Helena's POV
At what age do people usually figure their life out?Kasi ako, I'm already twenty-six pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.People say you don't have to rush and worry about anything because you are where you are meant to be at the moment. Eh, paano kung hindi ako kuntento sa kung nasaan ako ngayon?Aba! Hindi rin kaya madaling pigilan ang sarili mo na mabahala sa mga bagay-bagay. Lalo na't alam kong wala namang kasiguraduhan sa buhay."Another resignation letter? Ano ka ba naman, Helena! Kailan ka ba tatagal sa isang trabaho?" dismayadong tanong ng ate ko na kakapasok lang sa kwarto ko."Hayaan mo na ako, ate. Hindi ko talaga ramdam na buo ako kapag nagtuturo, eh. Ayaw ko rin namang ipilit pa," pag reklamo ko naman."Oh, tapos? Anong balak mo ngayon? Anong trabaho na naman ang papasukin mo at aayawan nang wala pang isang taon?"Inismiran ko siya saka dinampot ang resignation letter ko mula sa mga kamay niya."Doon na muna ako sa flower shop ng kaibigan ko. Marami namang customers 'yun tsaka maaliwalas ang paligid. Alam mo na, iwas stress.""Ha! Ewan ko ba sa'yo, Helena. Kapag ikaw nagsawa na naman do'n sa flower shop, ibabalik na kita kila mama," pagsuko niya bago padabog na lumabas sa kwarto.Oo, dito ako nakatira sa unit niya. Madalas naman siyang wala, kaya kinulit ko siya na dito na lang ako tutuloy. Paano ba naman kasi, napakagulo do'n sa bahay nila mama. Marami kasi akong mga pamangkin kaya araw-araw maingay at makalat.Huminga ako nang malalim bago isinakbit ang bag sa balikat ko.Kahit na gulong-gulo ako sa mga batang tinuruan ko ng halos anim na buwan, mamimiss ko pa rin naman sila."Sa'n po tayo ma'am?" tanong ng taxi driver."Sa Crimson Blaze Academy po kuya."May sasakyan ako, pero kinailangan kong iwanan sa school kahapon. Nasiraan kasi ako, at saka iyong mekaniko ay bandang alas singko pa ng hapon darating pero may lakad pa ako ng alas kwatro. Kaya ayun, ibinilin ko na lang kay manong guard. May tiwala naman ako sa kanya kasi mabuting tao naman siya.Habang nasa biyahe ay napapaisip ako kung gaano katagal ba akong magtatrabaho sa flower shop ng kaibigan ko. Siya mismo ang nag offer na do'n na muna ako mag trabaho habang inaalam ko kung paano mapapakinabangan ang buhay ko. Napaka swerte ko sa kaibigan ko, sobra.Nang huminto ang taxi dahil sa red light ay nabaling ang atensyon ko sa mga batang naglalako ng kakanin. Siguro nasa anim o pitong taon na sila.Ang sarap sa pakiramdam maging bata. 'Yun ay kung wala kang ibang inaalala kung 'di ang pagiging bata at paglalaro lamang. Kawawa ang mga batang hindi na nga ginusto o nagdesisyon na ipanganak sa mundong 'to, napunta pa sa pamilyang lugmok sa kahirapan.Isang minuto pa bago maging berde ulit ang traffic light."Psst! Mga bata, pabili ako," pagkuha ko sa atensyon nila.Kaagad naman silang napangiti at lumapit.Cassava cake at bibingka ang ibinebenta nila. Mayroon din silang ibinebentang shakoy na siya nga namang paborito ko.Bumili ako ng sampung piraso ng paninda nila. Tuwang-tuwa ang mga bata maging sa pag-alis nila. Ang kalahati ng pinamili ko ay ibinigay ko kay kuyang driver nang sa gano'n ay may makain siya habang namamasada."Mahilig po ba kayo sa bata ma'am?" inosenteng tanong ni kuyang driver.Hindi? I mean, wala naman akong problema sa mga bata. Siguro hindi ko lang gusto kapag masyado silang magulo at maingay, pero naiintindihan ko rin naman na natural na sa kanila ang gano'n."Hindi po, pero wala rin naman akong problema sa kanila.""Pero kung ako po ang tatanungin ma'am, mukha po kayong tita na