NICOLA I still can't find Chandria.Hindi ko alam kung saan sulok siyang nagtago. Nakiusap ako sa mga kapatid niya pero ayaw niyang magbiga ng impormasyon. Kinakain ko na ang utak ko sa pag-iisip kung anong paraan ko siya mahahanap," daing ko kay Mikhael. Nasa harap kami ng bintana ng sala ng bahay. Magkasama kaming tinatanaw ang paglubog ng araw. Kita-kitang dito dahil nasa burol ang bahay ko. Naisipan kong tawagan siya dahil umabot na ako sa limitasyon ko, siya lamang ang taong mabilis makaintindi sa ganitong sitwasyon kaya naging sandalan ko siya. "Diba sa tingin mo may alam dito ang mga kapatid. Paano kung ifi-frame natin sila para magtapat sila," suhestyon nito sabay abot ng baso ng whiskey sa'kin. Humihithit muna ko ng sigarilyo bago abutin iyon. "Imposible ang suhestyon mo. Ayoko na'ng dagdagan ang gulo, sapat na mga sindikato na bwesiti ako," tanggi ko. Ngumiwi siya habang iniikot ang laman ng baso niya. "Wala namang ibang solusyon. Paano kung hamunin mo ng underground ki
NICOLANakakabinging hiyawan ang gumising ng diwa ko. Nasa gitna ako ng ring ng Fight X arena. Hinahanda ko ang sarili ko pero hindi ko maitago ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ininat-inat ko ang mga daliri, sabik na akong makipag-away. Umagos ang pawis ko pababa ng aking pisngi, pero tinutupok ng apoy ang bawat bahagi ng katawan ko. The moment I stepped in here, I knew it was no longer just a game. Ibubuwis ko ang buhay ko para sa babaeng importante sa akin. Desperado na kasi akong makita siya muli. Binigyan ako ng nanlilisik na tingin ni Ezekiel na nasa harap ko, habang pinapatunog ang kanyang mga daliri at ginuguhit ang demonyong ngiti. Nasa kanyang likuran ang mga kapatid na sina Kaelum at Atlas, nakatayo sila sa madalim na angolo pero kitang-kita ko ang malamig at mapanuri nilang ekspresyon. Pareho silang gusto akong lampasuhin para mawala sa paningin nila."Hindi ko inaakala na ganito ka katanga, future brother-in-law. Hayan, nandito ka para sirain ang buhay mo," puna niya.
CHANDRIA "Gumising ka na! Magtatangali na oh!" Naiinis na tawag ni Daphne sa akin.Tinamad na akong gumising ng maaga pagkalipas ng dalawang linggo ko rito sa Siargao. Marami ang masasayang nangyari, nasagad ko ng husto ang kapayapaan at parang gusto ko nang manirahan dito.Inuga ulit ni Daphne ang balikat ko. Umungol lamang ako saka bumalikwas at tinakpan ng unan ang ulo. "Five minutes," usal ko.Pinihit niya ako paharap sa kanya. "Araw-araw na lang, five minutes! Bumangon ka na kasi last day ko ngayon at gusto kong sulitin ang pamamasyal. Bibili pa ak ng souveniers!"Nakapikit akong ngumiti. "May oras pa naman," tinatamad kong sagot."Mag-a-alas onse na! Kung nandito lang sana sila Shiela at Xaira ay hindi kita guguluhin. Ba't ka kasi biglang naging tamad? Sobrang ka di-date mo ba ito kay Joaqin?" Litniya niya. Pinaalala niya na kaming dalawa lang ang nandito kasi matagal nang bumalik sa kani-kanilang bahay sina Shiela at Xaira.My eyes automatically fluttered open. Bumilis ang tib
CHANDRIA "Nicola..." nanginginig kong sambit. Hindi ko malaman kung ano ang irarason ko. Huli niya ako sa akto na may ibang katabing lalaki pero pwede akong rumason kasi wala naman nangyari sa amin."Kaya ka ba lumayas para maghanap ng ibang lalaki. Hangang-hanga ako sayo, para gusto mo yata makipag-contest sa akin. Paramihan tayo ng kalaguyo?" Sarkastiko niyang sabi pero nasa ilalim ng boses ang galit."I'll explain. This is not what's look like," nanginginig kong usal.Kumibot ang dulo ng labi niya, nang humakbang siya para lalong lumapit sa akin. Umiinit ang pisngi ko na hinay-hinayna tumayo. Nawala sa isip ko na narito si Joaqin, malamang ay gulat itong nakatitig sa amin. Binitawan ni Nicola ang mga anak kaya sinukod ako ng yakap ni Layla at Liam."Marami-rami kang ipapaliwanag mamaya," anas niya sa mababang boses na para akong hinihepnotismo.Bigla kong naalala ang huling eksena ni Nicola na may kahalikan na babae, umusbong ang galit sa sistema ko."I-Ikaw, ma-marami ka ring ipa
