Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2024-04-12 07:59:11

Helena's POV

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Sa bahay nila mama kung saan nakatira rin ang aking mga kuya at ang pamilya nila. Sinadya talagang ipagawa nila kuya ang second floor para raw may kasama palagi sina mama at papa rito sa bahay.

"Len, bakit ngayon ka lang dumalaw? Miss na miss ka na ng mga pamangkin mo," bungad ni kuya Jiqel, ang pangalawa sa aming magkakapatid.

"Ang kulit nila, nakakaubos ng enerhiya."

Ang totoo niyan ay matagal ko naman na talagang gustong dumalaw dito sa bahay, pero nahihiya ako kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasiguraduhan sa buhay. Papalit-palit lang ako ng trabaho, hindi katulad ng mga kapatid ko na matagal na sa trabaho nila.

"Anak, ang tagal mo namang magpakita. Sobrang na-miss kita, ah!" mangiyak-ngiyak na panimula ni mama nang makarating ako sa kusina.

"Ma, pasensya ka na. Nahihiya akong bumalik dito kasi hindi ko pa rin nahahanap ang purpose ko sa mundong 'to, kaya pati pagtuturo ay binitawan ko. Ma, sorry talaga kasi hindi ako katulad ng mga kapatid ko."

Hindi ko na napigilang maluha. Hindi ko alam kung magagalit si mama, pero sa ngayon ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay nasabi ko na kay mama ang totoo.

Hindi nagsalita si mama pero nilapitan niya ako at kaagad kong naramdaman ang kanyang mga bisig na nakapulupot sa akin. Hinihimas niya ang aking likuran habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko, ngunit nag uunahan pa rin ang aking mga luha.

"Helena, anak...'wag mong baguhin ang sarili mo, ha? Huwag kang tumigil sa paghahanap ng purpose mo sa mundo. Hindi ako galit o nadismaya na nilisan mo ang pagtuturo kasi ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang gusto mo. Ang sa akin lang naman, sana ay huwag kang magdalawang-isip na lapitan ako, lalo na kapag sobrang bigat na ng pakiramdam mo."

Hinawi ni mama ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha at saka pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti siya at sa isang iglap ay tila ba nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Oh?! Bakit kayo nag iiyakan? Itong mag-ina ko talaga, oo!" singit ni papa na kararating lang.

Nag reklamo pa si papa, eh makiki yakap at makiki-iyak din pala.

"Kumusta na ang bunso namin? Ang ganda-ganda mo pa rin, 'nak," pag baby talk ni papa na siyang ikinatawa ko.

Oo, kahit na malapit na akong mag thirty, parang bata pa rin ang turing sa akin madalas ng mga magulang ko.

"Papa, hindi na po ako bata," natatawang pagreklamo ko.

"Kahit pa umabot ng singkwenta ang edad mo, ikaw pa rin ang baby namin ni mama mo. Ikaw pa rin ang bunsong prinsesa namin."

Pinisil niya ang aking mga pisngi na talaga nga namang masakit. Si mama naman ay mahina na lamang na napatawa.

Pagkatapos naming mag yakapan ay hinayaan na muna ako nila mama na magpahinga habang ipinagluluto nila ako ng mga paborito kong pagkain.

Wala pa rin namang nagbago sa kwarto ko. Malinis at maganda pa rin naman ang pagkakaayos ng mga gamit. Naaalala ko tuloy dati na 'pag uwi ko galing sa school ay nakakatulog ako kaagad dala ng sobrang pagod.

Pati ang kama ko ay malambot pa rin at napaka komportableng higaan.

"Tita Lenlen? Are you there?" rinig kong pagtawag ng isa sa mga pamangkin ko.

"Come in."

Pati talaga rito sa bahay ay mapapasabak ako sa English.

"Tita Lenlen, why naman po you only visit us now? Don't you like it here po because of us? Because we're so loud and messy all the time?"

