CHANDRIA "Gumising ka na! Magtatangali na oh!" Naiinis na tawag ni Daphne sa akin.Tinamad na akong gumising ng maaga pagkalipas ng dalawang linggo ko rito sa Siargao. Marami ang masasayang nangyari, nasagad ko ng husto ang kapayapaan at parang gusto ko nang manirahan dito.Inuga ulit ni Daphne ang balikat ko. Umungol lamang ako saka bumalikwas at tinakpan ng unan ang ulo. "Five minutes," usal ko.Pinihit niya ako paharap sa kanya. "Araw-araw na lang, five minutes! Bumangon ka na kasi last day ko ngayon at gusto kong sulitin ang pamamasyal. Bibili pa ak ng souveniers!"Nakapikit akong ngumiti. "May oras pa naman," tinatamad kong sagot."Mag-a-alas onse na! Kung nandito lang sana sila Shiela at Xaira ay hindi kita guguluhin. Ba't ka kasi biglang naging tamad? Sobrang ka di-date mo ba ito kay Joaqin?" Litniya niya. Pinaalala niya na kaming dalawa lang ang nandito kasi matagal nang bumalik sa kani-kanilang bahay sina Shiela at Xaira.My eyes automatically fluttered open. Bumilis ang tib
CHANDRIA "Nicola..." nanginginig kong sambit. Hindi ko malaman kung ano ang irarason ko. Huli niya ako sa akto na may ibang katabing lalaki pero pwede akong rumason kasi wala naman nangyari sa amin."Kaya ka ba lumayas para maghanap ng ibang lalaki. Hangang-hanga ako sayo, para gusto mo yata makipag-contest sa akin. Paramihan tayo ng kalaguyo?" Sarkastiko niyang sabi pero nasa ilalim ng boses ang galit."I'll explain. This is not what's look like," nanginginig kong usal.Kumibot ang dulo ng labi niya, nang humakbang siya para lalong lumapit sa akin. Umiinit ang pisngi ko na hinay-hinayna tumayo. Nawala sa isip ko na narito si Joaqin, malamang ay gulat itong nakatitig sa amin. Binitawan ni Nicola ang mga anak kaya sinukod ako ng yakap ni Layla at Liam."Marami-rami kang ipapaliwanag mamaya," anas niya sa mababang boses na para akong hinihepnotismo.Bigla kong naalala ang huling eksena ni Nicola na may kahalikan na babae, umusbong ang galit sa sistema ko."I-Ikaw, ma-marami ka ring ipa
CHANDRIANakasimangot akong umupo sa dining table, ni hindi ko pinansin ang triplets.Maang silang napatingin sa akin, wala ni isa ang nangahas na istorbohin ako. Pakiwari ko ay nagiging matured na ang mga bata dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ngayon. Kahit na itago ko ang naiinis kong mukha, alam nila na nag-aaway kami ng ama nila.Naisahan ako kagabi ni Nicola at galit ako! Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mapadala sa matatamis niyang salita.Nakakabaliw.Sinalinan ko ng tubig ang baso. Nakalapag sa harapan namin ang umuusok na kanin, at iba't ibang ulam para sa agahan pero tanging hotdog ang kinakain ng mga anak ko. Nagkunwari akong mahinahon saka kinuha ang isang pinggang scramble egg na may tomato slices. Wala pa si Nicola kaya pagkakataon ko 'to para masinsinan na humingi ng tawad sa kanila.But I'm still furious with their father."Mom, galit po ba kayo sa amin?" Basag katahimikan ni Liam, siya ang advance mag-isip sa kanilang tatlo na kaagad na nakakahalata sa
NICOLA"Wala akong pagpipilian, puro magaganda lahat," natatawa kong sabi sa tindera ng flowershop sa Dangwa.Singhot ko ang makapal na halimuyak ng mga sari-saring bulaklak na nakahilera sa harap ko. Maaliwalas ang panahon ng hapong ito, tamang-tama para bumili ng bulaklak para sa mahal ko."Para sa asawa niyo po, sir? Hihindi po kayo ng patawad?" She glanced at me with sharp, assessing eyes, then smiled knowingly. Tantya ko nasa diciaseis pa ang batang ito.Nahulaan niya kaagad ang nasa isip ko. Nabilib ako sa ginang. Lumabi ako, na napamulsa. "Para sa isang taong espesyal na mahirap suyuin. Ano ba ang magandang bulaklak para mapaamo siya?" Namasyal ang paningin ko sa isang kumpol ng pink roses. "Ah, pink rose po," suhestyon niya na nahuli akong nakatingin doon.Napaisip ako. "Pero... lavender ang favorite color niya. May violet roses ba kayo rito?"Nanlaki ang mga mata niya't nagpakawala ng singhap. "Lavender ho?" Balik tanong niya. "Rare iyan, Sir. Pero saktong mayroon kami niya
