Brenda
Mahimbing na dapat ang tulog ko nang bigla naman akong bulabugin ng walang tigil na pagri-ring ng phone ko. Pisti! Bago pa ako naka pipikit ‘tsaka naman tatawag kung sino mang heredos na iyon. Bahala na kung sino iyon. Mapapagod lang din siyang tumawag dahil wala akong balak bumangon. Susuko rin iyon kapag hindi ko pinansin. Sa halip ay naisip kong hilahin ang extra kong unan. Ginawa kong pantakip sa tainga ko upang hindi ko na marinig ang ingay. Akala ko lang pala, na tuluyang magiging payapa na ang tulog ko. Ngunit maling-mali ako sa sapantaha ko. Dahil hindi yata alam ng kung sino man ang tumatawag sa akin na tumigil at walang pakialam kung nakabubulahaw na dahil ayaw sumuko ang tumatawag. Iniisip ko baka nakakaistorbo ako sa kabilang k’warto. Hindi kasi semento ang dingding ng boarding house ko. Plywood kasi ang dingding though makapal naman ngunit kapag ganito kaingay sure ako maririnig niyon ng kalapit kong silid. Subok ko kasi kapag nag-videoke ang katabi kong kuwarto. Naririnig ko ang kantahan nila. Wala lang akong magawa kun'di magtiyaga. Mahirap din maghanap ng boarding house dito sa Quezon City. Wala rin naman akong maipipintas dahil malinis naman at mabait ang may-ari ng paupahan kaya pinili ko ito. In addition, it's not very expensive. Ika nga abot kaya sa bulsa. Kaya mabilis makuha bawat kuwarto kung mayroon bakante. Isa rin sa nagustuhan ko isang ride lang ng jeep at minimum wage lang ang pamasahe patungo sa office ko. Bawal rin ang lalake tenant. Pinayagan ng may-ari iyong isang kuwarto kasi mag-asawa. Isa pa, lahat mayroon mga work. Kapag sabado at linggo lang kumpleto ang mga kasamahan kong boarders. Kapag lunes hanggang biyernes. Hindi nagpapangitian dahil gabi na halos nagu-uwian. Bwisit! Napilitan akong padabog na bumangon. Gano'n din hindi ako matahimik kaya naman minabuti ko na lamang puntahan at sagutin ang cellphone kong nakapatong sa aking maliit na dining table. Hindi ko sinilip kung sino ang nasa kabilang linya basta ko lang sininghalan at pagalit ko iyon sinagot. “Hello! Siguraduhin n'yo lang po hindi ito wrong number kun'di isusumpa kita hindi ka dalawin ng antok buong isang taon!” malakas kong singhal. “Brenda,” paos ang boses ang naulinigan ko sa kabilang linya. “S-Sir Mattheus?” kumurap ako. What the heck! Ganito na ba ako kabaliw sa boss ko kahit sa tawag ng phone, boses nito ang naririnig ko. Pero nagsalita ulit eh. Hindi na lang ito guni-guni totoo na dahil maingay rin ang background na kinaroroonan nito. “I'm here at a high-end bar in BGC. Please, can you pick me up? Hindi ko na kayang umuwi,” puno ng pakiusap na sabi nito sa akin. “Sir Mattheus?!” tanong ko. Wala, siniguro ko lang dahil bago ito at naka gugulat talaga ang inaaktong ‘to ni Sir Mattheus. “Totoo ka ba, Sir Mattheus? I mean, why me? Bakit sa akin ka tumatawag. Sir Martinez, hatinggabi na po baka hindi n'yo alam," “Ikaw ang naisip ko tawagan I don't know. Siguro dahil malapit ka sa ‘kin and we are friends, right?” Na friend zone na naman ang beauty ko wala ng kadala-dala Brenda. Anong oras na ba? Sabay tingin ko sa orasan ko nasa bandang headboard ng kama ko. Alas onse na ng gabi? Akala ko nag-propose siya kay doktora Neng-neng? Bakit nasa BGC na nagpapakalunod ng alak? Anong nangyari? Wait lang hindi ko pa gets. Gusto ko malinawan kung bakit nagpakalango sa alak si boss Mattheus. “Sir Mattheus, tatawagan ko na lang po