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Tinignan ko siya at sumenyas na umupo sa tabi ko.

"Dener, hindi kayo ang dahilan. May mga problema lang talaga ako sa buhay na kailangan ko munang ayusin. 'Wag ka nang malungkot kasi simula ngayon, mapapadalas na ang pagdalaw ko sa inyo."

"Talaga po? Does that mean your problem is fixed?"

"Nope. Not yet. Pero atleast ngayon, may courage na ako to be transparent sa family ko. Courage to let my family console me."

"I don't know what your problem is, but I am proud of you tita. For freeing yourself from some of the shackles that are holding you back."

Kusang tumulo ang luha ko pagkatapos marinig ang mga salitang 'yun mula sa pamangkin ko. Niyakap ko lang siya habang naluluha pa rin.

How can a child offer such comforting words? Dener is only eight years old, pero well spoken na.

"Let's go outside na? Baka ready na ang pananghalian, eh for sure napaka sarap ng mga ulam today."

"I saw nang nang cooked bistek po. It's your favorite, right?"

"Oo, paborito ko 'yun. Tara na, at nang mabusog na tayo."

Nang nang ang tawag ng mga pamangkin ko kay mama. Ang cute, 'di ba?

"Baby Bunso! Buti naman at umuwi ka na."

Kaagad akong niyakap ni kuya Vhynz, ang pinaka panganay sa aming magkakapatid. Ako ang paborito niya sa amin, kaya spoiled talaga ako noon.

"I miss you, too, kuya."

"Tita, you are glowing. Are you in-love po?"

Itong mga pamangkin ko, iba-iba talaga ang paraan ng panggugulat sa akin, eh 'no? Isa pa, paano ako mag mumukhang in-love eh wala akong ibang pinagkakaabalahan kung 'di ang hanapin ang purpose ko sa mundo.

"Ophelia, please don't jump into conclusions agad, anak. That's not nice," mahinahong pagsuway ng asawa ni kuya Vhynz.

Kaagad namang humingi ng pasensya ang bata at saka ay naupo na.

Glowing ba talaga ako? Baka naman resulta lang ng skincare routine ko. Haha!

"Ano po ang occasion? Sobrang dami naman pong ulam!" nasasabik na tanong ni Gerson, kapatid ni Dener.

"We're celebrating your tita Helena's return. Mag iisang taon na din kasi siyang hindi nakakadalaw," pagbibiro ni kuya Jiqel.

"O, sige na. Kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain," suway ni mama.

Ang mga pamangkin ko, sobrang bilis makadampot ng mga pagkain. Siguro mas masaya sila na maraming pagkain kaysa sa pagdating ko. Naks!

'Yung dalawa kong kuya, hindi matigil sa pag suggest ng mga trabahong pwede kong pasukan. Kesyo may kakilala raw sila at pwede akong i-recommend. Hay...

"Pero sa totoo lang, baby bunso. Huwag mong masyadong pinapahirapan ang sarili mo sa paghahanap ng purpose mo sa mundo. Just take it easy. Okay lang na sumubok ka sa iba't ibang mga bagay, basta ba hindi umabot sa puntong kinakawawa mo na ang sarili mo," ani kuya Vhynz.

"Tama! Wala namang nag pre-pressure sa'yo, kaya sana ay hindi mo rin i-pressure ang sarili mo. Maging totoo ka lang sa nararamdaman mo. Sa sarili mo," dugtong naman ni kuya Jiqel.

"You can lose everything, just not yourself. Kasi karamihan ng pwedeng mawala sa'yo, kaya naming ibalik. Pero kapag ang sarili mo na ang nawala sa'yo, ikaw lang ang makakapag pabalik nito," seryosong saad ni kuya Vhynz.

"Opo, palagi ko pong tatandaan ang mga sinabi niyo. Promise. Aalagaan ko ang sarili ko."

"I'll take care of you as well, tita. Everytime you're here," saad ng isa ko pang pamangkin na si Dion.

