Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili.
"Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya.
"Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas.
"Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.
Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan.
"Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan.
"Wala lang po."
Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia.
"Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata.
"Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"
Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie.
"Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.
Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga. Kinuha sa kaniya nito ang nakasabit na tote bag sa balikat.
"Lagi ka naman n'on binubwisit. Ano bang bago?" Natatawang aniya nito habang naglilipit ng ilang gamit ng bata.
Marahang umupo si Sylvia sa sofa habang pinagmamasdan ang tulog na si Sophia.
"Wala naman na si Trevor sa kumpanyang iyon. Bakit hindi ka pa umalis?"
"Buti sana kung ganoon lang iyon kadali."
"Alam mo naman nangako ako kay Sir. T, aalalayan ko ang bunso niyang kapatid," paliwanag niya at tiningnan ang hipag.
Inihagis ni Jellie ang ilang maliliit na unan sa kabilang sofa bago tuluyang sinalubong ang tingin ni Sylvia.
"Masyado kasing malakas sa iyo si Sir. T. mo e. Kaya ngayon stress ka."
Napabuntong-hininga siya, naalala niya tuloy nang hilingin ng kaniyang dating boss na alalayan ang kapatid nitong si Troye. Noong mismong araw nang kasal nito sa isang kilalang stylist na si Klaudia Labrico.
Nakilala niya si Trevor sa University. They are both one of the top students. Hindi man magka-batch at ahead man siya rito ay naging hadlang iyon para maging malapit sila.
In short they became friends despite of their differences.
Sa age, status of living and looks.
Perong parang anghel na padala ng Diyos ang binata.
He was so generous, humble, sweet and genuine man.
"Bakit naman kasi nagpakasal agad iyon 'no?" untag sa kaniya ng hipag.
Lumapit ito na may hawak na feeding bottle kay Sylvia at kinuha muli si Sophia. Siya naman ay muling tumindig habang nakasimangot.
"Hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya sa akin noon, they can't live or even breathe without each other," naiinis niyang tugon.
"Ang sabihin mo, good catch na kasi si Sir. T."
"Hindi na talaga iyon pakakawalan ng jowa no'n!" dagdag pa ni Jellie habang inaalog-alog ang batang kasulukuyang nasa bibig ang bote ng gatas.
Napatango si Sylvia, hindi niya masisisi si Klaudia. Sa angking anyo at katangian ni Trevor, aba, talagang magsisigurado ka na!
Lalo na nang sumikat ito matapos umupong CEO Ng Ledesma Company. Pero talbog ang lahat nang minsang hintayin siya nito sa labas ng kumpanyang kauna-unahan niyang pinagsilbihan.
Ang akala niya noon ay magtatapat ang binata ng pag-ibig sa kaniya. Kaya't gandang-ganda siya sa sarili habang naglalakad palapit dito.
Pero bahagya siyang nadismaya nang alukin siya ng trabaho. At iyon ang bilang sekretarya na hindi naman niya pinagsisihan.
Working with him is not like literally working.
"E, iyong boss mo ngayon, hindi mo type?"
Awtomatikong napalinga si Sylvia sa hipag habang malalim ang gitla sa noo.
"Hindi, 'no!" bayolente niyang reaskyon.
"Gwapo rin naman iyon ha?" Nakangiting panunukso ni Jellie.
"Gwapo na kung gwapo, asal hayop nga lang," walang gana niyang sagot.
Naglakad na si Sylvia patungo ng kaniyang silid. Hawak pa lang niya ang doorknob para pihitin ay muling nagpahabol ang kaniyang hipag.
"Syl, ito payo lang ha?"
"Bakit hindi ka humanap ng papa?"
"Papa? Hindi naman nawawala si Papa. Iyon nga lang nasa langit na," sagot niya at muling humarap Kay Jellie.
"Papa. Papa-ibigin ang ibig kong sabihin," pagtatama nito.
Natigilan siya at nanatiling nakatitig dito. Kahit kailan yata ay hindi sumagi sa isip niya ang ganoong bagay.
Pinaniniwalaan niya noon pa man na darating iyon.
Darating ang pag-ibig at hindi niya kailangan hanapin.
Pero 35 years na niya iyong pinanghahawakan. At sa tagal na iyon ay heto pa rin siya nag-iisa.
"Hindi ka na bumabata. Enjoy mo na 'yong buhay mo," patuloy na payo ni Jellie nang ihiga ang tulog na anak sa crib.
"Masarap magmahal at lalo na mahalin din pabalik."