NICOLANalaglag ang panga ko nang tumunghay si Chandria. Nakapameywang siya na nakataas ang kilay. Huli ko na naitago ang hawak kong rosas.Sa huli na bigo ako sa plano ko, wala nang romantic date. Nanlumo akong binagsak ang mga kamay."Ano'ng kalokohan—""Kalokohan bang magbigay ng bulaklak sa taong espesyal?" Masuyong sabi ko na tinaas ang tangan kong bulaklak.Ngumiwi siya. "Manigas ka, hindi ko paboritong rosas kahit kulay violet pa 'yan!"Tumiim bagang ako. Talagang sinubukan niya ako. Hindi ko pinansin ang pagtataray niya. "Ibibigay ko na lang kay Iris," nalulungkot kong sambit. Akma akong lampasan siya nang bigla niyang hinawakan ang bouquet."I won't allow you to give this to others. Di totoo na hindi ko gusto ang rosas," lumalabi siyang pahayag nang hinablot iyon. "Salamat." Sininghot niya ang rosas.Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya pero agad niyang binawi nang mapansin niya akong nakatititig sa kanya."Anyway, what's your favorite flower? Para tama ang susunod ko
CHANDRIAHindi ko natalo si Nicola kahapon kasi dinayaan niya ako. Nagkunwari akong galit pero pinipigilan ko ang sarili na huwag siyang paniwalaan na mahal niya ako. Para akong tanga kasi gusto ko siyang parusahan. Hindi pa sapat ang paghihirap niya ngayon. Suyuin niya ako hangga't makakaya niya. Gusto ko lang isampal sa kanya na may masama ang pananaw ko sa mga manloloko. Nagsisi ako na siya ang first ko sa lahat, samantala siya marami nang babae ang dumaan sa bibig niya."Aish!" Binato ko ang portfolio na walang kamalay-malay. Alas tres ng hapon, nasa opisina niya ako at binigyan ng maraming gawain. Nawalan tuloy ako ng chance na tignan ang nagaganap sa sarili kong kompanya.I'm still wary of that bitch. Gusto niyang baliktarin ang sitwasyon at ipalalabas na kasalanan ko."Okay ka lang ba, Miss Callagry?" Dumungaw mula sa cubicle ang kasama kong si Rex.Napatingin ang dalawang babae na dumadaan sa pagitan namin."Wala," kaila ko. "Bumalik ka na sa trabaho mo baka mamaya mapadaan
CHANDRIA Kinamot ko ang gilid ng ulo. "Lutang po ako pasensiya na."Blake chuckled. Nagtataka ako sa kanya, parang may ibang ispirito ang sumapi sa kanya kasi di 'yan namamansin noon. "Come on, dude. Di naman tayo nilason ng matamis niyang kape. Parang hindi ikaw iyong mahilig sa sweet. Saka, bakit binabawalan mo akong yayain siya? Free naman siya, diba?"Nicola shot his deathly glare at him. "Hindi siya free. At kahit free siya ngayon, hindi niya sasayangin ang oras niya sa'yo."Tumikhim si Paolo na napakibit balikat."Excuse me, po. Ako mismo ang magpapasya kong free ba ako o hindi. At saka Blake, thank you for invitation, pero may iba pa kasi akong gagawin."Talaga? Baka naiipit ka lang sa pagiging possessive nito?" Tinuro ni Blake ang kaibigan.Hindi na maipinta ang mukha ni Nicola. Binaha tuloy ako ng kaba, nagra-riot na ang sistema ko. Pakiwari ko, may kakaibang nangyayari bukod sa bad news na natanggap ko."Gusto mo ba masapak?" Inangat ni Nicola ang mahigpit na nakakuyom na
NICOLA "She's really impossible," nanlulumo kong anas sabay sapo ng noo.Agad akong bumalik sa opisina para tapusin ang naiwang trabaho. Tumiim bagang ako nang maalala si Blake. Isa pang salot, ewan kung ano ang nakain kung ba't gano'n siya ka-weird ngayon, bigla-biglang nagfi-flirt sa Chandria ako.Paliko ako sa isang anggolo nang matanaw ang dalawa kong kaibigan na seryoso na nag-uusap. Sino ba ang matutuwa ngayon kapag nasa delikadong sitwasyon kami. Hindi namin alam kung kailan aatake si Thaddeo. Kahit alam namin na naghihintay siya ng timing ay dapar kaming maghanda."Blake, masama ba ang epekto ng sobrang tamis ng kape kanina,?" Pabalya kong sabi kay Blake.Kumibot ang dulo ng kanyang labi. "First time kong nakatikim ng kape na parang asukal pero wala namang epekto sa akin. Bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay."Bakit? May amnesia ka ba? Nakalimutan mong nilalandi mo si Chandria. Sa anong lenghwahe ko ba sasabihin sa'yo na girlfriend ko na siya?" Madiin kong saad, na binigyan siy
