Share

Chapter 3.

Author: Alliza
last update Last Updated: 2025-02-19 21:28:55

NAPAKATAGAL nagsimula ang kasalang bayan dahil hinintay pang dumating ang Mayor ng bayan at ang maraming ikakasal kagaya nila. Mainit dahil tirik ang araw pero hindi nakarinig ng reklamo si Jane sa lalaking mapapangasawa niya.

Nang matapos ang kasal ay pumirma na sila sa Marriage Certificate nila. Makukuha nila ang certificate sa City hall pagkatapos ng isang buwan.

"Err, Sir... baka pwedeng ngumiti ka sa camera. Araw ng kasal niyong mag asawa, dapat magpakita ka ng ngiti sa kuha niyong dalawa."

Tumingin si Jane sa lalaking asawa na niya ngayon. Narito sila ngayon sa harap ng photograper na inupahan ng Mayor na kuhaan ng litrato ang bawat mag asawa na kinasal sa kasalang bayan na 'to.

Mahinang siniko niya ito. "Ngumiti ka naman kasi, hindi 'yong parang nalugi ka di'yan." bulong niya rito.

Wala man lang 'tong kangiti-ngiti. "Aba mamaya isipin nila ay pinikot ko siya." Isip-isip ni Jane.

Tumagal ang pagkuha sa kanila ng litrato dahil hindi talaga ngumiti ang lalaki kahit isang beses. Nangangawit na ang panga niya sa pagngiti. "Hmp! Ngiti lang pinagdadamot pa!" Maktol niya sa isip sabay sulyap sa lalaki.

Hindi pa ba ito ngumiti sa buong buhay nito? Mukhang hindi kasi ito marunong ngumiti, kahit peke lang sana at sa araw na 'to lang.

Nang matapos ang pagkuha sa kanila ng larawan ay lumabas na sila. Pagdating sa labas, nakita niyang wala na ang tirik kanina na araw, madilim na ang langit at puno ng makapal na ulap. Naalala niya ang balita kaninang umaga. May paparating daw na bagyo sa loob ng isa o dalawang araw.

"Nako ang sinampay ko!" Naalala niya na may mga sinampay siya sa bahay. Kung hindi siya makakauwi agad ay sigurado na mababasa ang mga uniporme niya sa trabaho. Sira pa naman ang dryer niya ngayon.

Kinalabit niya ang asawa niya. "Akina ang number mo! dali!" Tarantang wika niya sabay kuha ng cellphone sa bag. "Uuwi na ako, may kailangan akong gawin. Kung may gusto kang malaman, text-text nalang tayo!"

Nilabas ng lalaki ang cellphone, bago pa nito masabi ang numero, kinuha ni Jane ang cellphone sa kamay nito at siya mismo ang naglagay ng numero niya sa contact list nito. Pagkatapos ilagay ang numero at pangalan rito ay cellphone naman niya ang binigay niya sa lalaki.

"Ano nga pala ulit ang pangalan ng lalaking 'to?" isip-isip ni Jane. Hindi niya kasi tiningnan ang pinirmahan nila kaninang Marriage certificate. Nakakatawa. Kasal na sila at mag asawa na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila kilala ang isa't isa. Hindi niya sigurado kung tinandaan ba ng lalaking 'to ang pangalan niya matapos magpakilala dito kanina. Mukhang wala naman kasi itong pakialam sa kanya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

Malamig na tumingin si Clegane sa babae na asawa na niya ngayon. Sa pagkakatanda niya ay Jane ang pangalan nito. "Clegane."

Napalunok ng laway si Jane. Biglang nag init ang pisngi niya sa ilalim ng titig nito.

"Nakaka panlambot talaga ang titig ng mga gwapo." Isip-isip niya bago tumango. "Sige-sige, simula ngayon ay tatawagin nalang kitang, Mister." Double meaning iyon para sa kanya. Mister dahil asawa na niya ito, at Mister bilang hindi pa niya lubusang kilala. Gano'n naman minsan ang tawag sa isang estranghero diba?

Samantala, kumunot naman ang noo ni Clegane. Mister pa rin? Anong palabas ito ng babaeng 'to? Nagpapakipot ba ito para itago ang totoong motibo?

Tumingin siya sa relo at malamig na sumagot. "May gagawin pa ako kaya kailangan ko na rin bumalik sa trabaho. Hindi na kita maihahatid."

