Share

Kabanata 0003

Author: Luzzy0317
last update Huling Na-update: 2024-09-23 20:44:50

Pagkatapos makainom ng gamot at madextrose medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Gayunpaman sinabi ng doctor na nagkaroon ng bacteria at infection at inflammation sa kanyang katawan. Kahit na bumaba na ang kanyang lagnat kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng dalawang araw. At kailangan niyang uminom ng mga gamot.

Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Sandara ang pintuan para bumukas ito, “Veronica, okay ka lang ba?” Nang makita ni Veronica ang nakakatandang kapatid, medyo dumilat ang mga mata niya. “ Okay, lang ako ate.” sagot niya sa bagong dating na ate.

“Okay lang? Paano kung malala pala yan? Tumingin si Sandara sa nakababatang kapatid at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala rito. Ang dalawa ay namatayan ng magulang ng mga bata pa lamang sila. Mas matanda ng pitong taon si Sandara kay Veronica. Siya ang nag-alaga sa kapatid sa mahabang panahon. Magkapatid lamang sila sa ina, pero sila’ ay may higit na malalim pang ugnayan sa isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.

Ayaw ni Veronica na nakikita na nag-aalala ang kanyang ate, kaya pinigilan niya ang kanyang pag-iyak. “Siguro nilamig ako kagabi sa lakas ng hangin kaya ako nagkasakit. Okay lang, Mas okay na ako ngayon..” sagot niya.

Nakaramdam ng ginhawa si Sandara nang marinig ang tinuran ng kanyanga kapatid at ang malakas na loob na ipinakita nito. Nag-iba ang kanyang pwesto at nakita ang nakatayong si Amalia sa bandang gilid, “Sino siya?” tanong nito.

“Hello, ako nga po pala si Amalia, katrabaho ako ni Veronica. Magalang na inilahad nito ang kanyang kamay kay Sandara.

“Oh, ikaw ba ang nagdala kay Veronica dito sa ospital?” tanong nito.

“Hindi po.” Umiling iling ang ulo ni Amalia. “Ang boss po namin ang nagdala kay Veronica rito, at sinamahan ko lamang siya buong araw.” sagot ni Amalia.

“Maraming Salamat, masyadong mabait ang pagkatao ng aking kapatid. At nakakatuwang malaman na meron siyang mga katrabaho na kagaya mo.” nakangiting sagot ni Sandara.

“Walang anuman po.” sagot ni Amalia. At sa palagay niya hindi na babalik ang boss nilang si Erwan dito, kaya kinuha na niya ang bag nito na nakalagay sa sofa.

“Ngayong nandito ka na, heto ang gamit ni Veronica.” ani ni Amalia sabay abot sa kamay nito ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Veronica. “Babalik na lang ako ulit.” ani niya.

Hinatid na ni Sandara sa labas si Amalia at mabilis na bumalik sa loob. ”Ang katrabaho mo ay mukhang mabait, bago mong kaibigan?” tanong nito.

Umiling iling si Veronica, sapagkat wala naman siyang natatandaan na nagkakausap sila sa kumpanya ni Amalia at talagang nagkataon lang na nagkasama sila sa iisang tent at doon na niya ito nakilala at nakausap.

Tamang magkatrabaho lang sila ni Amalia, pero mas close ito kay Jenna. Nonchalant kasi si Veronica kaya wala siyang masyadong nakakausap sa kumpanya.

“Mabait siya at nagawa niyang bantayan ka buong araw.” papuri naman nito kay Amalia.

“Opo.” tipid niyang sagot

Nag-iisip si Veronica ng mga oras na iyon, kung paano niya ba babayaran ang tulong na ginawa nito para sa kanya kasi kung iba pa nga iyon baka hindi magawa.

Masyadong maingay rito ate baka pwede na akong umuwi at sa bahay na lang magpagaling. Hindi naman naiingayan si Sandara dito pero, ayaw niya kasing nawawala sa tabi niya ang kanyang kapatid kaya pumayag na lang rin siya sa kagustuhan nito.

Nang madischarged na si Veronica at pinapirma na lang ang kanyang ate ng waver dahil hindi pa dapat siya pwedeng madischarged. Nang matapos ang ate niya sa pagpirma. Mabilis na lumabas ang dalawa. At ang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa kanilang balat. Mabilis na hinubad ng kanyang ate ang suot na jacket at kita namang nakasuot lang ito ng manipis na damit, pero mas mahalaga sa kanya na alagaan ang kanyang kapatid.

Sinakay siya ng ate niya sa taxi na nakaparada.