"Naku! Talo pala kaming mga magulang," pagbibiro ni kuya Jiqel.

Natawa na lamang kaming lahat sa kinahantungan ng usapan. Nakakatuwa naman kasi hindi sila nagalit sa akin sa hindi ko pagdalaw sa kanila. Grabe! Sobrang pinagpala talaga ako sa pamilya ko.

~•~•~

"Kailan ba ang uwi mo? Si Kelvin, gusto nang gumala na kumpleto tayo," tanong ni Kiana sa kabilang linya.

"Bukas ang uwi ko kasi nga 'di ba, may trabaho pa ako? Kayo na muna ang gumala. Kaya niyo na 'yan."

"Hay, bahala na nga! Maiba ako. Alam mo ba na pumunta si Kelvin sa kasal ni Ghina? 'Yung ex niya."

"Akala ko hindi siya makakapunta kasi birthday ni tita? Anong nangyari?"

"Nalaman kasi ni tita ang tungkol sa kasal, kaya pinilit niyang papuntahin si Kelvin as a sign of respect daw. Panay rant nga siya sa akin pagka uwi niya."

"Pfft. Hayaan mo na 'yun. Magmamahal din ulit 'yun in the future."

"Kung hindi ka naman kasi sana sobrang dense dati, eh 'di sana niligawan ka na niya at naging kayo 'di ba?" pagrereklamo ni Kiana.

"Ha? Bakit ako? Anong ibig mong sabihin?"

"Ha? Wala! Naku! Sobrang daming customer sa shop. Bye!"

Teka...bakit ako liligawan ni Kelvin? May gusto ba siya sa akin? Dati...?

If that's the case, then I'm glad his feelings didn't push through. Kasi kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kuya nga lang ang tingin ko sa kanya, eh.

"Okay ka lang?" tanong ni ate Kyrli. asawa ni kuya Vhynz.

"Opo, ate."

Ngumiti siya bago magsalita.

"Gusto mo bang sumama? May baseball game si Dener sa school."

"B-baseball?! Naglalaro pala siya no'n?" gulat na tanong ko.

"Yup. Halos doon na nga lang nakatuon ang atensyon niya, eh."

"Sige po ate, sasama ako. Gusto kong mapanood ang pamangkin ko. For sure, magaling siyang maglaro."

"Magaling kasi ang coach," masayang saad ni ate.

Grabe, 'no? Pati pala sa pamilya ko ay may baseball player na rin?

Mabilisang pagligo lang ang ginawa ko. Light make up lang din ang inilagay ko kasi hindi naman formal occasion ang pupuntahan ko. Ang buhok ko naman ay naka pony tail upang bumagay sa suot kong knitted turtle neck na black.

"Tita, you look so clean and elegant. I like your fit," papuri ni Dener.

"Thank you, pamangkin. Galingan mo mamaya, ha? Pakitaan mo ako ng laro ng isang Lopez."

"Syempre, tita! I'm excited na nga po."

Napangiti naman ako at saka ay ginulo ang buhok niya. Ang cute, eh.

Nasa sampung minutong byahe lang ang layo ng school ni Dener mula sa bahay. Pagdating pa nga namin ay nawindang ako sa sobrang dami ng mga tao sa benches sa field ng school nila. I didn't know baseball is this big of a deal here.

"Anak, nandito na pala ang coach mo. Tara, batiin natin siya. Sama ka na, Helena. Ipapakilala kita."

Hindi na ako nakatanggi kasi nauna na silang maglakad ni Dener. Hindi rin naman siguro magandang ideya na humiwalay ako sa kanila kahit saglit kasi baka hindi na kami magkita ulit dala ng maraming tao.

"Coach!" sigaw ni Dener at tumakbo palapit sa isang lalaking...

"Oh?! It's you!" gulat nitong saad.