"Nako okay lang. Nagpapasalamat pa nga ako dahil pumunta ka at pinakasalan pa ako." Binuhay ni Jane ang makina ng scooter at kumaway bago pinaandar ito. "Bye, Mister! Mauuna na ako sa'yo!"

Sinundan ni Clegane ng tingin ang lumalayong pigura ng babae. Akala niya magpapakita ito ng tunay na intensyon pagkatapos nilang magpakasal. Na hihingi ito ng pera o kung anong material na bagay. Imposibleng simpleng kasal lang ang habol ng babaeng 'yon, diba?

Ngunit sa kanyang pagtataka, umalis ito nang hindi man lang lumilingon sa kanya.

Nang mawala ng tuluyan sa kanyang paningin si Jane ay nag-isang linya ang kilay niya. Bakit pakiramdam niya siya ang nagamit sa sitwasyong 'to? Ito ba ang taktika ng babaeng 'yon para makuha ang atensyon ng isang lalaki?

Naputol ang iniisip niya ng mag ring ang cellphone niya. Tumawag ang secretary niya. "Sir, gusto ko lang ipaalala sa'yo na may important meeting ka mamaya."

Bumalik sa pagiging blanko ang kanyang ekspresyon at tumango. Pagkatapos ng tawag ay binulsa niya ang cellphone, sumakay na sa kotse at nagmaneho pabalik sa opisina.

Bilang Presidente ng Montenegro Group of Companies, sanay si Clegane na siya ang may kontrol sa lahat. Pero ngayon ay parang nawalan siya ng kontrol. Sa isang iglap lang ay nakasal siya sa babaeng hindi naman niya lubusang kilala.

Siguraduhin lang ng babaeng 'yon na wala itong masamang motibo, dahil kung hindi ay siya mismo ang magiging bangungot nito.

********

"Nako ang sinampay ko!"

Pagkauwi ni Jane sa likuran ng bahay agad siya pumunta para tingnan ng mga sinampay niya.

Malakas na ang hangin at halos liparin na ang mga mga sinampay niya. Mabuti nalang at nakauwi agad siya, kundi ay baka nabasa na ang mga 'to sa paparating na ulan.

Dahil hindi pa naman malakas ang ambon, bumalik siya sa likod ng bahay nila para dalhin ang mga kalakal na binibenta niya kapag naipon. Simula kasi ng mag aral siya ay hindi siya binibigyan ng mama niya ng baong pera. Isa sa natutunan niya at nakasanayang gawin ay magbenta ng mga kalakal katulad ng plastik, bote at mga diyaryo. Nakaka-awang pakinggan pero iyon ang totoo. Sa murang edad ay natuto siyang dumeskarte. Malaki na ang kinikita niya ngayon subalit ang gawain na 'to ay hindi na niya naalis.

Basta nagdadala ng pera sa kanya ay pinapahalagahan niya.

Pagkatapos niyang magligpit, napansin niyang may mahigit twenty missed calls ang Kuya Randy niya sa kanya. Nilapag niya muna ang mga sinampay sa sofa at sumilip sa labas. Mukhang uulan ng malakas anumang sandali. Kaya niyang suwayin ang kanyang ina, pero ayaw niyang mag-alala ang Kuya niya. Gusto niyang sabihin dito na kinasal na siya.

Hinubad niya ang suot na simpleng puting bestida at nagpalit ng jeans at tshirt bago nagsuot ng kapote bago pumunta sa bahay ng kuya niya. Pagkarating dito ay agad niyang sinabi rito ang tungkol sa kasal niya. Alam niyang mabibigla ito, pero alam niyang makakabawi din ito.

"Kuya, nagpakasal na ako."

"T-Teka sandali, sinasabi mong kasal ka na?" Nang tumango ang kapatid ay halos malaglag ang panga ni Randy. Kahapon lang ay sinabi ni Jane na buntis siya. Tapos ngayon ay kasal na?

Gusto niyang isipin na isa lang 'tong prank pero kilala niya si Jane. Tahimik 'tong tao at hindi palabiro. Ang magbiro ng ganitong bagay ang huling gagawin nito. Pero bukas sila sa isa't isa mga bata palang sila kaya kilala niya 'to. Kahit may mga manliligaw ay hindi ito nagpakita ng interes sa mga 'yon, at lalong walang interes ito sa pakikipagrelasyon.

Kaya paano ito nabuntis ng walang nobyo at nakapag asawa pa ng hindi man lang dumaan sa panliligaw ng hindi niya nalalaman?

Hindi ito kapani-paniwala.

Ngunit ng makita niya ang litrato ng kapatid na may katabing lalaki, nakumbinse siya. Ito daw ang asawa nito. Sa litrato ay kitang-kita ang deperensya ng taas nito kumpara kay Jane. Matangkad ang lalaki, mukhang seryoso ang dating dahil wala man lang kangiti-ngiti ito sa camera.

Kinuha ni Jane ang litrato sa Kuya niya. "Wag kang mag alala, Kuya. Mabuting tao ang pinakasalan ko, nasa mabuting kamay kami ng anak ko."

"Mabuting tao?" Dinuro ni Randy ang mukha ni Clegane sa litrato. "Mukhang pinagbasakan ng langit at lupa ang mukha ng asawa mo. Paano kita maipagkakatiwala sa ganyang klase ng lalaki, eh kahit ngiti ay pinagdadamot niyang ibigay!”

Pinagalitan ni Randy ang kapatid.

"Bakit kasi nagpakasal ka ng hindi man lang ako kinakausap? Bakit nagmamadali ka? Saka sigurado ka ba na mabuting lalaki 'yan? Sa litrato niyo palang ay mukhang hindi na madaling pakisamahan. Saka ilang taon na 'yan? Taga sa'an 'yan?"

Ilang taon? Lihim na lumunok si Jane. "T-Taga kabilang bayan lang siya, trenta na siya." Panghuhula niya sa edad ni Clegane.

"May trabaho ba 'yan? Kaya ka bang buhayin niyan? Saan ka ititira niyan? May bahay ba 'yan? Bayad ba o hulugan pa?"

Napangiwi siya sa magkakasunod na tanong ng kapatid. "Kuya naman, parang masyado namang marami at personal ang mga tanong mo...!"

Related chapters

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 4.

    Masigasig at walang tigil sa pagtatanong ang kuya niya. Nang dumating ang asawa nitong si Bea ay sumingit ito at nagsalita ng may patuya. "Randy, bente-kwatro na 'yang kapatid mo. Matanda na siya kaya sigurado akong alam niya ang ginagawa niya. At ikaw naman, Jane, ibang klase ka rin noh? Porke ba matanda ka na ay basta mo nalang papalagpasin at hindi sasabihin sa amin ang ganito kahalagang desisyon mo? Hindi mo na ginalang ang matatanda sa pamilyang 'to. Paano mo hindi nagawang ipaalam kay Mama ang tungkol sa pagpapakasal mo? Aba yumayabang ka na yata." Kumuyom ang kamay ni Jane. Yumabang? At saka para saan pa? Para hintayin na maipagbili siya ng Mama niya sa halagang dalawang milyon? "Kumukupas ang ganda, Jane. Kapag tumanda ka ay kukulubot ka din. Kaya bakit ang arte mo at ayaw mong pakasalan 'yong sinasabi ni Mama na lalaki? Sinayang mo ang dalawang milyon na makukuha ng pamilya natin. Anong inaarte-arte mo? Porke diborsyado 'yong lalaki ayaw mo na? Hindi naman big deal kung

    Last Updated : 2025-02-20
  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 5.

    Alam ni Jane na hindi titigil ang Kuya Randy niya sa pamimilit sa kanya, kaya para matigil at para na rin sa ikakapanatag ng loob nito ay tinanggap niya ang ATM Card na inabot nito. Di bale. Itatabi nalang niya ito para sa Kuya niya. Para sa oras ng kagipitan ay mayro'n siyang maibibigay rito. Nang tanggapin niya ang Card ay ngumiti 'to at bahagya pang ginulo ang buhok niya. "Siya nga pala, Jane. Kailan mo balak ipakilala sa amin si bayaw?" Hilaw na ngumiti si Jane. Hindi niya inasahan na agad na makakabawi ang kanyang kapatid sa balita at magtatanong tungkol sa kanyang asawa. "Sa susunod nalang siguro, Kuya. May kailangan pa kasi akong gawin ngayon kaya kailangan ko ng umalis." Mabilis na dahilan niya bago tumayo. "Mag aalas singko na, Kuya. Diba susunduin mo pa si Girlie?" tukoy niya sa anak nitong nasa kindergarten ngayon. Saka mayamaya lang ay dinner na. Kung magtatagal pa siya dito ay sigurado na aanyayahan siya ng Kuya niya na kumain, at tiyak na hindi iyon ikatutuwa ng

    Last Updated : 2025-02-27
  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 6.