si Sir Matthias, upang kaunin ka r’yan,” saad ko tinutukoy ang kakambal nito. “No! Please…. ikaw ang gusto ko.” Napatda ako. Kung maari lang bigyan ng meaning ng ‘ikaw ang gusto ko’ kay saya siguro. Ngunit ni panaginip. Hindi iyon mangyayari. Sinubukan ko pa rin tumanggi dahil iyon ang tama. Yes I love him. Mahal na mahal ko siya ngunit hindi naman dumating sa point na basta na lang akong maging sunod-sunuran bawat naisin niya. Kahit paano may natitira pa akong katinuan sa isip ko. “Dito na lang ako magpapalipas ng gabi hindi ko na kayang umuwi sobrang kalasingan ko,” sabi nito ngongo na boses. Dammit bakit ba nag-iinom ng hindi kaya. Reklamo ko hindi ko pa pala na-off ang cellphone ko narinig ko mahinang tumawa si Sir Mattheus. Narinig pala nito. “Ok lang kung ayaw mo akong puntahan,” “Oo na! Kasi naman Sir Mattheus, anong ginagawa mo r’yan? Dapat umuwi ka hating-gabi na, ah!” “I'm sorry,” wika nito. “Sorry mo mukha mo Sir, ibigay mo address mo r’yan pupuntahan na kita,” Humalakhak ito dahil sa sinagot ko sa kaniya. “Thank you, Brenda,” tugon nito pagkatapos sinabi rin sa ‘kin ang address na kinaroroonan niya. Naabutan ko si Sir Mattheus, nakayupyop na sa table nito. Lasing na lasing. Tinapik ko sa balikat niya matagal niya akong pinasin. Bumuntonghininga ako akala ko hindi na ito magigising. Ngunit nag-angat ito ng tingin tila inaantok na dala ng kalasigang sa alak. “Ms. Brenda,” ngisi nito nakapikit ang mata. Tinawag ko ang waiter para bayaran bill niya. Nang ibigay sa akin. Halos mapa mura ako sa babayaran nito. Pisti! Matipid nga ako mag-aabuno naman ako rito sa boss ko. Mabuti na lang nagdala ako ng pera. Mayroon pa akong five thousand. Ngunit nabawasan ng two thousand five hundred dahil sa alak ni boss. “Ayy…sir ‘wag ka naman po magpabigat hindi kita kayang hilahin sa unit mo,” suway ko sa kaniya. Kasi nagitla ako ng pinatong niya ang baba sa balikat ko nagmukha niya akong yakap sa aking balikat. Pero hindi dahil nakapikit si Sir Mattheus. Tinatalo ng antok dahil sa nainom na alak. Nasa loob pa kami ng elevator. Sobrang dikit ng katawan namin. Nakaakbay si Sir Mattheus at ako nakayakap sa baywang niya baka biglang matumba. Kung mayroon makakikita sa amin ngayon. Mapagkakamalan kaming may relasyon dahil sa pagkakayakap namin sa bawat isa. Iniwan namin ang kotse ni Sir Mattheus sa BGC. Ngunit bago iyon mahigpit kong ibinilin sa nakatagala guwardiya at binigyan ko pa ng one thousand para lang safe ang kotse ni Sir Mattheus. Nag-text din ako sa driver nito kunin ng maaga ang sasakyan ni Sir Mattheus at dalhin na lang sa RMTV. Yawa nalagasan pa ulit ako ng isang libo dahil lang sa kotse nito. Plus pamasahe sa taxi patungo ko sa BGC at patungo rito sa condo unit niya. Hindi pa kasali ang nainom nitong alak. Sisingilin ko pagkahulas na ang amats nito sa alak. Aba sayang din dagdag pangpadala ko na sa Tiyahin ko sa Samar panggastos nila. “Sir Mattheus naman ‘wag ka magpabigat baka matanggal ang baga ko sa laki ng katawan mo.” Tila naman nag-alala ‘to. Dumilat kahit pilit dahil kirat na mata nito sa antok. Umayos ng tayo ngunit sadya nga lasing na. Kamuntikan pa matisod paglabas namin ng elevator pareho kaming natawa. “Why do women fear gaining weight?” tugon nito mapungay na mata niyuko ako. “Excuse me Sir Mattheus. Hindi po ako diet sadyang malaking tao ka lang! Kaya hindi kita kayang buhatin,” Hindi sumagot mabuti naman