What the heck? Ang coach ng pamangkin ko ay 'yung apo ni lola Karing? Akala ko ba ay baseball player siya? Bakit siya coach ng pamangkin ko?

"She's my tita po."

"Magkakilala kayo?" bulong ni ate Kyrli.

Nagtagpo ang mga kilay ko sa naging tanong niya. Hindi kami magkakilala.

"Now's only the second time we've met, actually. Although palagi naman siyang kinukwento sa akin ni lola."

Luh? Pati pala ako ay pinag-uusapan nila ng lola niya?

"Oh, I see. You guys catch up with each other muna while Dener and I will join his teammates."

Papalag pa sana ako kaso sumenyas si ate na sumunod na lang sa sinabi niya.

"What a beautiful coincidence, isn't it? You didn't show up at my lola's karenderya that night, but look at us now. Kusang pinagtagpo ng tadhana."

"Please don't make it sound like it's something romantic, because it isn't."

Tumawa siya nang mahina bago nagsalita. "Kaya ka siguro NBSB kasi palagi kang suplada sa mga lalaking nakikilala mo."

Excuse me?! Ano naman kung suplada ako?

"Oo, suplada ako at walang problema do'n. Hindi naman kasi ako uhaw sa atensyon ng ibang tao, lalong lalo na sa lalaki."

With that, I left him. I don't care if he was just joking. Wala ako sa mood makipagbiruan kaya kasalanan niya kung bakit ko siya tinarayan.

"Oh? Bakit ka nakabusangot? Anong nangyari?" pag uusisa ni ate.

"Kung anong kinagaling ng isang 'yun sa pagiging baseball coach, ay siya namang kinahina niya sa pakikipag kaibigan. Tsk."

Tinawanan na lang ako ni ate at saka ay tinapik ang aking balikat.

After a few minutes of waiting, magsisimula na ang laro. Ang kalaban nila Dener ay taga ibang school and championship game na raw 'to.

This is just my third time watching a baseball game kaya wala akong masyadong maintindihan. Basta ang alam ko ay may pitcher at mga hitters.

"Swing and a miss for Realton Academy!" sigaw ng isa sa mga commentator na tinutukoy ang kalaban nila Dener.

Ang pitcher sa team ng pamangkin ko ay ang bestfriend niya. Kahit elementarya pa lamang ay mahasa na siya sa pag control ng baseball kapag nag pi-pitch.

Ilang araw, linggo, o buwan kaya ang inilaan ng mga players para sanayin at hasain ang mga kakayanan nila? Kahit interschool pa lamang ang baseball game na ito ay makikita mo na talaga sa bawat manlalaro ang dedikasyon nila.

"What a crunchy hit from Lopez of Hilton West!"

Napasigaw naman ako kaagad nang mapagtanto na si Dener pala ang tinutukoy ng commentator. Grabe! Napakabilis ng pangyayari. Parang kanina lang ay nasa defense sila Dener, tapos ngayon ay nasa offense na pala.

"Could this be a home run?!"

"He's going for it. Can he do it?!"

"And...what a surprise! We finally have our first ever home run of this year's championship game!"

Ang puso ko'y hindi mapigil sa pagtibok nang mabilis dahil sa mga commentators. Para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko na panandaliang nagparalisa sa akin.

And guess who made the home run? Syempre, si Dener! Nakaka proud ang pamangkin ko. Napayakap tuloy kami ni ate Kyrli sa isa't isa dala nang sobrang saya.

"Lopez, 23 has done it! What an awesome gameplay!"

Ang swerte ko naman at sa panonood ko ng baseball ay naka witness ako kaagad ng home run. Ang maganda pa do'n ay pamangkin ko ang naka home run. Totoo nga pala talagang magaling siyang maglaro.

Nagpatuloy lang ang laro, pero hindi na nasundan pa ang home run ni Dener. And of course, nanalo ang team nila. Siguro nga'y magaling talaga 'yung coach nila.

