatayang nasa 20 o 22 na taon ang lalaki, naka-trendy na damit. Sa simula, tila hindi ito apektado sa banggaan, at hindi akalaing malaki ang problema ng rear-end collision. Ngunit nang makita nito ng malinaw ang Porsche logo, bigla itong namutla. Sumenyas si Clegane sa kanyang secretary, agad na bumaba naman si Jarren mula sa kotse para asikasuhin ang insidente. Maliwanag na magiging problema ang pagbabayad ng kompensasyon dahil sa illegal na pagmamaneho at pagkakasagasa. Ayon sa sekretarya, aabot ng hi