Share

CHAPTER 3

Penulis: Amazona Irita
last update Terakhir Diperbarui: 2020-08-08 11:19:31

-KATHERINE MAE-

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami. 

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyang pabango dahil marami ang gumagamit. Hindi ko na lang ito binigyang pansin at nagpakaabala na lang ako sa pagbabasa ng lesson ko na nilagay ko sa phone ko. Nagulat ako ng biglang mawala ang phone ko sa kamay ko. Sisigaw na sana ako ng makita ko ang mukha ng katabi ko. Bumungad sa akin ang ngiting-ngiting mukha ni Ryan. Agad ko naman siyang binatukan sa sobrang inis. Napakunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

“Akala ko pa naman ay magugulat ka kasi nandito na ako,” nagtatampong wika niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Nagulat naman ako! Nagulat ako kasi akala ko ay may magnanakaw na kumuha ng cellphone ko! Muntik na akong atakihin sa puso! Wala pa man din akong pambili ng bago!” singhal ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya.

“Mali pala ang strategy ko. Dapat ay nag-isip pa ako ng iba.”

“Maling-mali! Ngayon mo lang nalaman?! Halatang hindi ka sanay mag-surprise pero huwag kang mag-alala, magaling ka namang magnakaw! Mukhang sanay na sanay ka!” Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

“Sorry na. Gagalingan ko talaga sa susunod.”

“Bakit ka nga pala nandito? Ang sabi mo ay sa January 10 ka pa uuwi.”

“Hindi totoo ‘yon. Plano ko lang iyon para nga sana ma-surprise ka kaya lang ay ako pala ang masu-surprise sa pagbatok mo.”

“Para magising ka sa katotohanan. Better luck next time!” pang-iinis ko pa.

“Hindi ka talaga masayang makita ako?” umaasang tanong niya.

“Hindi! Mas masaya kapag wala ka. Walang mangungulit!” Nalungkot naman siya bigla.

“Dapat pala ay hindi na ako umuwi,” wika niya bago tumingin sa labas ng tricycle.

“Joke lang ‘yon! Arte nito! Akala mo naman ay totoong hindi uuwi!”

“Wala ka talagang ka-sweet-sweet sa katawan! Gusto mong buhusan kita ng asukal?” pambabara niya.

“Ikaw naman ay puro kalandian sa katawan. Gusto mo bang buhusan kita ng asin?” pambabara ko naman sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.

“Sa’yo lang naman ako malandi.”

“Edi wow!” wika ko bago ko siya tinulak.

“Bakit ka ba nanunulak?”

“Baka kasi nasa school na tayo tapos ay kailangan ko ng bumaba baka mahuli ako. Lagot na naman ako kay Mrs. Mendoza.” Napatingin naman siya sa labas saka niya napansin na nasa school na kami. Bumaba agad siya at kinuha ang mga gamit ko. Hinatid niya ulit ako katulad ng dati.

“Sunduin kita mamaya!” wika niya bago tumalikod.

“Ingat!” sigaw ko sa kaniya bago ako umakyat sa taas.

Katulad ng nakagawiang gawin noon ay ganoon pa rin ang ginagawa namin ngayon. Papasok ng maaga, magtuturo, gagawa ng lesson plan, gagawa ng learning materials, uuwi at mag-aaral ng mga lesson. Balik ulit kami sa pagiging busy namin. Nawalan na naman kami ng time ng mga kaibigan kong magkita-kita at gumala pero kami ni Ryan ay araw-araw pa ring nagkikita. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo.

---

Dumaan ang isang buwan ng hindi namin namamalayan. Ngayon ay February na at malapit ng ipagdiwang ang Araw ng mga Puso. May gaganaping JS Prom ang mga Juñior at Señior High at dahil hindi naman kasama ang mga grade 8 ay wala kaming pasok ng araw na iyon. Gaganapin iyon sa February 12, 2021. Ngayong Friday na iyon kaya tuwang-tuwa ang mga estudyante ko dahil wala silang pasok. Pahinga ko na iyon dahil sa Sabado ay magkakaroon kami ng Group date ng mga kaibigan ko. Kailangan lahat daw kami ay may kasamang date. Si Ryan ang isasama ko kaya lang ay baka magulat sila dahil hindi nila alam na close na kaming dalawa.

