Share

I Love You, Goodbye
I Love You, Goodbye
Author: Ellie Xystia

CHAPTER 1

Chapter 1

I'm Francine Tyra Manuel - the only daughter of one of the richest family in Philippines. And because I came from a very rich family, I always get what I wanted. Laptops, computers, books, cellphones and even luxurious things. Siguro, kaya nila binibigay ang lahat ng gusto ko kasi alam nilang doon lang nila maipapakita ang pagmamahal nila sakin. They're showing their love through giving expensive gifts.

Mom and Dad, they were always busy. Palagi silang wala sa bahay kapag gumigising ako sa umaga. I don't remember any good and happy memories na kasama silang dalawa. Tanging ang mga katulong lang palagi kong nakakasama at minsan naman ay inaatake ako. I have Oppositional Defiant Disorder or ODD. I easily get annoyed by others. Kahit ang pagtawag sakin sa second name ko ay sobrang nakapagpapakulo ng dugo ko. That is why Mom and Dad always gives what I wanted o kahit na hindi ko man hingiin ang mga bagay na yun ay kusa nila itong ibinibigay sakin dahil ayaw nila na nagwawala ako. 

I'm aware that all of them hated me so much. Nang malaman ng iba naming katulong ang kundisyon ko ay tinatawag nila akong baliw. They call me crazy and they even want me to be dead. Sabi nga nila, sakit lang ako sa ulo ng Mom at Dad ko. It feels like I was stabbed so many times. Ang sakit marinig mula sa kanila ang katotohanan.

Naalala ko bigla si Lola Mina. Everytime na bibisita kami sa kanila ay palagi niya akong ipinag bi-bake ng cookies. She always comb my hair, we always watched our favorite movie every night. Kapag hindi ako makatulog ay kinakantahan niya ako o di naman kaya ay binabasahan niya ako ng mga stories. Nagagawa ni Lola Mina ang mga bagay na hindi nagawa sa akin ng Mommy ko. Until one day, nagising na lamang ako na yakap ko aking Lola. I greeted good morning kahit alam kong natutulog pa siya. I kiss her forehead but I noticed something. My hands were shaking that time and my tears was rolling down into my cheeks. She's dead. Namatay siyang nakayap sa akin. And because of what happened, hindi ko maiwasan na magalit sa parents ko. Kung hindi lang sana nila ako iniiwan kay Lola, sana kasama ko pa siya.

Since that day, I changed. Palagi akong nagagalit kahit na walang dahilan. Minsan napapag tripan ko ang ibang mga katulong. Tinutulak ko sila sa pool, pinaglilinis ng buong bahay maghapon at nilalagyan ko ng mga uod ang loob ng mga sapatos nila. Lahat sila ay umiiyak at sinasabing nababaliw na raw ako. 

Until one day, may isang event sa school. I was 10 years old back then. It was our Family Day but I know they were not coming. Pero kahit na alam kong hindi sila pupunta ay pinaalam ko parin sa kanila ang event sa school. 

"Yes, pupunta kami sa event na yan, anak." Nakangiting sabi ni Mom habang magka-hawak kamay sila ni Dad.

Halos hindi ako makatulog sa sobrang excitement na nararamdan ko nang mga oras na yun. When I woke up, agad kong tinawag si Yaya para tulungan akong magbihis. Sobrang kabado ako. Siguro nag pe-prepair na sila Mom at Dad. Nang matapos akong magbihis ay kumarimpas ako ng takbo sa kwarto nina Mommy.

'You can do it. They're coming on the event remember?'

Pilit kong pinapatatag ang loob ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang lumabas ang isa naming katulong. Halata ang takot sa kanyang mukha alam kasi ng lahat dito sa mansion na may ODD ako at bigla-bigla nalang akong nagwawala at nagbabasag ng mga gamit kapag inaatake ako nito.

"Where's Mommy? Ready na po ba sila?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

"W-Wala na sila dito. Umalis na kaninang madaling araw." Aniya at nagmamadaling umalis sa harapan ko.

Tama nga si Yaya. Umalis na nga sila. Pumasok ako sa kwarto nila at tiningnan ang kanilang mga gamit. Their room were filled with expensive luxurious things. They left me in this house, again. But they sworn they'll attend my Family Day. Ano pa bang bago? Palagi nilang sinasabi na pupunta sila pero hindi naman pala. Hindi na nga nila naaalala ang birthday ko dahil sa mas marami silang oras na ginugugol sa trabaho kaysa sakin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. I tried not to cry. Hindi dapat nila ako makitang umiiyak. I took a deep breath before I left on their room.