dahil hingal na akong akayin siya. Kung magpapasaway pa siya. “Sir Mattheus, ‘wag ka po pumikit pakibuksan mo muna ang pinto ng unit mo.” Utos ko sa kaniya. “Yes boss,” tugon nito kinalaglag ng panga ko. Wala akong imik pagpasok namin sa unit ni Sir Mattheus. Lihim ko nilibot ang mata ko. Humanga ako sa ganda ng ambiance. Si ma'am Neng-neng kaya. IIang ulit na niyang dinala rito? “Sir Mattheus, sofa pa lang po ito,” suway ko rito ng balak nito tumigil sa living room. “Sorry,” natatawa sabi. “Deresto ka na po sa silid mo para komportable ka matulog.” Utos ko sa kaniya kinangisi nito. “Kung ‘yan ang sabi ng boss ko. Masunurin ako,” sabi nito kinainit ng pisngi ko. Yawa. Kanina pa ito nagpapakilig kakaurat ako'y nahihirapan kumilos. Hanggang makarating ng kuwarto ni Sir Mattheus, pagod ako. Dinala ko siya sa kama at ewan ko sa damuhong ‘to. Bumaba ang isang braso ni sir Mattheus sa baywang ko niyapos ako. Pinaupo ko siya sa gilid ng kama, ngunit hinila naman ako nito humiga kasama ako. Kaya napaunan ako sa braso niya. Mahina tumawa. “Sorry,” sabi nito ngunit nakapikit. Akma akong babangon naunahan ako gumulong ito sa ibabaw ko nanigas ako sa kinahihigaan namilog ang mata ko. Tinulak ko dibdib niya ngunit malakas si Sir Mattheus. Dahil malikot ako nasasagi ko ang crotch ng pants niya tumama sa hita ko ang tigas nitong pagkalalak e. I gulped. Pareho kami ni Sir Mattheus. "Brenda...can I kiss you?" He said. Uminit ang pisngi ko ng haplusin niya ang labi ko ng hinlalaki niyang daliri. “Sir Mattheus, babangon ako,” tutol ko. Tumango ito nagitla ako ng sumubsob ang mukha sa leeg ko bigla akong nakuryente. Pinili kong umalis ngunit hindi ako hinayaan makawala. Umiling ako. Alam ko kasi maaaring bumigay ako konting push pa panunuyo nito. May mangyayari sa amin dahil mahina ako pagdating dito. "Sir Mattheus, may girlfriend ka. Mali ‘to!” Tila ngayon lang nito naalala ang nobyang si dok Neng-Neng. "Maari ko bang malaman kung anong mali sa akin? Kasi mahal ko siya, Brenda, mahal ko siya, ngunit hindi niya ako pinili," ani ni Sir Mattheus nag-crack ang boses. Napalunok ako. Namumula na ngayon ang mata nito nakakuyom ang kamao. "Hindi ko alam Sir Mattheus. Dahil ang alam ko walang mali sa 'yo. Ang totoo po niyan swerte si dok Neng-Neng, dahil labis mo siyang minahal," Kinabig ako ni Sir Mattheus. "Mahal ko siya, Brenda, minahal ko siya," Hindi ako nakakilos ng mahigpit ang yakap niya sa akin. Maya-maya umaalog na ang balikat nito. My God! Umiiyak siya dahil kay dok Neng-Neng. Napasinghap ako. Kay sakit pala makita na ang iyong minamahal na lalake ay iniiyakan ang gustong-gusto nitong babae. Sinuklay ko ang buhok ni Sir Mattheus. Perfect na ito ngunit inaayawan pa ni dok Neng-Neng. Kung sana nakikita niya ako. Kung sana ako na lang, ni hindi ko sasaktan si Sir Mattheus. Ngunit hanggang sana na lang ako dahil kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si ma'am Neng-neng. "Ano po ba ang nangyari, sir Mattheus?" Umangat ang mukha ni Sir Mattheus ngunit nanatili pa rin ‘to sa ibabaw ko. "Ayaw niya magpakasal sa 'kin, Ms. Polido," saad nito mapula ang mata at kay lungkot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil sinapo ko ang magkabila pisngi ni Sir Mattheus at hinalikan ko ang labi niya. Feeling eksperto ako. Tila ito nagitla ngunit hindi ako hinayaan makawala. Nilaliman nito ang halik sa akin niyakap ako ng mahigpit at