CHANDRIANakasimangot akong umupo sa dining table, ni hindi ko pinansin ang triplets.Maang silang napatingin sa akin, wala ni isa ang nangahas na istorbohin ako. Pakiwari ko ay nagiging matured na ang mga bata dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ngayon. Kahit na itago ko ang naiinis kong mukha, alam nila na nag-aaway kami ng ama nila.Naisahan ako kagabi ni Nicola at galit ako! Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mapadala sa matatamis niyang salita.Nakakabaliw.Sinalinan ko ng tubig ang baso. Nakalapag sa harapan namin ang umuusok na kanin, at iba't ibang ulam para sa agahan pero tanging hotdog ang kinakain ng mga anak ko. Nagkunwari akong mahinahon saka kinuha ang isang pinggang scramble egg na may tomato slices. Wala pa si Nicola kaya pagkakataon ko 'to para masinsinan na humingi ng tawad sa kanila.But I'm still furious with their father."Mom, galit po ba kayo sa amin?" Basag katahimikan ni Liam, siya ang advance mag-isip sa kanilang tatlo na kaagad na nakakahalata sa
NICOLA"Wala akong pagpipilian, puro magaganda lahat," natatawa kong sabi sa tindera ng flowershop sa Dangwa.Singhot ko ang makapal na halimuyak ng mga sari-saring bulaklak na nakahilera sa harap ko. Maaliwalas ang panahon ng hapong ito, tamang-tama para bumili ng bulaklak para sa mahal ko."Para sa asawa niyo po, sir? Hihindi po kayo ng patawad?" She glanced at me with sharp, assessing eyes, then smiled knowingly. Tantya ko nasa diciaseis pa ang batang ito.Nahulaan niya kaagad ang nasa isip ko. Nabilib ako sa ginang. Lumabi ako, na napamulsa. "Para sa isang taong espesyal na mahirap suyuin. Ano ba ang magandang bulaklak para mapaamo siya?" Namasyal ang paningin ko sa isang kumpol ng pink roses. "Ah, pink rose po," suhestyon niya na nahuli akong nakatingin doon.Napaisip ako. "Pero... lavender ang favorite color niya. May violet roses ba kayo rito?"Nanlaki ang mga mata niya't nagpakawala ng singhap. "Lavender ho?" Balik tanong niya. "Rare iyan, Sir. Pero saktong mayroon kami niya
NICOLANalaglag ang panga ko nang tumunghay si Chandria. Nakapameywang siya na nakataas ang kilay. Huli ko na naitago ang hawak kong rosas.Sa huli na bigo ako sa plano ko, wala nang romantic date. Nanlumo akong binagsak ang mga kamay."Ano'ng kalokohan—""Kalokohan bang magbigay ng bulaklak sa taong espesyal?" Masuyong sabi ko na tinaas ang tangan kong bulaklak.Ngumiwi siya. "Manigas ka, hindi ko paboritong rosas kahit kulay violet pa 'yan!"Tumiim bagang ako. Talagang sinubukan niya ako. Hindi ko pinansin ang pagtataray niya. "Ibibigay ko na lang kay Iris," nalulungkot kong sambit. Akma akong lampasan siya nang bigla niyang hinawakan ang bouquet."I won't allow you to give this to others. Di totoo na hindi ko gusto ang rosas," lumalabi siyang pahayag nang hinablot iyon. "Salamat." Sininghot niya ang rosas.Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya pero agad niyang binawi nang mapansin niya akong nakatititig sa kanya."Anyway, what's your favorite flower? Para tama ang susunod ko
CHANDRIAHindi ko natalo si Nicola kahapon kasi dinayaan niya ako. Nagkunwari akong galit pero pinipigilan ko ang sarili na huwag siyang paniwalaan na mahal niya ako. Para akong tanga kasi gusto ko siyang parusahan. Hindi pa sapat ang paghihirap niya ngayon. Suyuin niya ako hangga't makakaya niya. Gusto ko lang isampal sa kanya na may masama ang pananaw ko sa mga manloloko. Nagsisi ako na siya ang first ko sa lahat, samantala siya marami nang babae ang dumaan sa bibig niya."Aish!" Binato ko ang portfolio na walang kamalay-malay. Alas tres ng hapon, nasa opisina niya ako at binigyan ng maraming gawain. Nawalan tuloy ako ng chance na tignan ang nagaganap sa sarili kong kompanya.I'm still wary of that bitch. Gusto niyang baliktarin ang sitwasyon at ipalalabas na kasalanan ko."Okay ka lang ba, Miss Callagry?" Dumungaw mula sa cubicle ang kasama kong si Rex.Napatingin ang dalawang babae na dumadaan sa pagitan namin."Wala," kaila ko. "Bumalik ka na sa trabaho mo baka mamaya mapadaan