---

Sabado na at kasalukuyan naming hinihintay si John dahil isang sasakyan lang ang gagamitin namin ngayon. Ang sabi ni John ay 5:30 am niya kami susunduin dahil dadaanan pa namin ang ibang mga kaibigan ko. Pagdating naman ng 6:30 am ay bibiyahe na kami ng halos isang oras para pagdating namin doon ay bukas na ang Sky Ranch Tagaytay. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa pupuntahan namin dahil pamatay na rides na naman ang sasakyan namin.

"Ryan, ano-anong rides ang pamatay sa Sky Ranch?" tanong ko kay Ryan na nakahiga sa sofa namin. Wala ng hiya-hiya. Feel at home lang ang peg niya.

"Ang mga pamatay na rides nila ay Log Coaster, Sky Eye, Drop Tower, Safari Splash at Super Viking. May pagkakatulad lang sila sa mga ride ng Ek mas mataas nga lang sa Sky Ranch," nakangising sagot niya. 

"T-Talaga? P-Puwede bang hindi na lang ako sumama?" kinakabahang tanong ko. 

"Aba! Malay ko! Sinama mo lang naman ako. Saka masaya kaya ‘yon!” excited na wika niya.

“Ikaw na naman ang masaya!” Sasagot pa sana siya ng marinig namin ang busina ng sasakyan sa labas. Nandiyan na sila. Kinuha lang namin ang bag na dala namin bago lumabas. Sinarado niya ang pinto dahil tulog pa sina Mama at Papa. Hindi na namin sila ginising.

Paglabas namin ay nakita ko agad sina Cheche at Leo. Bakit nandito ang pinsan ni Angel? Mukhang siya ang date ni Cheche ngayon. Lumapit na kami sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Cheche ng makita niya si Ryan.

“Oh my gosh! Kayo na?” gulat na gulat na tanong niya.

“Baliw! Hindi ba puwedeng magkaibigan? Jowa agad?!” pambabara ko sa kaniya.

“Buti pumayag siyang maging kaibigan ka! Loka-loka ka pa naman!” pambabara rin niya.

“Siyempre naman! Maganda ako!” wika ko bago sumakay sa sasakyan.

“Anong konek?” sigaw niya. Narinig kong nagpakilala sila sa isa’t isa bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Nanahimik na lang kaming apat hanggang sa makarating kami kina Angel. Hindi na kami bumaba ni Ryan hinayaan na lang namin sina Leo at Cheche. Paglabas ni Angel ay kitang-kita agad sa mukha niya ang gulat ng makita ang pinsan niya. Agad siyang lumapit dito. Mukhang may gerang magaganap.

"Bakit nandito ka?" inis na tanong ni Angel sa pinsan niya.

"Ang guwapo ko po kasi! Hindi rin natiis ni Cheche ang kaguwapuhan ko!" proud na wika ni Leo. Natawa naman ako ng batukan siya si Angel.

“Magkakaibigan nga kayo. Ang hilig ninyong mambatok,” wika ni Ryan sa akin. Agad ko naman siyang siniko.

“Manahimik ka! Nanonood ako ng movie! Sayang walang popcorn!”

“Baliw ka talaga!” wika niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig ulit kina Angel.

"Ang kapal mo! No choice lang talaga ako!" inis na wika ni Cheche. 

"Ganoon ba? Sige maiwan na lang ako rito kina Ate Angel. No choice pala!" inis na wika ni Leo bago kinuha ang susi ng bahay nina Angel kay Jah. Dumiretso siya sa pintuan ng bahay.

"Ano'ng problema niya?!" tanong ni Cheche kay Angel.