nagpaubaya ako kay sir Mattheus.Brenda Nagising akong mabigat ang pakiramdam at tila ako binugbog ng mga sampung katao. Masakit ang buong katawan ko, lalo na ang pagitan ng aking hita. Tila mayroong napalis sa loob ko. Kaya naman kapag konting galaw ako, sa 'king kinahihigaan. Napapangiwi ako sa sobrang sakit. Kinapa ko ang katabi ko. ‘Sir Mattheus’ I whispered. Wala na pala akong katabi sa kama. Iniwan niya ako habang tulog? Tang-na niya. Uminit ang mata ko at nag-unahan pumatak ang luha sa pisngi ko. Mas domoble ang sakit ng katawan ko dahil iniwan akong mag-isa ni sir Mattheus. Buset siya! Ni hindi lang iniisip ang kalagayan ko ngayon. Hindi magkakaila na ilang ulit naming pinagsaluhan ang kamunduhan kagabi ni Sir Mattheus. Ilang ulit nga ba nito ako dinala sa mala paraisong langit kagabi. Ilan nga ba? Naitanong ko pa sa aking sarili. Ngunit iisa lang ang sure sa isip ko. Hindi ko alam basta ‘di ko mabilang kung ilang ulit ako nito napasigaw sa sarap kagabi. Dahil sinamba nito ang katawan ko. Dammit gust
Brenda Paglabas ko galing CR. Nadatnan kong may katawagan si Sir Mattheus sa phone niya. Nakatalikod siya sa ‘kin nakapamewang ang kaniyang kanang kamay at ang kaliwa naman iyon ang mayhawak sa phone niya. Paminsan-minsan inaalis ni Sir Mattheus, ang kamay sa baywang niya at pakumpas-kumpas habang malakas ang boses nito nakikipag-usap. Dahil ayaw kong makagambala rito. Maingat akong kumilos upang hindi niya ako marinig. Tila naman ang pag-iingat ko hindi yata effective. Dahil nakuha ko pa rin kasi ang atensyon nito at mabilis nito akong nilingon, ngunit mabilis lang. Muli sa kausap niya ulit ang atensyon nito. Kahit dahan-dahan na ang kilos ako. Gano'n? Ang lakas naman ng pakiramdam ni Sir Mattheus. Halos pinigilan ko nga huiminga pero alam pa rin nito nasa labas na ako kahit nakatalikod naman siya sa ‘kin. “Of course darating ako,” wika nito at sandaling tumigil. Para bang mayroon sinasabi ang kausap nito sa kabilang linya dahil patango-tango si Sir Mattheus habang pinakikingg
Brenda Inaasahan kong susundan ako ni Mattheus. Magagalit ang amo sa ‘kin, dahil tinakasan ko siya. Inaasahan kong pipilitin niya ako pabalikin sa unit niya. Ngunit tinubuan na ako ng ugat sa paa sa kaantay sa baba. Walang Mattheus na sumulpot. Natagalan pa nga akong kumuha ng taxi sa labas. Lumingon pa nga ako sa building ng condo ni Mattheus, baka nakatanaw lang sa ‘kin ang binatang amo. Ngunit bigo ako sa inaasam ko. Dahil hindi ko talaga nakita si Sir Mattheus. Umuwi ako ng boarding house ko na laglag balikat at maghapon tahimik na nagmumukmok. Minsan pa nga hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Kumalma naman ako tsaka pa ako nagbihis at nagpasyang matulog maghapon. Pagdating ng alas sais ng gabi binulabog ako ng malakas na katok sa labas ng pinto. Tamad na idinilat ko ang mata ko. Sino ba kasi iyon grabeng katok iyon ah. Akala mo may sunog eh. Kumakalam na rin pala ang sikmura ko dahil walang almusal at tanghalian. Kung nagkataon pa hindi sa kumatok sa pinto ko. Baka h
