Share

Kabanata 0002

Nakatulog ng kaunti si Veronica at nagising na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng makainom ng tubig. Bumangon siya at dahan dahang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo. Lumabas siya ng tent at nagulat ng bumulaga sa kanya ang dalawang pares na mamahaling sapatos sa kanyang harapan. At bukod pa dyan nakita niya rin ang mahabang biyas na mga binti nito. Ang sikat ng araw ay tumama sa kanya. At kitang kita ni Veronica ang seryosong mukha ni Mr. Erwan Campbell.

“Er! Er! Er!.. “Mr. Erwan?” Hindi ba siya sumama sa pag akyat ng bundok?”

Lumapit si Erwan rito at nakita ang namula niyang pisngi ng dahil sa mataas niyang lagnat, at seryoso itong nagsalita, “I have a question to ask you?”

Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya. Dinilaan niya ang tuyo niyang labi gamit ang kanyang dila, at ang kanyang puso ay parang tunog ng isang drum na tinatambol sa sobrang bilis nitong kumabog..

“A-Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito.

“Did you see anyone enter my tent last night.” tanong ni Erwan habang nakatingin ng matalim ang mga mata sa mga mata niya. Ang kaba at presyon na nararamdaman ni Veronica ay parang pinipirasong pinupunit ang kanyang puso.

Pumilantik ang mga pilikmata ni Veronica, “No.. I didn't see it..” tipid na sagot niya.

“And Why are you shaking?” nang mapansin ito ni Erwan. Hindi lang ang boses nito ang nanginginig maging ang kanyang buong katawan.

Marami siyang employees sa kumpanya, at may iba’t-ibang posisyon na naka assign sa bawat team.

Habang si Veronica ay isang baguhang intern na merong kakaibang imprentasyon, dahil sa pagiging nonchalant nito. Naalala pa niya ang unang interview niya rito. At ang mag tanong siya rito, bigla kasi itong kinabahan at hindi makatingin sa kanyang mga mata ng diresto at palaging nakayuko at hindi man lang nagawang tumingin sa kanya sa buong interview.

“Ni… Nilalamig ako.” Nanginginig na wika ni Veronica.

“Nilalamig?? Sumimangot si Erwan, “Wala ka namang lagnat? Paano kang nilalamig?”

Pagkatapos nitong magsalita, lumapit ito sa kanya at nilagay ang daliri sa noo niya. Pagkatapos ng isang segundo, bigla itong napasimangot, “Anong nangyayari sayo? Sobrang init mo?” nakakunot ang noo na tanong nito.

“Boss Erwan, I’m fine..” sagot ni Veronica kahit na nakakaramdam na siya ng sobrang sakit sa kanyang katawan. Gusto niya pa rin na tumayo ng maayos. Pero, hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa maging ang kanyang katawan ay ayaw ring makisama. Hanggang sa bumagsak siya sa damuhan.

“Veronica.” Napansin ni Erwan na parang may mali, kaya sinubukan niyang gisingin ito.

Sa una ay nagpapakita pa ito ng pag sagot hanggang sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan ng siyang nawalan ng malay.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Erwan, lumuhod ito at binuhat mula sa damuhan. Tiningnan niya ito at nagtaka nang makita ang kulay pula na marka sa leeg nito at naningkit ang kanyang mga mata.

“Boss Erwan!” Ang malakas na boses ni Amalia na paparating ay nangibabaw sa tahimik na kagubatan.

Nagtatakbo si Amalia palapit sa kanila at bakas rito ang labis na pag-aalala. Maririnig rin ang malakas at mabilis nitong paghingal.

“Why did you come back?” tanong ni Erwan.

Nagulat si Amalia ng makitang karga na nito si Veronica, at huminga ng dalawang beses bago nagsalita, “I…. I was worried about Veronica, kaya bumalik ako kaagad, para alagaan siya. “Anong nangyari sa kanya?” usisa nito.