"Hindi ko alam! Iwan na lang natin siya! Let's go!" wika ni Angel bago sumakay sa sasakyan ni John. Sumunod naman agad si Jah. Akmang isasara na ang pinto ng pigilan siya ni Cheche. 

"Wait lang, Guys! Balikan ninyo kami rito pagkasundo ninyo kay Jared!" wika niya bago bumaba at dumiretso sa bahay nina Angel. Umandar na ang sasakyan papunta kina Jared. Napatingin naman sa amin si Angel. 

"Nandiyan ka pala, Katty! Nakakapanibago naman ang pagiging tahimik mo! Sino nga pala siya? Pamilyar ang mukha niya," tanong niya. Nahiya naman ako bigla. 

"Si Ryan nga pala! Siya 'yong waiter sa Coffee shop na pinuntahan natin noong first day natin sa OJT," namula ang mukhang wika ko. Nakakahiya naman. Baka isipin nila ay nilandi ko ang waiter na nakilala namin. Pero naisip ko rin na hindi nga pala sila ganoon. 

"Close kayo? Kailan pa?" curious na tanong niya. 

"Ahh... Ano..." 

Napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Jared at umupo sa tabi ni Angel. Tinanguan niya lang kami bago itinuon ang atensiyon sa kanyang phone. Wala ng kumibo sa amin at hinintay na lang na makabalik sa bahay nina Angel. 

Nang makabalik sa bahay nina Angel ay nakita namin na naghihintay na sa labas sina Cheche at Leo. Mukhang napaamo na ni Cheche si Leo. Agad silang sumakay ng tumigil ang sasakyan sa harapan nila. Sunod naming sinundo si Mariza. Pagkatapos ay binalikan na namin sina Ana at John sa bahay nila. Tahimik ang naging biyahe namin dahil halos patulog na silang lahat. 

"Katty," mahinang tawmg ni Ryan sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya. 

"Bakit?" 

"Matulog ka na muna. Mahaba pa ang biyahe." Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya saka ko ipinikit ang mga mata ko at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. 

---

Nagising ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko. Pagtingin ko sa loob ng sasakyan ay halos gising na sila. Si Angel na lang ang tulog pa. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay may nakita na akong matataas na rides. Mukhang malapit na kami. 

"May panis na laway ka pa," wika ni Ryan. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong pinunasan ang gilid ng bibig ko. Masama ko naman siyang tiningnan ng wala naman akong makapang laway. Piningot ko ang tenga niya. Napangiwi naman siya sa sakit. 

"Biruin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising."

"Oo na! Oo na! Tatandaan ko 'yan! Bitawan mo na ang tainga ko!" napapangiwing wika niya. Binitawan ko naman ito. Pagtingin ko sa kanila ay nakatingin na sila sa akin. 

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. 

"Ang brutal mo talaga kahit kailan!" wika ni Cheche sa akin. 

"Brutal agad?! May pinatay ba ako?!" 

"Wala pero mukhang malapit na!" natatawang wika ni Mariza. 

"Tama na 'yan, Guys! Bababa na tayo," saway sa amin ni John. Kanya-kanya namang kuha ng gamit ang mga kasama ko. Kinuha ko naman agad ang salamin ko.

"Bakit salamin ang kinuha mo?" tanong ni Ryan. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Magpi-picture ako. Kailangan ay maganda. Ikaw photographer ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. 

"Lagi naman. By the way, maganda ka na!" wika niya bago bumaba ng sasakyan. 

"Matagal na!" sagot ko na nagpatawa sa kaniya. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Sa bungad pa lang ay nagpa-picture na agad ako. Siyempre on duty naman si Ryan sa trabaho niya bilang photographer ko. Hanggang sa makapasok kami sa loob ay todo picture pa rin kami. Maya-maya ay dumating na rin sina Angel at Red na nahuli sa sasakyan.