"Tama ka naman diyan," mahinahong pagsang-ayon ni Sylvia habang nakatitig sa kawalan.
"E 'di, go!"
Pinilig niya ang ulo at pinagtagpo ang tingin nila ng hipag.
"May trabaho ako. Hindi ko iyon kayang mapagsabay-sabay."
Habang nakaharap sa salamin si Sylvia ay pinagmasdan niya ang kabuuan.
Katulad ng sabi ng iba, hindi naman talaga jaw dropping ang beauty niya. Hindi rin siya pangit, typical Filipina lang.
Hindi din siya out-going person. She prefer to stay inside the house. Magbasa at tumulong sa business nila ito ang ginagawa niya tuwing free sa trabaho.
Siguro iyon ang dalawang bagay na kulang kaya walang kulay ang lovelife niya.
Sa edad ngayon ay dapat nagse-settle down na siya with someone who she wanted to be with. Mayroong kahawak-kamay na batang lalake at may kargang mas batang babae.
Like her batchmates, na nakikita at madalas niyang makasalubong ang mga ito with their families.
Ayaw niyang maiingit pero hindi ba iyon naman ang pangarap ng bawat isa sa atin?
Ang makasama ang gusto nating tao at bumuo ng isang pamilya.
Bakit hindi ba niya naiisip ang ganitong kaimportanteng bagay?
Huminga ng malalim si Sylvia at itinuon ang matatapang na mga mata sa salamin.
She need to change her life for good.
She need to find her elusive destiny.
She need to find the love, the love that can't find her.
Saglit siyang natigilan , paano niya magagawa iyon kung may trabaho siyang masakit sa ulo?
"Mag-resign na kaya ako?" tanong niya sa sarili.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie."Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid."Bakit ba?!" asik niya."Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.Pa
Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa."Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya."Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapa
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan.Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan.Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo.Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi.Kaya't sino kaya ang kumakatok?Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg."Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig.Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretary
Tiningan ni Troye si Sylvia tuwid sa mga mata.Hanggang sa unti-unti niyang nilukot gamit ang isang palad ang papel. Halata naman sa hitsura ng kaniyang sekretarya ang pagkabigla sa ginawa niya."You're kidding," matatag niyang paniniwala na nakapagkunotnoo rito.Buong lakas niyang ibinato ang bumilog na papel. At tumalsik iyon sa kung saan na agad na sinundan ng tingin ng sekretarya."Anong-" halos hindi alam ni Sylvia ang sasabihin sa ginawa ng amo.Nanlalaki ang 'di lang mga mata, lahat ng may butas na parte ng katawan niya dahil sa sobra-sobrang inis."I will not accept it."Pagkatapos ng mga salitang iyon ay basta na lamang lumayas ang binata. At naiwan siya sa loob, kulang na lamang gumuho ang pinto nang isara nito ng ubod ng lakas."Ang laki mo talagang tinik sa buhay ko," naiiyak niyang usal habang salat-salat ang noo.Nagpalipas si Sylvia nang ilang segundo sa loob. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas. Nang mapihit ang seradura, at makaharap ay nakatayo ang mga kasamahan
Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid. Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras."Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.Hanggang sa matigilan siya ng kusa.Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?Saan ba siya pupunta?Saan ba siya papasok?Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahag
"Aba, ngayon ko lang yata nakita ang anak mo, Sonia!' bulalas ng suki nila sa kanilang tindahan.Ngumiti si Sylvia, at ipinagpatuloy ang paglalagay sa plastic ng mga binili nitong sinaing na tulingan. Inabot niya rito habang may matamis pa rin ngiting sa labi."Oo, huwag kang mag-alala. Madalas mo na 'yang makikita rito sa tindahan."Lumapit ang kaniyang ina sa tindahan. At sinuklian ang kaibigan nitong costumer. Pinagmamasdan pa rin siya ng ginang, tila ba pinag-aaralan ang mukha niya."May asawa na ba siya?" mahinang usisa nito kay Sonia, at lumapit pa sa kaniyang ina para siguro hindi niya marining ang tinatanong."Wala pa.""Bakit? Hindi ba, pangalawa sa panganay 'yan.""E, 'di may edad na 'yan. At pwedeng-pwede na mag-asawa," patuloy na sundot nito habang parang hahalikan na ang kaniyang ina sa sobrang lapit nito.Nagkatinginan si Slyvia, at Sonia. May kahulugan ang tingin nito dahilan para iiwas niya ang mga mata."Sige na, Sonia. Mauna na ako, at kakain pa nang pananghalian 'yo
