Share

I Love You, Katty (Tagalog)
I Love You, Katty (Tagalog)
Author: Amazona Irita

CHAPTER 1

Author: Amazona Irita
last update Last Updated: 2020-08-08 11:15:01

-KATHERINE MAE-

Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza. 

Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami. 

"Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana. 

"Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche. 

"Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin para mas marami akong matutunan! May ilang lesson na akong natapos dahil marami akong vacant kanina," wika ni Angel. 

"Bukas din ako! Mas maganda ang maaga para mas mabilis tayong makapag-adjust!" sagot naman ni Jah. Napatingin naman sila sa akin. Mangiyak-ngiyak ko silang tiningnan. 

"Pagpasok ko kanina ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza! On the spot! Dapat daw ay laging handa ang isang teacher! Grabe 'yong kaba ko kanina! Mabuti na lang talaga ay alam ko 'yong lesson kung 'di ay baka napahiya na ako! Ayoko na kay Mrs. Mendoza! Puwede bang magpalit?" nanlulumong kuwento ko sa kanila.

"Kaya mo 'yan, Katty! Hindi na kasi puwedeng magpalit. Mukha namang marami kang matututunan kay Mrs. Mendoza. Patunayan mong kaya mo!" pagpapalakas ng loob na wika ni Angel sa akin. 

"Sana nga kayanin ko, Angel!" Bigla namang dumating ang order namin.

"Here's your order!" wika nito bago binaba ang mga order namin. 

"Enjoy your order, Ma'am and Sir!" nakangiting wika niya. Akala namin ay aalis na siya pero bigla itong humarap sa akin. 

"Kaya mo 'yan, Ma'am!" nakangiting wika niya bago umalis. Natulala naman ako sa sinabi at hitsura niya. Ang guwapo! 

"Katty! Umalis na! Tulala ka pa!" Nagising naman ako sa pagkakatulala at tiningnan ko sila. Biglang namula ang mukha ko. Sabay-sabay naman silang nagtawanan. 

"Natahimik ka yata, Katty! Hindi kami sanay!" pang-iinis na wika ni Ana. 

"Tigilan mo ako, pagod ako!" wala sa mood na tugon ko. 

Nagkuwentuhan pa kami saglit bago namin naisipang umuwi. Marami pa kaming gagawin kaya hindi na ganoon kahaba ang oras namin sa isa't isa. 

---

Kinabukasan ay tamad na tamad akong bumangon. Ayokong makita si Mrs. Mendoza. Nawawala ang pagiging madaldal ko dahil sa kaniya. Kahit na tinatamad ay pinilit ko pa rin dahil kailangan kong maka-graduate. Pagbaba ko ay naabutan kong seryosong nag-uusap sina Mama at Papa. 

"Ano pong problema?" Napatingin naman sila sa akin. Umupo ako sa harapan nila bago ko sinimulan ang pagkain. 

"Natanggal kasi sa trabaho ang papa mo. Iniisip namin kung saan kami kukuha ng pambayad para sa graduation mo," malungkot na wika ni Mama. Napatigil naman ako sa pagkain.

"Hayaan mo na po. Gagawa po ako ng paraan. Maghahanap po ako ng part-time job."

"Hindi ka magtatrabaho. Mahihirapan ka niyan lalo na at nag-o-ojt ka na. Maghahanap agad ako ng trabaho. Huwag mo ng intindihin iyon," seryosong wika ni Papa. Tumango na lang ako sa gusto niya. 

Pagkatapos kumain ay agad akong sumakay ng tricycle papasok sa school. Sa loob ako sumakay dahil ang dami kong dalang teaching material. Maya-maya ay may pumasok na lalaki kaya agad naman akong umusod. Inayos ko rin ang mga dala ko dahil baka makaabala sa sasakay. 

"Good morning, Ma'am!" Napatingin ako sa katabi ko ng batiin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang waiter kahapon sa Coffee shop.

"I-Ikaw pala! G-Good morning din!" nauutal na wika ko. 

"Ang dami mong dala, Ma'am. By the way, I'm Ryan!" wika niya. 

"K-Katherine. Katty na lang. Ganito talaga! Alam mo na, teacher!" natatawang wika ko. 

"Nice to meet you, Katty! Oo nga, mahirap talagang maging teacher," nakangiting wika niya. Bakit ang guwapo niya? 

"Nice to meet you too. Hindi ka ba nag-aaral?" tanong ko sa kaniya. 

"Graduate na ako. Ako ang may-ari ng Coffee shop malapit sa school." Napanganga ako sa sinabi niya. Bigatin naman pala! 