    Pinukol ni Laarni ng masamang tingin si Maya. "Ano ulit ang sinabi mo?” "Bakit? Hindi ba totoo naman!" Palaban na sagot nito. Nabulabog ang tao sa paligid dahil sa ingay ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Mula sa pintuan ng opisina ay lumabas ang Manager na si Gaston Santos na halatang iritable. “Ano'ng kaguluhan ‘to?" Hinila ni Jane si Maya at nilagay sa kanyang likuran. Mapapagalitan ito kung hahayaan niya na ipagtanggol pa siya. Ang usapang ito ay sa kanya at wala itong kinalaman. Magalang na nagsalita siya. “Sir Santos, customer ko ang bumili ng sasakyan, ako ang nag-assist sa kanila at ako ang ka-deal nila. Bakit kailangan na dumaan kay Laarni ang dokumento? Ako ang nakabenta, bakit ibibigay niyo na naman sa kanya ang order at komisyon ko?” Namewang ito at naka-ismid na nagsalita. “Dumating ang mag-asawa isang oras na ang nakakaraan bago ka dumating, Jane. Si Laarni ang nag-assist sa kanila mula pa kanina. Nagbanyo lang siya saglit, pero bigla kang du

    Last Updated : 2025-02-28
  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 7.

    Tinaasan ito ni Jane ng kilay. “Ayos lang kung ayaw mong isauli. Kakausapin ko na lang si Sir Santos.” Kinabahan si Laarni. Kanina lang bago umalis ng opisina ay sinagawan siya ng Manager nila. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya, at hindi niya alam kung anong klaseng strategy ang ginamit ni Jane para gawin ito ng lalaki sa kanya. “Oo na! Maghintay ka lang at ibibigay sa’yo ang dalawa pa!” Galit na galit na sabi ni Laarni at padabog pang umalis. Nang makaalis ang babae ay hindi napigilan ni Maya ang matawa. “Tingnan mo ‘yon, halos manlaki ang butas ng ilong sa sobrang inis. Buti nga sa kanya!” “Siya nga pala, Ate Jane. Akala ko talaga hahayaan mo na ang ginawa nila. Aba hindi ko akalain ka may sa tigre ka pala kapag nagalit ka. Paano mo ‘yon nagawa? Totoo bang nagpunta ka sa General Manager natin?” Umiling si Jane. “Walang silbi kung pupunta ako sa General Manager ng Mart Dealership.” Matagal nang binili ng Apex Wheels Company ang Mart Dealership, kaya ang General

    Last Updated : 2025-02-28
  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 1.

    "Buntis ka, iha.” Nanlaki ang mga mata ni Jane sa narinig habang nakatitig sa monitor ng screen kung nasa’n ang ultrasound report. “B-Buntis ako?” Tumango ang Doctor sa dalaga. Bahagyang napailing ang matanda ng makita ang pagkabigla sa mukha ng kanyang pasyente. Sa dami ng kabataang babae na nagbubuntis ng hindi inaasahan, sanay ito sa ganitong reaksyon ng paayente pagkatapos marinig ang nakakagulat na balita. Kung hindi tulala, madalas na tuliro pa at histerikal ang mga ito pagkatapos marinig ang resulta. “Pang ilan na ang pinagbubuntis mo? Kung gano’n ay first time ito.” Bawi ng doktor ng makita ang pagkiling ng ulo ng pasyente. Tulala pa rin ito at nakatitig sa monitor. Nagsalita ang Doctor para pukawin ang tulalang pasyente. “Miss, paalala lang bilang Doctor na nagmamalasakit sayo bilang pasyente. Hindi ligtas ang magpa-abort ng bata. Ang abortion ay hindi ligtas, minsan humahantong ‘yon sa habangbuhay na pagkabaog. Kung ipapa-abort mo ang bata ay pag isipan mo—“ ‘Ab

    Last Updated : 2025-02-19
  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 2.