Habang nasa loob sila ng sasakyan. Tumawag ang brother in-law niya na si Vladimir sa ate niya at ipinaalam rito na huwag na siyang hintayin pa sa pagkain at gagabihin ito, dahil may appointment ito. At makakauwi na ng hatinggabi. Nang matapos ang kanilang usalan at narinig naman na ni Sandara ang bilin ng kanyang asawa, pinatay na rin niya ang tawag nito.

Hinawakan ni Veronica ang kamay ng kanyang ate at naglambing. “Ate gusto ko ng noodles na luto mo. Pwede ka bang magluto mamaya para sa hapunan?” lambing na tanong niya.

Ngumiti si Sandara, “Okay, ipagluluto kita pag karating natin sa bahay.” sagot nito.

“Okay.” tipid na sagot naman ni Veronica.

Nang makarating sila ng bahay, tinulungan ni Sandara ang kapatid na si Veronica papasok sa kwarto nito, at nilagyan ng unan sa may gilid nito. Nag-iwan rin siya ng isang basong maligamgam na tubig. At bago lumabas sinalat niya muna ang noo ng kanyang kapatid at napangiti siya na bumaba na nga ang lagnat nito. “Dito ka na muna sandali. Magluluto lang ako ng noodles, mabilis lang naman itong maluto. At kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako.” bilin nito bago lumabas ng kwarto.

Tumango tango si Veronica, “Okay.” sagot niya.

Marahan niyang sinara ang pintuan at hindi man lang gumawa ng ingay para makapag pahinga na rin ang kanyang kapatid.

Sinuot na ni Sandara ang tali ng kanyang apron at nagtungo na sa kusina para magluto ng noodles.

Nang marinig ni Veronica ang ingay mula sa kusina. Mabilis niyang inalis ang kumot at mabilis na tumayo sa kama, naglakad patungo sa kwarto ng kanyang ate. Binuksan niya ang drawer ng kanyang ate at nakita niya ang isang contraceptive pills sa loob. Agad niya itong binuksan at binasa ang instruction at pagkatapos mabilis niyang kinuha at ininom ang dalawang pills na kinuha. Ayaw niyang magbunga ang kagagahang nagawa niya. At hindi pa siya handang maging isang Ina.

Pagkatapos ng pinagsaluhan nila ng hapunan ng kanyang ate. Naisipan niyang maligo, pumasok siya sa loob ng comfort room. Nang hubarin niya ang kanyang damit, tumayo siya sa harap ng salamin at nakita niya ang mga marka sa buong katawan. Ang mga nangyari sa nagdaang gabi ay umuukil pa rin sa kanyang isipan at bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkatakot.

Hindi agad siya nakatulog pagkatapos niyang maligo. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa mahaba niyang tulog mula kanina pa o dala na hindi komportable na kanyang nararamdaman. Sinubukan niyang matulog mulu, pero maaga siyang nagisin. Naulinigan niya ang boses na tila nag aaway mula sa labas. Lumabas siya ng kwarto at bumaba ng sala para silipin kung ano ba ‘yon. Nakita nyang bukas ang lahat ng ilaw sa sala. Nakita niya rin ang nagkalat na pares nang sapatos sa lapag at ang kanyang bayaw na si Vladimir ay nakahiga sa sofa habang umiinom ng alak.

Habang ang ate naman niya ay naglilinis at nanermon. “Tingnan mo nga yung sarili mo, uminom ka ng maraming alak tapos mananakit ang ulo mo kinabukasan.” sermon nito sa asawa niya.

“Puro ka namang dakdak, yan na lang ba ang alam mo ang dumakdak. Kaya ayaw kong umuuwi ng maaga rito. Sa palagay mo bakit ba ako nag-iinom? Sabagay hindi mo alam. Wala ka palang alam. Pwes, ginagawa ko ito para sayo, para sa ating pamilya at sa pabigat mong kapatid. At kung hindi baka mapagod na ako.” bulyaw ng kanyang bayaw. Na patalikod subalit agad itong pinigilan ng kanyang ate Sandara na asawa naman nito.

Nagalit si Sandara ng marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Kausapin mo ako at huwag mong madamay damay sa usaping ito ang aking kapatid, dahil wala siyang kinalaman sa problema nating dalawa.” malakas ang boses na sigaw nito.

“At bakit hindi?” Nagsimula na rin tumaas ang boses ni Vladimir. “Kumakain siya ng pagkain ko, umiinom siya ng inumin ko at nakatira siya sa pamamahay ko.” At alam kung hindi mo naman siya tunay na kapatid at isa lang siyang sampid!” bulyaw nito sa kanya. Natutop ni Veronica ang bibig nang malaman ang buong katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Hindi siya makapaniwalang hindi sila magkapatid ng ate Sandara nya gayong wala naman itong pinakitang masama sa kanya mula pagkabata at hanggang ngayon.

