Share

CHAPTER 3


Chapter 3

Nakapikit ako habang nakikinig ng mga kanta ni Billie Eilish. Kahit na nakapikit ako ay hindi ko parin maiwasang maalala ang mga nangyari sa akin kanina. First time na may nag-alok sa akin ng ice cream at first time ko rin malagyan ng ice cream sa buong mukha. Habang naglalakad ako kanina, pansin ko na nakatingin sa akin ang lahat ng mga nakakasalubong ko sa daan. Hindi ko naman sila masisisi. Para akong isang bata na palaboy-laboy sa daan. Napakadumi ko.

"Ma'am Francine?" 

Napamulat ako ng mata at nakita ko si Melai, isa sa mga cook namin dito sa mansion. Agad na uminit ang ulo ko nang makita ko siya na may hawak-hawak na gatas.

"Hindi ka ba marunong kumatok? Katulong ka lang at amo mo'ko, kaya marunong kang gumalang." Inis na sabi ko at kinuha sa kanya ang gatas.

"S-Sorry po, Ma'am." Aniya at dali-daling umalis.

Imbis na inumin ko ang gatas na binigay ni Melai ay tinapon ko ito. Baka nilagyan niya ng lason ang gatas. Alam kong malaki ang galit sakin ng mga taong nakapalibot sakin. Lalong-lalo na si Melai. Nagbabait-baitan siya but I know she hated me too.

Naisipan kong maglakad-lakad sa swimming area. Gusto kong ibabad ang paa ko sa tubig. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Thea. She's very close to Mom and Dad. At kagaya ko, minsan ay binibigyan rin siya ni Mommy ng mga pasalubong. Mas may oras pa sina Mommy at Daddy sa hampaslupang si Thea kaysa sa akin na sariling anak nila.

Naninikip ang dibdib ko sa twing naaalala ko ang mga bagay na yun. A tear fell into my eyes. I shouldn't cry. I'm tough. Nilakasan ko ang loob ko at muli ay namayani na naman ang galit sa aking puso. 

"Hindi ka pa ba tapos dyan, Thea?" 

"Hindi pa, Ma'am pero malapit na akong matapos dito." 

Lumapit ako sa kanya at itinulak siya sa pool. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Isusumbong kita sa Mommy mo!" Sigaw niya.

"Go on, gusto mo samahan pa nga kitang magsumbong sa kanila e. Magsumbong ka, wala akong pakialam!"

I walked away after what I did. Dapat lang magyari yun sa kanya. Napaka sipsip niya halata namang nagbabait-baitan lang siya para magustuhan siya ni Mommy. 

My phone rang. Agad kong sinagot ang tawag ni Mommy. Tinatanong niya kung ano ang gusto kong Christmas gift. Then I said nothing. I don't want anything. I just wanted them to be here in Christmas. But they can't. Mas gugustuhin nilang magtrabaho kaysa ang makasama ako. At saka, ganon naman kami lagi. We're just talking over the phone. 

And by this time, si Daddy naman ang nagtanong sa akin. He asked the same question but again, I said nothing. How can I celebrate Christmas kung wala ang dalawang tao na gusto kong makasama?

____________________________________

Lumipas na ang dalawang linggo simula nang tumawag si Mommy sakin. Damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin. It's Christmas. Kahit saan ako tumingin, ang lahat ng bahay ay may mga dikorasyon. At sa gabi naman, agaw pansin ang mga Christmas lights. 

Naisipan kong pumunta sa mall. Wala rin naman akong gagawin dito kundi ang tumunganga. Hindi pa man ako tuluyang nakababa ng hagdan ay may tumawag sakin. Hindi naka register ang number sa phone ko kaya mas pinili kong hindi ito sagutin. 

"Ma'am, may bisita po kayo." 

Agad na nanglaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ng masama ang katulong dahilan para mapayuko ito at dali-daling umalis. 

"Talaga bang hindi mo'ko titigilan?" Inis na tanong ko kay lalaking hilaw. Maputi kasi siya kaya naisipan kong tawagin siya sa ganoong pangalan.

"Nagsusungit ka na naman. Saan ka nga pala pupunta Ms. I'm not interested?" Aniya at ngumiti.

He's smiling at me again! Nakangiti siya sakin na para bang inaasar ako. I don't know! Siguro, ako lang yung naasar sa tuwing ngingiti siya. Inirapan ko na lamang siya at lumayas sa harap niya. 

"Hey, wait." 

Agad niya akong sinundan. Marami siyang sinasabi pero hindi ko siya pinakinggan. Patagal nang patagal ay unti-unti ko siyang nakikilala. Kahit hindi ako magtanong, ay kusa niyang kinukwento sakin ang buhay niya. Hanggang sa ako naman ang tinanong niya tungkol sa sarili ko. Ang tanging sinabi ko lang ay ang pangalan at edad ko.

Ayokong may makakilala sakin dahil kapag nangyari yun ay mas madali nilang malalaman kung paano ako saktan. Sinusubukan ko rin na hindi ma-attached sa kanya. I know someday, he'll going to leave me. Watching him as he leave, break's my heart into pieces.

