“Uhmmm.”
Tunog ng halik ng dalawang taong animo’y nagmamahalan ang maririnig mula sa loob ng tent. Ang bawat haplos ng kamay ni Erwan sa balat ni Veronica ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan. At ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya ay sapat na para maibsan ang lamig na dala ng panahon. At ang mga bisig rin nito ang nagpatulog ng mahimbing sa kanya.
Kinaumagahan, napabalikwas ng bangon si Veronica ng makapa ng daliri niya ang basang bahagi ng kanyang hinihigaan. Ang kakaibang bagay na nagpagising ng kanyang diwa at ang unti-unti nagpagmulat ng kanyang mga mata. At ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang gwapong mukha nito.
"Hmmm? Boss?” Biglang nablanko ang kanyang kaisipan ng dalawang segundo at ang nakakabaliw na ala-ala ng nagdaang gabi ang pumasok sa kanyang isipan. Mas nilakihan pa niya ang pag bukas ng kanyang mga mata para makita ang lahat. Para siyang nawawala sa kanyang sarili ng mga oras na 'iyon. At sa kanyang bawat pag galaw ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang buong katawan. She was a virgin when her boss took her last night.
Ngunit sa sandaling iyon, ang higit na nagpagulo ng utak niya kaysa sakit na kanyang nararamdaman ay ang eksenang kanyang nakita - Sa isang maluwang na tolda na may magugulong kubrekama, makikitang hubo't hubad si Mr. Campbell, na tanging manipis na kumot lamang ang nakabalot sa kanyang baywang. Magkapatong ang isang pares ng mahahabang binti nito at ang mga maselan na gasgas ay kitang-kita sa kanyang patagilid na likod.
Veronica sat there as if struck by lightning, and at this moment she felt that the world had collapsed.
"Ang nangyari kagabi ay hindi isang panaginip?" mga tanong na umuukil sa kanyang kaisipan.
Isa siyang bagong intern na dalawang buwan pa lamang sa kumpanya at napiling sumama sa isang company team building... Na nakipag siping sa kanyang boss na si Mr. Campbell?!
Sumakit ang ulo ni Veronica sa kanyang nagawa at natataranta ng makitang gumagalaw na si Mr. Campbell at tanda na malapit na nga itong magising.
Natatakot si Veronica at nawawala sa kanyang sarili. Nagmamadali niyang sinuot ang kanyang damit at mabilisang umalis sa lugar, na hindi namamalayan na naiwan niya ang isang beads sa unan..
Madilim pa sa labas at ang bonfire kagabi ay nawala na, at ang tanging naiwan na lamang nito ay ang abo at ang kulay puti na linya na usok sa hangin. At ang ilang dosenang tent na meron doon ay nanatiling tahimik. Naglakad si Veronica sa damuhan ng walang sapin sa paa at nagmamadaling pumasok sa isang kulay pink at puti na tent.
Pagkahiga niya humarap si Amalia at sinalubong ang mga mata ni Veronica. Natakot si Veronica at sandaling tumigil ang kanyang paghinga.
Pero sumulyap lang sa kanya si Amalia at pumikit, at kaswal na nagtanong, “Anong ginagawa mo nang ganito kaaga?" namamanghang tanong nito sa kanya.
Parang may bara sa lalamunan ni Veronica at umiikot ang kanyang paningin dala ng pagkahilo. "Nagpunta lang ako sa bathroom..." sagot niya.
Hindi na ulit nagsalita pa si Amalia. At ilang minuto lang rin ang nakakalipas ng marinig ni Veronica ang hilik nito tanda na tulog na nga ito.
Nakahinga na nang maluwag si Veronica ng hindi na muling nagtanong pa ito. Nahiga siya sa kama at sinubukang ipikit ang kanyang mga mata ngunit hindi pa rin naman siya dinadalaw ng antok. At isa pa namamaga at masakit ang kanyang mga mata sa dala ng puyat at pagod.
Nagmula sa labas ang tawanan ng mga kasamahan. Iginulong Veronica ang kanyang sarili na parang dumpling sa kubrekama, iniwan lamang ang kanyang ulo ang nakalabas, at ang kanyang mga mata ay nakatuon sa labas.
Habang si Amalia naman ay binuksan at binaba ang zipper ng tent; "Veronica, bumangon ka na dyan at pagkatapos nating kumain ng almusal nang makapag hiking na tayo.”
Ngunit nanatiling walang imik si Veronica tila hindi narinig ang sinabi nito.