Hilot-hilot ni Troye ang magkabilang sintido. Kahapon pa sumasakit ang ulo niya, hanggang ngayon na nasa loob na siya ng opisina.Hindi napigilan ng binata ang paglipad ng tingin sa isang pwesto ng lamesa. Lamesa, kung saan kahapon lamang ay nakaupo ang sekretarya, dating sekretarya.May naramdaman siyang bigat sa puso, ganoon na rin ang kakaibang lungkot na unti-unting nabubuhay sa kaniyang pagkatao.Ganito rin ang naramdaman niya nang pauwiin ng nakatatandang kapatid para umupo, at manahin ang kumpanya.Noon ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad, umupo bilang CEO pero wala rin siyang nagawa.Masasabi niyang nabawasan ang lungkot, at ang bigat ng kaniyang pakiramdam nang makilala si Sylvia.Ayaw niya sa sekretarya ni Trevor noong una. May pagkakataon na pinagtalunan pa nila ito magkapatid. May balak sana siyang mag-hire ng iba kaso matigas ang hindi pagpayag nito.Hindi naman niya pinagsisihan ang pinili.Natauhan lamang si Troye nang makitang lihim na sumisilip doon sina Lorie,
"Sylvia!" Paiyak na tumakbo si Lorie sa kaniya nang salubungin niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate."O, bakit?" takang tanong niya sa kaibigan habang yapos-yapos ito.Dahil hindi nasagot si Lorie kay Sylvia ay ibinato niya ang tingin sa iba pang kasamahan. Nagtatatanong ang anyo niya nang titigan si Gabe na nakaabrisyete pa kay Patrick."Naku, talo 'yan sa pustahan!""Pustahan?" ulit niya habang magkadikit ang mga kilay."Bilang mabubuti mong kaibigan at kasamahan, pinagpustahan ka namin," pagmamayabang pa ni Patrick sa kaniya, at lumapit."Wow, thank you naman. Appreciate it," sarkastiko namang anang ni Sylvia habang nakangiti nang nanggigilgil."Hindi lang ikaw, Syl!" singit ni Patrick."Sobrang proud talaga ako sa inyo. Lalo na sa iyo, Gabe. Napakabuti mong kabigan," pagkatapos ng mga litanyang iyon ay isang nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Sylvia sa kaibigang binabae."What?!" halos naibuga niya ang alak na nasa loob ng bibig matapos ikwento ni Lorie ang naging pustaha
"Hello?""O, bakit?" asik niyang tugon sa pagtawag ni Gabe sa kaniya."Highblood naman agad 'to," nagtatampong himig ng kaibigan sa kabilang linya."Bakit ka napatawag?""Ala'y kung magmamaganda ka na naman para mag-deliver ako riyan. Hay, naku, ngayon pa lang, sorry na agad!"Patuloy lamang si Sylvia sa paglilinis ng lamesa. Maaga siyang nagising para agad na makatulong sa kanilang business. Sa hapon kasi ay kailangan na niyang magpunta sa date nila ng naka-matched."Ito naman. Napakasungit!""Nag-me-menopouse ka na ba ha?"Malamlam ang mga mata niyang ibinato ang hawak na basahang kasalukuyan niyang ipunupunas sa ibabaw no'n. Tumikwas ang kilay niya habang nakapameywang."Alam mo, ikaw, Gabe!""Lumayo-layo ka sa CEO ng Ledesma Company, kasi namamana mo na 'yong ugali niya," pikon niyang wika."Joke lang!""Bakit ba ang init-init ng ulo mo?!""Minsan na nga lang maglambing sa iyo, na dalhan mo kami rito ng kape, e.""Para naman makita ka namin, miss ko na rin kasi ang chikahan natin
"Ano 'yan, ha?"Awtomatikong ibinaba, at itinago ni Sylvia ang hawak na cellphone. Bago tiningala si Sol na galing sa likuran. Itinago niya ang pagkabigla, at pilit na sumeryoso."Wa-wala," nagkakandautal niyang sagot, at inilagay sa likod ang kamay na may hawak-hawak."Wala raw?" singit ni Spike na nasa harapan nila at nakain."Ilang araw ka ng tutok na tutok diyan sa cellphone mo. Baka kung ano na 'yan, ha?" panimulang pang-aasar ng nakatatandang kapatid."Wa-wala ito, nagbabasa lang ako ng-"Napatili si Sylvia nang basta na lamang may humablot ng cellphone niya mula sa likuran. Nang tingnan niya iyon ay si Spike ang may hawak, at kinukutkut na ito."Ano ka ba?!""Akin na nga 'yan!" agaw niya.Para silang mga batang nagkakasatan sa harap ng kanilang tindahan. Binabawi niya ang gamit pero dahil mas matangkad ang bunsong kapatid ay hindi niya iyon makuha."Spike, akin na 'yan!""Make me yours, and I'll make you mine app!" malakas, at nagsasalpukang mga kilay na pagbabasa nito."Ano?"