Brenda "Pasensya ka na hija, kung pinayagan ko si Mr. Martinez, na pumasok sa boarding house ng hindi ko ipinaalam sa 'yo," hingi paumanhin ng landlady ko. “Ahehe...hindi rin po kasi 'yan mapipigilan makulit po kasi iyan," anang ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Mattheus. "Maghapon din po kasi ako natulog. Kasi masama po ang pakiramdam ko,” sabi ko sa landlady ko. “You're sick and you've been sleeping all day? Fuck, does that mean you haven't eaten yet? What the heck, Brenda!? Anong ginagawa mo sa sarili mo?" tila galit ito at kung sa hindi ko pagkain ah, ewan ko sa Lolo Mattheus na ito. Pumaling ako ng tingin sa kaniya. Medyo nabawasan na ang angas sa mata nito hindi gaya kanina na galit sa 'kin. Ngayon galit pa rin hindi nga lang nawawala ang pagka seryoso nito. “Kaya naman pala. Mr. Martinez, hindi marinig. Ako'y babalik ulit sa aking k'warto. May nakasalang akong lutong ulam pinahinaan ko lang baka malasak kung magtagal ako,” “Sige ho, Aling Melba,” ani Mattheus. Sinu
Brenda Pag-alis ni sir Mattheus. Mabilis akong kumilos. Baka nga tutuhanin ng Lolo Mattheus n'yo hiramin ulit kay Aling Melba, iyong susi sa unit ko. Ayaw kong maabutan niya akong nasa banyo o maabutan akong hindi pa bihis. Uminit ang pisngi ko sa aking naisip. Paano sa huling sinabi ni Mattheus ang iniiwasan ko. Para namang gagawin noon ni Mattheus. Natukso lang iyon dahil sa kalasingan. Kaya may nangyari sa pagitan namin. Iyon lang yan walang labis walang kulang. Wala nga malasakit sa ‘kin kinaumagahan. Iyon pa talaga iisipin ko. Nakalimutan ko yata damit nga ng ex-girlfriend nito. Gusto pa ipasuot sa ‘kin kahit alam nitong maari akong masaktan. Para ano? Maalala niya sa ‘kin ang ex niya? Hindi bale na lang Sa totoo lang naguguluhan ako sa bilis ng pangyayari. Kung hindi ko lang kailangan umuwi dahil nilalambing ako ng dalawa kong Tiyahin. Nungka pumayag ako sa gusto ni Sir Mattheus. Nagbabalak nga akong humanap ng bagong trabaho naisip ko iyong pag-uwi ko kanina. Hindi ko
Brenda Pumasok kami sa gate ng bahay ng asawa ng kambal ni Mattheus. Alas-siyete y medya na ng gabi. Sa front yard pala naghanda si Ma'am Lorelei. Dalawang mahabang table lang ngunit maraming tao. Tila nagkakatuwaan ang buong pamilya ni Sir Mattheus, kasi nagtatawanan. Naririnig ko boses ni Ma'am Marrianne ang bida. Hindi pa nag-uumpisa kumain ngunit nasa harapan na ang mga lutong pagkain. Parang kami na lang yata ang inaantay nakakahiya naman sana nauna na silang kumain. “Nariyan na pala sila Mattheus, Mommy,” narinig ko sabi ng Ate ni Mattheus na si Marianne Martinez. Kita ko sa amin sila nakatingin. Inayos pa kasi ni Mattheus ang pag-park ng kotse nito. Sumabay na ako pagbaba ni Mattheus at mabuti naman wala akong narinig na disgusto galing dito. “Brenda! Overtime?!” malakas na sigaw ng kambal ni Mattheus na si Sir Matthias. Hindi ko alam kung maayos ba ang ngiti ko sa kanila basta pakiramdam ko nakalutang ako habang papalapit ako sa table kung saan silang pamilya ni M
Brenda “Brenda, bakit wala ka ng imik? Pasensya ka na ha? Naging madaldal ako,” wika pa ni ma'am Marrianne sa ‘kin. Doon ako nagtaas ng tingin. Namilog pa ang mata ko. Mabuti nakahagilap ako ng magandang sagot. I guess iyon ang safe na answer, sa side ko. Bilang may lihim na pagtingin kay sir Mattheus. “Wala ho iyon, ma'am Marrianne,” tugon ko tumingin ako kay ma'am Marycole. Nginitian ko rin upang ipakitang wala lang iyon sa ‘kin mga binanggit ni ma'am Marrianne. Dinugtungan ko pa. “Ehehe, bakit naman po nanghingi ka ng pasensya? Wala naman po kaming relasyon ni Sir Mattheus,” nakangiti ako. Narinig ko pa mahinang tumawa si Sir Matthias. Ewan ko kung para saan hindi ko naman din tatanungin dedma nalang. “Bulang ang ex-girlfriend ng kapatid ko. Wala na siyang makikitang kasing guwapo at medyo mabait kagaya ni Mattheus. Pasensya ka na talaga ha, Brenda? Pati ikaw tuloy parang nailang,” ani ulit nito. Natawa ako sa sinabi nito na medyo mabait kaya lumingon si Sir Mattheus sa