"Yayamanin ka naman pala! Bakit ikaw ang nag-serve sa amin kahapon?" Nagiging komportable na akong kausap siya. Palibhasa ay napakadaldal ko. 

"Sobrang dami ng tao. Hindi na kinaya ng mga workers ko kaya tumulong na ako," sagot niya habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa kaniyang noo. 

"Iba rin! Sana all pinanganak na mayaman!" natatawang wika ko. 

"May issue ka ba sa mayayaman?" curious na tanong niya. 

"Wala naman! Ilan taon ka na pala?" paglilihis ko ng usapan. 

"I'm 21 years old. How about you?" nakangiting tugon niya. 

"19 pa lang ako! Single and ready to mingle! Next year ay ga-graduate na ako! Puwede na akong mag-asawa! Ikaw ba?" Tawa naman siya ng tawa sa sinabi ko. Namangha naman ako sa puti ng ngipin niya. Tinalo pa ang puting buhok ng lola ko. 

"You're so funny! I like it!" 

"Baka nagkamali ka lang! I like you dapat ang sinabi mo!" Tumawa na naman siya. Ano ba naman iyan?! Siya lang ang masaya! Dapat ako rin! Pero ang guwapo talaga niya! Yummy pa! 

"Yeah, I think nagkamali nga ako. I like you na!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumawa na naman siya. Sinakyan naman ang joke ko!

"Tama na katatawa baka mabilaukan ka riyan! Bumaba ka muna at dadaan ako! Baka mahuli ako sa klase ko!" wika ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa labas saka niya lang nakita na nasa tapat na kami ng school. Bumaba siya agad at tinulungan akong magbuhat ng mga dala ko. Hinatid niya ako hanggang sa classroom ni Ma'am Mendoza. 

"Salamat! Sa uulitin!" wika ko kay Ryan. 

"You're welcome! See you later!" wika niya bago umalis. Anong sinasabi niya?! May napag-usapan ba kaming magkikita kami mamaya? 

"Ms. Rivera, huwag ka ng tumunganga diyan! Baka mahuli ka pa sa klase mo!" sigaw ni Mrs. Mendoza sa akin. Napanguso na lang ako. Mukhang mag-uumpisa na naman amg kalbaryo ko. 

Naglalakad na kami papasok sa una kong klase. Hindi man lang niya ako tinulungang magdala. Ang bigat kaya! Ano pa nga bang aasahan sa kaniya?! 

"Boyfriend mo ba 'yong naghatid sa'yo kanina?" nakakunot noong tanong niya. 

"Hin--" Hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko ay nagtatatalak na siya. 

"Sinasabi ko sa'yo! Hindi makabubuti ang boyfriend lalo na at graduating ka pa! Mamaya niyan ay mabuntis ka ng maaga! Masisira ang buhay mo! Magmumukha kang losyang! Wala kang maaabot na pangarap! Kaya huwag kang mag-boyfriend. Mag-break na kayo!" 

Napanganga na lang ako sa mga sinabi ni Mrs. Mendoza. Kakikilala pa lang namin, buntis agad?! Hindi pa nga nagiging kami tapos ay gusto na niyang mag-break na kami?! Lupit talaga niya! Believe na talaga ako sa pagiging advance niyang mag-isip! Napapalo na lang ako sa noo ko bago ako nagpasyang pumasok sa klasrum ng una kong klase. 

---

Palabas na ako ng gate ng school. Sobrang lantang-lanta ako ngayon. Sobrang hyper ng mga bata. Manang-mana kay Mrs. Mendoza. Speaking of Mrs. Mendoza, pinasaulo ba naman sa akin ang mission at vision ng school. Ang malupit pa ay hindi ako puwedeng kumain ng lunch hanggang hindi ko iyon nare-recite sa harapan niya. Gustong-gusto ko na siyang sipain sa mukha kaya lang ay kailangan kong maka-graduate kaya hinabaan ko na lang ang pasensiya ko. Nakakain naman ako ng lunch kaya lang ay alas-tres na ng hapon. Nagturo ako kahit gutom na gutom ako. No choice! 

Ngayon ay uuwi na ako. Gusto ko ng mahiga sa kama ko kaya lang ay marami pa akong dapat gawin. Nagulat naman ako ng maramdaman kong tumama ang mukha ko sa bagay na nasa harapan ko. Naamoy kong napakabango nito. Lalo kong gustong matulog. Dito mismo sa kinatatayuan ko. 