    Ilang beses na huminga ng malalim si Jane habang sakay ng kanyang scooter sa harap ng City hall kung saan nila napag usapan na magkita. Dahil sa dami ng iniisip hindi niya napansin nang huminto ang isang sasakyan sa likuran niya. Kung hindi dahil sa animo na tumakip sa kabuohan niya ay hindi siya matatauhan. Nang tumingin siya sa taong ‘yon ay isang pares ng malamig na mata ang sumalubong sa kanya. Nakatalikod sa liwanang ng sikat ng araw ang lalaki . Matangkad ito kaya natakpan siya ng anino nito. Limang talampakan lang ang taas niya, ang lalaking kaharap niya ay sigurado siya na anim na talampakan at higit pa. ‘Ang tangkad nito!’ Isip-isip niya. Mukhang tatlong beses ang laki nito sa ka kanya. Matipuno din ang katawan ng lalaki at sumisigaw ang nakaka-intimida na awra nito. Suot nito sa mata ay isang light gold rimless glasses, at sa likod ng salamin ay sasalubong ang malamig at walang emosyon nitong mata. Malamig ang presensya nito na pangingilagan ninuman dahil mukhang hindi i

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 3.

    NAPAKATAGAL nagsimula ang kasalang bayan dahil hinintay pang dumating ang Mayor ng bayan at ang maraming ikakasal kagaya nila. Mainit dahil tirik ang araw pero hindi nakarinig ng reklamo si Jane sa lalaking mapapangasawa niya. Nang matapos ang kasal ay pumirma na sila sa Marriage Certificate nila. Makukuha nila ang certificate sa City hall pagkatapos ng isang buwan. "Err, Sir... baka pwedeng ngumiti ka sa camera. Araw ng kasal niyong mag asawa, dapat magpakita ka ng ngiti sa kuha niyong dalawa." Tumingin si Jane sa lalaking asawa na niya ngayon. Narito sila ngayon sa harap ng photograper na inupahan ng Mayor na kuhaan ng litrato ang bawat mag asawa na kinasal sa kasalang bayan na 'to. Mahinang siniko niya ito. "Ngumiti ka naman kasi, hindi 'yong parang nalugi ka di'yan." bulong niya rito. Wala man lang 'tong kangiti-ngiti. "Aba mamaya isipin nila ay pinikot ko siya." Isip-isip ni Jane. Tumagal ang pagkuha sa kanila ng litrato dahil hindi talaga ngumiti ang lalaki kahit

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 2.

    Ilang beses na huminga ng malalim si Jane habang sakay ng kanyang scooter sa harap ng City hall kung saan nila napag usapan na magkita. Dahil sa dami ng iniisip hindi niya napansin nang huminto ang isang sasakyan sa likuran niya. Kung hindi dahil sa animo na tumakip sa kabuohan niya ay hindi siya matatauhan. Nang tumingin siya sa taong ‘yon ay isang pares ng malamig na mata ang sumalubong sa kanya. Nakatalikod sa liwanang ng sikat ng araw ang lalaki . Matangkad ito kaya natakpan siya ng anino nito. Limang talampakan lang ang taas niya, ang lalaking kaharap niya ay sigurado siya na anim na talampakan at higit pa. ‘Ang tangkad nito!’ Isip-isip niya. Mukhang tatlong beses ang laki nito sa ka kanya. Matipuno din ang katawan ng lalaki at sumisigaw ang nakaka-intimida na awra nito. Suot nito sa mata ay isang light gold rimless glasses, at sa likod ng salamin ay sasalubong ang malamig at walang emosyon nitong mata. Malamig ang presensya nito na pangingilagan ninuman dahil mukhang hindi i

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 1.

    "Buntis ka, iha.” Nanlaki ang mga mata ni Jane sa narinig habang nakatitig sa monitor ng screen kung nasa’n ang ultrasound report. “B-Buntis ako?” Tumango ang Doctor sa dalaga. Bahagyang napailing ang matanda ng makita ang pagkabigla sa mukha ng kanyang pasyente. Sa dami ng kabataang babae na nagbubuntis ng hindi inaasahan, sanay ito sa ganitong reaksyon ng paayente pagkatapos marinig ang nakakagulat na balita. Kung hindi tulala, madalas na tuliro pa at histerikal ang mga ito pagkatapos marinig ang resulta. “Pang ilan na ang pinagbubuntis mo? Kung gano’n ay first time ito.” Bawi ng doktor ng makita ang pagkiling ng ulo ng pasyente. Tulala pa rin ito at nakatitig sa monitor. Nagsalita ang Doctor para pukawin ang tulalang pasyente. “Miss, paalala lang bilang Doctor na nagmamalasakit sayo bilang pasyente. Hindi ligtas ang magpa-abort ng bata. Ang abortion ay hindi ligtas, minsan humahantong ‘yon sa habangbuhay na pagkabaog. Kung ipapa-abort mo ang bata ay pag isipan mo—“ ‘Ab

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status