Share

CHAPTER 2

Author: Amazona Irita
last update Last Updated: 2020-08-08 11:17:47

-KATHERINE MAE-

Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta. 

"Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya. 

"Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko. 

"Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko. 

"Kahit joke 'yan ay willing akong maging tagabuhat mo ng gamit. Hintayin kita sa labas ng school mamaya. Ihahatid na kita ng maaga para maaga ka ring matapos sa mga gawain mo. Bye!" wika niya saka tumalikod at umalis. Napangiti na lang ako. Umakyat na ako sa klasrum ni Mrs. Mendoza.

"Good morning po, Mrs. Mendoza!" bati ko sa kaniya. Naningkit naman bigla ang mata niya. Ang aga-aga ang sama agad ang hitsura niya. 

"B-Bakit po?" kinakabahang tanong ko. 

"Break na ba kayo ng boyfriend mo?" nakapameywang na tanong niya. 

"Mrs. Mendoza---"

"Sabi ko sa'yo ay makipag-break ka na! Hindi 'yan makatutulong sa'yo! Masasaktan ka lang!" galit na sigaw niya. Hindi ko alam kung anong problema niya. May pinagdadaanan ba siya? Ganitong wala akong maayos na tulog. 

"First of all, wala po akong boyfriend. 'Yong lalaking naghatid po sa akin kahapon ay kaibigan ko lang po. Wala rin po akong balak sirain ang buhay at pangarap ko," paliwanag ko sa kaniya. 

"Binabalaan na kita, Katherine! Hindi siya makabubuti para sa'yo. Iniisip lang kita," seryosong wika niya bago umalis. Hindi ko talaga siya maunawaan. Ano bang gusto niyang sabihin?! Sumunod na ako sa kaniya dahil malapit ng mag-umpisa ang klase. 

---

Buong maghapon kong inisip ang sinabi ni Mrs. Mendoza kaya lang ay wala pa rin akong nakuhang ideya kung bakit siya nagkakaganoon. Noong uwian naman ay hinintay nga ako ni Ryan sa labas ng school. Nagkuwentuhan kami habang bumibiyahe. Natuwa naman ako dahil iniisip niya ang sitwasyon ko ngayon. Hinatid niya ako ng maaga para matapos ko kaagad ang mga dapata kong gawin. 

---

Dalawang buwan at tatlong linggo na ang nakalipas simula ng mag-umpisa akong mag-ojt. Lalo kaming naging close ni Ryan. Lagi niya akong sinusundo at minsan naman ay nagkakasabay din kami sa pagpasok. Last week ay Christmas Party ng mga bata. Tuwang-tuwa ako dahil ang daming nagbigay ng regalo sa akin. Mahal na mahal talaga ako ng mga estudyante ko kahit pasaway sila minsan. Mabuti na lang ay sinundo ako ni Ryan nang araw na 'yon kaya may tagabuhat ako ng mga gamit. Pagkatapos noon ay dumalo naman kami sa Christmas Party sa school namin. Noong Wednesday naman ay ginanap ang Christmas Party naming magkakaibigan. 

Ngayon ay Christmas na at tinutulungan ko si Mama sa pagluluto. 

"Katty, pupunta ba ngayon si Ryan?" tanong ni Mama. Bukod sa akin ay naging close na rin ni Ryan sina Mama at Papa. 

"Yes po. Dadaan lang daw po siya dahil may pupuntahan sila ng pamilya niya," sagot ko habang tinitingnan ang pasta ng spaghetti sa kalan. 

"Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay magkaibigan lang kayo. Sobrang close na ninyo."

"Ma, hindi po lahat ng lalaki at babaeng close sa isa't isa ay kailangang magkatuluyan. 'Yong iba ay talagang magkaibigan at mag-bestfriend lang. Isa na kami roon ni Ryan," paliwanag ko sa kaniya. 

"Sayang naman! Pero may gusto ka ba sa kaniya?" 

"Wala po. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Wala pa po sa isip ko ang bagay na 'yan."

"Ganoon ba?! Wala pala talagang chance! Pero okay na rin na magkaibigan kayo. Gustong-gusto ko ang batang 'yon. Nakikita ko sa kaniya ang ugali ng papa mo noong kabataan niya. 'Di ba ang sabi mo dati na ang ideal guy mo ay katulad ng papa mo?" 

"Opo. Huwag mo ng ipagpilitan, Ma! Masaya na ako kung anumang meron kami ni Ryan."

"Sige na nga! Mukhang nakatadhana ka talagang maging matandang dalaga!" wika niya bago niluto ang sauce ng spaghetti. Napailing na lang ako. 