Kumikislap ang mga mata ko nang pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa vanity mirror. Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili dahil pupunta kami sa auction. Mariin kong nilapat ang mga labi matapos lagyan ng lipstick. Pulang-pula ito gaya ng gusto ni Nicola saka pinaresan ko ng pulang dress na kumikinang sa liwanag.Una akong nanaog ng hagdan. Di ko hinintay si Nicola dahil nasa banyo pa siya. Hindi makapagpasya kung ano ang susuotin. Mas higit siya sa babae sa kaartehan, nakakaasar minsan.Huminto ako sa salamin ng sala. Sinugarado ko ang mukha kung pasok ba ang make-up ko para sa gabing ito. Humugot ako ng malalim na hininga sabay akma na susuotin ang maskara nang biglang may yumakap sa beywang ko. Nanayo ang balahibo ko sa mainit na hangin na dumapi sa batok ko. Namilog ang mga mata ko nang kumislap ang flash ng camera. Camera ng Iphone ni Nicola. "You're gorgeous," bulong niya na kinayanig ng puso ko. Nagwawala sa kilig ang sistema ko."Pero—"Ayos na sana kung wala ang pero.
CHANDRIA Nanakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ang mga luha. Nasa sitwasyon ako ng matinding emosyon at nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.Naikuyom ko ang mga palad, napako sa kinatatayuan. Nasa maaliwalas na sala kami ng mansyon ng Callagry. Kagaya ko ay mistulang bato ang mga magulang ko. Nahihirapan silang tignan ako ng deretso sa mga mata.I crossed my arms, and my jaw tightened as I took at them. "Chandria... h-hindi ko alam kong paano ko sisimulan," pasimula ni Mom. Sinubukan niya akong tignan. Tumango ako para ipahiwatig na nakikinig ako."Ilang taon akong binubulag ng pride ko. I believed Marga because... because it was easier to trust her than to question myself. I failed you as a mother."Mataimtim akong tinignan sa mga mata ni Dad. "We failed you, Chandria. May karapatan ka para kamuhian kami. Pinili namin makinig sa kasinungalingan ni Marga. Pinagdudahan ka namin kahit na ikaw mismo ang anal namin... at ano ito? Para sa katahimikan? Para maiwasan ang gulo
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n
CHANDRIAAng sumundo sa akin sa presinto ay ang mga kapatid ko. Kompleto silang tatlo at bawat isa’y may masamang komento laban kay Marga.Lumuwag ang pakiramdam ko dahil nakakasiguro akong suportado ako ng mga kapatid ko. Ang iisipin ko ngayon ay ang mga magulang ko na patuloy pa rin pinapaikot ni Marga.Hindi ko pa nakikita si Mom pero nasa sensasyon ko at imahenasyon ko ang umuusok niyang ilong, namumulang mga mata at matatabang litid ng ugat sa gilid ng sentido. Mainit ang dugo niya sa akin tuwing madadawit ako sa masamang bunganga ng sampid sa pamilya.Marga is good in brainwashing. Kuhang-kuha niya ang timpla ng mga magulang namin.“Ang lakas ng loob niya para akusahan ka ng ganyan,” ngitngit ni Kaelum.“Noon pa man ay malakas ang kutob ko na may ulterior motives ang sampid na iyan! Tahimik pero nagtatrabaho sa ilalim!” hinaing ni Ezekiel.“Dinamay pa ang kaibigan mo,” ani Atlas na hinahawakan ang siko ko habang inaalalayan palabas.“Choice pa rin ‘yon ni Autumn. Wala akong maga