"Benz," patamad na tawag ni Troye sa kaibigan na nakatalikod, at nag-aayos ng mga alak sa counter."Dude, whats good in the hood?" tuwang-tuwang sagot nito nang mapaharap sa kaniya.Dahil magbubukas pa ay walang masyadong customer ang bar ni Benzon. Nanatili pa rin ang blankong ekspresyon nang ihagis niya ang isang folder. Napatingin doon ang kaniyang kaibigan."Ano 'yan?" usisa nito habang may hawak na baso at pinupunasan iyon.Ang isang kamay ni Troye ay nasa loob ng bulsa. Tinatamad pa rin siyang umupo sa isa sa mga stool chair."Bakit ba ganiyan ka makatingin, galit ka ba?" nagtatakang wika ni Benzon."Why did you send that woman?" matabang niyang saad."Are you talking about, Amari?Tumango siya nang bahagya habang hindi pa rin inaalis ang mga matang walang mabasang nararamdaman niya sa loob."Cause you need a secretary, a new assistant."Nagpatuloy na si Benzon sa ginagawa. Habang siya ay nanood lamang dito. Sa maghapon na nagdaan ay pagod na pagod siya. Sa Mansion naman ay wala
Pabagsak na isinarado ni Troye ang pinto ng opisina. Inalis niya rin ang pagkakabutones ng itim na suit bago hinubad. Agad niya iyong ibinato nang ubod ng lakas sa sahig habang hingal na hingal dahil sa galit.Nagtungo siya sa glass wall, umaasang maiibasan ng magandang tanawin ang hindi niya kayang dalhin na emosyon.Bakit wala siyang makitang pagsisisi sa mukha ng dating sekretarya?Kahit konti, o lungkot man lang.Ganoon ba siya kasamang amo para hindi ma-appreciate nito ang samahan nila sa mga nakalipas na taon?"That old maid is unfair," gigil niyang bigkas."Sir!"Lumingon ang binata nang bumukas ang pinto. Pumasok si Amari sa loob habang may dalang folders."Don't you know how to knock on the door?" anas niya habang may patong-patong ang mga linya sa noo."I did, Sir. Before I went inside," kalmado nitong rason."You should wait for my response, if I will you let you in or not," pagtuturo niya rito bago inirapan.Dahil pakiramdam ng binata ay nanghihina siya ay nagtungo ito sa
Naasiwa naman si Sylvia sa pagkatitig ni Troye. Para na siyang ice cream na nalulusaw. Nang mapansin na pinagmamasdan sila nila Gabe habang pangisi-ngisi ay napilitan na siyang basagin ang katahimikan."Hi, Mr. Ledesma," alangang bati niya habang nahihiya pa rin salubungin ang tingin nito."That is inappropriate outfit," weird na sagot nito, at pinasadahan pa siya ng tingin.Na-conscious naman si Sylvia, at inayos ang pagkakatindig. Muli niyang pinagtagpo ang mga mata nila."Siguro naman po, ayos lamang ito. Nag-deliver lang naman ako ng kapeng barako sa mga customer."Tumaas ang sulok ng labi ng binata. Na- disappoint siya sa narinig. Napahiya rin siya sa sarili dahil sa iniisip na bumalik na ito.Kinontrol niya ang sarili nang pumamulsa. Huminga rin siya ng malalim, inalis niya muna rito ang tingin. Binalik niya rin habang walang emosyon ang hitsura."Mauna na po ako," paalam ni Sylvia, at naglakad na."Really, you chose to deliver that coffee rather than to work for me?"Nag-reac
"Inang!" Sinipat ng tingin ni Sylvia si Sonia.May hawak itong planggana ng tubig, at bimpo. Napakunotnoo siya, tinitigan niya ang mga mata ng ina habang nagtatanong ang histura."Para saan 'yan?""Sino'ng maysakit?" sunod-sunod niyang usisa."Si Spike, nilalagnat.""Areng bata!" nababahala niyang bulalas kasabay nang pagbaling ng tingin sa nakasaradong pinto ng bunso."Bumaba ka muna roon, at magtinda. Tulungan mo si Kuya Sol mo sa pagtitinda," utos ng kaniyang ina."Sige po."Nang pumasok na si Sonia ay saglit niyang sinilip si Spike, tulog ito kaya minabuti niya na lamang lumabas. Tumulong sa kapatid at asawa nito."Kuya!""Nasaan si Ate Jellie, atsaka si Sophia?"Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mga customer pero wala ang hipag, at pamangkin."Dinala saglit ni Jellie roon sa kaibigan niya. Ninang kasi iyon ni Sophia," paliwanag nito habang busy sa pag-aayos ng tindahan."Eto nga pala!"Napilitan si Sylvia na abutin ang inabot nitong isang plastic na may mga kape. Umangat an
