Share

Kabanata 0004

Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala.

Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manunulat. Hindi siya makapaniwala, kundi lang nangyari sa kanyang sariling buhay at naintindihan niya ang phrase na nabasa niya noon; “Art comes from life.”

Tandang tanda pa nga niya ng araw na iyon na nagulat siya ng buksan ang pintuan ng school dormitory ng oras na iyon. At nang makita niya sina Luke at Lyca nang nakapulupot pa isa’t-isa. At halatang may ginawang hindi kaaya aya sa kanyang paningin.

Ang kanyang matalik na kaibigan, at ang isa ay ang taong pinapahalagahan niya bukod sa kanyang ate. Pero, siya rin pala ang dahilan kung bakit siya masasaktan ng sobra sobra.

“Carter?” Natahimik si Lyca nang sandali. Pero, pinasok niya ang kanyang maleta sa loob. Hindi niya gustong batiin pa ang dalawa, kahit na matagal na naman na nangyari ang panlolokong nagawa nito sa kanya. Matapos niyang makita ang insidente. Nakipag break siya agad kay Luke at pinutol na ang pakikipagkaibigan kay Lyca, at wala na rin naman siyang balak pang gumanti sa dalawang ito.

Lumakad si Lyca at mabilis na kumapit sa braso ni Luke. Nang sumara ang elevator. Umikot si Luke at bumulong, “I heard that you found a job? Are you going on a business trip?” Tumungo si Veronica at nag hamming , parang may paki kasi siya sa dalawa.

Nang makita ito ni Lyca, hindi naman na ito nagsalita pa.

Nakarating na ang elevator sa unang palapag at naglakad si Veronica palabas bitbit ang kanyang maleta, pero ang hindi niya inaasahang pagkakamali ay na stock ang isang gulong ng kanyang maleta sa pintuan. Sinubukang hilahin ni Veronica ng malakas na dalawang beses, pero namula lang ang kanyang mukha at hindi naman gumulong ang gulong ng maleta. Nang hindi na niya malaman ang gagawin. Lumapit si Luke para tulungan na siya. Tinulak nito ng malakas ang gulong kaya naalis.

“Salamat.” pasasalamat ni Veronica sa mahinang boses. At nakaramdaman ng hiya sa nangyari.

Sumara na ulit ang elevator at nagpatuloy ito sa pagbaba sa parking lot.

Tumingin si Lyca kay Luke. “Nagbago na si Veronica. Nag-iisip pa rin ako kung galit pa rin siya sa atin. Sabihin mo sa akin, sa tingin mo pwede kaya akong makapag appointment sa kanya para makahingi man lang ng tawad?” tanong niya sa mababang tono na boses na kanyang ginamit.

Hindi na sumagot pa si Luke. At ayaw na rin naman niyang pag-usapan pa ang nakaraan.

Inalis ni Lyca ang kamay niya sa braso ni Luke. “Luke kung hindi ka pa nakaka move-on kay Veronica, Kaya kong magpaliwanag sa kanya sa namagitan sa atin. At kasalanan ko naman ang lahat, At handa akong ayusin ito. Mabait si Veronica at mapapatawad ka niya...” wika nito.

Bumukas ang elevator at patungo sa parking lot sa ground. Mabilis na lumabas ng elevator si Lyca ng umiiyak. Hindi niya napansin ang mabilis na sasakyan na paparating at malakas na bumubusina. Nakatayo lamang si Lyca sa gitna ng kalsada, at wala ng pakialam sa kanyang paligid, tinakpan niya ang kanyang mga mata gamit ang mga kamay. At sinadya na magpapabangga.

Sa kasamaang palad, mabilis na dumating si Luke para hilahin ito. Ang usok na nagmumula sa sasakyan ay nakakasulasok. Ang sasakyan ay naka lagpas sa kanilang dalawa. At ang driver ng sasakyan ay nagulat at bahagyang sumilip sa bintana sabay mura bago ito umalis.

“Gusto mo na bang mamatay?” tanong nito. Habang hawak ni Luke ang braso ni Lyca, at nanginginig ang kanyang boses.

Ang nangyari kanina ay lubhang mapanganib. At kung hindi siya dumating agad, baka bumulagta na lamang si Lyca sa daan.

Natakot rin si Lyca at namumutla ang kanyang mukha at ang kanyang luha ay nagsimula ng pumatak sa kanyang mga mata. Umiyak siya ng umiyak at kumapit sa braso ni Luke at walang sinabi ni kahit isang salita man lamang.

Bumuntonga hininga si Luke, at niyakap ito. He gently comforting her, “Don’t cry..” he said.

Pinatigil ni Veronica ang sasakyan sa school dormitory. Malayo ito sa bahay ng kanyang ate, at ito lang ang alam niyang lugar na matutuluyan niya. Sa katunayan nga nyan apat ang taong nakatira roon. Dahil second semester na ang iba ay lumipat na at ang ilan naman ay nakahanap ng trabaho.

Hindi naman laging nakatira si Veronica roon, pero ang bahay na ‘yon ang nanatiling nakatayo lamang doon.