CHANDRIAMy greatest mistake is to hide the fact that I am a mulit-millionaire CEO of a software and digital company from Nicola.“Hindi ko sinasadya, Nic. Sasabihin ko naman sa’yo eh, pero natatakot akong madamay ka at hindi ibig sabihin na wala akong tiwala sa’yo,” simula ko sa nangangatog na boses.Kumakapit ako sa rehas ng prisento. Samantala, siya ay parang kinakapos ng hininga na napako sa kinatatayuan niya sa gilid. He refused to look me in the eyes.“Natatakot? I’m your boyfriend, right? I promise you that I’m always with you, to help you.” Ginawaran niya ako ng malalamig niyang titig. “Sino ba talaga ako para sayo? Wala kang kaalam-alam sa nararamdaman ko ngayon.” Saka mapait siyang tumawa. “Or maybe you just thought I was too defective to understand. Tama ba?”Hinawakan ko ng mahigpit ang rehas. Gusto kong isagawa na wala siyang kasalanan.“Nic, please ‘wag mong sabihin yan. Hindi ko sinasabi na defective ka o maraming nagawang kasalanan noong nakaraan. Alam ko ang pinagdaan
NICOLAParang nasasabog ang puso ko nang makita ko ang taong mahal ko na parang isang kriminal ng ibang tao. Pawisan at basang-basa ng mga luha ang kanyang mukha. Hinahabol ang hininga habang nasa likod ang dalawang kamay na may posas. The sight of her being dragged like that made my blood boil.“Ano’ng katarantaduhan ang ginagawa niyo?” Bulyaw ko habang tumatakbo palapit sa kanila.Binuka ni Chandria ang mga bibig pero di niya nagawang magsalita nang nilapit ako ng isang babae na mas natataranta pa kesa sa kanya. Her expression was tense, and her heels clicked with purpose on the pavement. “Mr. Henderson, I’m Celeste Solotiel,” pakilala niya sa ipit na boses. “I’m the Vice President of Mielle Company. Ako po ang tumawag sa inyo.”Mielle Company? Ano’ng ginagawa ni Chandria sa kanila?Before I could process it, another woman stepped forward, her eyes gleaming with malice. Ang empaktang si Marga na adopted sister niya. She had always struck me as cunning but today, she looked downrigh
NICOLA Nakita mo ba'ng umalis si Chandria?" Umiigting ang panga kong tanong kay Yassel.Nagrerebolusyon ang sistema ko matapos matagpuang bakante ang kwarto ni Chandria. Kakahupa lang ng lagnat niya at talagang nagawa niyang tumakas. Natatakot tuloy akong mabinat s'ya."Sa kasamang palad, hindi ko po siya nakita kanina," malungkot niyang pahayag.Nanilim sa galit ang mga mata ko. Naging blangko ang utak kong sa anong paraan ko hahanapin ang babaing ito. Sinasadya niya akong pahirapan ngayon. I really don't understand her right now. Nanggigil akong sakalin siya't hilain pabalik ng mansyon ko. "Ihahatid ko muna sa nursery ang kambal," nasabi ko na lamang nang maalala ang mga anak. Umakyat ako sa itaas para tignan sila. This time, I hired a nanny for them. She's one of my close relative para iwas tukso. Namataan ko si Cynthia sa bukana ng kwarto ng triplets. Sinasapo nito ang noo at tila may mabigat siyang pinapasan."Ano ang problema, Cynthia?" Agaw-atensyon ko.Kumislot siya nang
CHANDRIA Isa lang ang solusyon ko, no'ng humupa ang lagnat ko ay maaga akong umalis ng bahay para puntahan ang kompanya. The place is so eerily silent and as if I don't belong here. O may tao lang talaga na ayaw ako rito.Kakarating ako sa opisina nang tumunog ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil mistula akong daga na pasekretong pumasok sa opisina ni Marga.Pasa alas sais ng umaga, at si mamang guard lang ang tao rito. May kaunting oras ako para humanap ng matibay na ebidensiya laban kay Marga.I looked at the screen, and to my surprise, it was Autumn. She rarely calls me, and we just talked in the group chat. Nahihiwagaan ako sa bigla-bigla niyang paglitaw sa buhay ko.Naalala ko no'ng araw na may pinapirmahan siya, para raw sa insurance ng triplets. Nagbago kasi siya ng trabaho- sa isang insurance company at may maganda silang offer ka pumayag ako. "How are you, beshy? Nabalitaan ko may sakit ka? Okay ka lang ba?" Nahimig niya ang pag-alala."O-Okay lang ako. Bin