"Darating din po tayo riyan. Hindi lang po siguro ngayon." Hindi na nagsalita si Mama. Mukhang sumuko na rin siya sa gusto niya. Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig kong may kumakatok. Pupuntahan ko na sana iyon ng maunahan ako ni Papa. Mukhang nandiyan na si Ryan. Maya-maya ay pumasok na sila sa kusina. 

"Nandito na si Ryan!" masayang sigaw ni Papa. Napatingin naman kami ni Mama sa kanila. 

"Nandiyan ka na pala, Ryan!" excited ding wika ni Mama.

"Kung umasta naman po kayo ay parang anak ninyo siya na umuwi galing ibang bansa!" natatawang wika ko. 

"Natutuwa lang kaming makita siya. Selos ka naman agad!" pang-aasar ni Papa. 

"Asa naman! Alam ko namang mas mahal ninyo ako kaysa sa kaniya! Umuwi ka na nga, Ryan!" Sabay-sabay naman kaming nagtawanan. 

"Hindi rin po ako magtatagal. Pupunta po kasi kami kina lola ngayon. Dinala ko lang po ang mga regalo ko sa inyo," wika ni Ryan sa amin. 

"Naku! Nag-abala ka pa talaga! Salamat! Dalhin mo na rin ang mga regalo namin sa'yo!" nakangiting wika ni Mama. 

"Salamat din po! By the way, ipagpapaalam ko po sana si Katty. Gagala po sana kami sa Baguio," paalam niya kina Mama at Papa. 

"Sure! Sure! Kahit huwag mo ng ibalik!" wika ni Mama. Sinamaan ko naman siya ng tingin. 

"Puwede naman basta ibabalik mo lang. Huwag kang maniwala diyan sa tita mo," seryosong wika ni Papa. 

"Huwag po kayong mag-alala, Tito. Ibabalik ko po si Katty. Salamat po!" nakangiting wika ni Ryan. 

"Nagbibiro lang naman ako!" nakangusong wika ni Mama. 

"I know! Hindi naman ako galit." Hinayaan ko na silang dalawa at hinila si Ryan palabas ng kusina. Pumunta kami sa sala kung saan nakalagay ang christmas tree namin. Kinuha ko ang regalo naming tatlo kay Ryan. 

"Pasensiya ka na sa regalo namin. Ito lang kasi ang nakayanan namin," wika ko sa kaniya bago ko iabot ang isang malaking box. 

"Huwag kang mag-alala dahil kahit ano naman ang ibigay ninyo ay tatanggapin ko. Salamat! See you tomorrow! Susunduin kita ng alas-sais ng umaga."

"Noted! Magpaalam ka na sa kanila! Baka naglalandian na 'yong dalawa doon!" natatawang wika ko. Bumalik kami sa kusina at nagpaalam na siya. Hinatid ko siya hanggang sa pintuan. 

Tinapos namin ang pagluluto. Pagkatapos ay nagkuwentuhan kami. Bagay na minsan na lang namin nagagawa. Nang magutom ay kumain na kami. 

"May itatanong po pala ako," wika ko sa kanila ng maalala ang kanina ko pa gustong itanong. 

"Ano 'yon?" nakakunot noong tanong ni Papa. 

"Bakit po wala akong kapatid? Ayaw ninyo na po bang mag-anak?" Nabilaukan naman sila parehas. May mali ba sa tanong ko? 

"A-Ano kasi... Mahirap kasi ang buhay noon. Wala pa kaming kakayahang bumuhay ng d-dalawa o higit pang anak. Gusto kasi naming ibigay sa magiging anak namin ang magandang buhay na nararapat sa kanila. Kaya lang hanggang ngayon yata ay hindi ko pa rin naibibigay sa'yo iyon," paliwanag ni Papa. 

"Papa, binigay ninyo na po ni Mama ang lahat ng makakaya ninyo at naa-appreciate ko po iyon," pagpapagaang loob na wika ko sa kanila. Ngumiti naman silang parehas. 

"Salamat, Katty! Hangad namin lagi ang makabubuti para sa'yo. Masuwerte kami na ikaw ang naging anak namin," nakangiting wika ni Papa. 

"Tama! Kahit alam naming loka-loka ka minsan," dugtong pa ni Mama na nagpatawa sa aming lahat. Pagkatapos naming kumain ay nagpalitan na kami ng mga regalo. 

---

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Ayoko namang paghintayin si Ryan ng matagal. Simpleng blue shirt, black pants, at rubber shoes ang sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita kong nandoon na agad si Ryan. Kung maaga ako ay mas maaga siya. 

