Mikhael~Bumubuhos ang tubig sa malapad na balikat ko, dahan-dahan na dumadaloy sa bawat linya ng aking katawan pababa sa aking paa. Umaakyat pataas ang singaw ng mainit na tubig na umaaligid sa akin subalit hindi ito sapat upang pahupain ang bagyo sa dibdib ko. Tila isang bangungot ang naging kaganapan kahapon. Nasusuklam ako at gusto kong mawala sa harap ni Matteo Henderson. Matindi ang poot niya sa akin na hindi ko naiintindihan. Pinahiya ako sa lahat ng sikat at maimpluwensiya mga bisita kahapon kaya no'ng nagising ako kaninang umaga bumungad agad ang masamang balita tungkol sa kompanya. Hindi ko sinisisi si Althea,bagama't nasa loob-looban ko ang takot na agawin niya ang kompanya at ang pagkaroon ko ng hinanakit sa kanya. Nalilito ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Althea, pag-ibig ba o poot?Sinandal ko ang mga kamay sa malamig na tiles ng shower room, yumuko, iniisip na sana anurin na lamang ng tubig ang problema ko. Nananigas ang panga ko, sumikip ang dibdib sanhi
Mikhael~As my father stepped further into the room, his gaze locked onto mine. It was a look full of cold intent, the kind o look that sent a shiver down my spine. His eyes were feirce and unblinking, the depth of his stare making it feel as if he could see right through me, as if he were about to pounce and devour me whole.Nanigas ang panga niya, halos hindi makontrol ang galit. Kasabay no'n ang paglapot ng tensyon sa ere dahil may paparating na konprontasyon.He slowly moved forward, not breaking eye contact for a single moment. Binalot ng makapangyarihang pwersa ang espasyo na parang mawawasak ang anumang bagay na madadaan niya. Nanatili ako sa kinaroonan ko, di nagambala sa mabigat niyang titig.With a deliberate motion, garapal niyang initsa ang folder sa counter ng bar, sa tabi ko. Lumabas ang ilang papel sa lakas ng pagkatapon niya. Pulang-pula ang mukha niya, at lumabas ang litid ng ugat sa gilid ng ulo sa galit. Awtomatiko akong napatayo, nalilitong inirapan ang brown folde
Althea~Althea~I nibbled on my bottom lips. Lumalabo ang paningin ko habang minamasdan si Matteo,ang aking ama. Tila nasu-suffocate ako sa malakas ng tensyon na lumalaganap sa ere. Nakatayo ako malapit sa bintan ng CEO office, samantalang si Dad ay nakasandal sa mahogany desk. Umakyat-baba ang aking dibdib sa mga salitang binitawan niya. Mistulang sinasakal ako ng kabigatan ng desisyon niya. Nagmula no'ng inanunsyo niya sa publiko na ako ang bagong CEO ay di na ako makaisip ng deretso, kinukulang na ako ng tulog at napuno ako ng pighati sa loob. Wala siyang pake kung magdusa ako sa padalos-dalos niyang desisyon."Dad, maawa kayo. Hindi pa ako handa. H-Hindi ko maha-handle ang ganito kalaking obligasyon,"sabi ko, pinahiran ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko gamit ang aking kamay. Now, my palms were clammy, and I wiped them nervously against my skirt, but it did little to ease my growing anxiety."You'll do this, Althea. The board is waiting. This is your responsibility n
Althea~"Mikhael, sana pumayag ka. Pakasalan mo ako,"suhestyon ko ulit.Umigting ang bagang niya. Saglit siyang napaisip saka bumuga ng hangin. Nasa hilatsa niya ang pagdadalawang isip pero tila papayag siya ngayon."Ayokong magpakasal sa'yo para sa kompanya,"prankang tugon niya.Bumagsak ang pag-asa ko. "Please, makinig ka. Para ito sa ikakabuti ng lahat. Ayoko maging CEO, wala akong kakayahan tulad mo. Hindi ko kaya ang pagpapatayo ng H Towers. Ito lang ang sulosyon para maibalik ko sa'yo ang kompanya.""Kakalabanin mo si Matteo,"malamig niyang sabi."Oo, at hindi ako natatakot sa kanya.""Hindi ako papayag." Binitawan niya ang kamay ko.Suminghap ako, bumalikas at umupo. Bahagya akong nahilo pero agad namang naglaho. "Mahal pa rin kita, Mikhael. Ginagawa ko ito para sa'yo at hindi para sa sarili ko. At ang totoo ikaw lang ang gusto kong pakasalan."Umuwang ang bibig niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya maproseso ang sinabi ko. Matamlay niyang binagsak ang balikat at parang
