Share

CHAPTER 4

Chapter 4

Ipinasok niya sa sasakyan ang lahat ng mga pinambili namin. I took my phone at halos mapanganga ako nang makita ko ang oras. It's already 9 p.m for Pete's sake! Wala namang maghahanap sakin kaya lang ay hindi ako sanay na umuwi ng ganitong oras. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. I can't help to be sad. Christmas Day pero hindi ko kasamang magpasko ang Mommy at Daddy. Marami ring mga bata na namamasko sa daan. Napansin kong mali ang daan na dinadaanan namin ni Kianno.

"Hoy lalaking hilaw, mali ang daan na dinadaanan natin. Hindi 'yan ang daan papunta sa bahay ko." 

"I know, I know." 

"Then where are you taking me? Iuwi mo na ako, Kianno." Hiyaw ko.

"No. Hindi ba sabi mo wala kang kasamang magpapasko? So, dadalhin kita sa bahay namin at doon tayo magpa-pasko. Kapag pasko kasi, marami ang mga niluluto ni Mama sayang naman kung hindi mauubos."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ako makapag-salita at napaiwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung maiiyak ba ako o matutuwa. Sa totoo lang, gustong-gusto kong maranasan magpasko kasama ang pamilya. Bigla akong napaluha sa saya. Normal pa kaya ako? I'm 17 years old pero napaka-iyakin kong babae.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang red gate. Ito na siguro ang bahay nila. 

"Come in, feel at home."

Pagkapasok ko sa bahay nila, hindi ko maiwasang mapangiti. Napaka ganda ng bahay nila, hindi ganoong malaki at hindi rin ganoong maliit. Tamang-tama lang ang laki nito. Napaka-linis tingnan. May mga iba't ibang klase ng mga bulaklak sa loob ng bahay, may TV at sa may gilid nito ay ang mga picture frame. Kinuha ko ang isang picture frame at tiningnan ito.

"He's my Dad." 

Napaigtad ako sa gulat. Hindi ko alam na nasa likuran ko na pala siya. Agad kong binaba ang hawak kong picture frame at humarap sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin? Gwapo ba?" Tanong niya at nag pogi sign.

Hindi ko mapigilang mapatawa sa itsura niya. May pagka hangin rin naman pala 'tong lalaking hilaw na 'to. Lumapit siya nang kaunti at kinuha ang picture frame na hawak ko kanina.

"Dad died because of an accident. A car accident." Sabi niya at pinunasan ang namumuong luha sa kanyang mata.

He smiled. "He's the best Dad in the entire world. He's a very busy person yet he find ways para makasama kami. Dad was my protector and my hero. When I was a kid, gustong-gusto ko maging kagaya ni Dad. Masipag, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa pamilya." 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Every picture, there's a memory at iyon ang hinding-hindi makakalimutan ni Kianno. 

"Kuya, saan mo ba kasi nilagay ang-- Oh my god. Mama, come here bilis!" Gulat akong napatingin sa babae. Halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti.

"Kianno, anak nandito na pala kayo. Siya na ba si Francine?" Nakangiting tanong ng nanay niya. Her Mom was really beautiful.

"Magandang gabi po, Tita. Ako po si Francine." Sabi ko at saka nagmano. 

"Totoo ngang napaka ganda mong dalaga. Halina kayo, doon na tayo magkwentuhan sa mesa." 

"Alam mo ba ate Francine, palagi kang nakukwento sa amin ni Kuya. Diba Kuya?" Pahabol na sabi ng kapatid niya.

"BEA!" Hiyaw ni Kianno dahilan para magtawanan kaming lahat.

Naka simangot lang si Kianno dahil inaasar siya ng kapatid niyang babae. Marunong din pala siyang sumimangot, akala ko kasi puro tawa at pag ngiti lang ang alam niya. They're happy kahit na hindi sila kumpleto ngayong pasko.