"Ang aga mo naman! Na-miss mo agad ako!" pagbibiro ko sa kaniya. 

"Siyempre naman! Nakakahiya namang paghintayin ang prinsesa!" 

"Talaga ba?! Dami mong alam!" 

"Kailangan ay marami akong alam dahil teacher ang kausap ko." Nakarating na ako sa harapan niya. 

"Dami talagang alam! Maligo lang hindi!" Inamoy naman niya bigla ang sarili. Natawa naman ako sa ginawa niya. 

"Naligo ako! Nagpabango rin ako!" nakakunot noong wika niya. 

"Akala ko ba marami kang alam? Dapat ay alam mong biro lang 'yon!" tumatawang wika ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at napakamot sa likod ng ulo. 

"Naisahan mo ako roon. Mukhang marami pa pala akong hindi alam na... KALOKOHAN." Naningkit naman bigla ang mga mata ko. 

"So, sinasabi mong kalokohan lang ang tinuturo ko sa'yo?!" 

"One point! Dapat alam mong biro lang 'yon!" tumatawang wika niya. Binatukan ko naman siya sa sobrang inis. 

"Pikon mo naman! Tara kain muna tayo! Mainit agad ulo ni Ma'am Katty!" wika niya bago ako inakbayan. 

"Makakabawi rin ako sa'yo!" inis pa ring wika ko. 

"Sorry na po. Huwag ka ng pikon. Nakakapanget 'yan," malambing na sabi niya. 

"Mukha mo!" wika ko bago ko siya tinulak sa mukha. Napalayo naman siya sa akin. Umupo na ako bago kumuha ng pagkain. 

"Guwapo!" tumatawang wika niya. 

"Anong guwapo?" 

"Sabi mo kanina ay mukha mo kaya sabi ko guwapo," ngiting-ngiting wika niya. 

"Masaya ka na niyan?!" 

"Ito naman! Sorry na po! Two points ka na!" wika niya bago ako niyakap. 

"Ang aga-aga ay nag-aasaran na naman kayong dalawa," wika ni Mama bago binaba ang platong may laman na hotdog. 

"Pikon po kasi, Tita."

"Sinong pikon?" nakataas kilay na tanong ko kay Ryan. 

"Ako! Pikon po kasi ako, Tita. Sorry po," napapakamot sa ulong wika niya kay Mama. 

"Naku po! Huwag kang pumayag na inaapi-api ka lang ng anak ko. Isumbong mo sa akin. Ako bahala sa'yo!" wika ni Mama. Napasimangot na lang ako. 

"Sabi ko na nga ba ampon lang ako! Si Ryan talaga ang totoo mong anak!" nagtatampong wika ko kay Mama. Nakatanggap naman ako ng batok sa ulo. 

"Tumigil ka sa drama mo! Hala! Sige! Bilisan mo! Baka matrapik kayo niyan!" Agad naman kaming nagmadaling kumain. Baka mapagalitan pa kami ni Mama. Dahil sa pagmamadali ay nabilaukan ako. Agad namang lumapit si Ryan sa akin. Inabutan niya ako ng tubig habang hinihagod ang likod ko. 

"Dahan-dahan naman kasi, Katty! Mamaya mapaano ka niyan!" nag-aalalang wika ni Mama. Nang mahimasmasan ay nanghihinang napatingin ako sa kanila. 

"Okay ka na ba?" seryosong tanong ni Ryan. Nginitian ko sila bago tumango. 

"Tapusin ninyo na ang pagkain. Magdahan-dahan kayo. Maiwan ko muna kayo. Gigisingin ko lang ang papa ninyo," paalam ni Mama bago umalis. 

Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay nagpaalam na kami kina Mama at Papa. Bibiyahe pa kami papuntang Baguio. Sana lang ay hindi kami maabutan ng trapik. Sumakay na kami sa kotse niyang binili last month. Iba talaga kapag kumikita na! 

"Saang parte ng Baguio tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. 

"Sa Tree Top Adventure!" ngiting-ngiting sagot niya. 

"Adventure? Anong gagawin natin doon? Parang masama ang pakiramdam ko diyan!" kinakabahang tanong ko. 

"Plano kong subukan 'yong Canopy ride, Tree Drop Adventure, Silver Surfer, Trekking, at Skywalk," sagot niya na nakapagpaputla sa mukha ko. Pangalan pa lang mukhang pamatay na! 