Bago mangyari ang panloloko nila sa akin, mag-isang nakatira si Lyca doon at malayo ang lugar ng kanyang pamilya, at wala siyang mahahanap roon na pwede nyang pasukan bilang intern.

Nang gabing iyon bumalik si Veronica, dahil napag alaman niya na sinabi ng kanyang classmates ay nagkaroon ng power outage ang dormitoryo. Sobra siyang nag-aalala kay Lyca at mag-isa lamang iyon roon, kaya bumalik siya para samahan ito. At ng buksan niya ang pintuan, nakita niya ang masakit na pangyayari…

Hindi na mag-isa si Lyca roon at nabalitaan niya na kumuha rin ng uupahan si Luke na malapit lang rin roon.

Pagkatapos makipag hiwalay ni Veronica kay Luke palagi na lang siyang abala sa maraming bagay, maaga siyang gigising sa umaga at matutulog naman ng hating gabi. Kaya nagulat siya nang malaman na magkikita sila sa lugar ng kanyang ate.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ang nakuha ni Luke na bahay para rentahan kay Lyca ay pareho ng lugar ng kanyang ate at sa iisang building lang ito.

Ito ba ay hindi sinasadya o talagang sinadya? Wala naman nang pakialam si Veronica para pag-usapan pa ang mga ganong bagay. Ang gusto na lamang niya ngayon ay makalipat at hindi na makita pa ang mga ito.

Matapos ayusin ni Veronica ang kanyang kama. Bigla na lang nagring ang kanyang cellphone.

Ang ate Sandara niya ang natawag sa kanya. At ang boses nito ay nagsisimula ng maiyak. “Veronica, Anong problema mo? Okay ka lang ba, umalis ka nang hindi nagsasabi man lang sa akin o ni mangamusta man lang? Nasaan ka ba? Gusto kong puntahan ka dyan.”

Naupo si Veronica sa gilid ng kama, “Ate bumalik ako ng school dormitory. Pagkatapos ng internship ko ay pwede naman na akong mag-apply ng trabaho at tumira sa dormitoryo ng kumpanya..”

“May kwarto sa bahay, at bakit mo kailangang tumira sa dormitoryo ng kumpanya? Hintayin mo ako. “At susunduin kita.” wika ng kanyang ate.

“Ate!” Mahinang sagot niya. At maging ang kanyang ate ay natahimik na rin.

Binalot ng kalungkutan si Veronica, tumingin siya sa itaas ng bubong. “Ate, Malaki na ako. At ayoko ng maging pabigat pa sayo, At isa pa gusto kitang suportahan.” magalang na sagot niya.

Kasalukuyang nakaupo ng upuan si Sandara sa labas ng pintuan ng kanyang bahay, hawak ang kanyang cellphone at umiiyak. Habang pinupunasan ang kanyang mga luha. “Hindi ko kailangan ng suporta mo. Gusto kong palagi kang nasa tabi ko, At kahit na matanda ka na, ikaw pa rin ang kapatid ko.” ani niya.

“Salamat, Ate. Pero, sa ngayon gusto kong maging independent na. Susuportahan mo naman ako, tama ba?” lambing niya rito.

Gumagaralgal ang boses ni Sandara, “Paano kung hindi kita suportahan, mag aalsa balutan ka pabalik dito?” tanong nito.

“Hindi.” Ngumiti si Veronica, at bumagsak ang luha ng tahimik. “Mula pagkabata hanggang pagtanda, kahit na anong mangyari sinuportahan mo na ako. The best ate ka talaga sa buong mundo.” wika niya. Ayaw na niya kasing mag-isip pa ang ate niya sa kanya. Marami na rin itong iniisip at alam niya iyon.

Hindi agad nakakapagsalita si Sandara. Sinubukan niyang patahanin ang sarili, pero narinig pa rin ni Veronica ang kanyang pag-iyak.

“Ate, kapag marami na akong pera, bibilhan kita ng malaking bahay! Patatayuan kita ng shop at hindi niyo na kailangan pa ni bayaw na magtrabaho.” promise niya rito.

Tumawa ng malakas si Sandara, “Alam mo naman na hindi ko gusto ng malaking bahay at hindi ko rin gustong magbukas ng shop. Kami ng kuya mo ay mga simpleng tao lamang. Hindi naman kami umaasa ng masaganang buhay. Veronica, kailangan mong tandaan na hindi naman kailangan ng ate ang mga ganyang bagay. Ang gusto ko ay maging maayos ka at masaya. Mas makukuntento pa ako kaysa sa mga ganyan.” sagot ng kanyang ate at hindi maiwasang matouch nito.

“Opo! Ate, gagawin ko.” tumango siya.

Pagkatapos mag-usap ng mag ate. Nagsimula ng umiyak si Veronica. At ang kaninang luha na kanyang pinipigilan ay pumatak na.

Knock! Knock! Knock

Narinig niyang may kumakatok mula sa labas ng pintuan. Agad na pinunasan ni Veronica ang kanyang luha at naglakad palabas para buksan ang pintuan at makita kung sino nga ba ang nakatok. Ang liwanag na mababanayad sa labas kanina ay naging madilim, at ang gwapong mukha ni Erwan ang bumungad sa kanyang harapan..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status