NICOLA "Someone is weird today." Huli-huli ng tenga kong puna ni Paolo sa'kin. Nasa maaliwalas na coffee shop kami. Sinasala ng malaking glass window ang liwanag ng araw. Abala ako sa pagsimsim ng black coffee, tensyonado naman sa pagpindot si Paolo sa phone niya at kalahating nakatago si Blake sa hawak niyang dyaryo. Nangibabaw ang banayad na konbersasyon ng mga tao at ang ingay ng kumakansing na mga tasa sa hangin."Sino'ng weird?" Patay-malisya kong tanong. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.Binaba ni Blake ang dyaryo niya at niregaluhan niya ako ng ngiti. "What's with you today, huh? Parang baliw kang tumatawang mag-isa d'yan.""Yeah, spill it, Nico!" Segundo ni Paolo na tila binabasa ako.Ngumisi ako. Gusto kong gawing suspense muna."Dude, you've got that 'I know something you don't' face. That's unnerving," alma niya.I chuckled, and then I took another sip of my coffee. "What? Di ba pwedeng mag-enjoy ang tao ng kape niya na may kapayapaan?""I hate that cryptic look...""Yo
CHANDRIA "Bakit ba palaging may distractions? Nasa punto na ako eh kaso parang ayaw nilang matuloy," malungkot kong tanong sa sarili pagkatapos ihatid sa kwarto ang triplets at pinatulog sila.Dinalaw na ako ng antok kaya nawalan ako ng gana makipag-ano kay Nicola. Nanlulumo akong umupo sa kama habang isa-isang tinatanggal ang butones ng blusa ko. Naka-bra na lang ako nang lumabas sa banyo ang lalaki ko. Tinatanggal ko ngayon ang hikaw at kwentas ko.Nanliit ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin."Next time na lang, Nic. Pagod na ako," sabi ko sabay tihaya sa kama.Kumaibabaw siya sa akin. Kinilig ang kiffy ko sa mahalimuyak niyang after shave. Sumasabog ang pagiging lalaki niya. Naka-tapis lang siya at anumang oras ay handa niya akong pasukin."Hindi ako naniniwala. Pwede rin nating gawin iyon. Mabilis lang." Tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok sa mukha ko.Napapikit ako. Para akong sasabog, pinipigilan ko ang sarili ko pero malakas ang pang-aakit niya.Tinulak
CHANDRIASiguro, kino-consider ko na, ito ang pinakamasaya na nangyari sa buhay ko—ang makilala ang ibang myembro ng pamilya ni Nicola. Pakiramdam ko, bahagi na talaga ako ng buhay niya. Kilala na ako ng mga magulang niya at masaya ang mga kapatid niya na magkaroon ng bagong ate.Magalang akong pumasok sa bahay ni Althea, siya ang ina ng anak ni Mikhael at balita ko ay nagkahulugan na sila ng loob sa isa't isa. O baka huli na ako sa balita na mag-asawa na pala sila. Hindi ako nakapag-marites noong mga nakaraang araw. Di talaga ako binabalitaan ni Nicola, masyado niya akong inaabala sa araw-araw na gawain sa kompanya o baka nagkataon iyon ng problema ko kay Marga.Bitbit ang cute kong regalo ay sinalubong ko si Althea kasama ang triplets na may kanya-kanyang hawak na regalo para sa pinsan. Malapad ang ngiti niya, at biglang mabilis na pumintig ang puso ko. Para siyang hollywood actress na si Emma Watson, ang amo ng mukha at nakakatakot hawakan. Para siyang living doll. Marupok. Pero sa