paborito ng mga bata. Hehe.""Gano'n po ba? Naku! Salamat po."I used to disagree with people who compliment me. Then as I reflected, madalas sa compliments na natatanggap ko ay totoo nga. Kaya ayun, instead of saying 'hindi ah' or 'hindi naman', nagpapasalamat na ako kapag pinupuri ng ibang tao. "Ito po ang bayad kuya. Salamat po.""Walang anuman ma'am. Ingat po."May mga napag-usapan din kami ni kuyang driver kanina. Naikwento niya pa nga na gusto raw mag-aral ng anak niya dito sa Crimson Blaze Academy kaso hindi raw practical. Kasi bukod sa mahal ang tuition, wala ring pandinig ang anak niya. Baka raw mahirapan itong makipag halubilo, at baka ma-bully pa."Goodmorning, ma'am Marjorie. Ito na nga po pala ang resignation letter ko.""Tuloy na ba talaga ang pag-alis mo? Alam mo, sobrang mamimiss ka ng mga bata.""Pasensya na po, pero hindi na po talaga magbabago ang desisyon ko."Tumango siya bago nagsalita."Naiintindihan ko, Helena. Well, sana mahanap mo na ang bagay na talagang makakapagpasaya sa'yo. Basta kapag gusto mong magturo ulit, tanggap ka pa rin namin dito.""Maraming salamat po. Sige po, mauuna na ako. Dadalawin ko po kasi saglit 'yung mga bata bago ako tuluyang umalis."Pagtango at ngiti lamang ang naging tugon niya.Sa bawat hakbang patungo sa silid aralan ng mga bata ay pabigat nang pabigat ang aking nararamdaman.Nagbitaw ako ng malalim na hininga bago kumatok sa classroom ng mga estudyante ko."Teacher Lena!""Miss Lenlen!""Mama Helena!"Samo't saring pagtawag ng mga bata sa akin.Napangiti ako nang mapakla. Mahirap din naman para sa akin ang iwanan sila, pero kinakailangan kong umalis upang mahanap ang tunay na rason kung bakit nga ba ako nabubuhay. Napamahal na rin naman ako sa mga makukulit na mga batang 'to, pero hindi na talaga pwedeng ipilit eh."Mga bata, maupo na muna kayo."Nagdadalawang isip man ay sumunod pa rin sila."Ito na ang huling araw ko rito sa school, pero may chance pa rin naman na magkikita tayo sa ibang lugar. 'Di ba?"Maluha-luhang napatangu-tango na lamang ang mga bata."Huwag na kayong malungkot. Ito oh, nagdala ako ng chocolates para sa inyo."Isa-isa ko silang binigyan ng mga chocolates na kaagad namang nakapag pabago ng mood nila."Oh! Bakit mainit ka, Hannah? May lagnat ka ba?" Nag-aalalang tanong ko.Tumango siya bilang sagot. Ang kanyang mga mata'y matamlay."Bakit ka pumasok kahit na may lagnat ka? Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay niyo.""Teacher Lena, gusto niya po kasing makita kayo. Natatakot po siya na baka ito na talaga ang huling pagkikita niyo kaya ayaw niyang palagpasin ang araw na ito nang hindi ka nakikita," paliwanag ni Grace na katabi niya sa upuan.Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong naluha at niyakap nang mahigpit si Hannah.Hindi ko akalaing ganito niya ako kamahal bilang guro nila. Na kahit may sakit siya'y ininda niya ito makita lamang ako sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot. Mahirap pala talagang lisanin ang mga batang napamahal na sa'yo at minahal mo na rin.Nang dumating na ang gurong papalit sa akin ay nagpa-alam na ako kaagad sa mga bata. Baka lalo lang silang umiyak kapag nagtagal pa ako, eh. Grade three pa lang sila kaya mababaw pa ang luha ng karamihan sa kanila."Ikaw na bahala sa kanila, ma'am Jen."Ngumiti siya at saka tinapik ang balikat ko. Rinig ko pa rin ang paghagulgol ng mga bata kahit nasa labas na ako ng classroom.Tatambay na muna ako sa paborito kong café bago bumalik sa unit. Imbes kasi na mag palpitate, ay kumakalma ako kapag umiinom ng kape. Lalo na ang iced coffee.Naayos na rin pala ang sasakyan ko. Binigyan ko rin ng tip si manong guard dahil sa serbisyong tapat niya."Ano pong order niyo ma'am?""Isang Iced Americano at isang carrot cake po.""That would be 165 ma'am. Dine in po kayo?""Yes po.""Okay, we'll serve your order in a minute ma'am.""Thank you."Pumwesto ako sa may bintana upang mapagmasdan ang magandang tanawin sa labas. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag tumitingin ako sa masaganang kapaligiran. Iyon bang maraming punong kahoy at iba't-ibang mga halaman."Here's your order ma'am. Enjoy.""Thank you."Hoo! Kailangan ko talaga itong tapang ng iced americano ngayon. Hindi naman kasi ako pwedeng mag mukmok na lang buong araw porke't malungkot ako dahil sa resignation ko.Hindi pa man din ako nagtatagal dito sa coffee shop ay napag isipan kong lumipat ng pwesto sa labas. Hindi naman mainit tsaka presko naman ang hangin dito sa lugar namin.Paupo na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag ang kaibigan ko. Iyong nag offer sa akin na magtrabaho muna sa flower shop niya."Hello, Kiana?""Helena! Free ka ba today? Pasama ako, please," saad niya sa kabilang linya."Ah, oo. Katatapos ko lang magpasa ng resignation letter. May problema ba?""Wala naman. I just need you to accompany me. Makikipag meet ako sa naka match ko sa isang dating app," sagot niya at saka kinilig."Hoy Kiana! Baka scam 'yan. Naku! Kapag napahamak ka, ewan ko na lang talaga.""Kaya nga ako magpapasama, 'di ba? Sige na, please?" pangungumbinsi nito sa akin sa matinis na boses."Kadiri ka talaga, Kiana! Hindi bagay sa'yo yung matinis na boses.""Haha! So ano na nga 'te? Alas diyes na, oh. Alas onse call time namin," pagreklamo niya."Oo na. Saan ba kayo magkikita?""Sa Café Lemuarde. Pakibilisan mo ha? Baka pagdating mo, nakidnap na ako.""Paano ka maki-kidnap, eh hindi ka naman na bata.""Aba't nagawa mo pang mamilosopo, ha? Hali ka na lang kasi."Magsasalita pa sana ako kaso biglang naputol ang linya. Binabaan ako, eh. Bakit naman kasi last minute na niya sinabi 'yung tungkol sa pakikipag meet up niya.Pinabalot ko na lamang ang carrot cake ko dahil sayang naman kung iiwan ko lang. Tsaka gutom din ako, 'no."Inday Helena! Halika bilis!""Aray! Bakit ba parang natataranta ka?""Ang gwapo niya. Gagi!"Binitawan niya ako at saka umawra sa harapan ko."Ano? Okay na ba 'tong itsura ko? Maganda na ba? Wala na bang kailangang ayusin? Ano?""Matagal ka nang maganda, 'te. Pumasok ka na nga lang do'n!"Bahagya ko siyang itinulak papunta sa entrance ng Café para matigil na siya sa pag-aalala. Kabado siya sa itsura niya, eh kung tutuusin magmumukhang normal tignan lang 'yung lalaki kapag pinagtabi silang dalawa dahil sa kagandahan niya.Kiana has always been the type to be pursued by men. While I...I was the type to be admired and that is all there is. Wala ni isang lalaki na umamin sa akin na gusto nila ako ang nagtangkang ligawan ako o seryosohin.It's not a problem though because I know what I want, and it's definitely not to settle with a man who has no plans for me, nor himself."Excuse me, m-miss?"Napabalik ako sa huwisyo nang biglang may kumausap sa'kin."Yes? How may I help you?"Shet. Gwapo."Is there any vulcanizing shop nearby?"Napaisip ako sa tanong niya. Sa pagkakaalam ko ay iyong pinaka malapit lang na vulcanizing shop dito ay 'yung kay Tatang Bords, kaibigan ni papa."Yes, there's one. You just drive straight until you see the sign of the shop Daikin then you turn to your right. The third shop after turning right is just what you're looking for."Parang