Mikhael~ Nang bumuti na ang kalagayan ni Althea ay dumeretso kami sa City Hall para pumirma ng marraige contract. Awtomatiko kaming nagpakasal sa kanyang kagustuhan. Labag man sa loob ko pero gusto ko ang kompanya saka ayoko rin mapalayo sa kanya. Bumalik ako sa huwesyo nang sinuntok ni Matteo ang lamesa. Kasalukuyang nasa CEO office kami, nakalimutan kong nasa gitna kami ng mainit na konprontasyon. Matalim niya akong tinitigan, at tila maagang na-excercise ang puso ko dahil mabilis ang tibok niyon. Saka bumaling kay Althea. Nag-agaw ang lito at pagtataka sa mukha nito habang pinoproseso ang sinabi ni Althea. "What did you say?" Angil niya sa mababa pero dilekadong tono. Sinulyapan ko si Althea, pinakita niyang kalma siya pero pansin kong nanginginig ang kamay niya. "We're married,"ulit niya. "Mikhael and I tied a knot this morning." "A-Are you crazy? Matapos kang himatayin kahapon, ito agad ang ginawa mo? Hindi naman nauntog ang ulo mo sa sahig." Hindi makapaniwala nitong pa
Mikhael~Maraming linggo ang lumipas, masaya naming pinalakad ang kompanya. Sumabog ang eskandalo sa corporate world pero mabilis ding nawala. Iyong akala naming aatras ang investors at clients, lalo silang dumami. Araw-araw kaming binabaha, kaliwa't kanan ang meeting ko. Naging abala rin si Althea sa pagpo-promote ng H Towers. Lumipat na sila sa bahay pero ang problema ko, di matanggap ni Mom si Althea. Minsan madadatnan ko silang seryosong nag-uusap o nagsasagutan. Maraming beses kong sinaway si Mom pero puro iyak ang asta niya.Malapad ang guhit ng ngiti ko habang sinisinghot ang bouquet ng rosas. Naglalakad ako patungo sa sasakyan, nasasabik na makita muli si Althea. Ito ang araw na nagpakasal kami, tatlong buwan na rin. Kaya sinisigurado kong gawing espesyal ang araw na ito. Sumakay ako sa driver seat na hinihimas pa rin ang bulaklak. Dinouble check ko ang maliit na note, doon ko kasi binuhos ang pagmamahal ko. Kumikinang sa pink roses sa sikat ng araw sa hapong ito.Kumapit ako
Althea~ "Althea, it's nice to see you here!" Dinig kong bati ni Giorgianna nang marating ko ang pasilyo patungo sa classroom ni Raven. Ako ang nagpasyang sumundo sa kanya dahil lilipat kami ng bahay. "Same here. Kamusta?"Ganti ko sabay ipit ng buhok sa tainga. Abot-tenga ang ngiti niya. "Nakikisabay pa rin sa ikot ng mundo. Halatang di ka abala ngayong araw,huh." "Lilipat kasi kami ng bahay kaya ako ang magsusundo kay Raven,"turan ko sabay pamulsa. Ngumiwi siya. "Kung hindi ako nagkakamali may unang sumundo sa kanya." Nagulanta ako kaya nagtatanong akong inirapan siya. "S-Sino? B-Bakit niyo hinayaang—" "Kalma. Sinabi niyang ama siya ni Raven,"putol niya. Nakahinga ako ng maluwang. Humakbang siya palapit sa'kin at mahina akong siniko sa braso. "Siguro hindi pa sila nakakaalis kasi nakita kong dumeretso sila sa playground. Si Mikhael Henderson pala ang ama ng anak mo, nahuli ako sa tsismis,"natatawa niyang dagdag. "Pasensiya kung tinago ko. Medyo komplikado kasi ang sitwasyon n
Althea~ Kinagabihan, pagod akong pinupunasan ang pawis sa noo matapos kong ilagak sa gilid ng hagdan ang malaking luggage. Paupo ako sa hagdan nang nanaog sina Mikhael at Raven, naningkit ako nang makita silang magkahawak kamay. Pinaseselos uli ako ni Mikhael. Then, he approached me with a sly smile. Nanaka akong kumibit balikat kasi makakaiba sa kislap ng mga mata niya. Ilang segundo nasa harap ko na sila.Pinatong ko sa balustre ng hagdan ang kamay. "What?" Nilangkpan ko siya ng pagtataray ng tinig para pagtakpan ang pagkalula sa kanya. Aminado akong naakit ako sa simpatikong kagwapuhan niya ngayon. Pinakita niya ang dalawang ticket. "I'm giving you a reward for pulling that two luggages,"pasikot-sikot niyang saad. "Manonood ba ng sine?" "No, it's theather play." I arched my brow, "Busy ako ngayon, saka hindi ako fan ng mga ganito. Pinapatulog lang nila ako sa mga kanta nila." Humakbang siya para lalong lumapit sa akin. "But this isn't a just any play, dear. It's le m