Brenda “Pasok ka, Brenda. ‘wag kang mahiya sa ‘kin,” sabi pa ni ma'am Lorelei, pagkatapos nginuso couch sa loob ng k'warto. “Upo ka muna ikukuha kita ng bagong underwear. Kasya naman siguro sa ‘yo ‘yon. kasi hindi tayo nagkalalayo ng katawan,” aniya. Nagsalubong ang kilay nito dahil ayaw kong kumilos. Siya na ang kusang yumakap sa braso ko sabay hila sa ‘kin patungo sa inaalok na upuan sa loob ng k'warto nila. “Iwanan muna kita kukuha na ako,” paalam nito nang nakaupo na ako. “Kahit sanitary napkin lang, Lorelei,” giit ko sa kaniya ngunit inirapan lang ako kaya naman napangiti na lamang ako. Akalain mo iyon. Sekretarya lang ako ng Kuya Mattheus nito ngunit kung ituring ako ni ma'am Lorelei. Parang kaibigan. Gusto ko rin itong maging kaibigan tingin ko kasi rito mapagkakatiwalaan. Ito iyong taong kahit anong katayuan mo sa buhay. Hindi niyon titingnan. At kung mayroon kang sekreto sa kaniya na i-share. Ligtas ang sikreto mo sa kanya hindi maaaring mangamba kakalat sa iba. “
Andrea Hindi kami umuwi ni Atlas sa condo namin. Dito kami sa bahay natulog. Maging ang ate Lucy, narito din sa silid ni ate Jane nakitulog. Natawagan na rin ni Atlas ang professor ko hindi ako papasok bukas dahil hindi pa ako uuwi sa condo. Aantayin ko na hanggang sa Sabado ang araw ng pamanhikan nila dito muna ako sa bahay mananatili. Pero papasok si Atlas bukas. Kaya maaga kaming natulog medyo malayo kasi ang aming bahay sa office ni Atlas. Nag-a-adjust siya ng gising bukas. Unti ng mahimbing ang tulog ko ng maulinigan kong may tumatawag sa cellphone ko. Hinayaan ko muna dahil gusto ko ng matulog. Subalit ayaw tumigil sa pagri-ring Iniisip ko si Atlas masarap ang tulog may pasok din si Atlas bukas kaya napilitan akong bumangon upang sagutin iyon. “Baby saan ka pupunta?” paos ang boses ni Atlas. Nagkamot ako sa buhok ko. Shit! Kay lakas ng pakiramdam ni Atlas. Mahimbing na ang tulog nito pero isang kilos ko lang nagising na agad. “Andrea Keth?” inulit pa at bumangon na rin ito
Andrea “May masama bang nangyari doon sa bahay n'yo?” hindi nakatiis na tanong ng ate Lucy. Kanina pa kasi patingin tingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa mata niya. Oo nga naman ang tahimik ko kasi simula kanina paglabas ng condo hanggang ito malapit na kaming makarating sa bahay. “Ate Lucy nawawala po si Alvina,” Napatakip ng bibig si ate Lucy animo nabigla siya ng sobra. “S-sino naman ang kumuha na pakawalang puso noon.” “Ate wala pa kaming nakuhang lead. Pero sana okay lang ang kapatid ko. Baka kung anong gawin kay Alvina ng kumuha sa kaniya. Baby pa niya para makaranas ng ganitong ganid na tao.” “Sobrang lakas ng loob noon. Sa bahay n'yo pa dinukot si Alvina…sandali nga senyorita. Baka naman Ina ni Alvina ang kumuha. Kasi nga malayang nakakilos sa loob ng bahay n'yo.” “Ate same tayo ng iniisip. Kung nagkataon na si Olivia ang kumuha kay Alvina. Sana lang hindi niya pabayaan si Alvina. Nasaksihan ko kasi paano niya pinabayaan ang bata. Kahit may sakit hindi inaalaga