nag lag yata si kuyang nagtatanong. Nakatingin lang siya sa akin at hindi sumasagot eh. Check ko na ba kung okay pa ang battery niya? Charot. Ano siya, robot? Haha!Kinaway ko ang aking kamay sa harapan niya at success! Napabalik ko siya sa tamang kaisipan. Gagi ginawa pang baliw eh, 'no? Haha!"Oh, I see. I'll get going now. Thank you m-miss."Sobrang gwapo niya. Bakat na bakat pa. Ah, 'yung biceps. Ang ganda ng build ng katawan niya. Perfect pang cuddle. Ay, ang landi! Haha!Naalala kaya no'n ang mga direksyon na sinabi ko? Baka mamaya mawala 'yun, edi naging kasalanan ko pa. Gagi.Nang mapansin kong nagkakamabutihan naman si Kiana at ang kasama niya ay pumasok muna ako sa sasakyan upang kainin ang carrot cake at mga pinamili ko kanina sa mga bata. Nagugutom talaga ako, eh.Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay tumunog ang cellphone ko at nakita kong may message mula sa ate ko."English language teacher sa South Korea?!"Maganda naman sa South Korea, pero ayaw kong mag abroad. I mean, hindi muna ngayon.Habang nag-iisip ay biglang tumawag sa cellphone ko si Kiana."Helena, may alam ka bang vulcanizing shop malapit dito? Na flat daw pala kasi ang gulong nitong ka meet-up ko.""Ah, oo. Kina Tatang Bords.""Pasama naman kami, oh. Sige na, please?""Oh sige. Sundan niyo na lang ang sasakyan ko. Nakikita mo ba?""Teka...Ayun! Oo, kitang-kita ko na ang sasakyan mo. Sige, susundan ka namin."Pagka park ko ng sasakyan ay kaagad akong bumaba upang i-check kung nakasunod ba sina Kiana. Only to witness her being taken care of by the guy she's with. Aba't sana all!"Inday Helena!" napabaling ang atensyon ko kay Tatang Bords na siyang tumawag sa pangalan ko."Tang! Magandang araw po," natutuwang sinalubong niya ako ng yakap."Magpapahangin daw po ng gulong 'yung kasama ng kaibigan ko."Itinuro ko sila Kiana na nakatayo sa likuran.Sina Tatang Bords at ang kasama ni Kiana ang nag-uusap kaya naman ay nagpaalam na ako sa bestfriend ko."Beh, una na ako. Maghahanda pa ako para sa duty ko bukas do'n sa flower shop mo.""Oh sige. Mag-iingat ka ha? Thank you pala ulit sa pagsama sa amin.""As if may iba akong choice," pagbibiro ko.Andaming ganap ngayong araw. Maglilinis pa ako sa condo ni ate pag-uwi ko.Sana talaga ay makahanap ako kaagad ng panibagong trabaho na pwede kong pasukan. Hindi na nga supportive si ate sa pag trabaho ko sa flower shop, ibabalik niya pa ako kina mama kapag hindi ako nakahanap agad ng ibang trabaho.Kaya ko namang bumili ng sarili kong condo, pero mas makakatipid ako at mapaparami ang savings ko kapag sa condo ni ate ako tutuloy. Isa pa, palagi naman siyang wala rito kaya ako na lang ang makikinabang sa condo niya. Tsaka may quarterly payment naman ako na two thousand kaya hindi na siya lugi.Helena's POV"Goodmorning, Jennica," pagbati ko sa manager ng flower shop ni Kiana."Goodmorning, Helena. First day mo ngayon?""Oo. Kinakabahan na nga ako kasi baka magkamali ako, eh.""Hindi 'yan. At kung magkamali man, nandito naman ako para tulungan ka. Sa cashier ka nga pala naka assign pero pwede ka rin namang mag assist sa mga customers if they need help.""Maraming salamat talaga."Masyado pang maaga kaya naman ay wala pang masyadong customer. Napaka aliwalas ng flower shop. Napaka kalmado rin ng paligid kaya ang sarap mag trabaho.(Sa Isang Sulyap Mo by Myrus playing...)"Goodmorning mi--""Oh?" gulat na saad ko nang makita ang lalaking nakausap ko kahapon."You were that p-person I asked yesterday, right?" hindi makapaniwalang tanong niya."Yes, that was me.""Right! I'm here to buy some f-flowers.""What kind of flowers do you want?""Can y-you recommend a flower that I can offer to my deceased grandmother?" Nagulat ako sa tanong niya. Deceased? Grandmother? Patay na ang lo