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami. Ipinag sandok ako ng kanin at ulam ni Kianno. Pansin ko rin ang kakaibang tingin sa amin ng Mama at kapatid niya. Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo habang nag-uusap sila. Napansin ko rin na close si Kianno sa Mama at kapatid niya. Nag kwento rin sila tungkol sa pagkabata ni Kianno at maging ang mga kalokohan na ginawa niya ay ikinukwento rin nila.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng may kasama kang mag- celebrate ng Christmas. Totoo nga ang kasabihan, hindi nasusukat sa liit o laki ang isang bahay. Nasusukat ito kung paano n'yo tratuhin ang isa't isa bilang pamilya. Ikinukwento ko rin sa kanila ang tungkol sa parents ko. Masaya rin ako dahil pakiramdam ko part ako ng pamilya nila. Madali ko ring nakasundo si Bea. She's cute and childish, halatang bini-baby siya ng Mama at nang Kuya niya. I really wanted to have a sister pero mas mabuti na rin siguro na wala akong kapatid kaysa maranasan niya ang sakit na nararanasan ko ngayon.

Hindi na nila ako pinayagang umuwi dahil masyado nang malalim ang gabi kaya wala akong magawa kundi ang mag stay dito sa bahay nila. Magkatabi lang ang guestroom at ang kwarto ni Kianno. Nagpa gulong-gulong lang ako sa kama at hindi parin ako dinadalaw ng antok. I tried to sleep but I can't. Naisipan kong lumabas muna para kumuha ng tubig nang makita ko si Kianno na naka-upo sa labas.

"Can't sleep?" Tanong ko at bahagyang nagulat siya sa pagsulpot ko pero hindi niya iyon ipinahalata.

"Yeah, ikaw rin ba?" 

Ngumiti ako at tumango. Umupo ako sa tabi niya at tumingala sa kalangitan. 

"Did you enjoyed?"

I smiled at him while uttering the word 'Thank you'. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayong araw na'to. Parang naranasan ko ulit maging masaya. Hindi ko maiwasang maiyak. Hindi dahil sa sakit kundi sa saya na nararamdan ko.

"Umiiyak ka na naman." 

Mahina akong napatawa sa sinabi niya. He move closer and he shed my tears. I was surprise of what Kianno did. Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong napa-iwas ng tingin. My hands were sweating in bullets. I feel that there's a butterflies flying inside my stomach. I know this kind of feeling. Ganitong-ganito ang nararamdan ko kapag nagbabasa ako ng mga Fiction books at nanonood ng mga Romantic Movies.

"I don't wanna see you crying again, Tyra. You're tough." He said.

Yeah, I'm tough outside but deep inside I'm fragile. I wanted to cry and scream all the pains I've felt. But I shouldn't cry. 

"You know what Kianno, you're a very lucky guy. You have a loving family. A caring and loving mother and you have a sister who also makes you laugh. Kahit na hindi kayo kumpleto ngayong pasko, I can feel that all of you were happy celebrating this Christmas." 

This time, I smiled at him. Yung totoong ngiti at hindi plastic. I feel comfortable with him. 

"Aren't you happy? You have your family. They're working hard for you and besides mayaman ka. Lahat ng mga gusto mo, agad mong nakukuha." 

"I'm rich and I came from a very popular family and we're one of the richest family in Philippines. Nakukuha ko ang lahat ng mga bagay na gusto ko pero alam mo ba kung ano ang kulang sakin?" Naiiyak na tanong ko.

"Family." 

Tiningnan niya ako na para bang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. Mahina akong natawa. 

"Kalingga ng isang magulang. Iyan ang wala tanging wala sakin. Dapat nga masaya ako dahil marangya ang buhay ko pero hindi e. Parang ipinasa nina Mommy at Daddy ang responsibilidad nila sa katulong."

Hindi ko na napigilang umiyak. Reminiscing those memories really break's my heart into pieces. It feels like I was stab in my heart a hundred times. 

"Don't worry I'm here." Mahinang sabi niya at saka ako niyakap.

"Sa ngayon nandito ka pero alam natin na balang-araw aalis ka rin." 

"Oo, malapit na."

Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso sa mata dahil baka maiyak lang ako. Gusto kong sabihin na 'wag nalang siyang umalis pero wala akong karapatang sabihin 'yun sa kanya.

"Lahat nalang kayo iniiwan ako."

Akala ko, tatawanan niya ako kagaya ng mga ginagawa niya sakin pero imbis na tawanan ako ay ginulo niya ang buhok ko at hinawakan ako sa balikat.

"Babalik naman ako. Babalikan kita, Tyra."

He made a promise that he'll come back. Promises are meant to be broken but this time I will hold into his promise.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status