NICOLA I gritted my teeth. Nasa punto na ako naipapasok ko na si manoy sa butas ni manay nang bilang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako sa pagkiskis ng matigas kong pagkakalalaki para sagutin iyon. "Argh! What are you doing?" Reklamo niya. Akma kong abutin ang cellphone pero pinigilan niya ang kamay ko. "Let me answer this first," sabi ko. Bumakat ang frustration sa mukha niya. Alam kong nabitin siya at tila nawalan siya ng gana ngayon. "Mas importante pa ba iyan?" Naiinis niyang turan. Sumalpok ang kilay ko. "No idea. Pero sasagutin ko lang, istorbo eh." "Fine. I will end this," dagli niya saka bumalik sa kinauupuan. Umaapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang sinusuot ang damit. Wala na akong chance maka-score ngayon. Kawawa si Manoy. "Chanie, 'wag ka naman ganyan. Itutuloy pa rin natin," sabi ko habang nakatingin sa cellphone. Pesteng, Blake! Istorbo talaga, binibwesit ako. Baka nalaman niyang may milagro kaming ginagawa.Nakabusangot siyang kumibit balikat. "
NICOLA Sumiklab ang malaking apoy sa dibdib ko nang makitang may ibang kausap na lalaki si Chandria. Hindi ako magagalit kung hindi malagkit ang pagtitig nito. "Chandria Mielle!" Tawag ko. Mabibigat na yabag ang ginawa ko papunta sa kanila. Eksakto rin ang pagsuot ng lalaki sa maskara niya. "What the hell are you doing?" Hinatak ko s'ya palapit sa 'kin. "What's your problem?" Balik tanong, nalakipan pa ng masamang tingin. "Ikaw!" Sigaw ko sa mukha niya. "Ba't ka nanlalaki kahit alam mong nandito ako?" Hindi ko na mailarawan ang mukha niya. Kulang na lamang ay kakatayin niya ako. "Pambihira ka, Nic! Nagkabangga lang kami. Naghingi ako ng sorry, nanlalaki na kaagad? Masyado ka namang seloso!" Alma niya. Ngumiwi ako. Nilakasan ko ang pagpisil sa kamay niya. "Kung makatitig ka parang kayo lang sa mundo. Umuwi na tayo, Chandria Hindi ko na nagugustuhan ito!" Winaksi niya ang kamay ko. Lumaganap ang itim na hamog sa mukha niya na nagpapatunay na umabot na sa limitasyon ang
Kumikislap ang mga mata ko nang pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa vanity mirror. Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili dahil pupunta kami sa auction. Mariin kong nilapat ang mga labi matapos lagyan ng lipstick. Pulang-pula ito gaya ng gusto ni Nicola saka pinaresan ko ng pulang dress na kumikinang sa liwanag.Una akong nanaog ng hagdan. Di ko hinintay si Nicola dahil nasa banyo pa siya. Hindi makapagpasya kung ano ang susuotin. Mas higit siya sa babae sa kaartehan, nakakaasar minsan.Huminto ako sa salamin ng sala. Sinugarado ko ang mukha kung pasok ba ang make-up ko para sa gabing ito. Humugot ako ng malalim na hininga sabay akma na susuotin ang maskara nang biglang may yumakap sa beywang ko. Nanayo ang balahibo ko sa mainit na hangin na dumapi sa batok ko. Namilog ang mga mata ko nang kumislap ang flash ng camera. Camera ng Iphone ni Nicola. "You're gorgeous," bulong niya na kinayanig ng puso ko. Nagwawala sa kilig ang sistema ko."Pero—"Ayos na sana kung wala ang pero.
CHANDRIA Nanakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ang mga luha. Nasa sitwasyon ako ng matinding emosyon at nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.Naikuyom ko ang mga palad, napako sa kinatatayuan. Nasa maaliwalas na sala kami ng mansyon ng Callagry. Kagaya ko ay mistulang bato ang mga magulang ko. Nahihirapan silang tignan ako ng deretso sa mga mata.I crossed my arms, and my jaw tightened as I took at them. "Chandria... h-hindi ko alam kong paano ko sisimulan," pasimula ni Mom. Sinubukan niya akong tignan. Tumango ako para ipahiwatig na nakikinig ako."Ilang taon akong binubulag ng pride ko. I believed Marga because... because it was easier to trust her than to question myself. I failed you as a mother."Mataimtim akong tinignan sa mga mata ni Dad. "We failed you, Chandria. May karapatan ka para kamuhian kami. Pinili namin makinig sa kasinungalingan ni Marga. Pinagdudahan ka namin kahit na ikaw mismo ang anal namin... at ano ito? Para sa katahimikan? Para maiwasan ang gulo
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n