Andrea Nang matapos kong tawagan si Daddy. Sinubukan kong kontak-in si Erica. Subalit unattended lang ang sumalubong sa ‘kin ilang dial na ang ginawa ko. Nailing ako kasi dati naman nag-ri-ring ang phone ni Erica. Ilang beses ko kasi si Erica tinawagan tungkol kay Alvina. Kung gusto n'yang alagaan ang kapatid niya bago magdesisyon si dad na akuin na si Alvina. Hindi sinasagot ni Erica bawat tawag ko. Ginagawa ko na lang nag-message na lang ako kung sakali man mababasa nito. Ako: Erica, si Andrea ‘to. Kung nasa inyo si Alvina mas okay. Pero kung wala. May kumuha sa kaniya. Kapatid mo pa rin ‘yon kahit na anong mangyari. Si mama mo rin nawawala sa rehabilitation center. Kung ako sa ‘yo. Hayaan mo gumaling ang mama mo. Wala na siyang kinikilala ‘wag mong hayaan na mapahamak pa pati ikaw at si Alvina. Nagpadala na lang ako ng text kung sakaling buksan n'ya ang phone papasok naman panigurado ang mensahe ko sa kaniya. “Bakit anong nangyari?” nagtataka si Atlas ng halos takbuhin ko a
Andrea “Ang lalaking nagbigay ng wine sa ‘kin doon sa Soltero noong gabing nag-break kami ni Kier, ay boyfriend ni Maxine?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Atlas. “Baby tama naman ang narinig mo,” tugon ni Atlas. “Sigurado ka ba rito ha, Atlas? Baka nagkamali lang ‘yang si Balthazar sa report niya sa ‘yo. Sandali nga. Iyon pala ang totoo mong pakay kaya nakipagkita ka kay Balthazar, ng pagkatagal tagal? Sabi mo dahil sa pinadala ni Kier, na picture kaya may usapan kayo ni Balthazar? Bakit ngayon pati na si Maxine?” “Tsk. Baby, bakit ba ang hilig mong banggitin ang pangalan ng ex mo,” may inis sa boses ni Atlas. Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy akong magtanong sa kaniya. “Ang OA mo Atlas. Magkakaanak na nga tayo at hello? Pangalan lang iyon ni Kier selos na selos ka pa,” “Damn pinagdiinan pa ang pangalan ni ex,” bubulong bulong si Atlas. “Ayaw kong sasambitin mo ulit ang pangalan noon. Baby naman,” Inukotan ko ng mata ko. Hanggang ngayon napaka big deal dito ang
Andrea “Ah, ‘yan pala si Jhen?” tanong ko sa ate Lucy ng hindi na nag-reply si Maxine sa 'kin. Bumalik ulit sa telebisyon ang atensyon ko. Nakangiting pinanood ko ito. Tumango ito. “Diba senyorita kasing ganda mo siya? Siguro ka height mo rin siya at magkasing katawan,” puno ng paghanga na wika ng ate Lucy para sa idol niyang artista. “Parang malabo po ang mata mo ate Lucy. Ang ganda-ganda po niya. Lalo na siguro sa personal lalo ‘yan maganda. Parang bata pa po ate Lucy, 'no? Para siyang eighteen lang," saad ko sa kaniya. “Twenty three na raw ‘yan sabi noong dating interview sa kanilang dalawa siya mismo ang nagsabi. Baby face lang talaga,” “Updated ate ah,” biro ko pa. Muli na lang akong nanood. Kaya lang napapangiwi ako sa walang katapusan na palakpak ni ate Lucy, kaya bigla akong bumungisngis at pabirong pinagsabihan ‘to. “Ate Lucy, nabibingi na po ako sa ginagawa mo. Parang gusto ko na lang bumalik sa k'warto,” “Ahehe sorry senyorita. Babawasan ko na lang ang boses
Andrea Alas-dos na ng hapon. Wala pa rin si Atlas. Naiinip naman akong mag-antay sa k'warto namin muli akong bumangon at ni off ang bukas na TV. Lumabas ulit ako't bumalik sa sala. Naabutan ko pa si ate Lucy roon sa sala ang lakas ng hagalpak ng tawa ni ate Lucy sa pinanonood niyang noontime show. Hindi pa pala tapos sa ganitong oras? O baka patapos na rin. Ang alam ko kasi hanggang 2:30 pm lang ang haba ng oras ng pinanonood ni ate Lucy na noontime show sa RMTV. Certified talagang artista fanatic si ate Lucy. Pero nakatutuwa rin naman sa kabila ng edad ni ate Lucy, kung kiligin sa mga genZ love team abot hanggang talampakan. Ang dami nitong kilalang artista ng RMTV. Mapa bagets at mga batikang artista halos kilala ni Ate Lucy. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa ako napapansin sa labis n'yang katuwaan sa pinanonood niya. May paghampas pa nga sa sofa kapag tatawa ito ng malakas. “Ate Lucy overacting ka po,” pang-aasar ko pa sa kaniya. Bumungisngis lang