Related chapters

  • Home Run In Love    CHAPTER 7

    THIRD PERSON'S POV"Ate? Nariyan ka ba?"Nang walang sumagot ay dumiretso na lamang si Helena sa kanyang kwarto upang ilapag ang kanyang mga gamit. Kakauwi niya lamang mula sa bahay ng kaniyang mga magulang kung kaya't pagod na pagod ito."Oh?! Hindi ko napansin ang mga paper bags na 'yan kanina ah? Ang dami naman!" gulat na bulalas nito nang makabalik sa sala.Napansin niya ang sticky note na nakadikit sa pinakamalaking paper bag at binasa ang nakasulat.-Kelvin bought all of these for you. Pambawi niya raw during the times he wasn't around.-"Kelvin?! Eh wala ngang kaso sa'kin na nasa abroad siya kasi ayun naman ang goal niya sa buhay." Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at saka isa-isang binuksan ang mga paper bags. "Wow! Ang cute naman nitong plushie. Bakit kaya dinosaur? Mukha ba akong dinosaur?" Magkakaiba ang laman ng bawat paper bag. May mga damit, sapatos, alahas, at mga pagkain. Ang ipinagtataka lamang ni Helena ay kung bakit saktong sakto ang sukat ng mga damit at

    Last Updated : 2024-04-20
  • Home Run In Love    CHAPTER 1

    Helena's POVAt what age do people usually figure their life out? Kasi ako, I'm already twenty-six pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. People say you don't have to rush and worry about anything because you are where you are meant to be at the moment. Eh, paano kung hindi ako kuntento sa kung nasaan ako ngayon?Aba! Hindi rin kaya madaling pigilan ang sarili mo na mabahala sa mga bagay-bagay. Lalo na't alam kong wala namang kasiguraduhan sa buhay."Another resignation letter? Ano ka ba naman, Helena! Kailan ka ba tatagal sa isang trabaho?" dismayadong tanong ng ate ko na kakapasok lang sa kwarto ko."Hayaan mo na ako, ate. Hindi ko talaga ramdam na buo ako kapag nagtuturo, eh. Ayaw ko rin namang ipilit pa," pag reklamo ko naman."Oh, tapos? Anong balak mo ngayon? Anong trabaho na naman ang papasukin mo at aayawan nang wala pang isang taon?"Inismiran ko siya saka dinamp

    Last Updated : 2024-01-12
  • Home Run In Love    Chapter 2

    Helena's POV"Goodmorning, Jennica," pagbati ko sa manager ng flower shop ni Kiana."Goodmorning, Helena. First day mo ngayon?""Oo. Kinakabahan na nga ako kasi baka magkamali ako, eh.""Hindi 'yan. At kung magkamali man, nandito naman ako para tulungan ka. Sa cashier ka nga pala naka assign pero pwede ka rin namang mag assist sa mga customers if they need help.""Maraming salamat talaga."Masyado pang maaga kaya naman ay wala pang masyadong customer. Napaka aliwalas ng flower shop. Napaka kalmado rin ng paligid kaya ang sarap mag trabaho.(Sa Isang Sulyap Mo by Myrus playing...)"Goodmorning mi--""Oh?" gulat na saad ko nang makita ang lalaking nakausap ko kahapon."You were that p-person I asked yesterday, right?" hindi makapaniwalang tanong niya."Yes, that was me.""Right! I'm here to buy some f-flowers.""What kind of flowers do you want?""Can y-you recommend a flower that I can offer to my deceased grandmother?" Nagulat ako sa tanong niya. Deceased? Grandmother? Patay na ang lo