Napangiti sa inis si Sylvia, at tumikhim pagkatapos. Tumikwas ang kilay niya habang kulang na lamang ay malusaw ang tinititigan niyang dako."Ano?""Hindi ka ba sasagot?!""Excuse me?" yamot niyang saad."What?" palaban pa rin sagot nito sa kabilang linya na lalo niyang ikinapika."Puwede ho ba, huwag ninyo akong ma-what, what diyan."Naging mahigpit ang kapit ni Troye sa cellphone. Kasalukuyang siyang nasa second floor ng bar ng kaibigang si Benzon. Nakaupo siya sa sala nito habang may kaharap na beer."Hey, you-"Hindi na pinatapos ni Sylvia ang gigil na tono ng kaniyang dating boss."Mr. Ledesma, mukhang mali po kayo ng na-dialed na numero," nagtitimpi niyang bigkas."Nah. I didn't."Nagdikit agad ang kilay niya sa isinagot nito. Sinilip pa niya sandali ang screen ng cellphone."You listen, Sylvia Dimaculangan."Tumindig si Troye, hinawi ang suot na suit sa parteng balakang bago pumeywang ang isang kamay. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niyang tawagan ang sekretarya ngay
"Ano na?" mahinang tanong ni Sylvia habang tensyonadong kaharap ang hipag na si Jellie.May pagkakataon na silang mag-usap. Wala ng tao sa paligid, ganoon na rin ang pamilya nila, may kalaliman na kasi ang gabi. Doon lamang sila nakakuha ng oras para masinsinang magplano."Okay, may offer ako sa iyo."Tumango si Sylvia habang nakadukwang sa lamesa. Magkadaupan ang mga palad niyang nasa ibabaw ng mesa. Intense siyang naghihintay sa pahayag ng hipag."Heto," isang sketch book ang inilatag nito sa harapan niya. Curious siyang sumilip doon."Ito ay ang blind dates."Nilagyan ni Jellie ng bilog ang unang salita. Tumango naman siyang bahagya habang nakatitig lamang doon."Puwede kang magpareto sa mga kaibigan mo, o sa amin na puwede mong i-date. Mas exciting kung wala kang idea sa hitsura nila para may thrill ng konti," sabik na agad nitong paliwanag."Next, try mong mag-reach out sa mga dating crush mo-""No way!" angil ni Sylvia, at dumiretso nang pagkakaupo."Relax. Ito naman, i-che-chec
"Next!" sigaw ni Troye."Yes, Sir!" agad na balik-sigaw ni Gabe mula sa labas.Nagkasalubong ang unang aplikante, at ang sumunod na pumasok. Nag-ismiran pa ang mga ito, napailing na lamang ang binata. May konting irita niyang kinuha ang folder na sumunod."Good morning, Mr. Troye Matthew Ledesma."Dahil sa seryosong pagbabasa niya ay hindi siya sumagot sa babae. Binabasa niya nang husto ang nasa resume nito."Do you think this it's a good day, for me and for you, Sir?"Nagtaas sandali ng tingin si Troye dahil sa narinig. Sinipat niya ito ng tingin, maikli lamang ang buhok nito, hindi aabot sa balikat. Simpleng itim lang, may make up naman pero hindi parang a-attend ng night party.Sakto lamang para sa ka-pormalan.Ibinaba ng binata ang mga mata sa suot nito. Kahit papaano ay may nasilayan siyang konting-konting liwanag.Maayos ang suot nitong puting sweater, at slacks na kulay pula. Though, medyo inappropriate ang kulay ng ibaba nitong suot. Ang mahalaga ay wala siyang nakikitang kahi