Isa itong team building camping na inorganisa ng kumpanya. Para sa isang dosenang empleyado magkasama sama sa isang napakagandang lugar at tanaw ang matatayog na bundok na tatagal ng ilang tatlong araw. At kahapon ang unang araw nila roon. Ang iba ay sumakay sa bangka at ang ilan naman ay sa kotse sumabay para makarating lang roon, at pagkatapos ng maraming activities maghapon naisipan naman nilang uminom pagkagabi. Ayaw sanang uminom ni Veronica ng alak, pero bago pa lamang siya sa kumpanya. At sa kagustuhang makisama at makilala pa ang mga katrabaho nakisali siya at uminom na rin ng kaunti.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinira ng iilang basong ito ang lahat. Hindi niya alam kung paano siya nakapasok sa maling tent at hindi sinasadyang nakatulog sa kanyang boss na si Erwan Campbell.
"Veronica? Veronica?" Ilang beses na tumawag si Amalia, ngunit hindi siya tumugon, kaya tinanggal nito ang sapatos at pumasok. "Veronica, anong nangyayari sa iyo?"
“Ayos lang ako. Hwag mo na akong alalahanin pa.”
Inabot siya ni Amalia at hinawakan ang kanyang ulo. "Oh, may lagnat ka ba?” tanong nito.
Nag-aalala nang sobra si Amalia, kaya bago ito umalis at sumama sa mga katrabaho para maghiking ay kumuha ito ng gamot at pinainom kaagad kay Veronica.
Nang wala ng marinig na kahit anong ingay mula sa labas si Veronica ay bumagsak na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Bukod sa hindi maganda ang pakiramdam niya ay masakit sobra ang gitnang katawan niya, tanda na hindi na siya birhen.
Hindi siya mapalagay, at naalala na naman niya ang nangyari kagabi. Hindi niya alam kung dahil hindi siya makahinga ng maayos o sa tuwing hihinga siya ay nanatiling niyang naamoy ang body scent nang kanyang boss na si Mr. Erwan Campbell. Na lalong nagpapainit ng kanyang buong katawan. Para siyang sinisilaban sa tindi ng init ng kanyang katawan.
Sa Kabilang banda, ang magkakatrabaho naman ay nagtitipon tipon na sa paanan ng bundok. Para sa gagawing aktibidad nila ngayon. Malaki ang papremyong kanilang makukuha kung sila ay mananalo sa aktibidad kaya naman lahat sila ay nagparticipate ng araw na iyon.
Nang dumating ang sasakyan ni Erwan Campbell, at ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan ay kanyang nakuha.
“Ahh, Ang gwapo talaga ni Mr. Erwan!”
“Madalas ko ng nakikita na naka suot ng business suit si Mr. Erwan, pero hindi ko akalain na mas gwapo pa pala siya kapag nakasuot ng casual clothes!”
“Sis, nababaliw ka naman dyan.” panunukso ng isa pa nilang katrabaho.
“Hahaha, wala lang kasalanan ba ng mga mata ko na nakaka appreciate siya ng magagandang bagay.” sagot nito.
Tumindig sa harapan si Erwan Campbell, at angat na angat ang kanyang kakisigan sa lahat ng taong naroon. His dark eyes under the sunglasses swept over everyone, and he asked in a cold voice, “Did everyone sleep well last night?” nakakunot ang noo na tanong niya sa lahat.
Ang lahat ay sumagot ng may paggalang sa kanilang boss, “Mabuti po.”
Sumimangot si Erwan at tumagilid ang kanyang ulo sabay tingin sa kanyang katiwala na si Mr. Romeo Guerero.
Nakakuha naman ng go signal si Mr. Guerero mula sa kanyang boss at seryosong nagsalita.
“Sino ang nagkamali pumasok kagabi sa loob ng tent ni Mr. Campbell?” seryosong tanong nito.
Ang lahat ay nagkatinginan sa isa’t-isa at umiling ng umiling ang kanilang ulo na tila labis na nagtataka at nagulat sa sinabi ng katiwala ng kanilang boss.
Kahapon kasi lahat naman ay abala sa kani kanilang mga gawain at kahit pa ang mga may mataas na posisyon sa kumpanya ay kasama at hindi kayang gawin ang bagay na iyon. Sigurado naman hindi nila ipagpapalit ang kanilang trabaho at ang mataas na katungkulan para magbiro at pumasok roon. Sino kaya ang matapang at malakas ang loob na gagawa ng ganong bagay?