    Last Updated : 2024-01-12
  • Home Run In Love    Chapter 3

    Helena's POV Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagsimula akong magtrabaho sa flower shop. My honest thought about it? Amazing! Kahit pa madalas na dagsaan ang customers, hindi ako umabot sa punto na parang maiiyak ako dahil sa stress. Tatlong beses din pala akong pabalik-balik sa night karenderyang pinuntahan ko last week. Totoo naman din pala kasi na masarap talaga ang mga pagkain nila. Ang nakakatawa pa ay sa tuwing pumupunta ako do'n para kumain, palagi namang kinukwento sa akin ng may-ari ang apo niya. Aba't ang ate girl niyo siyempre pangiti-ngiti na lang din. Paano ba naman kasi, kahit ilang beses na niyang naikuwento ang apo niya ay hindi ko pa rin ito nakikilala sa personal. Oh, eh paano ko nga naman masasabi kung bagay talaga kami, 'di ba?"Helena, pwedeng ikaw na muna ang sumama kay Hash para mag deliver ng mga bulaklak? May emergency kasi sa bahay nila Keol, eh." nababahalang tanong ni Jennica.Kaagad naman akong sumang-ayon para dagdag experience na rin. Tsaka p

    Last Updated : 2024-01-12
  • Home Run In Love    Chapter 4

    Kiana's POVNandito ako ngayon sa bahay ko. Mag-isa lang ako for the meantime. Bumalik na kasi sa Russia si Vlad at mananatili siya do'n for a few months.Pwede naman akong sumama, pero ayoko namang iwanan ang shop. Syempre, hindi ako magpapaka head over heels sa boyfriend ko, 'no. Mahal ko siya, pero kailangan ko pa rin naman siyang bigyan ng space. Duh...Well, it's a good thing our bestfriend Kelvin has arrived last week. Hindi ko pa siya nakikita kasi kahapon lang ako nakauwi mula sa Palawan. Sinulit na kasi namin ni Vlad ang natitirang linggo niya rito sa Pilipinas. Biglang tumunog ang cellphone ko pero tinatamad akong kunin ito. Gusto ko pa kasing matulog sana, eh."Kiana, buhay ka pa naman siguro, 'no?" sarkastikong tanong ni Kelvin sa kabilang linya."Ano ba...matutulog pa ako," saad ko at saka ibinaba ang telepono.Sobrang inaantok pa rin kasi talaga ako, eh.(After five minutes...)"Kiana!" Napabalikwas ako mula sa kama dahil sa sigaw na 'yun at sunod-sunod na pagkatok sa p

    Last Updated : 2024-02-04
  • Home Run In Love    Chapter 5

    Third Person's POVBagama't ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong pormal na magpakilala sa isa't isa, madaling nagkasundo sina Helena at Heeton. "So this is a jeepney? I've always seen this vehicle, but never really got to ride one until now." Manghang tugon ng binata.Ang jeepney na nirentahan ni Helena ay pag mamay-ari ng kanyang Tatang Bords. Ang nagmamaneho naman nito ngayon ay isa sa mga tauhan nito sa car shop."It's even spacious. Wow..." Dagdag ng binata. "That's because there's only the two of us here.""I see." Sagot niya habang tumatango-tango."You're popular, so this is the safest option we have when riding a jeepney. Besides, isn't it great that you can enjoy sightseeing without worrying about other people?""Mhm. Thank you for your thoughtfulness, although I am not on the celebrity level of popularity. Haha!"Ang unang pinuntahan ng dalawa ay ang pinakasikat na hardin sa syudad, ang Sinta Jardin. Ito'y ilang metro lamang ang kalayuan mula sa Johanne's Gardining kung sa