Helena's POV Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagsimula akong magtrabaho sa flower shop. My honest thought about it? Amazing! Kahit pa madalas na dagsaan ang customers, hindi ako umabot sa punto na parang maiiyak ako dahil sa stress. Tatlong beses din pala akong pabalik-balik sa night karenderyang pinuntahan ko last week. Totoo naman din pala kasi na masarap talaga ang mga pagkain nila. Ang nakakatawa pa ay sa tuwing pumupunta ako do'n para kumain, palagi namang kinukwento sa akin ng may-ari ang apo niya. Aba't ang ate girl niyo siyempre pangiti-ngiti na lang din. Paano ba naman kasi, kahit ilang beses na niyang naikuwento ang apo niya ay hindi ko pa rin ito nakikilala sa personal. Oh, eh paano ko nga naman masasabi kung bagay talaga kami, 'di ba?"Helena, pwedeng ikaw na muna ang sumama kay Hash para mag deliver ng mga bulaklak? May emergency kasi sa bahay nila Keol, eh." nababahalang tanong ni Jennica.Kaagad naman akong sumang-ayon para dagdag experience na rin. Tsaka p
Kiana's POVNandito ako ngayon sa bahay ko. Mag-isa lang ako for the meantime. Bumalik na kasi sa Russia si Vlad at mananatili siya do'n for a few months.Pwede naman akong sumama, pero ayoko namang iwanan ang shop. Syempre, hindi ako magpapaka head over heels sa boyfriend ko, 'no. Mahal ko siya, pero kailangan ko pa rin naman siyang bigyan ng space. Duh...Well, it's a good thing our bestfriend Kelvin has arrived last week. Hindi ko pa siya nakikita kasi kahapon lang ako nakauwi mula sa Palawan. Sinulit na kasi namin ni Vlad ang natitirang linggo niya rito sa Pilipinas. Biglang tumunog ang cellphone ko pero tinatamad akong kunin ito. Gusto ko pa kasing matulog sana, eh."Kiana, buhay ka pa naman siguro, 'no?" sarkastikong tanong ni Kelvin sa kabilang linya."Ano ba...matutulog pa ako," saad ko at saka ibinaba ang telepono.Sobrang inaantok pa rin kasi talaga ako, eh.(After five minutes...)"Kiana!" Napabalikwas ako mula sa kama dahil sa sigaw na 'yun at sunod-sunod na pagkatok sa p
Third Person's POVBagama't ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong pormal na magpakilala sa isa't isa, madaling nagkasundo sina Helena at Heeton. "So this is a jeepney? I've always seen this vehicle, but never really got to ride one until now." Manghang tugon ng binata.Ang jeepney na nirentahan ni Helena ay pag mamay-ari ng kanyang Tatang Bords. Ang nagmamaneho naman nito ngayon ay isa sa mga tauhan nito sa car shop."It's even spacious. Wow..." Dagdag ng binata. "That's because there's only the two of us here.""I see." Sagot niya habang tumatango-tango."You're popular, so this is the safest option we have when riding a jeepney. Besides, isn't it great that you can enjoy sightseeing without worrying about other people?""Mhm. Thank you for your thoughtfulness, although I am not on the celebrity level of popularity. Haha!"Ang unang pinuntahan ng dalawa ay ang pinakasikat na hardin sa syudad, ang Sinta Jardin. Ito'y ilang metro lamang ang kalayuan mula sa Johanne's Gardining kung sa