"Natutuwa naman ako dahil nagustuhan mo ang amoy ko kaya lang ay marami ng taong nakatingin sa atin," wika ng taong kanina ko pa inaamoy. Nagising ako sa katotohanan. Agad kong inilayo sa kaniya ang mukha ko. Sa dibdib niya pala ako tumama. Pagtingin ko sa paligid ay maraming nakatingin sa amin. Nakaramdam naman ako ng hiya. 

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Dapat sinabi mo agad noong isa pa lang ang nakatingin!" mahinang wika ko sa kaniya habang hinihila ko siya. Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Nagawa mo pa talagang tumawa! Kasalanan mo 'yon! Paharang-harang ka kasi!" 

"Nakatulala ka kasi at hindi mo ako nakita kaya humarang na lang ako sa harap mo. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang gagawin mo," natatawang wika niya bago kunin sa akin ang mga dala ko. Hinayaan ko na dahil kanina pa ako nabibigatan. 

"Tulala pa lang 'yon! Sa susunod na makita mo ako ay baka baliw na ako! Bakit ka nga pala nasa labas ng school?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. 

"Hinihintay kita. I want to be your friend." seryosong wika niya. Wala ba siyang friends? 

"Friend lang? Ayaw mo ng girlfriend? Joke lang! Bakit gusto mo akong maging kaibigan? Siguro ay may masama kang balak sa akin!" nanlalaki ang matang wika ko. 

"Wala akong gagawing masama sa'yo. Nakakatuwa ka kasing kasama. Nakakawala ng pagod," sincere na wika niya. 

"Lugi ako! Pagod mo lang natanggal! Paano naman ako?" pagde-demand ko. 

"Ililibre na lang kita ng kahit anong gusto mo." Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Best offer! 

"Gusto ko 'yan! Magkaibigan na tayo! Tara na! Libre mo na ako!" wika ko sa kaniya bago ko siya hinigit papasok sa Jollibee. Mabuti na lang ay napadaan kami rito. Tumatawa naman siyang nagpadala sa hila ko. 

Nakaupo na ako sa pandalawahang upuan. Si Ryan naman ay nakapila. Nilabas ko ang libro at lesson plan ko. Hindi ako puwedeng magsayang ng oras. Ang dami kong dapat gawin. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Ryan. Agad ko namang tinago ang mga gamit ko.

"Ang sipag mo naman," wika niya habang inaayos ang mga pagkain namin sa mesa. 

"Hindi talaga ako masipag kaya lang ay kailangan kong maging masipag dahil kung hindi ay bubungangaan ako ni Mrs. Mendoza," nakabusangot na wika ko. 

"Mukhang pinahihirapan ka talaga ni Mrs. Mendoza. Pagtiyagaan mo na lang."

"Ano pa nga ba?! No choice naman ako! Saglit lang! Maghuhugas lang ako ng kamay!" wika ko bago ako tumayo at pumunta sa cr. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay bumalik na ako sa upuan ko. Naabutan ko naman siyang nakatulala. 

"Hoy! Napapaano ka diyan? Namaligno ka ba?" tanong ko sabay tapik sa braso niya. 

"Ha? Ahh maghuhugas lang din ako ng kamay, Katty," paalam niya bago umalis. Anong nangyari sa kaniya? Namaligno nga yata. 

Nang makabalik na siya ay saka lang ako kumain. 

"Bakit hintay mo pa ako? Dapat ay kumain ka na."

"Sanay kasi akong hinihintay ang kasabay kong kumain. Ganoon kasi kami sa bahay." Napangiti naman siya sa sinabi ko. 

"Ikaw talaga si Katty," wika niya na ikinakunot ng noo ko. 

"Epekto ba 'yan ng gutom? Malamang ako si Katty! Kumain na nga tayo!" 

"Yeah, gutom lang siguro ako." Kumain na kami habang nagkukuwentuhan. 

"May kapatid ka ba?" tanong ko sa kaniya. 

"Wala. Only child," umiiling na sagot niya. 

"Sayang naman! Kung sino pa ang mga guwapo sila pa ang kakaunti!"

"Suwerte ka pala dahil nakakuha ka ng isa!" nakangising wika niya. 

"Taray naman po! Nagbibiro na rin! Mukhang masamang impluwensiya ako sa'yo!" Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Hindi naman."

"Oo nga pala! Sa panahon kasi ngayon ay halos lahat ng guwapo ay paminta! Umamin ka nga! Bakla ka rin?" naniningkit ang matang wika ko. 

"Oh my gosh! Paano mo nalaman, Mamsh?" wika niya habang umaarteng bakla. 