“Nakahanap na ng trabaho si Veronica at siya na ang nagbabayad ng gastusin niya simula pa ng first year niya, kaya paano mong nasabi na kinakain niya ang pagkain mo at iniinom ang inumin mo?” pagtatanggol ni Sandara sa kanyang kapatid.

Dinuro duro ni Vladimir ang asawa. “Okay! Kung may pangamba ka. Bakit hindi mo siya tanungin na umalis bukas na bukas din. Naiinis ako kapag nakikita ko siya!” walang habas na sagot nito.

“Kapatid ko si Veronica at nag-iisa kong kamag-anak. Hindi pa man siya tapos ng kanyang pag-aaral nakahanap na agad siya ng trabaho. At anong punto mo na paalisin siya sa bahay ngayon?” pagalit na tanong niya rito.

Pinagtuturo ni Vladimir ang lahat ng meron sa loob ng kanilang bahay at nagwala. “ Bahay ko ito. Ako ang bumili ng lahat ng gamit rito gamit ang sarili kong pera at nagbabayad nang amortization monthly. Kaya ako ang masusunod dito kaya kung sasabihin mo na lumayas siya sa bahay na ito, lalayas siya!” final na saad nito.

“Ikaw..” Wika ni Vladimir ng makita siya at bigla na lang nakatulog sa dami ng nainom na alak. Habang umiiyak naman ang asawa niya na walang magawa sa kagustuhan ng asawa.

Tumigil siya sa pag-iyak at pinunasan ang kanyang mga luha. “Okay, bumangon ka dyang mag-isa at maligo at lumipat ng kwarto para matulog.” bulyaw niya rito.

Sinira na ni Veronica ng tahimik ang pintuan at bumalik ng kama para matulog. Hindi siya makatulog sa gitna ng malalim na gabi. Iniisip niya ang mga narinig niya at isang desisyon ang naiisip niyang gawin. Para sa ikakatahimik ng pamamahay na ito.

Kinaumagahan, gumising siya para maghanda ng almusal, at nag-iwan ng envelope at sulat para sa kanyang ate, at mabilisang lumisan sa bahay ng kanyang ate dala ang kanyang maleta. Sa takot na makita siya nito at pigilan pa. Pero, buo na rin talaga ang kanyang desisyon. Ayaw na niyang magkaproblema pa ang mag-asawa ng dahil lamang sa kanya.

Alam niyang isa siya sa rason kung bakit nagpakasal ang ate niya kay Vladimir. Palagi na lang kasi na sinasabi ng kanyang ate sa kanya na pareho silang babae at kailangan nila ng isang lalaki na magtatanggol sa kanila sa mga mag tangkang awayin sila. Marami na ring naisakripisyo ito sa kanya. Wala itong pinag aralan at wala siyang pera para bumili ng sarili nilang bahay lalong hindi sapat ang kinikita nito sa pagtitinda sa kalye araw-araw. Sa gastusin pa lang nila sa pagkain.

Habang ang bayaw naman nyang si Vladimir ay nakapagtapos ng Kolehiyo sa isang ordinaryong Unibersidad at nagtatrabaho sa isa sa kilalang kumpanya sa bansa. Sa simula napakabait nito sa kanya, ngunit sa labis na pressure na nakukuha nito sa trabaho. Unti unti iting naging masama sa kanya at palagi na lamang itong nauwing lasing at nakikipag away sa kanyang ate. At dahil maliit ang kanyang ate palagi itong natatalo ng asawa sa tuwing nag-aaway sila. Hindi naman nya matulungan ang kanyang ate sa takot na madamay pa siya. At isa pa alam naman niya na kahit ganun mahal na mahal ng kanyang ate ang bayaw at ayaw niyang magtalo pa ito. At isa pa ayaw niyang maging pabigat sa ate at kuya niya. Kaya umalis na lang siya at umaasa na maging maayos na ang pagsasama ng dalawa kapag wala na siya

Nang tumigil ang elevator sa ikawalong palapag. At bumukas ito, nakita ni Veronica ang nakatayo na tao mula sa loob at nakahawak ang kamay sa may handle.

Kaugnay na kabanata

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0004

    Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala. Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manu

    Huling Na-update : 2024-09-23
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0005

    "W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0006

    "Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala. Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon." "Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order n

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0007

    Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito. Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot. Nang marinig niya ang ingay, napalingo

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0008

    Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata at hindi niya alam kong dala ba ng lamig kaya siya nanginginig. "Bakit ka tumatakbo?" Nawala na ang galit sa mukha ni Erwan na hindi mo nakikita habang nagsasalita ito. Hindi niya intensyong matakot ang babae sa kanya. Gusto niya lang alalayan at alagaan ito.