"Plano MO! Sana naman ay sinama mo ako sa plano mo dahil magkasama tayong pupunta roon! Feeling ko ay hindi na ako makakauwi ng buhay!" reklamo ko sa kaniya. 

"Hindi ba't gustong-gusto mo ang mga ganoong adventure, Katty?" tanong niya na lalong nagpabuwisit sa akin. 

"Gustong-gusto? Seryoso ka ba diyan? Halos isuka ko na nga ang lahat ng organ ko dahil sa mga rides na pamatay na iyan!" 

"Hindi mo na pala gusto ang mga ganoong adventure..." 

"Matagal na!" 

"Subukan mo pa rin! Kasama mo naman ako! Mag-e-enjoy ka roon!" nakangiting wika niya. 

"Ano pa nga ba?! Bahala na! Sana lang ay buhay pa ako pag-uwi!" 

"Oo naman. Hindi ko hahayaang mamatay ka roon."

Hindi ko na siya sinagot at nagpasya na lang na matulog. 

---

Halos tatlong oras at mahigit ang biniyahe namin. Ang sakit ng puwet ko! Nagugutom na rin ako. 11 pm na kaya hindi ako magtataka kung bakit gutom na ako. Nagpasya muna kaming kumain at magpababa ng kinain pagkatapos ay nag-umpisa na kami sa adventure na gustong-gusto niya. 

"Sa Canopy Ride muna tayo, Katty!" excited na wika niya. Pagtingin ko sa tinuro niya ay napalunok na lang ako. Ang taas na niyan para sa akin. Mabuti na lang ay nakaupo ang ayos nito kung hindi ay baka nanlambot na ang tuhod ko. Pagkarating namin sa taas ay halos hindi ko matingnan ang baba. Seryoso ba ako rito? Itutuloy ko pa ba 'to?! Nagulat na lang ako ng lagyan na kami ng mga safety gear. Oh my gosh! Wala ng atrasan 'to!

"Sa likod na ako. Sa harap ka," wika ni Ryan sa akin. 

"Dapat lang! Baka itulak kita kapag ako ang nasa likod mo sa sobrang inis ko!" angil ko sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga kasama namin sa taas. Napanguso na lang siya sa sinabi ko. 

"Hahawakan naman kita para hindi ka mahulog pero kung ayaw mo ay tatalian na lang kita sa leeg. 'Yong tali na lang ang hahawakan ko!" pang-aasar niya sa akin. Nagtawanan ulit ang mga kasama namin. Ano ba sila? Audience? 

"Ano'ng palagay mo sa akin?! Aso?! Isusumbong kita kay Papa!" pikon na sigaw ko. 

"Kakampi ko naman si Tita."

"Pagkatapos nito ay uuwi na ako! Bahala ka sa buhay mo!" inis na wika ko. Agad naman siyang lumapit sa akin saka yumakap. 

"Joke lang naman. Sorry na po. Huwag mo kong iwan mag-isa," malungkot na sabi niya. 

"Tsk! Takot din pala! Bitaw na! Ang init!" wika ko bago ko siya nilayo sa akin. Mabuti na lang ay kami na ang sunod na sumakay. Nang makaupo na ako ay lumakas ang kabog ng dibdib ko. Oh my gosh! Ayoko na! 

"Ryan! Ayoko na!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.

"Wala pa nga! Nandito lang ako sa likod mo," natatawang wika niya. Siya lang talaga ang masaya! 

"Ang layo mo pa rin! Nahawakan mo ako!" sigaw ko bago ko inabot ang kamay ko sa kaniya. Nakakangalay ang posisyon ko pero okay lang kaysa naman matakot ako. 

"Huwag kang pipikit! Sayang ang magandang view. Hawak naman kita kaya wala kang dapat ikatakot," pagpapalakas loob na wika niya. Magsasalita pa sana ako ng binawan na kami ni Kuya. Parang hinigit ang hininga ko sa sobrang gulat at kaba. 

"Patay ka talaga sa akin, Ryan! Ililibing kita ng buhay! Ang panget mo! Nakakainis ka! Ayoko na! Mama!" sunod-sunod na sigaw ko. Si Ryan naman ay tawa lang ng tawa. Sarap niyang ihulog! Nang makarating sa kabilang dulo ay nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas ay tapos na! Nanlalambot na tumayo ako napahawak na lang ako sa babaeng umaalalay sa akin. 

"Kaya pa, Ma'am?" natatawang tanong niya. 

"Mamamatay na yata ako." Lalo siyang natawa sa sinabi ko. 

"Congrats, Ma'am! Kinaya mo!" bati pa niya. 