"Tigilan mo nga ako! Hindi bagay! So, hindi ka nga bakla?" paninigurado ko.

"Hindi. Lalaki ako," seryosong sagot niya. 

"Good! Mabuti naman at bagay pa rin tayo!" 

"Tao kaya tayo!" natatawang wika niya. 

"Mabuti na lang ay guwapo ka kaya kahit hindi nakakatawa ang joke mo ay tatawa pa rin ako!" Napanguso naman siya sa sinabi ko. Guwapo na nga ang cute pa! Nasaan ang hustisya?! 

"Tigilan mo kakanguso! Mukha kang bibe!" asar ko ulit sa kaniya. 

"Akala ko naman ang sasabihin mo ay gusto mo akong halikan," nakangising wika niya. 

"Asa ka pa! Kahit guwapo ka ay hindi ko ibibigay sa'yo ang first kiss ko!" 

"Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" gulat na tanong niya. 

"Nagkaroon na. Bakit?" nagtatakang tanong ko. 

"Ahh... Pero wala ka pang first kiss?"

"Siyempre! Suntok abot nila sa akin! Kasal muna bago kiss!" maangas na sabi ko. 

"Iba ka talaga! Maangas na sexy!" 

"Gusto ko 'yan!" Sabay naman kaming nagtawanan. 

"Ang ibig sabihin ng Katty ay maangas na sexy."

"Nice! I love my nickname pero mas lalo ko pa yatang minahal ngayon," nagniningning ang matang wika ko. 

"Bagay na bagay sa'yo ang pangalang Katty. Kasingganda mo." Binato ko siya ng maliit na buto ng manok. 

"Tigilan mo ako! Kanina lang ay nagbibiruan tayo! Ngayon naman ay nagbobolahan!"

"Hindi kita binobola. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Whatever!"

Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ako sa bahay. Dahil marami akong gagawin ay hindi ko na siya inayang pumasok sa loob. Baka wala pa akong magawa. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin si Mama na nakapameywang at nakataas ang kilay. 

"Bakit po ang taray natin ngayon? Taray ng kilay! Bagong ahit!" natatawang wika ko sa kaniya. 

"Sino 'yong lalaking naghatid sa'yo?" mataray na tanong ni Mama. 

"Excited ka namang magka-boyfriend ako! Kaibigan ko lang po 'yon! Relax ka lang diyan!" 

"Ano ba 'yan?! Sayang naman! Umarte pa akong kunwaring strict! Bakit kasi walang magkagusto sa'yo? Maganda ka naman, katulad ko." Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ako kaloko. May pinagmanahan. 

"Wala talagang magkakagusto diyan. Tinuruan kong manuntok 'yan!" proud na sabi ni Papa. 

"Kaya naman pala! Kasalanan mo talagang matanda ka!" inis na sigaw ni Mama. 

"Magkaedad lang tayo kaya matanda ka na rin," sagot ni Papa kay Mama. 

"Maganda pa rin ako! Ikaw panget!" pikon na sigaw ni Mama. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Umakyat na ako sa taas at bago ko isara ang pinto ay narinig ko ang sinabi ni Papa kay Mama. 

"Oo na po. Maganda ka naman talaga. Kaya mahal na mahal kita." 

Ideal guy ko talaga si Papa. Sobrang mahal na mahal niya si Mama. Never siyang tumingin sa ibang babae. Kahit abnormal si Mama ay iniintindi niya ito. Napakasipag, napakamaasikaso, at napakamapagmahal. Gusto kong maging katulad niya ang lalaking magmamahal sa akin. 

Inalis ko muna ang mga iyon sa isip ko at nagsimula na akong gawin ang mga trabaho ko. 

---

Ang bigat ng mata ko. Halos hindi ko na ito maimulat. Alas-tres na ako nakatulog. Sobrang dami kong ginawa. 

"Katty, bumangon ka na! Baka ma-late ka niyan!" gising sa akin ni Mama. Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nag-aalalang tumingin sa akin si Mama. 

"Anong oras ka na natulog?" seryosong tanong niya. 

"Alas-tres na po. Marami po kasi akong dapat tapusin," sagot ko bago bumangon sa higaan. 

"Bakit masyado yatang marami ang pinagagawa sa iyo? Gusto mo bang magreklamo na ako?!" galit na tanong niya. 

"Ganito lang po talaga, Ma! Teacher kaya ang anak mo! Sige na po. Maliligo na ako! Huwag na po kayong mag-alala," wika ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng cr. 