    Last Updated : 2024-02-11

Latest chapter

  • Home Run In Love    CHAPTER 7

    THIRD PERSON'S POV"Ate? Nariyan ka ba?"Nang walang sumagot ay dumiretso na lamang si Helena sa kanyang kwarto upang ilapag ang kanyang mga gamit. Kakauwi niya lamang mula sa bahay ng kaniyang mga magulang kung kaya't pagod na pagod ito."Oh?! Hindi ko napansin ang mga paper bags na 'yan kanina ah? Ang dami naman!" gulat na bulalas nito nang makabalik sa sala.Napansin niya ang sticky note na nakadikit sa pinakamalaking paper bag at binasa ang nakasulat.-Kelvin bought all of these for you. Pambawi niya raw during the times he wasn't around.-"Kelvin?! Eh wala ngang kaso sa'kin na nasa abroad siya kasi ayun naman ang goal niya sa buhay." Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at saka isa-isang binuksan ang mga paper bags. "Wow! Ang cute naman nitong plushie. Bakit kaya dinosaur? Mukha ba akong dinosaur?" Magkakaiba ang laman ng bawat paper bag. May mga damit, sapatos, alahas, at mga pagkain. Ang ipinagtataka lamang ni Helena ay kung bakit saktong sakto ang sukat ng mga damit at

  • Home Run In Love    Chapter 6

    Helena's POVNandito ako ngayon sa bahay namin. Sa bahay nila mama kung saan nakatira rin ang aking mga kuya at ang pamilya nila. Sinadya talagang ipagawa nila kuya ang second floor para raw may kasama palagi sina mama at papa rito sa bahay."Len, bakit ngayon ka lang dumalaw? Miss na miss ka na ng mga pamangkin mo," bungad ni kuya Jiqel, ang pangalawa sa aming magkakapatid."Ang kulit nila, nakakaubos ng enerhiya." Ang totoo niyan ay matagal ko naman na talagang gustong dumalaw dito sa bahay, pero nahihiya ako kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasiguraduhan sa buhay. Papalit-palit lang ako ng trabaho, hindi katulad ng mga kapatid ko na matagal na sa trabaho nila. "Anak, ang tagal mo namang magpakita. Sobrang na-miss kita, ah!" mangiyak-ngiyak na panimula ni mama nang makarating ako sa kusina."Ma, pasensya ka na. Nahihiya akong bumalik dito kasi hindi ko pa rin nahahanap ang purpose ko sa mundong 'to, kaya pati pagtuturo ay binitawan ko. Ma, sorry talaga kasi hindi ako katu

  • Home Run In Love    Chapter 5

    Third Person's POVBagama't ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong pormal na magpakilala sa isa't isa, madaling nagkasundo sina Helena at Heeton. "So this is a jeepney? I've always seen this vehicle, but never really got to ride one until now." Manghang tugon ng binata.Ang jeepney na nirentahan ni Helena ay pag mamay-ari ng kanyang Tatang Bords. Ang nagmamaneho naman nito ngayon ay isa sa mga tauhan nito sa car shop."It's even spacious. Wow..." Dagdag ng binata. "That's because there's only the two of us here.""I see." Sagot niya habang tumatango-tango."You're popular, so this is the safest option we have when riding a jeepney. Besides, isn't it great that you can enjoy sightseeing without worrying about other people?""Mhm. Thank you for your thoughtfulness, although I am not on the celebrity level of popularity. Haha!"Ang unang pinuntahan ng dalawa ay ang pinakasikat na hardin sa syudad, ang Sinta Jardin. Ito'y ilang metro lamang ang kalayuan mula sa Johanne's Gardining kung sa

  • Home Run In Love    Chapter 4

    Kiana's POVNandito ako ngayon sa bahay ko. Mag-isa lang ako for the meantime. Bumalik na kasi sa Russia si Vlad at mananatili siya do'n for a few months.Pwede naman akong sumama, pero ayoko namang iwanan ang shop. Syempre, hindi ako magpapaka head over heels sa boyfriend ko, 'no. Mahal ko siya, pero kailangan ko pa rin naman siyang bigyan ng space. Duh...Well, it's a good thing our bestfriend Kelvin has arrived last week. Hindi ko pa siya nakikita kasi kahapon lang ako nakauwi mula sa Palawan. Sinulit na kasi namin ni Vlad ang natitirang linggo niya rito sa Pilipinas. Biglang tumunog ang cellphone ko pero tinatamad akong kunin ito. Gusto ko pa kasing matulog sana, eh."Kiana, buhay ka pa naman siguro, 'no?" sarkastikong tanong ni Kelvin sa kabilang linya."Ano ba...matutulog pa ako," saad ko at saka ibinaba ang telepono.Sobrang inaantok pa rin kasi talaga ako, eh.(After five minutes...)"Kiana!" Napabalikwas ako mula sa kama dahil sa sigaw na 'yun at sunod-sunod na pagkatok sa p