Nang makitang walang umamin, mas lalong nagdikit ang mga kilay ni Erwan. Itinaas niya ang isang kamay, at nakasabit sa kanyang mga daliri ang isang bracelet na gawa sa white jade beads. "Kanino ito?" salubong ang kilay na tanong nito.
Ang lahat ay umiling pa rin, na tila nagpapahiwatig na hindi pa nila nakita ang bagay na ito.
“Kung sino man sa inyo ang nakakaalam kung sino ang nagmamay-ari ng bracelet na ito, ipaalam niyo kaagad sa akin. Saad ni Mr. Campbell sa malalim nyang boses at muling nag pahabol na salita; “At meron pang makukuhang kasamang bonus..”
And added to that… “ Pagkatapos niyang tumigil sa pagsasalita, muli siyang nagsalita at sinabi rin na; “The year-end bonus will be doubled.”
Nang natapos itong magsalita. Nagsimula ng magbulong bulungan ang mga tao sa paligid.
“Doble!?”
“Ang year-end bonus ko last year ay 100,000 at dodoblehin pa? So, ibig sabihin niyan ay magiging 200,000? ‘Di mabuti nga iyon?”
“Kaninong bracelet kaya ito?”
“Para lang naman siyang ordinaryong bracelet, na walang halaga?” sagot ng iba.
“Alam mo ba kung kanino ito, Amalia?” baling na tanong nila rito.
“Ah? Biglang nagbalik sa reyalidad si Amalia, “H-Hindi ko alam…”
Natahimik na ang lahat.. Nang muling kinuha ni Mr. Guerero ang kanilang atesyon at nagsalita. Siya lang naman ang nag-iisang katiwala ng kanilang boss na si Mr. Erwan Campbell.
“Okay, now let’s start counting people here..” Nagsimula ng magtawag ng pangalan ito. Marami ng natawag at lahat naman ay naroon maliban lang sa isa.
At ng tawagin nito ang pangalan ni Veronica, ni isa ay walang lakas ng loob na magsalita. Tanging si Amalia lang at sila naman ang magkasama sa tent.
Tumayo si Amalia sa pagkakaupo sabay wika, “Nasa loob ng tent si Veronica at siya ay may
sakit.”
“May sakit?” nagulat ito at tumingin kay Mr. Erwan Campbell.
Habang si Mr. Erwan Campbell ay nakaupo sa kulay itim nyang sasakyan at walang pakialam sa kanyang paligid habang pinaglalaruan nito ang mga beads sa kanyang kamay at malalim na nag-iisip.
Hindi gustong istorbohin pa ni Mr. Guerero ang kanyang boss. Matapos niyang tawagin ang pangalan nilang lahat. Sinabi niya, “Then let's get going.” Closing the notebook, Mr. Guerero walked to the car, “Mr. Campbell, are you going with us?”
Tumingin lamang sandali si Mr. Campbell rit at nagpakita ng kawalang interes sa tanong niya. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon at nakatutok sa mga beads na hawak ng kanyang kamay. Pagkatapos nitong manahimik, sumagot siya na, “I won’t go. You lead the team.”
“Okay. Mr. Erwan.” mabilis na tugon ni Mr. Guerero sa sinabi ng kanyang boss.
Nakita ni Jenna na nakatingin si Amalia sa dalawang nag-uusap na medyo malayo na sa kanilang pwesto.
“Hoy, Amalia, anong tinitingnan mo dyan? Hinila ni Jenna ang kamay nito, “Bilisan mo kaya Amalia at tayo ng umakyat. Merong bonus na makukuha sa mauunang sampu.” wika nito.
“Yeah.” Tumango si Amalia, ngunit tumingin sa kanyang likuran at natahimik bigla niya kasing naalala ang kasama sa tent.
Habang ang lahat naman ay abala na sa pag-akyat ng bundok para sa malaking halaga na premyo na kanilang makukuha. Nang mapansin niya ang kulay itim na sasakyan na mabilis na pumunta ng campsite.
Sandaling tumingin si Amalia kay Mr. Guerero at sinabi rito, “Nag-aalala ako sa kaibigan ko na si Veronica, sir. Guerero hindi na lang ako sasama at magpapaticipate pa. Babalik na lang ako at aalagaan ko na lamang siya.”
“Okay.” sagot ni Mr. Guerero. At hindi na rin siya nito pinilit pa.