Share

CHAPTER 2

Chapter 2

Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng school. Para akong robot na naglalakad. Walang emosyon. My lips were on a straight line and my eyes were also cold. All of them was looking on me. Sobrang ilag na ilag sila sakin na para bang may sakit akong nakakahawa. Yeah, I have ODD pero hindi naman yun nakakahawa. 

I only have one friend, she's Vivian. They saw her as a bitch and a boyfriend stealer. Pareho lang ang tingin nila sa amin ni Vivian kaya madali lang kaming magkasundo and in the end, we became friends. Kilala ako dito sa University na pinapasukan ko hindi dahil artista ako. It's because I'm mean. Some of them call me slut, spoil-brat, bitch, hooker and a boyfriend stealer. Yes, I'm a bitch. But I really hate when they call me boyfriend stealer. I didn't steal anything! My goodness. Wala ngang nagtatangka na makipag-kaibigan sakin tapos aakusahan nila ako na may kinuha ako sa kanila. Siguro matagal na akong na kick-out sa University na ito kung di lang sa malaki ang share ng parents ko dito. They're just using my parents wealth at para magtuloy-tuloy ang shares ay pinapalampas lang nila ang mga ginagawa ko sa loob ng University.

I really hate them. Todo ngiti pa sila pag nakakasalubong nila ako but I know why they are doing it. Because they want money. Wala silang ibang iniisip kundi pera, pera, pera. Mga mukhang pera!

"Hi Miss, would you mind?" 

Napaangat ako ng tingin. He's looking at me while smiling. Hindi ko maiwasang mapatingin sa dimples niya. Nagpatuloy lang ako sa pagtitipa ng cellphone ko. Nakita ko namang umupo siya sa bakanteng upuan na katapat ko. Nakailang sulyap at irap ako sa kanya dahil kapag tinitingnan ko siya ay nakangiti lang siya sakin. May itsura sana kaso parang may tama, tsk.

"Why are you looking at me?" 

"Gusto ko lang kasing makipag-kaibigan sayo. Bago lang kasi ako dito sa University at saka hindi ko pag kabisado ang ibang daan dito." Aniya at mahinang tumawa.

"I'm a student here like you. Kung gusto mong makipag-kaibigan, maghanap ka ng iba marami namang studyante dyan." Sabi ko at saka muling inirapan siya. Ang sakit pala sa mata kapag palagi kang umiirap. 

"By the way I'm Kianno Villegas. And you are?" Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko para makipag shake hands. As if naman na hahawakan ko ang kamay niya.

"I'm not interested."

"Ang ganda naman ng name mo. Nice to meet you Ms. I'm not interested." Aniya saka humahalakhak ng malakas.

Damnit

Tumayo ako para makaalis sa lalaking yun. Sira ba siya? Bakit sa lahat ng nandito ako pa yung napili niyang inisin. Nakakabwisit!

"Teka, nagbibiro lang naman ako. Ikaw naman, napakatampuhin mo naman."

"Umalis ka nga pwede? Ayoko nang makita ulit ang pagmumukha mo." I said but he just pouted his lips. Call me mean, I don't care. 

"Paano kung ayoko? May magagawa ka ba? Saka bakit ba tinataboy mo'ko? Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo."

This guy really knows how to ruin my mood. Naiinis ako kapag ngini-ngitian niya ako. I hate seeing his dimples. Bwisit!

"Ah, ayaw mo? Okay fine." 

Kinuha ko ang tubig na nasa mesa at ibinuhos iyon sa buong mukha niya. Lahat na ngayon ng mga studyante ay nakatingin sa amin. I guess, I caught their attention. May naririnig akong mga nagbubulong-bulungan. But who cares? Sanay na akong masaktan kaya wala akong pakialam sa kung ano man ang sasabihin nila sakin.

"Pagpasensyahan niyo na 'tong girlfriend ko, medyo mainit lang ang ulo nito ngayon." Aniya sabay na tumawa ng mapakla.

I was shocked of what he did. I thought magagalit siya pag ginawa ko yun but I was wrong. Instead na magalit siya sakin ay nagpanggap siyang boyfriend ko at nag sorry siya sa mga kapwa studyante na nakakita ng ginawa ko. Unbelievable.

Agad akong umalis matapos ng mga sinabi niya at iniwan siyang nakatayo doon. Tama lang yun sa kanya. Sana naman titigilan na niya ang kakasunod sakin. Para siyang buntot kung naasan ako nandoon rin siya.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa isang park malapit sa University na pinapasukan ko. I sat on a vacant bench near on the tree. There were a lot of children playing around. But only one caught my attention. A little girl was crying while pointing on the balloons. Agad namang kumuha ang babae ng kanyang panyo at pinunasan ang likod ng batang babae. I think it's her Mom.

"Ma, balloon."

"Okay, I'll buy you one but promise me you'll eat vegetables okay?"

"Yeheyyy!" 

How lucky they are. They have parents who are always been there to took care of them. Kapag lumaki na sila, may maaalala silang magagandang memories na kasama ang kanilang mga magulang. Unlike me, walang kasama. Hindi ko man naranasan na kasamang lumabas ang Mom at Dad ko.

"Saan mo pa gustong pumunta, anak?" 

"Let's go to the Jollibee, Pa. I want to see a big red bee."

"Kiss muna kay Papa at Mama." Ani ng Papa niya sabay turo sa pisngi niya. Lumapit naman ang batang babae at sabay na hinalikan sila sa pisngi sabay sabi ng I love you.