"Yeah! Congrats dahil buhay pa ako. Malapit ko ng mapatay ang kasama ko." Tumawa lang siya sa sinabi ko bago ako alalayan papunta kay Ryan. Nakangiti naman ito sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. 

"Masaya ka na?!" inis na tanong ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ako at isinandal sa kaniya. 

Pagkababa namin ay pinainom niya ako ng tubig. Feeling ko ay nawala lahat ng kinain ko. 

"Sa Silver Surfer naman tayo!" alok niya sa akin. Hindi pa nga ako nakaka-move on ay nag-aya na agad siya!

"Anong gagawin doon?" 

"Mukha siyang seesaw ang kaibahan lang ay nakatayo tayo roon at nasa taas. Para tayong nakalutang," paliwanag niya na agad kong inilingan. 

"A-YO-KO! Ikaw na lang! Hindi mo ako mapipilit! Manlalambot lang ang tuhod ko roon. Baka masuntok na kita," seryosong wika ko. 

"Fine! Fine! Hindi na! Sa Tree Drop Adventure na lang," pagsukong wika niya. 

"Ano na naman 'yon?!" 

"Lalagyan ka ng parang tali tapos tatalon ka pababa!" excited pang paliwanag niya. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang sipain siya sa binti. Nagtatatalon naman siya sa sakit. 

"Kung gusto mo naman pa lang tumalon dapat sinabi mo agad kanina para tinulak na lang kita!" gigil na wika ko sa kaniya. Napanguso naman siya. 

"Puwede mo naman sabihing ayaw mo ng hindi naninipa." Naningkit na naman ang mga mata ko. 

"Kasalanan ko?! Kasalanan ko?!" 

"Kasalanan ko na nga. Tara mag-trekking at skywalk na lang tayo," wika niya bago ako hawakan sa kamay at hilahin. 

"Ano namang gagawin doon?" 

"Maglalakad lang tayo... pataas."

"Pataas?" may pagdududang tanong ko. 

"Huwag kang mag-alala malapad naman ang dadaanan hindi ka mahuhulog."

"Siguraduhin mo lang! Sakal ka sa akin," pagbabanta ko sa kaniya. 

"Kung lahat ng sinabi mo kanina ay ginawa mo, malamang bangkay na ako ngayon," natatawang wika niya.

"Gusto mo bang gawin ko?" panghahamon ko sa kaniya.

"Joke lang naman. Ikaw naman," napapangiwing wika niya. 

"Hindi ko naman gagawin 'yon sa'yo," wika ko bago ko siya iniwan at naunang maglakad. 

"Alam ko! Hintayin mo ako!" sigaw niya bago nagtatakbo palapit sa akin. 

"Hawak ka sa akin para hindi ka mahirapang maglakad," wika niya bago inilahad ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman iyon at sabay kaming umakyat.

Nang makarating kami sa tuktok ay hingal na hingal na kami. Masaya naman pala ang mag-trekking at skywalk. Medyo nakakalula pero alam ko namang safe ito kahit papaano. Sobrang ganda at napakasariwa ng hangin palibhasa ay puro puno. Masarap tumira sa ganitong lugar dahil walang polusyon. Kapag naging mayaman ako ay bibili ako ng bahay sa lugar na sariwa ang hangin. Sa mga probinsiya siguro ay maganda. 

"Ang ganda rito, Ryan! Sulit ang nakakapagod na pag-akyat natin!" 

"Mas maganda ka pa rin! Huwag kang papatalo!" natatawang wika niya. 

"Oo naman!" Sabay kaming nagtawanan. 

Nag-stay kami ng matagal sa taas. Kanya-kanyang selfie at awra. Nag-picture rin kaming magkasama. Pagkatapos noon ay bumaba na kami. Nakakapagod ding bumaba parang gusto ko nalang mag-stay sa taas. Nang makababa na ay kumain muna kami bago bumiyahe ng mahaba at matagal. Hating-gabi na kaming nakauwi sa bahay. Maliban sa kaniya na bibiyahe pa ulit pauwi. Gusto ni Mama na sa amin muna siya matulog kaya lang ay hinihintay daw siyang umuwi ng mama niya kaya hinayaan na namin. 

Nakakapagod pero sobrang saya ng araw na 'to! Hindi ako nagsisising sumama sa kaniya kahit na pamatay ang mga gusto niya. 

Related chapters

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 3

    -KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

    Last Updated : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 1

    -KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin

    Last Updated : 2020-08-08

Latest chapter

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 3

    -KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 2

    -KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 1

    -KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin

DMCA.com Protection Status