Helena's POVNandito ako ngayon sa bahay namin. Sa bahay nila mama kung saan nakatira rin ang aking mga kuya at ang pamilya nila. Sinadya talagang ipagawa nila kuya ang second floor para raw may kasama palagi sina mama at papa rito sa bahay."Len, bakit ngayon ka lang dumalaw? Miss na miss ka na ng mga pamangkin mo," bungad ni kuya Jiqel, ang pangalawa sa aming magkakapatid."Ang kulit nila, nakakaubos ng enerhiya." Ang totoo niyan ay matagal ko naman na talagang gustong dumalaw dito sa bahay, pero nahihiya ako kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasiguraduhan sa buhay. Papalit-palit lang ako ng trabaho, hindi katulad ng mga kapatid ko na matagal na sa trabaho nila. "Anak, ang tagal mo namang magpakita. Sobrang na-miss kita, ah!" mangiyak-ngiyak na panimula ni mama nang makarating ako sa kusina."Ma, pasensya ka na. Nahihiya akong bumalik dito kasi hindi ko pa rin nahahanap ang purpose ko sa mundong 'to, kaya pati pagtuturo ay binitawan ko. Ma, sorry talaga kasi hindi ako katu
THIRD PERSON'S POV"Ate? Nariyan ka ba?"Nang walang sumagot ay dumiretso na lamang si Helena sa kanyang kwarto upang ilapag ang kanyang mga gamit. Kakauwi niya lamang mula sa bahay ng kaniyang mga magulang kung kaya't pagod na pagod ito."Oh?! Hindi ko napansin ang mga paper bags na 'yan kanina ah? Ang dami naman!" gulat na bulalas nito nang makabalik sa sala.Napansin niya ang sticky note na nakadikit sa pinakamalaking paper bag at binasa ang nakasulat.-Kelvin bought all of these for you. Pambawi niya raw during the times he wasn't around.-"Kelvin?! Eh wala ngang kaso sa'kin na nasa abroad siya kasi ayun naman ang goal niya sa buhay." Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at saka isa-isang binuksan ang mga paper bags. "Wow! Ang cute naman nitong plushie. Bakit kaya dinosaur? Mukha ba akong dinosaur?" Magkakaiba ang laman ng bawat paper bag. May mga damit, sapatos, alahas, at mga pagkain. Ang ipinagtataka lamang ni Helena ay kung bakit saktong sakto ang sukat ng mga damit at

Helena's POV"Goodmorning, Jennica," pagbati ko sa manager ng flower shop ni Kiana."Goodmorning, Helena. First day mo ngayon?""Oo. Kinakabahan na nga ako kasi baka magkamali ako, eh.""Hindi 'yan. At kung magkamali man, nandito naman ako para tulungan ka. Sa cashier ka nga pala naka assign pero pwede ka rin namang mag assist sa mga customers if they need help.""Maraming salamat talaga."Masyado pang maaga kaya naman ay wala pang masyadong customer. Napaka aliwalas ng flower shop. Napaka kalmado rin ng paligid kaya ang sarap mag trabaho.(Sa Isang Sulyap Mo by Myrus playing...)"Goodmorning mi--""Oh?" gulat na saad ko nang makita ang lalaking nakausap ko kahapon."You were that p-person I asked yesterday, right?" hindi makapaniwalang tanong niya."Yes, that was me.""Right! I'm here to buy some f-flowers.""What kind of flowers do you want?""Can y-you recommend a flower that I can offer to my deceased grandmother?" Nagulat ako sa tanong niya. Deceased? Grandmother? Patay na ang lo
Helena's POVAt what age do people usually figure their life out? Kasi ako, I'm already twenty-six pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. People say you don't have to rush and worry about anything because you are where you are meant to be at the moment. Eh, paano kung hindi ako kuntento sa kung nasaan ako ngayon?Aba! Hindi rin kaya madaling pigilan ang sarili mo na mabahala sa mga bagay-bagay. Lalo na't alam kong wala namang kasiguraduhan sa buhay."Another resignation letter? Ano ka ba naman, Helena! Kailan ka ba tatagal sa isang trabaho?" dismayadong tanong ng ate ko na kakapasok lang sa kwarto ko."Hayaan mo na ako, ate. Hindi ko talaga ramdam na buo ako kapag nagtuturo, eh. Ayaw ko rin namang ipilit pa," pag reklamo ko naman."Oh, tapos? Anong balak mo ngayon? Anong trabaho na naman ang papasukin mo at aayawan nang wala pang isang taon?"Inismiran ko siya saka dinamp