Inabot kami ng kalahating oras sa pagkuha ng mga litrato. Nang ma-satisfied kami ay saka lang namin naisipang sumakay sa rides. Nakasakay na kami ngayon sa Super Viking. Nasa likod kaming dalawa ni Ryan at nag-uumpisa na itong umandar. Napahawak ako bigla sa braso ni Ryan. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Narinig kong sumisigaw na ang mga kaibigan ko. 

"Oh my gosh! Puwede pa bang bumaba?!" nagpa-panic na sigaw ni Mariza. 

"Relax, Best! Masaya 'to!" sigaw naman ni Angel. Para siyang si Ryan. Siya lang masaya! 

"Ikaw lang masaya, Best!" malakas na sigaw ni Mariza ng magsimula na itong mag-swing. Napahigpit naman ang kapit ko kay Ryan. 

"Last na 'to! Ayoko na!" sigaw ko sa sobrang takot. Para kaming hinahagis ng paulit-ulit. 

"Kauumpisa lang natin, Katty!" malakas na sigaw ni Cheche. 

"Uuwi na ako! Mama!" malakas na sigaw naman ni Ana. 

"Baka mahulog ako! Lagot kayo sa akin!" sigaw naman ni Mariza. 

Maya-maya ay tumigil na rin ang paggalaw ng Super Viking bagay na ikinahinga ko ng maluwag. Inalalayan ako ni Ryan sa pagbaba. 

"Tama na 'yon, Guys!" wika ko ng makababa na kaming lahat. 

"Oo nga! Sulit na!" wika naman ni Ana. 

"Ano ba kayo, Guys?! Isa pa lang iyon! Marami pa tayong sasakyan!" excited na wika ni Angel. 

"Kayo lang naman nag-eenjoy!" wika ni Mariza. 

"Weh?! Hindi kayo nag-enjoy?! Sobra nga kayong makayakap sa mga kasama ninyo! Lugi nga kami ni Kuya Jah! Wala man lang kaming yakap!" pambabara ni Leo sa kanila. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Guilty ako roon! 

"Yeah! You're right! Pero puwede ko naman siyang yakapin kahit kailan ko gusto. Ikaw hindi!" pang-aasar ni Jah kay Leo. Napasimangot naman ito. 

"Luging-lugi ka talaga, Pinsan!" pang-aasar pa ni Angel. Nagtawanan naman kaming lahat. 

"Cheche, inaaway nila ako! 'Di ba nag---" putol na sumbong ni Leo dahil biglang tinakpan ni Cheche ang bibig niya. Makahulugan naman kaming tumingin sa kanila. 

"Manahimik ka! Ang daldal mo!" inis na wika ni Cheche bago niya ito hinila. 

Sinundan na lang namin sila. Sasakay ulit kami sa iba pang rides. 

"Guys, sa Log Coaster tayo!" excited na wika ni Angel sa amin. Bigla naman kaming natahimik.

"Sasamahan kita, My Angel!" supportive na wika ni Red. 

"Saan kayo sasakay? Ayaw ninyo ba sa Log Coaster?" nakakunot noong tanong ni Angel. 

"Sama kami diyan, Pinsan!" sagot naman ni Leo. 

"Kayo na lang! Hintayin na lang namin kayo!" namumutlang sagot ni Mariza. 

Sumakay na sina Angel, Red, Leo, at Cheche sa Log Coaster habang hinihintay naman namin sila rito sa baba. 

"Ryan, sakay tayo sa Carousel!" aya ko kay Ryan. 

"Bata ka ba?" 

"Bata lang ba ang puwedeng sumakay doon?! Hindi naman! Dali na!" 

"Oo na! Oo na!" 

Nakasakay na kami at magkatabi ang kabayo naming dalawa. Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko. 

"Ano'ng gagawin ko rito?" nakasimangot na tanong niya.

"Try mong kainin. Pagkain yata 'yan!" sarcastic na sagot ko. Lalo naman siyang sumimangot. 

"Malamang magpi-picture tayo! Pagkatapos ay mag-video ka! Bilisan mo na! Matatapos na wala pa tayong picture!" Agad naman niyang sinunod ang mga sinabi ko. Nang matapos ay bumalik na kami kung nasaan ang mga kaibigan ko. 

