-KATHERINE MAE- Hindi ako halos nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng kalagayan nina Angel, Mariza, Red, at Jared. Saktong 7 am ng bumangon ako sa higaan ko at maligo. Simpleng shirt at pants lang at sinuot ko. Pagbaba ko ay nakita ko sina Ana, Cheche, John, at Ryan. Halos manakbo na ako makalapit lang agad sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin. "Kumusta na sila? Okay na ba sila?" nagpa-panic na tanong ko. Nilapitan ako ni Ryan saka pinakalma. "Maupo ka muna," wika ni Ryan. Umupo ako sa tabi niya. Makikitang halos hindi rin nakatulog ang mga kaibigan ko. "Pumunta kami kanina kina Angel. Ang sabi ng mama niya ay nagpapahinga pa raw. Hayaan daw muna natin siya," malungkot na wika ni Ana.
Last Updated : 2020-08-08 Read more