'Im Francine Tyra Manuel and I'm tough.'

Habang lumalaki ako ay nagiging mainitin ang ulo ko. Madalas rin akong inaatake ng sakit ko. I tried to cut my wrist. Akala ko mag-aalala sila sakin but I'm wrong. Mas dinagdagan pa nila ang maids na magbabantay sakin. 

Nakatulala lang ako sa may bintana. Iniisip ko kung bakit ko nararanasan ang mga ito. I maybe rich but I'm very poor in care and love. I'm tired seeking for their love and attention. Lumaki akong hindi kasama ang mga magulang. Dahil buryong-buryo na ako dito sa bahay, naisipan kong maglibot-libot muna sa sarili naming garden.

"Kawawa naman ng batang yun napabayaan ng magulang." Rinig kong sabi ng isa sa mga katulong. Dahil sa curiosity ko ay sumilip ako sa maliit na butas ng pinto.

"Hay nako, naaawa ka lang sa batang yun dahil hindi mo pa nararanasan ang mga naranasan namin dito. Nako, kung alam mo lang talaga kung gaano ka demonita ng batang yun."

"Tama. Kaya hindi ko masisisi sila Sir kung ayaw nilang mag stay dito. Bata pa pero napaka taas na ng sungay mahihiya siguro ang sungay ni satanas sa sobrang taas." 

"Kung ako ang magulang ni Francine, aalis nalang din ako. Mas gugustuhin ko pang magtrabaho kaysa magpalaki at mag-alaga ng sutil na bata." Ani ng isang katulong habang ipinapasok sa kanyang bag ang kanyang mga damit.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa mga narinig ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko but I didn't cry. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Hindi nila ako kilala at mas hindi nila alam kung ano ang totoo kong nararamdan. Nagtatawanan sila kaya pumasok na ako sa maid quarters at seryosong tiningnan silang lahat.

"Tapos na ba kayo magtawanan? Ikaw, bakit nandito ka pa? Diba, pinaalis na kita? Umalis na kayo dito mga hampas lupa!" Sigaw ko.

"Sa tingin mo ba hindi ako aalis dito? Aalis ako dahil ayokong magsilbi sa isang batang demonita!" Sigaw niya rin sakin. Napatahimik ako sa sinabi niya.

"Umalis na kayo mga mahihirap!" 

Tumakbo ako papalabas matapos kong sabihin yun at nagkulong ulit sa kwarto. All I want is to be loved. All I want is the full attention from my parents. Simple lang naman ang hinihingi ko. Hindi ko naranasan ang dapat na maranasan ng isang anak sa kanilang mga magulang. 

I was 10 years old back then but I felt different kinds of pain. I was drowning in sadness and no one dared to save me. I can't feel my body anymore. Kapag naglakad ako pakiramdam ko ay nakalutang lang ako. It feels like I'm a ghost. Wala ni isa sa kanila ang nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako. I was hiding into my own shadow. My eyes were cold and emotionless. I don't even smile. A person like me was really existing in this world. I was waiting for someone who's strong enough to drag me out into the dark and bring me to the light that I was longing for.

Kakauwi ko lang galing school nang mapansin ko ang sasakyan ni Mommy. I guess they're here. I'm already 17 years old that time. Pagkapasok ko palang sa loob ng bahay ay sinalubong ako ni Mommy ng isang mahigpit na yakap. Psh, I know she's only pretending. Hindi ganito ang Mommy and she's never been like this. Napansin ko na may matandang babae na katabi si Dad. She's in mid 50's, I guess? But who cares. 

"Francine, darling I'd like you to meet Theresa kapatid siya ng dati nating cook."

"Marami tayong cook dito Mom so how would I know kung sino sa kanila ang tinutukoy mo?" Inis kong tanong sabay irap sa kanila.

"Stop being a brat, Francine. Wala kang galang!" Saway sa akin ni Daddy. Yeah, whatever. 

Inirapan ko silang lahat bago ako nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto. May oras sila na ipakilala ang tao pero sila walang oras na kilalanin ako. Aanhin ko naman ang babaeng yun? Alam ko naman na hindi magtatagal yun dito sa mansion. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status