"Guys, kain na tayo! Gutom na kami!" aya ni Angel sa amin pagkarating na pagkarating nila. 

"Let's go! Gutom na rin ako!" sagot agad ni Ana. 

Agad kaming naghanap ng makakainan. Nang makahanap ay nag-order na kami. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan muna kami. 

"Ryan, paano ka napapayag ni Katty na maging date niya ngayon?" nakangising tanong ni Ana. 

"Hinila niya ako palabas ng bahay kaya no choice na ako," natatawang sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. Ang kapal talaga ng mukha nito! 

"Ang kapal mo! Hindi kita pinilit! Ikaw 'tong sumama noong sinabi ko na maghahanap ako ng ka-date!" inis na wika ko kay Ryan. Siya naman talaga ang isasama ko. Nag-inarte lang siya. 

"Just kidding!" wika niya bago ako pinisil sa pisngi. 

"May something nga sa inyo?!" tanong pa ni Ana. 

"Meron! / Wala!" sabay na sagot naming dalawa. Natawa naman sila. Sinamaan ko ng tingin si Ryan. Imbento nito! Lagot siya sa akin mamaya! Napatingin ako kay Mariza ng magsalita siya. 

"Guys, malapit na ang graduation natin! Ano'ng plano ninyo pagka-graduate?"

"Malamang ay maghahanap ng trabaho!" pambabara ni Cheche.

"Tsk! Malay mo naman ay may magpakasal na sa inyo o kaya mag-abroad!" wika ni Mariza. 

"Mag-abroad ay puwede pa, pero magpakasal?! Puwede rin! Sino na magpapakasal sa inyo, Guys?" natatawang wika ni Ana. Nagkatinginan naman kaming lahat bago sabay-sabay na sumagot. 

"Ikaw!" Napasimangot naman si Mariza.

"Asa pa kayo! Baka si Angel!" Nanlaki naman ang mga mata ni Angel. 

"Bakit nagtuturo ka?! Nananahimik ako rito!" gulat pa ring wika ni Angel. Natawa na lang ako sa hitsura niya. 

"Guys, seryoso. Kapag may nag-propose na isa sa kanila... sasagutin ninyo ba?" seryosong tanong naman ni Mariza. Seryoso ba siya sa tanong niya? 

"Kung mag-usap naman kayo ay parang wala kami rito!" napapakamot sa ulong wika ni Leo. 

"Kunwari ay wala kayong naririnig!" pambabara naman ni Cheche. 

"Masakit 'yon!" pag-iinarte ni Leo. 

"Shut up!" inis na wika ni Cheche. Nanahimik naman agad si Leo. 

"Kung ikaw kaya sumagot sa tanong mo! Bakit ba napunta tayo sa kasal na iyan!" wika naman ni Ana kay Mariza. 

"Ako? Oo naman! Lugi pa ba ako kay Jared!" tuwang-tuwang sagot ni Mariza. 

"Ang tanong... aayain ka ba ni Jared?! Huwag mag-assume! Mahirap masaktan!" natatawang wika ni Ana. Sinamaan naman siya ng tingin ni Mariza. 

"Kunwari lang naman!" nakangusong wika ni Mariza. Mabuti na lang ay dumating na ang pagkain namin. Naiwasan na namin ang tanong na iyon. 

Magana kaming kumain dahil sa sarap ng pagkain nila. Halos walang natira sa mga plato at mangkok namin. Hindi talaga halatang gutom kami. Nang matapos sa pagkain ay nag-ikot-ikot kami sa buong Sky Ranch. Pagkatapos ay sumakay kami sa Sky Eye. 

Bandang alas-siyete ng magpasya na kaming umuwi. Bibiyahe pa kami ng halos isang oras, sana lang ay walang trapik. Nakatulog kaming lahat sa biyahe dahil na rin siguro sa sobrang pagod namin. 

