Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito.
Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot.
Nang marinig niya ang ingay, napalingon siya sa kabilang gilid niya at medyo nangungusap pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakatulog ng mahimbing. "Mr. Campbell??"
Ang boses niya na malambing sa gitna ng gabi ay tila makakapag palambot ng puso ng bawat tao. Tumango si Erwan kasabay nang sinambit nito. "Salamat, sa pag-aalaga sa abuela ko."
Isa ito sa isa niyang dahilan kong bakit siya umalis ng maaga. Hindi talaga mabilis mahulog ang loob ng kanyang abuela sa ibang tao pero, may nakita siya na ugali ni Veronica na nagustuhan nito.
"Hindi mo kailangang magpasalamat pa sa akin. Wala naman akong ibang ginawa. Binigyan mo ako ng pork ribs soup na dala mo. Sabi nga nila kapag may ginawang mabuti sayo ang kapwa mo, gantihan mo rin ng kabutihan sa ibang tao. Hindi naman mahirap kainin ang dinala mo kaya nakain agad ng iyong lola.
Natuwa si Erwan sa kanya at nagtanong. "Kamusta naman ang lasa?"
"Ah." Hindi inasahan ni Veronica na magtatanong ito sa kanya. "Masarap naman siya kaso medyo matabang ng kaunti" sagot niya.
Hindi naman nagalit si Erwan at pinakinggan lang ang sinabi nito. "Ang alam ko hindi kasi nakain ng maalat na pagkain ang abuela ko, kaya naman tama lang ang nilagay kong asin." sagot niya.
Nasurpresa si Veronica sa kanyang narinig. "Ikaw ang nagluto ng soup?"
Bago pa magsalita si Erwan sumingit na ang boses ng kanyang abuela. "Siya ang nagluto non. At hindi lang soup ang kaya niyang lutuin. Nagluluto pa siya ng ibang pagkain, naglalaba at nagpapalit ng mga punding ilaw at maging ang mga iba pang appliances.. At kung may free time ka pwede kang pumunta ng aming bahay para matikman mo pa ang iba niyang putahe."
Namangha siya sa kanyang narinig tungkol sa mga kakayahang nagagawa ng kanyang boss. Pansamantalang pinikit nito ang mga mata at tila nahiya sa mga pinagsasabi ng kanyang lola. Sa pagkakataong 'yon. Napangiti siya habang nakatingin sa kanyang boss na malaman na marami palang alam itong gawin.
Maraminna siyang malalaking taong nakasalamuha na tinatapakan lamang ang ibang taong nasa baba nila. Pero, hindi katulad ng kanyang boss na sa kabila ng kasungitang ipinapakita nito at sinasabi ay may nakatagong kabaitan rin naman pala.
Hindi na nagsalita pa si Erwan at binuksan na lamang ang pagkain para sa kanyang abuela.
Tumangi ang kanyang abuela. "Kumain na ako hijo."
"Kumaina ka na?" Nagtaka si Erwan sa sinabi nito. Ang alam niya ay masyadong maselan ang kanyang abuela sa pagkain at hindi basta bastang kumakain ng ibang luto sa labas..
Ngumiti ang abuela ni Erwan. "Dumating kanina ang ate ni Veronica at sabay sabay na kaming kumain." sagot nito.
Itinabi na ni Erwan ang dalang pagkain. "Ganon ba, sige pupunasan ko na lamang kayo."
"Hindi na hijo, ginawa na ni Veronica na punasanan ako at maging ang aking mga paa na binabad sa maligamgam na tubig." sagot nito.
Ngumiti na lang si Erwan..
Kinuha na ni Veronica ang kanyang bag. "Boss, Erwan masyado nang gabi. Babalik na lamang ako bukas." ani niya. "Paalam, Lola." aniya.
"Paalam, paalam." sagot ng matanda at kumaway na lamang.
Nang maka alis na si Veronica. Ngumiti si Erwan at sinabi. "Talagang gusto mo siya?"
"Oo, gustong gusto ko siya. ikaw ba gusto mo rin ba siya?" biglang tanong nito. At mas naging prangka pa ito. Pwede ko siyang pakiusapa na i-break niya ang kanyang boyfriend para sayo hijo. Kung talagang gusto mo siya, ipagpatuloy mo. Wala namang nagawa si Erwan kundi makinig na lamang.
---
Kasalukuyang nakatayo sa labas si Veronica at naghihintay ng may sasakyang darating. Biglaan namang lumakas ang hangin at natalsikan siya ng kaunting patak ng ulan sa kanyang. Sinubukan niyang iharang ang kamay para hindi na siya mabasa pa.
Ang amoy ng pabango ng isang lalaki ang kanyang naamoy. Napatingin siya sa taong bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan. "Mr. Campbell."
Hinakawan ni Erwan ang braso nito. At hindi siya makapaniwalang napakalambot ng balat niya. Gusto sana niya itong pisilin nang madiin. Kaso lang may napansin siya rito. "Bakit ba namumula ang iyong pisngi sa tuwing nakikita mo ako?" tanong niya rito..
Nang marinig niya ito parang uminit bilang ang kanyang pisngi at nahiya.. "H-Hindi! Hindi." Kasi....
Makalipas ang mahabang sandali. Wala naman na siyang ibang nasabi pa. Hindi naman siya pinigilan ni Erwan, pero tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Habang namumula ang kanyang pisngi at parang naeexcite. Mas lumakas pa ang hangin at naamoy na ang kakaibang amoy ng katawan ni Veronica. At mabilis na ipinikit ang kanyang mga mata. Buong lakas niyang hinatak ito palapit sa kanyang bisig. Bago pa mag react si Veronica bumaba ang ulo nito para maamoy ang leeg niya. "Mr. Erwan?" wika nito kasabay nang panlalaki ng kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng init mula sa kanyang leeg, dahil sa buga ng hininga nito at kinikiskis nito ang ilong sa kanyang leeg. Nagulat si Veronica kaya mabilis niyang naitulak ito papalayo at tumakbo sa gitna ng malakas na buhos ng ulan..
Makalipas ang forty minutes bago siya makarating sa dormitoryo ng eskwelahan. Basang basa na ang buong katawan niya. Habang binubuksan niya ang pintuan gamit ang hawak niyang susi. Nang mapansin niya ang bulto ng isang tao mula sa pinto ng dormitoryo ng eskwelahan. Ang matagkad na pigura nito ay gustong tumulong sa kanya. Nangangatog ang tuhod niya at malapit ng mabuwal at natigilan siya sa pagkilos. Tinapon ni Erwan ang sigarilyo sa likod at mabilis na lumapit sa kanya. Gustuhin man sana niyang tumakbo kaso hindi nakikisama ang kanyang mga paa para gumalaw. Ang tanging magagawa niya lamang ay tanggapin ang alok nito. Garalgal ang kanyang boses habang binabanggit ang pangalan nito. "Sir. Erwan.." Basang basa si Veronica, habang ang ulan ay patuloy sa pag patak patungo sa kanyang buhok at damit. At malapit na rin naman mabasa ang kalsada.