“She had a high fever and fainted.” sagot naman ni Erwan habang nilalapag sa likod ng backseat na sasakyan ang walang malay na si Veronica, “I’m going to take her to the hospital now.” sagot naman nito.

Pagkatapos niyang magsalita, papasok na sana ito ng sasakyan. Nang marinig ang sinabi ni Amalia.

“Mr. Erwan..” Walang pasabi na binuksan niya ang sasakyan at nakiusap rito, “Pwede po ba akong sumama sa inyo?”

Tumingin si Erwan nang may halong pagdududa.

Ipinaliwanag ni Amalia rito, “Magkatrabaho kami at parehas na babae kaya pwede akong makatulong kung makakasama ako sainyo..” sagot nito.

Pinag isipan ni Erwan ng mabuti ang simabi ni Amalia at di kalaunan siya ay pumayag din naman agad..

Nang dumating sila sa ospital, agad naconfine si Veronica at kinabitan ng dextrose ng nurse na nag assist sa kanila. Paunang lunas muna ang ginawa rito gayong hindi pa naman alam ng mga ito kung ano talaga ang tunay na sakit ni Veronica.

Umalis si Amalia sandali, at bumalik rin naman ito kaagad na may dala ng mainit na tubig. Nakita niyang nakatayo lamang ang kanyang boss sa paanan ng kama ng walang malay na si Veronica. At nag-iisip kung ano nga ba ang iniisip ng kanyang boss.

“Boss Erwan.” tawag niya rito. Dala ang maligamgam na tubig sabay tanong dito; “Gusto niyo po?”

“Thank you.” Kinuha ito ni Erwan at itinabi sa may gilid. “What’s your name?”

Napatindig ng tayo si Amalia wari’y nagtataka na hindi siya nito maalala kung sabagay marami palang empleyado ito sa kumpanya. At ang palagi lang naman nilang nakakausap ay si Mr. Guerero ang katiwala nito, kaya naman normal lamang na hindi nga siya nito kilala miski ang pangalan pa niya.

Sa kalagitnaan ng gabi may gustong malaman si Amalia. Kung bakit sa kanya inutos ng boss ang ganong bagay.

Lalo na sa kinikilos ng kanyang boss ngayon. Medyo nakaramdam siya ng kaunting disappointment, pero nanatili pa rin naman siyang nakangiti rito.

Nagbigay lang ng konting instruction si Erwan sa kanya bago ito lumabas ng ward.

Kinagat ni Amalia ang pang-ibabang labi at lumapit sa wala pa ring malay na si Veronica. Inisip niya ang kalagayan nito at ang kanyang isipan ay may halu-halong emosyon na nadarama sa inuutos ng kanyang boss. Sinimulan na niyang buksan ang butones ng pang itaas na suot na damit ni Veronica.

Nag bilang pa siya ng isa at hanggang dalawa.. Para simulan na ang utos nito sq kanya.

At nang maalis na niya ang lahat ng butones nito. Nakita niya agad ang mga marka sa katawan nito at napatakip siya ng kanyang bibig sa pagkakagulat sa kanyang nakita.

“Mr. Campbell, where have you been?” Napansin kasi ni Mr. Guerero na nawawala ito nang makabalik na silang lahat sa campsite at tinawag niya ito.

“Veronica fainted. I sent her to the hospital.” sagot ni Erwan.

“Veronica, ang bagong intern?” nagulat na wika ni Mr. Guerero. Hindi siya nagulat na personal na dinala ng presidente si Veronica, pero ang ikinagulat niya ay naalala ni Mr. Campbell ang pangalan ng intern?

Alam niyang ilang dosena ang empleyado na meron ang kanilang boss, at maliban sa kanya wala nga itong natatandaang pangalan.

Pero, ang matandaan niya ang pangalan ni Veronica ay higit na nakatutuwa para sa kanya.

“Yeah.” sagot ni Erwan tinaas nito ang kamay ng sandaling iyon; “Have fun, all the bonuses will distributed after the camping..” wika niya.