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0009

    Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?" Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hind

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0010

    Nang buksan niya ang pintuan pumasok ito at tumayo sa gilid ng kanyang kama, nakita niyang hawak na nito ang scarf na ibigay ni Erwan sa kanya. "Veronica." Nang makita nito na bumalik na siya. Mabili ang naging kilos nito at ibinalik ang hawak na scarf sa loob ng paper bag. At sinubukang hawakan

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0011

    Nakita ko siya sa loob ng dormitoryo para balikan ang ilang gamit na naiwan ko pa. Nakita ko rin ang XV bag niya na na gustong gusto ko. Nang sabihin niya sa akin na bigay ito ng kaibigan niya." wika ni Lyca habang nakatingin kay Luke. "Talaga ba??" Umangat ang ulo ni Lyca at tila hindi siya ku

    Huling Na-update : 2024-10-02

Pinakabagong kabanata

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0410

    Natigilan si Veronica matapos marinig ang sinabi nito. "Sinabi sa iyo ni ate?" ulit niyang tanong at baka nabingi lamang siya. "Oo." Nanginginig ang boses ni Erwan, tuwang-tuwa siya at masaya, "Veronica, alam mo ba kung gaano ako kasaya? Napakatanga ko! May mga pahiwatig noon, ngunit hindi kita pi

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0409

    Nang maalala niya ang lahat lahat agad niya itong itinulak. "Veronica." Naririnig niya ang boses ni Erwan sa kanyang tainga. Nagising si Veronica sa akala niyang isang panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata at tinulak ito palayo. Nahirapan si Erwan dahil iniinda niya ang kanyang injury

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0408

    Hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang tanong nito.. Sa huli naisip niya rin na sagutin na lamang. "Okay lang naman po, Tita Marian. Mabuti naman kami ni Jackson. Bakit niyo ho ba naitanong?" balik na tanong niya rito. "Ah! Wala naman.." sagot ni Marian. "Sige, po." Alam ni Veronica

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0407

    "Erwan!" bulalas ni Trina. Nabulunan ang puso ni Veronica. Sa sandaling iyon, nakita niya si Erwan na bumagsak. Hindi niya namamalayan na iniunat niya ang kanyang mga kamay, gustong hawakan siya. Gayunpaman, ilang hakbang ang pagitan ng dalawa. Bago niya maiunat ang kanyang mga kamay, nahulog na si

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0406

    "Oo..." nagmamadaling sagot ng kabilang dulo. Ibinaba ni Luis ang telepono, napaka-solemne ng kanyang mukha, naglakad siya sa tabi ng kama habang nasa likod ang kanyang mga kamay, halatang medyo nataranta. Nilapitan siya ng kanyang asawa."Anong problema?" tanong ni Marian na kanyang asawa. Huminto s

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0405

    Gulong-gulo ang maruruming paupahang bahay. Si Lyca ay nakaupo sa dulo at mukhang medyo nalilito, na may luha sa kanyang mukha. Hanggang sa pumasok si Jackson sa loob, "Nasaan ang bata?" takong nito. Kinuha ni Lyca ang writing board sa lupa at isinulat dito, "Pinaalis." Hinawakan ni Jackson ang ka

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0404

    "Pagkaalis nila, kinuha ko kaagad ang surveillance video sa labas ng maternity room. Gaya ng inaasahan, nawasak ito. Inayos ko ang isang lihim na paghahanap sa buong lungsod..." saad ni Mr. Guerero. "Hindi!" Itinaas ni Erwan ang kanyang kamay, "No search!" Sinuri niya, "Hindi hahawakan ni Luis ang

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0403

    Naunawaan ni Marcus na ayaw na niyang hanapin siya. Matapos ang pag-aaksaya ng maraming oras, malaki ang posibilidad na umalis na ang tao sa mall. Ang kanyang ginawa ay hindi lamang walang kabuluhan, ngunit naging sanhi din ng kalungkutan ni Luis. Habang nasa kamay ang bata, talagang natakot si Vero

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 0402

    Bang! Isang suntok ang dumapo. Ang taong nahulog ay si Jackson. Sa kritikal na sandali, umiwas si Marcus at sumugod, na nag-counter-attack kay Jackson. Ang kanyang suntok ay hindi magaan, at ang katawan ni Jackson ay biglang tumagilid, sumuray-suray ng ilang hakbang sa gilid, at halos hindi na tumay

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status