  • Home Run In Love    Chapter 3

    Helena's POV Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagsimula akong magtrabaho sa flower shop. My honest thought about it? Amazing! Kahit pa madalas na dagsaan ang customers, hindi ako umabot sa punto na parang maiiyak ako dahil sa stress. Tatlong beses din pala akong pabalik-balik sa night karenderyang pinuntahan ko last week. Totoo naman din pala kasi na masarap talaga ang mga pagkain nila. Ang nakakatawa pa ay sa tuwing pumupunta ako do'n para kumain, palagi namang kinukwento sa akin ng may-ari ang apo niya. Aba't ang ate girl niyo siyempre pangiti-ngiti na lang din. Paano ba naman kasi, kahit ilang beses na niyang naikuwento ang apo niya ay hindi ko pa rin ito nakikilala sa personal. Oh, eh paano ko nga naman masasabi kung bagay talaga kami, 'di ba?"Helena, pwedeng ikaw na muna ang sumama kay Hash para mag deliver ng mga bulaklak? May emergency kasi sa bahay nila Keol, eh." nababahalang tanong ni Jennica.Kaagad naman akong sumang-ayon para dagdag experience na rin. Tsaka p

  • Home Run In Love    Chapter 2

    Helena's POV"Goodmorning, Jennica," pagbati ko sa manager ng flower shop ni Kiana."Goodmorning, Helena. First day mo ngayon?""Oo. Kinakabahan na nga ako kasi baka magkamali ako, eh.""Hindi 'yan. At kung magkamali man, nandito naman ako para tulungan ka. Sa cashier ka nga pala naka assign pero pwede ka rin namang mag assist sa mga customers if they need help.""Maraming salamat talaga."Masyado pang maaga kaya naman ay wala pang masyadong customer. Napaka aliwalas ng flower shop. Napaka kalmado rin ng paligid kaya ang sarap mag trabaho.(Sa Isang Sulyap Mo by Myrus playing...)"Goodmorning mi--""Oh?" gulat na saad ko nang makita ang lalaking nakausap ko kahapon."You were that p-person I asked yesterday, right?" hindi makapaniwalang tanong niya."Yes, that was me.""Right! I'm here to buy some f-flowers.""What kind of flowers do you want?""Can y-you recommend a flower that I can offer to my deceased grandmother?" Nagulat ako sa tanong niya. Deceased? Grandmother? Patay na ang lo

  • Home Run In Love    CHAPTER 1

    Helena's POVAt what age do people usually figure their life out? Kasi ako, I'm already twenty-six pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. People say you don't have to rush and worry about anything because you are where you are meant to be at the moment. Eh, paano kung hindi ako kuntento sa kung nasaan ako ngayon?Aba! Hindi rin kaya madaling pigilan ang sarili mo na mabahala sa mga bagay-bagay. Lalo na't alam kong wala namang kasiguraduhan sa buhay."Another resignation letter? Ano ka ba naman, Helena! Kailan ka ba tatagal sa isang trabaho?" dismayadong tanong ng ate ko na kakapasok lang sa kwarto ko."Hayaan mo na ako, ate. Hindi ko talaga ramdam na buo ako kapag nagtuturo, eh. Ayaw ko rin namang ipilit pa," pag reklamo ko naman."Oh, tapos? Anong balak mo ngayon? Anong trabaho na naman ang papasukin mo at aayawan nang wala pang isang taon?"Inismiran ko siya saka dinamp

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status