Atlas Paul Trinidad? Bunsong anak ni Senator Alan Trinidad. Anim na taon ng hiwalay sa asawa nitong dating beauty international title holder. Thirty four years old. Car dealer ang business nito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Kapag nagsawa ay parang basahan na ididispatsa ang babae at ipapalit ang latest nagustuhan nito. Sa nakalap ni Balthazar na impormasyon. Binubugbog daw ang asawa kaya iniwan si Paul Trinidad. Nakulong daw ito dahil denemanda ng asawa. Ngunit wala pang dalawang buwan na abswelto si Paul at ang asawa nito ay sa province piniling manirahan. Last year lang may nagreklamong model dito kay Paul sa kasong pang-aabuso na katulad din sa kaso ng asawa nito. Ngunit binasura lang ang kaso dahil wala raw sapat nakuhang ebidensya ang nagsampa ng kaso. Bali-balita rin nasuhulan ang pamilya ng biktima upang manahimik. Dahil hindi lang isang beses itong nagkaroon ng kaso na ganito itong si Paul Trinidad. Pangatlong kaso ng pala same ang isinampa. Pang-aabuso ng
Atlas Napangiti ako ng tulyan akong makalabas ng condo. Kung hindi pa niya ako itinaboy. I had no intention of leaving yet. Kung p'wde ko lang siyang isama araw-araw kapag aalis ng bahay. I truly enjoy doing it. Subalit ito mismo ang unang tutol dahil nag-aaral pa at ayaw ng asawa ko na istorbohin ako sa trabaho ko. Nag-ring ang phone ko hinugot ko sa pants ko. Nang makita ko na si Balthazar ang tumatawag. Napakamot ako sa kilay ko. Naiinip na siguro dahil sabi ko within fifteen minutes nasa condo na niya ako. Kanina ko pa siya na text. Thirty minutes na ang nakalipas kaya tinawagan na ako. “Hello, patungo na ako riyan,” anang ko pigil ang tawa. “Ulol! Huhulaan ko, paalis ka pa lang Martinez. Dammit! Naiintindihan kong inlove ka masyado at hindi maiwan iwanan ang asawa mo. But I have an important matter to attend to at this moment, so please hurry up, Atlas Martinez.” “Antayin mo ako paalis na ako.” “What the heck. Totoo ngang paalis ka pa lang tarantado ka, Martinez. Kahit
Andrea Katatapos lang ng klase ko. Two hours lang ako ngayon kaya eleven ng umaga tapos na kami ng professor ko. Lumipas ulit ang isang araw naka survive naman ulit ako sa homeschooling kahit nasa time pa ako ng adjustment. “Bye po ma'am Sigrid. Ingat po sa biyahe,” “Salamat Mrs. Martinez, see you on monday,” tugon nito't kumaway din sa akin. Lunes hanggang huwebes lang kasi ang turo nito. Hindi kagaya sa normal class. Monday to Friday. Kapag homeschooling sa Immaculate University. Hanggang Thursday lang. Nang tuluyang makalabas ang professor ko. Bumalik ako sa sala upang iligpit ko ang laptop at iba ko pang gamit nakakalat sa ibabaw ng center table. Pinagsama sama ko lang ang notebook ko at pinasok muli sa backpack ko kasama ng laptop ko. Hindi ko muna inalis sa ibabaw ng center table. Mamaya pa kasi akong papasok sa k'warto dinadala ko iyon pagkatapos ng aking klase. Pero ngayon gusto ko munang tumambay rito sa sala. Kapag sa kwarto hilahin na naman ako ng tulog kapag nak