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nagulat pa ako sa sarili kong mukha. Ang itim ng ilalim ng mata ko at mukha namamaga ang mata ko. Sinampal-sampal ko ang mukha ko ng maramdaman kong papikit na ako. Lumapit ako sa shower at walang pagdadalawang isip na binuksan ko ito. Nagtititili at nagtatatalon naman ako sa sobrang lamig. Epektib naman dahil gising na gising na ako. Nanginginig nga lang sa lamig. 

Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil wala ako sa mood. Sobrang kulang ako sa lakas. Babawiin ko na lang sa kain. Napansin kong wala na ang mga gamit ko sa kuwarto. Binaba na siguro ni Mama. Napangiti na lang ako. 

Pagkarating ko sa silid-kainan ay nandoon na rin si Papa at katatapos lang magluto ni Mama. 

"Sakto naman ang dating mo. Tapos na akong magluto. Maupo ka na! Pinagtimpla kita ng kape para hindi ka antukin," wika ni Mama bago ako sandukan ng pagkain. 

"Katty, huwag mong pabayaan ang sarili mo. Mahalaga ang kalusugan," seryosong wika ni Papa. Napaka-sweet at napakamaalaga talaga nila. Suwerte ako na sila ang magulang ko. 

"Yes po, Dad. Kayo rin po ni Mama, ingatan ninyo rin po ang sarili ninyo."

"Okay-okay! Alam ko namang matanda na kami ng mama mo."

"Wala namang sinabing matanda! Binanggit mo pa!" singhal ni Mama. Natawa naman ako.

"Wala ba?! Sorry naman."

Pagkatapos kong kumain ay hinatid ako ni Papa sa sakayan ng tricycle. Umalis din siya agad dahil mayroon siyang interview. Sana ay matanggap na siya sa trabaho. Maya-maya ay may sumakay na sa tabi ko. Hindi na ako nag-abalang lingunin ito dahil hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako. 

"Antok na antok ka yata. Hindi ka ba nakatulog?" tanong ng katabi ko. Bakit siya na naman ang kasabay ko. Nananadya ba siya? 

"Stalker ba kita? Bakit ikaw lagi ang kasabay ko?" nakapikit na tanong ko. 

"Ang guwapo ko namang stalker. Hindi ba puwedeng nagkataon lang?" natatawang wika niya.

"Nagbuhat ka na naman ng sariling bangko!" 

"Sinasabi ko lang ang totoo. Parang kahapon ay hindi mo sinabing guwapo ako. Mga sampung beses yata 'yon!" 

"Talaga ba?! Hindi ko maalala."

"Bahala ka. Basta guwapo ako. So, bakit ka nga antok na antok?" 

"Marami akong tinapos na gawain. Hindi ko naman puwedeng hindi gawin," sagot ko sa kaniya. 

"Dapat nagpatulong ka sa akin kahapon. Tutulungan naman kita," seryosong wika niya. Iminulat ko ang mga mata ko bago ngumiti. 

"Marunong ka bang gumawa ng lesson plan?" nakangising tanong ko. 

"Lesson plan? H-Hindi," nahihiyang sagot niya.

"Paano mo ako matutulungan kung hindi ka naman pala marunong gumawa ng lesson plan?" natatawang tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya. 

"Hindi ko rin alam. Pag-aaralan ko para matulungan kita!" desididong wika niya. 

"Thanks sa effort at concern! Okay lang naman. Kaya ko naman iyon," nakangiting wika ko sa kaniya. 

"A-Ano... Magaling akong mag-drawing! Basta art!" wika niya pa. Ayaw niya talagang sumuko. Gusto niya talaga akong tulungan. Pagbigyan na. 

"Sige, kapag kailangan ko ng taga-drawing at design. Sasabihan agad kita."

"Okay! I-text mo ako. Pahingi ng kopya ng contact number mo." Natawa naman ako bigla. 

"Hindi mo naman agad sinabi na gusto mo lang pa lang kunin ang number ko. Ang dami mo pang sinabi."

"H-Hindi kaya! Gusto talaga kitang tulungan!" 

"Oo na! May kapalit ang number ko."

"Ano 'yon? Kahit ano!" 

"Matutulog lang ako saglit. Gisingin mo ako kapag nasa school na tayo."

"Sure!" 

Binigay ko na sa kaniya ang contact number ko pagkatapos ay sumandal ako sa sandalan ng upuan. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang higitin ako ng antok ko. 

Related chapters

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 2

    -KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 3

    -KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

    Last Updated : 2020-08-08

Latest chapter

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 3

    -KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 2

    -KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 1

    -KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin

DMCA.com Protection Status