"Nakikinig ka ba sakin Ms.--" 

"I'm Francine Tyra Manuel. Stop calling that name kasi nakaka bwisit!" 

He chuckles. "Tyra. I'll call you Tyra. Nice name, maganda at bagay sa'yo."

Agad na nag-init ang mukha ko. Pakiramdam ko tuloy sobrang pula na ng mukha ko. What I hated the most is when someone calling Tyra. But as he say my name, parang napakagaan sa pakiramdam. Sobrang naninibago ako sa mga kinikilos at nararamdan ko.

"Saan ba kasi ang punta mo? Sasamahan na kita." Pangungulit niya. 

"Sa mall ang punta ko."

"Naks naman, dyan rin kasi ang punta. Sige, sumakay ka na." Aniya at saka pumunta sa sasakyan niya.

Binuksan ko ang pinto sa backseat at agad na umupo. 

"I'm not your driver, Tyra. Dito sa umupo." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Yeah, magmumukha nga siyang driver kapag sa backseat ako umupo. Tahimik lang ang biyahe namin. Nakatingin lang ako sa labas at wala sa plano ko ang makipagdal-dalan sa kanya. 

"Nandyan ba ang parents mo mamaya?" Biglang tanong niya habang nakatingin sa rare view mirror.

Saglit akong natigilan sa tanong niya. Marahil, ay itatanong niya kung sino ang kasama kong mag pasko mamaya. Umiling ako at saka yumuko. 

"Ahh, okay." Maikling tugon niya.

Nilingon ko siya at nakita kong bahagya siyang nakangiti. Siguro, natutuwa siya dahil wala akong kasama mamaya. Basta, hindi ko alam. I can't read him. Mayaman kaya siya kagaya ko? O mahirap? Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong napa-iwas.

Nasa mall na kami. Napakadaming tao kapag ganitong pasko kaya nahihirapan kaming makahanap ng pwesto. We waited for a minute. Ilang saglit lang ay nakahanap kami ng pwedeng pag-parkingan. 

"Where do you want to go? Gusto mo bang mag-arcade tayo, manood ng sine or gusto mong kumain muna tayo?" Hindi agad ako nakaimik dahil sa sunod-sunod niyang tanong.

"Kahit saan nalang siguro. Gusto ko lang naman mamasyal."

Nauna akong maglakad sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Pilit kong inialis ang kamay ko sa kanya ngunit mas hinigpitan niya ang pagka hawak. Wala akong magawa kundi ang hayaan nalang na magka-hawak kamay kami habang naglalakad. 

Una kaming pumasok sa isang tindahan ng mga perfumes and accessories. Aaminin ko, naiilang ako kapag may tumitingin samin. He let go of my hand. Pumunta ako sa isang corner na puro pabango. Inamoy ko ang mga ito pero naisipan kong bumili ng isa sa mga ito. French Vanilla ang napili kong bilhin. Hindi ko na tiningnan kung anong brand ng pabango ang napili ko. Aanhin ko naman ang brand kung ayaw ko ang amoy nito.

"Isa lang ang bibilhin mo?" 

"Yeah, ano namang masama kung isa lang ang bibilhin ko? Mabuti nga at may napili ako dito." Inis na sagot ko. Mahinang pinitik ni Kianno ang bibig ko.

"Ano ba? Ba't mo ako pinitik?"

"Magdahan-dahan ka kasi sa pananalita mo. Nagiging suplada ka na naman." Aniya.

Whatever. Kinuha niya ang perfume na hawak ko. He insisted na siya na raw ang magbayad. I don't have a choice. Binigay ko nalang sa kanya kaysa makipag talo pa ako sa kanya. Sunod kaming pumunta sa may Arcade. We played a lot of games and I enjoyed. We played basketball, Tekken and he sang. Yes, kumanta siya kahit na sobrang dami ng tao. Nung una, pinilit niya akong kumanta pero tumangi ako. Halata sa kanya na sobrang nag-enjoy siya. 

"Tyra, picture tayo."

"Ayoko."

"Sige na parang picture lang naman e. Takot ka ba sa camera?" Tanong niya.

Inirapan ko siya at kinuha ko ang cellphone ko sa bag. But again, gusto niya na phone niya ang gagamitin namin. Ako ang humawak sa phone niya nakailang click na rin ako doon. 

"Dapat palagi kang nakangiti. Kasi lumilitaw yung ganda mo kapag hindi ka naka simangot." Aniya at saka pinisil ng mahina ang pisngi ko.

Muli ay inirapan ko lamang siya. Siguro, nakailang irap na ako sa kanya ngayong araw. He held my hand as we walked through the Popcorn Stall. Nakapanood kami ng apat na palabas. First time kong pumunta ng mall nang may kasama. To be honest, I'm comfortable with him. He's showing his kindness at parang ako lang ang walang nagawang mabuti sa kanya. Ilang beses ko na siyang itinaboy na parang aso pero hindi parin siya umalis. Hindi siya umalis sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya.

I wish it would last long...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status