---

Last day na kahapon ng OJT namin at masaya ako dahil pasado ako sa Final demo. Makaka-graduate ako! Ngayon ay pupunta ako kina Mariza dahil nag-text siya sa amin na pumunta raw kami sa kanila pero huwag daw sasabihin kay Angel. Ano na naman bang meron? Pauso ng mga 'to! Pagkarating ko kina Mariza ay nakita ko na agad sina Cheche, Jared, at Ana. 

"Ano'ng meron, Mariza?" tanong ko agad kahit hindi pa ako nakakaupo. 

"Basta! Mamaya ko sasabihin!" excited na wika niya. 

"Mukha kang uod!" Sinamaan naman niya ako ng tingin. 

"Seryoso, ano ba talagang meron? Bakit hindi kasama si Angel?" seryosong tanong ni Ana. 

"Ang kulit ninyo! Nasaan na ba si Red? Tawagan ko na nga!" naiinip na ring wika ni Mariza. Pagkatapos niyang tawagan si Red ay humarap siya sa amin. 

"Malapit na raw siya!" Hindi na kami nagsalita pa at naghintay na lang. Maya-maya ay dumating na rin si Red. 

"Red! Anong meron?!" naiinip na tanong ko. 

"Ano na namang trip mo?! May surprise ka na naman kay Angel kaya hindi siya kasama!" wika naman ni Cheche. 

"Tumahimik na muna kayo para makapagsalita na siya!" saway naman ni Ana sa amin. Nanahimik naman kaming dalawa. Ang daldal ko talaga! 

"Bukas sa practice natin ay magpo-propose ako kay Angel," wika ni Red na nagpasinghap sa aming lahat. 

"Propose?! You mean, kasal?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Yeah!" 

"Seryoso ka ba diyan? Hindi ka ba nabibigla lang? Kasal na ang pinapasok mo," seryosong wika ni Ana. Kaya pala tungkol sa kasal ang ginawang topic ni Mariza noong pumunta kami sa Tagaytay!

"I'm serious. Masyado ng matagal ang taon na nagkahiwalay kami. Panahon na siguro para sumaya na kami. Alam ko ang pinapasok ko. Kung iniisip ninyo kung kaya ko ba siyang buhayin. Oo! Kaya ko! Mayroon na akong sariling business at mahal ko siya." Mukhang seryoso talaga siya kay Angel. Sana all! 

"Kung iyan na talaga ang pasiya mo ay ituloy mo! Pero tandaan mo na kay Angel pa rin ang desisyon. Kung papayag ba siya o hindi. Alam mong marami pang pangarap sa buhay si Angel," seryoso pa ring wika ni Ana. 

"Alam ko pero puwede naman niya iyong tuparin kahit kasal na kami." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. 

"Susuportahan ka namin!" wika naman ni Mariza. 

"Anong ba'ng plano mo?" tanong naman ni Cheche. 

"Bukas ay tatlong beses uulitin ang practice. Sa pangatlo beses, kapag tinawag na siya at nasa stage na ay doon na ako magpo-propose. Nakausap ko na si Dean sa plano ko. Pumayag naman siya. Ako na ang bahala sa buong mangyayari. Ang gusto ko lang ay suportahan ninyo ako at si Angel."

"Okay! Susuportahan namin kayo!" seryoso wika ko.

"Huwag mo siyang sasaktan. Mahal na mahal namin 'yon! Siya na ang tumayong Ate sa aming lahat kaya pagsinaktan mo siya ay lagot ka sa amin!" seryosong banta ni Ana. 

"Hanggang maaari ay hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit at ikasasama ng loob niya. Hindi ko siya sasaktan," seryosong wika ni Red. Sana ay katulad niya ang maging asawa ko. Soon! 

"Good! Mabuti ng nagkakalinawan tayo," seryoso na ring wika ni Cheche. 

"Guys, masyado na kayong seryoso! Parang hindi ninyo naman kilala si Red! Never naman niyang sinaktan si Angel! Don't worry!" natatawang wika ni Mariza. 