Pagkatapos niyang magpaliwanag. Bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone at sandaling sinagot ang tumatawag. Hindi na siya nagpaalam pa rito at bigla na lamang pinasibat ang kanyang sasakyan. Umalis ito para bumalik ng ospital at ibinilin na lang kay Mr. Guerero ang lahat bago pa man siya umalis.

Sa mga oras na iyon bukas ang pintuan ng ward kaya lumabas na muna siya sandali para salubungin si Mr. Campbell na pabalik na rin.

“Kamusta siya?” tanong ni Erwan sa kanya.

Sinagot ni Amalia ang tanong nito ng mahinahon. “Nakita ko ang buong katawan ni Veronica at malinis naman ito at wala naman akong nakita kakaiba, sir. At ang marka na tinutukoy niyo ay… gawa ng kanyang boyfriend.

“Boyfriend?” sumimangot sandali si Erwan at hindi na ulit nagsalita pa.

“Gusto niyo pa po ba siyang makita? Baka mamaya lang ay magising na rin siya.. ”tanong ni Amalia rito.

“No.” Bumalik sa pagiging seryoso at normal ang mukha nito. “I have something else to do, bago ako umalis. Pag nagising na siya huwag mong kalimutan na tawagan ang kanyang pamilya.” bilin nito kay Amalia.

“Okay, Mr. Campbell, wag po kayong mag-alala.” sagot naman ito.

Tiningnan na lamang ni Amalia ang bulto ng likuran nito na papalayo, bago siya bumalik sa loob ng ward.

Nagising na si Veronica at nakadilat na rin ang kanyang mga mata ngunit wala pa itong gaanong lakas.

Lumapit si Amalia sa tabi ng kama ni Veronica, “Kamusta ka na Veronica? Anong nararamdaman mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” sunod sunod niyang tanong rito.

Tumango tango si Veronica, “Nasa ospital ako?” nagtatakang tanong niya.

“Yeah!” Inabutan naman ni Amalia ng baso na may lamang maligamgam na tubig ito at sumagot na nakangiti, “Dinala ka ni Mr. Campbell dito at niyakap ka niya.” pang-aasara pa niya.

“Ahmm..” Hindi malunok lunok ni Veronica ang nainom na tubig sa pagkagulat. “Mr. Campbell?” Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” ‘di makapaniwalang tanong niya. Bakita naman kasi siya pag aakasayahan ng kanyang boss na dalhin sa ospital.

“Oo.” biro ni Amalia, “Sa tingin mo ba may crush sayo si Mr. Campbell, Veronica? Nasa kumpanya na ako ng matagal na panahon, at ngayon ko lang ito nakita na may nayakap na isang babae.” dagdag pa niya na parang kilalang kilala niya na ang kanilang boss. Balita pa nga niya napaka sungit nito at masyadong bossy.

Nagsimulang uminit ang mukha nito. “Hindi.” mabilis nyang sagot sabay yuko.

“At bakit naman hindi? Maganda ka, bata at may magandang hubog ng pangangatawan. Maraming boss ang gusto ang katulad mong babaeng inosente, kung wala ka namang boyfriend pa bakit hindi mo ikunsidera si Mr. Campbell. Hindi na masama na kung siya ang magiging boyfriend mo..” dagdag pa niya.

“Meron na akong boyfriend.” Saway ni Veronica. Para tumigil na rin ito kaka asar sa kanya.

Natigil sa pagsasalita si Amalia. “Talaga ba?” di makapaniwala na tanong nito.

Kinagat ni Veronica ang pang ibabang labi, “Oo.” sagot niya. Para hindi na siya usisain pa nito. Ayaw naman niyang madulas pa siya at mabanggit dito ang kagagahang nagawa niya kagabi. Tiyak niyang malalaman ng lahat ito lalo na’t napaka tabil ng dila nito. Hindi naman sila close pero, isa ito sa malapit niyang katrabaho na nakakausap naman niya kahit papaano.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status