A tear fell into my eyes. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanila. Pinunasan ko ang mga namumuong luha sa aking mga mata ngunit ang simpleng pagluha ko ay nauwi sa pag-iyak. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga bata o maging sa ibang tao na kasama ang kanilang mga magulang. I really wanted my Mom comb my hair every morning. Yung pagka gising mo palang sa umaga ay sila na agad ang makikita mo. I wanted my Dad ride with me wherever I go. O kahit ang sunduin man lang galing sa school. Gusto kong kumain na kasama silang dalawa. I really wanted them to be there in every special occasions like birthday, Christmas and New Year. Maniniwala na talaga ako sa himala kapag isa sa mga yun ay nagawa nila. I'm tired seeking for their love, care and attention. 

Nagpatuloy ako sa pag-iyak nang may isang panyong lumitaw sa harapan ko. Napatingala ako at nakita ko na naman itong bwisit na lalaking 'to.

"Ano yan?" 

"Ah ito? Ang tawag dito ay panyo baka kasi hindi mo alam." 

Napaka pilosopo!

"Of course alam ko kung ano yan. Alisin mo nga yan sa mukha ko. I don't need that." 

"Kailangan mo 'to. Sige na alam ko naman na umiiyak ka." Aniya.

"Pwede bang pabayaan mo nalang ako? I'm not crying." 

"Sige sabi mo e. Punasan mo nalang yang mata mo. Kanina pa yan pinapawisan." 

Tiningnan ko muna ng matagal ang panyo niya saka ko ito kinuha. 

"Malinis ba itong panyo mo? Baka ito yung ginamit mong pamunas sa mukha mo kanina?" Paninigurado ko. 

"Hey I have my mine here." Aniya at saka ipinakita ang basang panyo.

Yeah, he's right. Malinis nga at kasing bango niya. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya lang ang nagbigay sa akin ng panyo. Pero ayoko parin maniwala sa kabaitan na ipinapakita niya sakin. Alam ko na gusto niya lang mapalapit sa akin para perahan ako. 

"Ang saya-saya nila no?" 

Napatingin ako sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa mga bata. Umupo siya sa tabi ko pero nanatili akong nakatingin sa mga batang naglalaro. Huminga siya ng malalim at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bakit ba sobrang sungit mo sakin?"

"Pakialam mo? I don't know you so shut the fuck up."

Nagulat ako nang bigla niyang paluin ng mahina ang bibig ko. How dare him! 

"Don't cuss." Aniya at saka dumukot ng kung ano mula sa bag niya.

Gusto ko pa sanang mag stay dito sa park hanggang sa mag-gabi pero ayoko mag-stay dito kung nandito parin 'tong bwisit na lalaking 'to. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. I need to go home now. I want to take some rest dahil sobrang nakakapagod ang araw na 'to kahit wala naman akong ginagawa. 

"Sandali, saan ka pupunta? Uuwi ka na?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko.

"Malamang uuwi na. Gusto ko lang naman magpa hangin kaya ako nandito saka bitawan mo nga ako." Inis na sabi ko at saka binawi ang kamay ko mula sa kanya. 

"Tara Ms. I'm not interested, samahan mo'ko. Let's buy ice cream don't worry it's my treat." Aniya habang nakangiti ng matamis.

He smiled and it's annoying. Kumukulo yung dugo ko kapag nakikita ko yung malalalim na dimples niya. I really hate this guy. Kahit anong gawing pagtataboy ko sa kanya, hindi parin siya umaalis. He grab my hand and we walked directly to the ice cream cart. As he held my hand, I felt butterflies dancing inside my stomach.

"Girlfriend mo ba s'ya, Ihjo?" Biglang tanong ni Manong. Halos masamid na ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang tanong niya.

"Nako, hindi po Manong."

"Sayang naman, bagay pa naman kayo. Ang cute ninyong tingnan." Kinikilig na sabi ni Manong. 

"Talaga po ba? Sige ho, pag naging girlfriend ko na po s'ya, babalik kami dito." Nakangising sabi niya at agad kong inialis ang kamay niya na nakaakbay sakin.

"Girlfriend mo, mukha mo!" Sigaw ko sabay hampas ng malakas sa kanya. Narinig ko pa s'yang napadaing siguro napalakas 'yung paghampas ko sa kanya but who cares. He's a stranger.

"Here's your ice cream Ms. I'm not interested." Sabi niya at saka ibinigay ang hawak niyang cookies and cream flavoured ice cream.

Tiningnan ko siya ng maigi. I could say that he's handsome. Tamang-tama lang ang build ng katawan niya at mas mataas siya ng kaunti sakin. Hindi ko pa man nauubos ang kinakain kong ice cream nang bigla niya akong pinahiran ng ice cream sa ilong. At dahil sa inis ay ipinahid ko sa pisngi niya ang natitira kong ice cream.

He laughed. At ngayon, wala na yung ice cream ko. It's delicious kahit na hindi ito imported kagaya ng mga kinakain kong ice cream. He's now holding another cone of ice cream at mas malaki ito kaysa sa kinain namin kanina. He's smiling at me. Yung ngiti niya kakaiba parang may binabalak siya sakin.

"Run!" 

At dahil nahulaan ko agad ang gagawin niya ay kumarimpas agad ako ng takbo. I ran as I could but he caught me. Masyado siyang mabilis. Nadapa kaming dalawa sa damuhan at ipinahid ang ice cream sa buong mukha ko. It's very sticky! 

He laughed at me. This is the first time that I felt relaxed because of him. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status