"Puwede na bang umalis? Magkikita pa kami ni John," tanong ni Ana. Laging wala sa mood si Ana kapag nag-uusap na kami tungkol sa relasyon nina Angel at Red. Ewan ko ba naman! 

"Yes! Thank you sa suporta!" wika ni Red. 

Nagpaalam na rin ako dahil bibili pa ako ng dress para sa graduation. Tinawagan ko si Ryan. Sinabi kong magkita kami sa mall dahil wala akong kasama. 

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Norma Castro
maganda ang story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 1

    -KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-08
  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 2

    -KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.

    Terakhir Diperbarui : 2020-08-08

Bab terbaru

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 5

    -KATHERINE MAE-Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin."Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma."Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko."Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 4

    -KATHERINE MAE-Pagkarating ko sa mall ay nakita ko agad si Ryan sa entrance. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng napapadaan. Iba talaga kapag guwapo! Matinik sa chicks! Nilapitan ko naman siya."Feeling model ka, Friend! Nahakot ka yata ng chicks dito!" pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa akin."Wala kang magagawa. Guwapo ang kaibigan mo!" mayabang na wika niya. Napaismid naman ako."Saan banda? Sa kuko?" Inakbayan niya ako bago hinatak papasok sa loob ng mall."Aaminin mo lang na guwapo ako hindi mo pa magawa! Pabebe ka pa!" pang-iinis niya."Pabebe your face! Maangas ako hindi pabebe!" wika

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 3

    -KATHERINE MAE-Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami nagkita ni Ryan dahil pumunta sila ng pamilya niya sa Singapore. Nandoon kasi ang lolo at lola niya. Doon nila ipagdiriwang ang Bagong Taon. Kami naman ay sa bahay lang nagdiwang ng Bagong Taon. Noong January 1 ng hapon ay nag-video call kami ni Ryan. Binati niya lang kami at sinabi niyang sa January 10 pa raw siya makakauwi. Ngayon ay January 4 na at balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami.Pagkatapos kong kumain ng agahan ay umalis na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle dahil walang maghahatid sa akin ngayon. Wala pa si Ryan. Pagkasakay ko sa loob ng tricycle ay saglit lang ako naghintay dahil napuno na agad ito. Busy ako sa pagse-cellphone ng maamoy ko ang pabango ng katabi ko. Parang kaamoy ng pabango ni Ryan. Mukhang sikat ang gamit niyan

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 2

    -KATHERINE MAE-Nagising ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Ryan. Agad ko naman itong tinulak palayo. Hindi ko napansing sa balikat niya ako napunta."Nandito na tayo. Tulungan na kita sa mga dala mo," nakangiting wika niya."Sige. Salamat!" wika ko bago bumaba sa tricycle. Naglakad na kami papasok ng school. Sinabihan ko siyang huwag na akong ihatid sa klasrum dahil baka makita na naman siya ni Mrs. Mendoza. Nang makarating sa tapat ng building ay kinuha ko na ang mga gamit ko."Thank you talaga, Ryan! Ang laki ng naitutulong mo sa akin! May tagabuhat ako ng gamit," natatawang wika ko.

  • I Love You, Katty (Tagalog)    CHAPTER 1

    -KATHERINE MAE-Naglalakad na kami ng mga kaibigan ko papunta sa Coffee shop na malapit sa JVS National High School. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil first day pa lang ng ojt namin ay pinagturo agad ako ni Mrs. Mendoza.Nang makarating ay agad kaming nag-order ng cake at coffee. Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwentuhan kami."Okay naman ang first day ko! Next week pa ako pinag-uumpisang magturo ni Ma'am Lopez. Mag-assist daw muna ako," kuwento ni Ana."Wow! Sana all! Ako kasi bukas agad pinagtuturo ni Ma'am Marquez! Kaya marami akong gagawin mamaya!" nanlulumong wika ni Cheche."Ako rin ay bukas na pinagtuturo ni Ms. Marchan! Okay lang naman sa akin

DMCA.com Protection Status