"Katty" ang pangalang gustong-gusto ko noon pero simula ng makilala ko si Ryan at malaman ko ang katotohanan ay kinamuhian ko ang pangalang iyan. Katotohanang hindi ko inaasahan. Katotohanang sisira sa buhay ko. Katotohanang hindi ko na sana nalaman pa. KATTY? Ano ba'ng mayroon sa'yo?
View More-KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.
-KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika
-KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan
-KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.
-KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin
-KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments